Home NEWS

NEWS

IMG_20250411_155937_(655_x_430_pixel)

Ilalagay sa ‘smart schools’ na pangako ni Sarah Discaya para sa mga batang mag-aaral sa lungsod ng Pasig ang IT gadgets at learning supplies at CCTV camera upang mapigilan ang bullying sa mga paaralan.

“Ang paglagay ng anti-bullying measures ‘tulad ng CCTV cameras
sa ‘smart schools’ na pangarap ko para sa mga batang mag-aaral ay pananggalang laban sa mga batang maton o mambu-bully,” ni Discaya.

Nabatid na ang mga CCTV camera, ayon kay Discaya, ay magagamit ng Child Protection Committee ng bawat paaralan upang kagyat na maresolba ang anomang bullying complaints.

Sinasabing si Discaya, na kilala bilang Ate Sarah at aspirante sa pagka-alkalde sa lungsod na ito, ay pursigidong isulong na maging ‘smart city’ ang Pasig kapag pinalad umanong manalo sa darating na May 12 election.

“Ang pangarap kong ‘smart city’ ay nakapaloob ang smart schools na sapat ang mga klasrum na mayroong state-of-the-art facilities at kumpleto sa mga gamit ang mag-aaral at mga guro; smart hospitals na hindi nauubusan ng gamot at kumpleto sa medical facilities at mga nag-aasikasong doktor, nurses at medical staff, at smart housing project na mayroon pangkabuhayang ang awardees,” pahayag ni Discaya.

Natuklasan na ang plano ni Discaya na paglagay ng anti-bullying equipment sa ‘smart schools’ ay susog din sa panawagan ni Sen. Sherwin Gatchlian na maglagay ng mga closed-circuit television (CCTV) cameras sa mga classroom upang maiwasan ang school violence.

“Kailangan din na palakasin sa bawat paaralan ang anti-bullying measures o programang sasawata sa pambu-bully sa pamamagitan ng aktibo at mahigpit na pagganap sa tungkulin ng Child Protection Committee,” mariing pahayag ni Discaya.

Pahayag ng Department of Education (DepEd), mayroon lamang 966 sa kabuuang 45,000 paaralan sa bansa ang may maayos na Anti-Bullying Committee.

Maliban dito, tanging dalawang porsyento pa lamang ng mga paaralan ang may Child Protection Committee, bagay na maituturing na paglabag sa umiiral na batas.

April 11, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PBBM PHONE CALL

Makaraan ang matagumpay na diplomatikong hakbang na nagresulta sa pagpapalaya sa mga overseas Filipino worker sa Qatar, iniutos ni Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensya na magbigay ng agarang legal na tulong sa mga Pilipino na nahaharap sa mga kasong kriminal sa China at South Korea.

Binigyang-diin ng administrasyong Marcos ang kanilang pangako na pangalagaan ang mga karapatan ng mga OFW, sa harap ng mga ulat na 20 Pilipinong marinero ang iniimbestigahan dahil sa umano’y pag-smuggle ng higit sa 50 kahon ng hinihinalang cocaine mula sa South America patungong East Asia.

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac noong Martes na ang mga miyembro ng Filipino crew ay hinihinalang sangkot sa international drug operation, na sumasaklaw kapwa sa China at South Korea.

“This is already included in the investigation—who may be involved, if any of the crew members are included, what the details are, where they were or their locations, and the involvement of each crew member on board,” sabi ni Cacdac sa isang panayam.

“But as of now, of course, they are entitled to their defense, to be presumed innocent. We are providing the necessary legal counsel in tandem with the one provided by the ship owner,” dagdag pa niya.

Tiniyak ni Cacdac na ang mga nasangkot ay makatatanggap ng tamang legal na suporta mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

Samantala, tumaas ang tensyon sa China kasunod ng pag-aresto sa tatlong Pilipino— David Servañez, Albert Endencia, at Nathalie Plizardo—na inakusahan ng mga awtoridad ng China ng espionage.

Sinasabi ng Beijing na ang tatlo ay nagtatrabaho kasama ang Philippine intelligence upang mangalap ng sensitibong impormasyon ukol sa kanilang militar.

Ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos ang pagkakaloob ng lahat ng kinakailangang tulong sa tatlong inaresto.

