Home NEWS

NEWS

IMG_20250216_204836_(655_x_430_pixel)

Nagpalabas ang Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order laban kay Tessa Prieto Valdes upang mapigilan ito sa pagpapahayag ng mapanirang statements laban sa dating ex-girlfriend na si Angel Chua na una na niyang kinasuhan sa Makati Prosecutor’s Office.

Batay sa isang pahinang order, inutusan ng korte si Prieto na huwag magbigay ng anumang komento sa anumang public fora na may kaugnayan sa nakabinbin na kaso.

Matatandaang nagpasaklolo ang kampo ni Chua sa korte at inaprubahan ang inihaing mosyon ni Atty Alexander Llanes Acain Jr. na humihiling na magpalabas ng gag order dahil sa sinasabing paglabag sa sub judice rule ni Prieto.

Sa ilalim ng sub judice rule, ipinagbabawal ang pagbibigay ng anumang komento o statements sa isang kaso na nakabinbin, layon nito na maprotektahan ang integridad ng legal process gayundin ang karapatan ng magkabilang partido.

Nilabag umano ni Prieto ang sub judice rule nang magpa-interview ito sa journalist na si Joan Maglipon kung saan sa nasabing panayam ay inihayag ni Prieto ang mga detalye ukol sa kaso, bukod pa dito, ang interview ay nalathala pa sa lahat ng online platform at social media accounts ng Pep online site.

Sinabi ng korte na mahalaga ang gag order upang matiyak ang “fair and impartial” legal process.

Ikinatuwa naman ni Chua, na nagmula sa isang prominente at kilalang Chinese family sa Cebu, ang ipinalabas na gag order.

“The issuance of the gag order will safeguard me from potential harassment and misinformation propagated by Prieto,” pahayag ni Chua.

Aniya, marami pang mahahalagang isyu na mas mainam na pag usapan sa halip na ang reklamo laban sa kanya na dapat tinatalakay lang sa korte at hindi sa social media.

“Gag orders could serve as a tool for others to protect themselves from the “diarrhea of the mouth” often displayed in media for self-gain and attention. There are more significant matters for the Filipino people to read about, rather than a circus that should be addressed in its “proper” venue,” giit pa ni Chua.

Iginiit ni Atty Acain, legal counsel ni Chua, na inaasahan nilang susundin ni Prieto ang ipinalabas na gag order.

“This measure is crucial for ensuring a fair legal process, allowing our client to focus on her case without the distractions of public speculation and outside interference,” pagtatapos pa ni Acain.

February 16, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250206_171109_(655_x_430_pixel)

OPISYAL nang umupo sa kani-kanilang mga puwesto ang bagong hanay ng mga opisyal ng Philippine Agricultural Journalist Inc. (PAJ) sa isang seremonya na pinangunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Niña Taduran nitong Miyerkules ng umaga.

Sa isinagawang induction ceremony sa Emancipation Lounge ng DAR sa Diliman, Quezon City, nag-pledge ng commitment at unity ang mga bagong opisyal upang mahusay na magagampanan ang kani-kanilang mga posisyon.

Binigyang-diin ng grupo ang kanilang kahandaang ipatupad ang misyon at bisyon ng PAJ, na naglalayong makapag-ambag sa adhikain ng pamahalaan na matiyak ang sapat na pagkain para sa bawat hapag-kainan ng pamilyang Pilipino.

Kabilang sa mga nanumpa sina Raymund Junia bilang presidente, Mer Layson bilang vice president for internal, Diego Cagahastian bilang vice president for external, Maria Ruby Lumongsod bilang secretary, Yovina-Claire Pauig bilang assistant secretary, at Inez Magbual bilang treasurer. Kasama rin ang mga bagong directors na sina Fermin Diaz, Ma. Evelyn Castino-Quilas, Pamela Mappala, Carolina Bermudez Manzano, Freddie Lazaro, Rommelda Batocabe, at Conrad Carino.