Gayunman, tumanggi ang Malacañang na magbigay ng komento sa mga akusasyon na ang mga pag-aresto ay maaaring ganti sa mga hakbang ng Maynila laban sa mga hinihinalang Chinese spies sa Pilipinas.

“There is always an instruction to help our Filipino citizens abroad facing these kinds of charges. Legal assistance will always be given, all the necessary help and assistance will be provided,” sabi ni Undersecretary Claire Castro ng Palace press office.

Kinilala rin ng National Security Council (NSC) ang posibilidad na ang hakbang ng China ay maaaring isang tugon sa mga kamakailang pag-aresto na may kinalaman sa espionage ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Tiniyak din ni Marcos sa publiko na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang tulungan ang mga Pilipinong nahaharap sa mga suliraning ito sa ibang bansa at matiyak na makakakuha sila ng suportang kailangan nila.

April 11, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
large_PBBM_tiniyak_na_may_masisibak_sa_pagtakas_ni_Alice_Guo_1fafa7c70b

Sa layuning matugunan ang mga hinaing ng mga commuter at driver na bumibiyahe sa mga kalsada ng bansa, pinalawig ng administrasyong Marcos ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit System (MRTS) at papayagan nang muling makabiyahe ang mga unconsolidated na driver ng jeep.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na naglabas na siya ng direktiba sa kanyang kagawaran upang tulungan ang mga unconsolidated na driver na makabalik sa kanilang mga ruta at makabiyahe nang legal.

Ayon kay Dizon, mahalagang isaalang-alang ng pamahalaan ang kalagayan ng mga commuter, driver, at operator, at binigyang-diin na hindi dapat mawala sa publiko ang kanilang transportasyon at kabuhayan.

Pinalawig din ang oras ng operasyon ng MRT-3 hanggang alas-11:00 ng gabi simula Marso upang matugunan ang pangangailangan ng mas maraming commuter na may iba’t ibang shift sa trabaho at nakatira sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

“Sisiguraduhin ko ho, na ang importante, makabiyahe kayo nang legal,” sabi ni Dizon habang kinakausap ang mga miyembro ng isang transport group. “‘Yun pong desisyon na makabalik kayo, nandiyan na iyan.”

“Ang pinag-uusapan natin dito kabuhayan ng mga driver at operator natin. Ang pinaglalaruan natin dito buhay ng tao ‘yan, e. Hindi tayo basta-basta pwedeng magsabi na ihihinto natin ‘yan, hindi natin papayagan ‘yan,” dagdag pa ng kalihim.

Sa isang paunang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na pinag-aaralan ng administrasyong Marcos ang isang “win-win” na solusyon para sa mga commuter at driver, kung saan parehong magkakaroon ng access sa transportasyon at kabuhayan ang lahat.

April 10, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
working hours barmm

Mariing kinondena ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga komento ni Misamis Oriental Governor Peter “Sr. Pedro” Unabia, na tila kinukuwestiyon ang kakayahan ng mga Muslim na mamuno nang mapayapa.

Umani ng batikos sa social media si Unabia matapos ipakita sa kanyang campaign rally ang mga insidente ng karahasan sa BARMM at sabihing maaari itong mangyari rin sa kanilang lalawigan kung may pulitiko roong may kaugnayan sa Bangsamoro ang mahalal.

Bilang tugon, iginiit ni BARMM Cabinet Secretary at spokesperson Mohd Asnin Pendatun na ang naturang pahayag ay hindi makatao at nagpapakita ng kakulangan sa pang-unawa sa kultura ng mga Bangsamoro.

Ayon sa kanya, mas kailangan ngayon ang bukas na pag-uusap at paggalang sa isa’t isa upang maisulong ang kapayapaan.

Kaya hinimok ni Pendatun si Unabia na matuto sa kontrobersiya at makipagtulungan para sa kapayapaan sa Mindanao.

Naglabas na rin ng paumanhin si Unabia at iginiit na wala siyang intensyong makasakit.

Sinabi niyang ang isyu ay pinalalaki lamang ng kanyang mga katunggali sa pulitika.

Dagdag pa ni Pendatun, bagama’t tapos na ang armadong pakikibaka ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), nananatili pa rin ang ilang hamon gaya ng away-angkan at election-related violence.

Ipinahayag niya ang pasasalamat sa suporta ng pambansang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na sa tulong ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr.

Ngayong 2025, hahawakan ng BARMM Transition Authority ang dalawang mahalagang halalan: ang national midterm elections at ang unang parliamentary elections ng rehiyon — kaya’t lalo umanong kailangang magtulungan ang BARMM, PNP, at pambansang gobyerno upang panatilihing mapayapa ang nasabing proseso.

April 9, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250408_202810_(655_x_430_pixel)

Pinangunahan ni Atty. Argel Cabatbat ang isang mahalagang dayalogo katuwang ang libu-libong magsasaka mula sa Aurora, Zambales, Bataan, Pampanga, at Mindanao.

Ito’y upang iparating ang kanilang hinaing sa patuloy na pagtaas ng presyo ng palay, isang suliranin na nagiging sanhi kaya hindi na natutugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Nauna nang tinanggap ni dating DILG Secretary Benhur Abalos ang hamon ni Cabatbat na personal na mapakinggan ang mga hinaing ng mga magsasaka, partikular na ang negatibong epekto ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay Cabatbat, naging sanhi rin ng matinding depresyon sa hanay ng mga magsasaka ang naturang batas, na ikinalungkot nilang humantong sa pagkamatay ng dalawa nilang kasamahan.

Binigyang-diin ni Cabatbat, dating kinatawan ng Magsasaka Party-list, ang pangangailangang amyendahan ang Rice Tariffication Law na lalong nagpapahirap sa kalagayan ng mga magsasaka sa buong bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Abalos na handa silang magbigay ng kaukulang tulong para sa mga magsasaka at suportahan ang anumang hakbang na makatutulong sa pag-angat ng kanilang kabuhayan.

“Yung pagko-convert ng sakahan sa mga subdivision, ito’y sintomas na may problema talaga sa agrikultura. Kung ito’y palalakasin natin…’di na magko-convert ang mga magsasaka. Dahil mapipilitan silang ibenta ang kanilang mga lupa kung kakailanganin nila ng pera at sila’y nalulugi. Kaya dapat pakinggan natin sila. Gawin nating produktibo ang kanilang lupa,” giit ni Abalos sa nasabing dayalogo.

April 8, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250408_184826_(655_x_430_pixel)

Inihirit ng isang grupo sa pamahalaan na suportahan ang mga manggagawang Pilipinong nangangamba sa mas mataas na taripang ipinapataw ng Estados Unidos sa ilang produktong inaangkat mula sa Pilipinas.

Nagdulot ng pangamba ang pagpataw ng dagdag-taripa sa mga trabahong nakaasa sa export, partikular sa sektor ng agrikultura, elektroniko, at manufacturing.

Binigyang-diin ni Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, ang pangangailangan para sa isang “komprehensibong safety net” para sa mga maaapektuhang manggagawa.

“Ang pagtaas ng taripa na ito ay maaaring magresulta sa malawakang kawalan ng hanapbuhay para sa libu-libong pamilyang Pilipino. Nanawagan kami sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) na agad magpatupad ng mga programang pangsuporta tulad ng pinansyal na ayuda, retraining, at job-matching services,” ani Espiritu.

Samantala, tinukoy din ng mga ekonomista ang mga sektor na maaaring higit na maapektuhan.

Ayon kay John Paolo Rivera, Senior Research Fellow ng Philippine Institute for Development Studies, “Ang sektor ng elektroniko at semiconductors, na bumubuo ng malaking bahagi ng eksport ng Pilipinas sa US, ay lubhang maapektuhan. Ang industriya ng pananamit, sapatos, at tela, na umaasa sa mga preferential trade agreements, ay maaari ring magkaroon ng problema sa kompetisyon.”

Dagdag pa niya, “Ang mga produktong pang-agrikultura tulad ng langis ng niyog, prutas na naproseso, at seafood ay maaaring makaranas ng pagbagsak ng demand dahil sa pagiging sensitibo ng presyo sa merkado ng US.”

Hinimok din ng Trabaho Partylist, bilang 106 sa balota, ang pamahalaan na paigtingin ang diplomatikong hakbang upang maresolba ang isyu sa kalakalan sa lalong madaling panahon.

“Habang wala pang solusyon, kailangang tiyakin nating hindi mabibigatan ang mga manggagawang Pilipino dahil sa tensyong ito,” pagtatapos ng abogadong tagapagsalita.