Samantal, ipinahayag ng mga opisyal ng PAJ ang kanilang determinasyong itaguyod ang matibay na ugnayan sa agrikultura at mas paigtingin ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa publiko kaugnay ng sektor ng agrikultura.

February 6, 2025 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20240921_215230_(655_x_430_pixel)

Humataw nang 19 na pwesto ang 106 Trabaho Party-List sa Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey na inilabas ng Social Weather Stations kahapon.

Mula sa pagiging top 54-55 noong December 2024 ay naging top 36 na ngayong January 2025 ang Trabaho Party-List sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo.

Sang-ayon sa resulta ng survey ay nagpasalamat ang Trabaho Party-List sa opisyal nitong Facebook page: “Isang malaking tagumpay po na nagpapakita ng tiwala ang mga manggagawa sa ating layunin. Maraming salamat po!”

Ang pag-angat ng Trabaho Party-List ay tumugma rin sa mga hinahanap na prayoridad ng 1,800 botante na nakilahok sa SWS survey tulad ng mas marami pang oportunidad sa trabaho, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at karapatan ng mga manggagawa.

Nakilala ang Trabaho Party-List sa pagsusulong ng mga plataporma nitong kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, dagdag na benepisyo para sa bawat manggagawa, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

Kamakailan lamang ay nanawagan ang Trabaho Party-List na bigyang prayoridad ang job security at pagtaas ng sahod kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Nauunawaan namin ang pangangailangang tugunan ang presyon ng inflation, ngunit hindi natin maaaring balewalain ang katotohanang milyon-milyong manggagawa sa Pilipinas ay namumuhay na lamang from paycheck to paycheck,” pahayag ni Trabaho Party-List spokesperson Atty. Mitchell Espiritu.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula January 17 hanggang 20 sa pamamagitan ng personal at harapang panayam sa mga botante mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas: 300 sa Metro Manila, 900 sa iba pang mga bahagi ng Luzon, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.

February 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
4M WALANG TRABAHO

Umakyat ng 19 na pwesto sa Stratbase-SWS January 2025 pre-election survey ang Trabaho Partylist na inilabas ng Social Weather Stations
Nabatid na mula sa pagiging rank 54-55 noong Disyembre 2024 ay naging top 36 na ngayong Enero 2025 ang Trabaho sa mga napipisil na iboto ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo.

“Isang malaking tagumpay po na nagpapakita ng tiwala ang mga manggagawa sa ating layunin. Maraming salamat po!”, pahayag ng Trabaho Partylist sa opisyal nitong Facebook page.

Ang pagtaas ng Trabaho Partylist ay tumugma rin sa mga hinahanap na plataporma ng mga botante na nakilahok sa SWS survey tulad ng mas marami pang oportunidad sa trabaho, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at karapatan ng mga manggagawa.

Nakilala ang Trabaho Partylist sa pagsusulong ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

Kamakailan lamang ay mainit na tinanggap ng libu-libong tao si Melai Cantiveros-Francisco, endorser ng Trabaho Partylist, sa pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival 2025 sa Kalibo, Aklan, noong Enero 17.

“Ako po si Melai Cantiveros-Francisco at ako po ang inyong bagong ka-trabaho! Magiging kaagapay ng Trabaho Partylist para sa pagsulong ng karapatan, kapakanan, at marangal na buhay ng mga manggagawang Pilipino,” pagpapakilala ng nasabing artista sa kanyang bagong gagampanang trabaho bilang ambassador.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Enero 17 hanggang 20 sa pamamagitan ng personal at harapang panayam sa mga 1,800 botante mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas: 300 sa Metro Manila, 900 sa iba pang mga bahagi ng Luzon, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.

February 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
zaldy co

Ikinalugod ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte ang pagkakatanggal kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co bilang pinuno ng House Committee on Appropriations.

Ayon sa grupo, ‘karma’ umano ang nangyaring ito sa kanya dahil sa mga tirada ng mambabatas laban kay Vice President Sara Duterte.

Maaalalang inalis si Co bilang chairperson ng committee on appropriations noong Enero 13 matapos ang mosyon ni Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na ideklarang bakante na ang nasabing posisyon.

Mabilis naman itong inaprubahan ni House Speaker Martin Romualdez.

Nabatid na sa parehong araw, naglabas naman ng pahayag si Co na nagsasabing nagbitiw siya sa puwesto dahil sa health concerns, na ayon sa mga netizens, ay paraan niya para ‘iligtas ang sarili’ sa kahihiyan dahil sa mga kontrobersiya sa national budget kamakailan.

Si Co ay kilalang kritiko ni Duterte.

Kung matatandaan, nagkaroon ng ‘word war’ ang dalawa dahil sa pambabatikos ni Co sa confidential funds ng opisina ni Duterte kung saan hinamon pa ng mamababatas ang bise presidente na ibalik ang umano’y ibinulsang pondo.

“Sunod-sunod na ang karma at pagkawatak-watak ng mga buwaya sa Kongreso. Malapit na ang katapusan ninyo,” komento ng isang netizen sa social media.

Kasabay nito, pinuri ng ilang netizens ang pagkakatanggal ni Co sa puwesto, at sinabing matagal na itong tapos dahil sa umano’y mga anomalya sa pagpasa ng 2025 national budget.

Nag-veto ng P194 bilyon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng mga line items na itinuring niyang hindi alinsunod sa kanilang programmed priorities nang pirmahan niya ang national budget noong nakaraang taon.

Iginiit din ng ibang netizens na panahon na rin para imbestigahan si Co tulad ng ginawa niya kay Duterte dahil sa umano’y naugnay siya sa iba pang malalaking iskandalo sa katiwalian, kabilang ang sinasabing kaso ng Pharmally.

January 23, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250122_070456_(655_x_430_pixel)

UMARANGKADA na ang mga hakbang ni Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo para pagsasama-samahin ang mga political supports bago ang 2025 midterm elections.

Ito’y sa pamamagitan nang pagdalo sa Sinulog Festival sa Cebu City.

Si Lagdameo ang kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikipagpulong sa mga key lawmakers at government candidates mula sa lahat ng bahagi ng bansa na inaasahan niyang hudyat ng pagkakaisa para sa mga kandidato ng administrasyon.

“It is important to have a unified call with other political players, especially as the country faces political divisions. Unity is key to ensuring that we continue to move forward as a nation,” pahayag ni Lagdameo.

Sa pagsisimula sa Sinulog Festival, na umaakit ng milyun-milyong Pinoy at key political players kada taon, sinabi ni Lagdameo na nagkaroon din siya ng pagkakataon na iparating ang layunin ng administrasyon na makamit ang pagkakaisa at kasaganaan.

Si Lagdameo ay nakipag-usap sa iba’t ibang pulitiko, tinasahan ang kanilang local situations at sinuportahan sila sa ilalim ng nagkakaisang layunin, ilang linggo bago ang simula ng campaign period.

Nabatid na ang iba pang political figures na nakaharap ni Lagdameo ay sina Cebu Governor Gwen Garcia, Mayor Raymond Alvin Garcia, Senator JV Ejercito, Deputy Speaker Camille Villar, Office of the Presidential Assistant for the Visayas Usec. Terence Calatrava, Negros Oriental Governor Chaco Sagarbarria, dating Senador Kiko Pangilinan at maybahay nito na si Sharon Cuneta.

January 22, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
sampaguita vendor

Walang planong magsampa ng kaso ang pamilya ng sampaguita vendor na sapilitang itinaboy ng isang security guard sa isang mall sa EDSA.

Ito ayon sa Department of Social Welfare and Development ay matapos nilang matunton ang tahanan ng dalawampu’t dalawang taong gulang na sampaguita vendor.

Sinabi ng DSWD na nakatira ang nasabing estudyante sa Barangay Baesa, Quezon City.

Paliwanag ng ina ng sampaguita vendor, iniintindi nito ang kalagayan ng security guard at baka mahirap din aniya ito kagaya nila.