April 8, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
7-pnp-police-philstar_2019-03-26_23-26-10

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na ganap nitong ipatutupad ang commitment na pangalagaan ang mga botanteng Pilipino, mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec), mga guro na nakatalaga sa mga presinto, at ang mga grupo ng civil society na nakikipagtulungan sa gobyerno upang matiyak ang malinis, mapayapa, at tapat na midterm elections sa Mayo 12, 2025.

Batay sa isang statement, binigyang-diin ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang kahandaan ng kapulisan na gamitin ang kanilang resources upang matiyak na ang mga Pilipino ay makaboboto nang walang takot, partikular na sa mga tinukoy na hotspot areas.

Ayon kay Marbil, ang inisyatibong ito ay nakahanay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang mapayapang midterm elections, lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na sa kasaysayan ay nakaranas ng karahasan na may kinalaman sa halalan.

Sinasabing tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang hindi bababa sa 34 election hotspots sa buong bansa, kung saan 27 dito ay matatagpuan sa BARMM.

Kaya bilang tugon, kabuuang 6,327 checkpoints ang naitatag sa buong bansa bilang bahagi ng pagpapatupad ng gun ban bilang paghahanda para sa halalan.

Pahayag naman ni BARMM Regional Police Chief Police Brigadier General Romeo J. Macapaz, sa inaasahang pagtaas ng karahasan na may kinalaman sa halalan, kanilang pinaigting ang mga hakbang, kabilang ang mga estratehikong deployment, mas mataas na presensya ng pulis, karagdagang checkpoints, at pinahusay na intelligence monitoring.

Dagdag niya, ang pulisya ay mahigpit na makikipagtulungan sa bagong gobyerno ng BARMM at iba pang ahensiya upang maisagawa ang mapayapang halalan sa rehiyon.

“​Naniniwala kami na sa tamang koordinasyon at pagtutulungan, unti-unti masusugpo ang karahasan sa rehiyon,” ani Macapaz.​

“​Kasama ang pamunuan ng BARMM, kaming mga kapulisan ay patuloy na nagtutulungan at nakikipag-ugnayan sa national government upang matiyak na may sapat na suporta para sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon,” sabi pa niya.

Iginiit ni Macapaz na ang mga pagsisikap na ito ay nagpapakita ng hindi matitinag na pangako ng PNP na matiyak na ang proseso ng halalan ay malaya mula sa karahasan, pagbabanta, at anumang anyo ng pandaraya sa halalan, kaya pinananatili ang demokratikong karapatan ng bawat Pilipino.

April 7, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250407_044245_(655_x_430_pixel)

Dumalo ang Trabaho Partylist sa proclamation rally ng Yorme’s Choice slate nina Isko Moreno at Chi Atienza sa Distrito 6, Maynila nitong April 2, 2025.

Nabatid na naging maugong din kamakailan ang suporta sa Trabaho sa pagsama nito sa kickoff motorcade campaign ng Yorme’s choice sa Maynila noong Marso 28.

Natuklasan na sa official page nito na 106 Trabaho Party List, mapapanood ang video kung saan nagsasalita sa proclamation rally ang si nominee Ninai “Ate Ninai” Chavez.

“Sa mga nakausap na po namin habang kami po ay nag-iikot dito sa Maynila, isa lang po ang sinasabi- gusto nila ng sapat na sahod,” pagbabahagi ni Chavez.

“Bakit po [natin gusto ng sapat na sahod]? Para tayo ay magkaroon ng maayos at kalidad na pamumuhay,” dagdag pa niya.

Sinasabing para sa nominee, simple lang umano ang gusto ng Trabaho partylist- na magkaroon ng sapat na sahod at benepisyo ang mga manggagawa at empleyado.

Kaya naman bilang 106 sa balota, binabalikat ng Trabaho ang mga reporma at adhikaing magbibigay ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

April 7, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
benhur abalos

Pormal nang inendorso ng Citizen Crime Watch Internationale (CCWI) ang dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Benhur Abalos para sa pagka-senador sa darating na halalan sa Mayo 2025.

Nabatid na ang pormal na anunsiyo ay ginawa ni CCWI Founder at National Chairperson Mitch Botor sa Membership Meeting ng CCWI Pasay Chapter na ginanap sa Kalayaan Village, Pasay City, na dinaluhan ng mahigit 2,000 miyembro.

“Si Benhur Abalos ay isang lider na tumutupad sa kanyang mga pangako,” ani Botor. “Ang kanyang pamumuno sa DILG ay nagpakita ng matatag at epektibong pamamaraan sa paglaban sa krimen, ilegal na droga, at sistematikong korapsyon. Ito ang uri ng pamumuno na kailangan natin sa Senado.”

Iginiit ni Botor ang mga nagawa ni Abalos noong siya ay nanungkulan bilang DILG Secretary mula Hunyo 30, 2022, hanggang Oktubre 7, 2024. Sa kanyang pamumuno, inilunsad ang programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA), na nagresulta sa 700% pagtaas ng nakumpiskang ilegal na droga kumpara sa mga nakaraang administrasyon.

“Hindi lang siya nagsalita tungkol sa reporma—ipinakita niya ito sa gawa,” dagdag ni Botor. “Mula sa pagpuksa ng mga sindikato ng droga, digitalisasyon ng lokal na pamahalaan, hanggang sa integrasyon ng mga dating rebelde sa pwersa ng pulisya upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao, nagdala siya ng matapang at makabuluhang pagbabago.”

Mismong si Abalos ang nanguna sa makasaysayang integrasyon ng 400 dating rebeldeng Moro sa Philippine National Police (PNP), isang mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Noong Setyembre 2024, kinilala si Abalos bilang pinakamahusay na miyembro ng Gabinete, habang ang DILG naman ay pinarangalan bilang pinaka-pinagkakatiwalaang ahensiya ng pamahalaan sa bansa. Bukod dito, pinangunahan din niya ang digital na transformasyon ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Electronic Local Government Unit (eLGU) system.

“Ang kanyang dedikasyon sa mabuting pamamahala at digital na inobasyon ay nagpapakita na nauunawaan niya ang pangangailangan ng ating bansa—hindi lamang matatag na pamumuno kundi matalinong pamamahala,” sabi pa ni Botor.

Napag-alaman na ang Citizen Crime Watch Internationale ay itinatag noong 2020 bilang isang legal na rehistradong, independiyenteng non-government organization na may mahigit 1.3 milyong miyembro sa buong bansa. Ito ay nagsisilbing tagapagbantay ng sibilyan at grupo ng adbokasiya na nakikipagtulungan sa mga awtoridad upang isulong ang pampublikong kaligtasan, edukasyon laban sa scam, at kamalayan sa anti-graft.

Maliban kay Abalos, inendorso rin ng CCWI ang kanilang National President na si dating Philippine National Police (PNP) General at abogado na si Atty. Escobal, na tumatakbo rin bilang senador. Ayon kay Botor, sina Abalos at Escobal lamang ang dalawang kandidatong senador na nakatanggap ng opisyal na suporta mula sa organisasyon.

“Hindi basta-basta ang pagbibigay namin ng suporta,” giit ni Botor. “Sinusuportahan lamang namin ang mga kandidatong napatunayan na ang dedikasyon sa laban kontra krimen at korapsyon—hindi lamang sa salita kundi sa gawa.”

Samantala, ipinaliwanag din ng CCWI na hindi sila konektado sa iba pang organisasyon na may katulad na pangalan at sila ay ganap na independiyente sa ilalim ng sariling rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) at pambansang pamunuan.

April 3, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ninoy aquino monument quezon city

Quezon City – Isang makasaysayang tagpo ang bumalot sa Unang Distrito ng Quezon City nitong Marso 30, 2025, nang dagsain ng daan-daang residente ang isinagawang misa at kick-off rally sa Toro Hills Subdivision Basketball Court, Brgy. Bahay Toro. Ito ang opisyal na hudyat ng pagbabalik ng Serbisyong Crisologo sa distrito.

Pinangunahan nina Bro. Bingbong Crisologo, na muling kumakandidato bilang Kongresista, at Konsehala Nikki Crisologo, na naghahangad ng panibagong termino, ang pagtitipon na nagbigay-sigla at inspirasyon sa mga taga-Distrito Uno. Mistulang dagat ng asul ang paligid habang umaapaw ang suporta ng mga dumalo