Bagamat, aminado itong nagalit sa security guard. - sa panulat ni John Riz Calata

January 18, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
construction workers

Naglabas ng ulat ang World Bank tungkol sa pagdami ng mga negosyo na unti-unting pinapalitan ang mga high-skilled workers ng generative artificial intelligence (GenAI), na maaaring makaapekto sa humigit-kumulang 30 porsyento ng mga manggagawa sa sektor ng serbisyo sa Pilipinas.

Giit ng World Bank, nagdudulot ito ng mataas na pangangailangan para sa mga low-skilled workers dahil sa mas mababang sahod, kaya’t maaaring bumaba sa 4 porsyento ang bilang ng mga high-skilled workers sa mga sektor tulad ng finance at business management.

Matatandaang tinukoy ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa kanyang pahayag na bagamat wala pang opisyal na datos tungkol sa pagkawala ng trabaho dahil sa GenAI, may mga manggagawa nang naaapektuhan nito. Batay sa mga pagtataya ng industriya, mahigit kumulang nasa 300,000 Pilipino ang maaaring maapektuhan sa susunod na limang taon.

Sabi naman sa ulat ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), 8 porsyento ng kanilang mga miyembro ang nag-ulat ng pagbawas sa bilang ng mga empleyado dahil sa GenAI. Gayunpaman, sinabi ng IBPAP na hindi tataas ang bilang ng mga nawawalan ng trabaho sa AI kung magsasagawa ang mga kumpanya ng mga programa para sa upskilling ng kanilang mga empleyado.

Sa kabilang banda, binigyang-diin ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, na ang kanilang grupo ay mangunguna sa mga hakbang upang maibsan ang pagkawala ng trabaho sa pamamagitan ng mga legislative at policy measures na magbibigay proteksyon sa mga apektadong manggagawa sa mga technology-driven na workplace.

Kabilang sa mga hakbang na ito ang upskilling, reskilling, pagtukoy sa mga kakulangan sa kasanayan at talento, pagpapalawak ng mga bagong oportunidad sa trabaho, at paghahanda sa mga manggagawa upang mag-adapt sa mabilis na pagbabago ng digital na kalakaran sa mga lugar ng trabaho, dagdag pa ni Atty. Espiritu. Ayon din sa TRABAHO Partylist, sisilipin ng grupo kung maaaring itaas ang separation pay ng mga manggagawa na maaapektuhan ng pagtatanggal sa trabaho dahil sa GenAI.

Ipinahayag din ni Atty. Espiritu na nakatuon ang TRABAHO Partylist sa pagtugon sa kakulangan sa kasanayan ng mga estudyanteng nagtapos at mga manggagawang makikinabang mula sa bagong mga kasanayan o job skills. Ibinahagi nila na makikipag-ugnayan sila sa mga ahensya tulad ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang matugunan ang mga pangangailangan sa kasanayan.

Aniya, hindi laban ang kanilang grupo sa pag-usbong ng teknolohiya, ngunit prayoridad nila ang karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga mekanismo na magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa at maghahanda sa kanila sa mga pagbabago na hinaharap, upang matiyak na walang maiiwan habang patuloy na umuunlad ang bansa.

Sinabi rin ni Atty. Espiritu na layunin ng TRABAHO Partylist na magtaguyod ng positibo at proaktibong kolaborasyon sa pagitan ng gobyerno, mga negosyo, at mga grupo ng manggagawa upang protektahan at magbigay ng kakayahan sa mga manggagawa sa gitna ng mga banta at hamon ng GenAI at mabilis na pagbabagong dulot ng teknolohiya sa lugar ng trabaho.

January 17, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
zaldy co

Ikinatuwa umano ng mga netizens ang pagkakasibak kay Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang pinuno ng House Committee on Appropriations.

Ito’y matapos ipanukala ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na gawing bakante ang pwesto ng appropriations committee chair na inaprubahan din ni House Speaker Martin Romualdez.

Opisyal na tinanggalan si Co ng kanyang titulo bilang lider ng komite sa muling pagbubukas ng sesyon Kongreso noong Lunes, Enero 13.

Nagbitiw din naman ng pahayag si Co noong Lunes at sinabing kusa niyang binakante ang kanyang posisyon para tutukan ang kalusugan na tingin ng ilang mga netizen ay paraan lamang ng mambabatas upang isalba ang sarili sa kahihiyan matapos patalsikin sa pwesto.

Unang naging mainit sa paningin ng ilang mga personalidad si Co sa gitna ng taong 2024 dahil umano sa mga kuwestiyonableng pinaglalaanan ng pondo para sa 2025 budget.

“Drama lang yan. Nag-resign. Maggamit na naman sila ng iba para makaiwas sa batikos,” saad ng isang netizen sa Facebook.

“…bakit nag-resign sa komite lang. Kung talagang kalusugan niya ang dahilan, dapat sa pagka- kongresman siya nag-resign. Nag-resign nga ba o tinanggal? Dapat nag-resign o baba na rin sa pagka-speaker ‘yang si tambaloslos,” dagdag pa ng isa.

Samantala, itinanggi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatalsik kay Co sa pwesto.

January 16, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BARMM ELECTION

Makaraan ang maraming panawagan mula sa iba’t ibang stakeholders na suspindehin ang unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), tila wala pang plano ang Senado na isabatas ang panukala ilang buwan bago ang eleksiyon.

Sa records naman ng Senado, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang hearing na itinakda upang talakayin ang bill gayong ang counterpart measure nito ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

Ang sessions ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay hanggang February 8 na lamang bago mag-break upang bigyang-daan ang 2025 midterm election campaign period.

Ang 19th Congress ay magre-reconvene sa June 2 hanggang June 13, at pagkatapos ay mag-a-adjourn sine die ito.

Ang counterpart bill ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa noong December 17, 2024.

Noong November 2024 ay naghain si Senate President Chiz Escudero ng isang bill upang ipormalisa ang kanyang panukala na ipagpaliban ang BARMM parliamentary elections.

Nagpahayag ng suporta ang BARMM stakeholders at public officials sa pagpapaliban ng 2025 elections sa rehiyon, subalit nananatiling tahimik ang Senado sa naturang panukala gayong ilang buwan na lamang ay aarangkada na ang halalan na sa Mayo.

Patuloy na nananawagan ang mga grupo at stakeholder sa Senado na aksiyunan ang nasabing bill.

“This purposeful resetting is intended to ensure that the electoral process is conducted with integrity and safeguards the fundamental right of suffrage by creating the conditions indispensable for its meaningful exercise,” wika nina Basilan Gov. Jim Hataman Salliman, Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong Jr., Maguindanao del Norte Gov. Abdulraof Macacua at Tawi-Tawi Gov. Yshmael Sali previously sa isang joint statement.

Nanindigan ang mga governor na walang kinalaman ang politika sa kanilang panawagan dahil responsibilidad ng Kongreso na isaalang-alang ang kapakanan ng mga residente ng BARMM.

Nasa 10 Basilan mayors, kabilang sina Roderick Furigay ng Lamitan City, Nasser Abubakar ng Lantawan, Moner Manisan ng Tabuan Lasa, Jomar Maturan ng Ungkaya Pukan, Jaydeefar Lajid ng Albarka, Alih Sali ng Akbar, Arsina Kahing-Nanoh ng Muhtamad, Jul-Adnan Hataman ng Sumisip, Arcam Istarul ng Tipo-Tipo, at Talib Pawaki ng Hj. Muhammad Ajul ang nagpahayag din ng suporta sa pagpapaliban ng naturang halalan.

Sa pag-apruba sa House Bill No. 11144, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na ang one-year postponement “would allow for more time for the promotion of broader participation from political parties and the electorate, and enhance their understanding of new electoral processes.”

January 15, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest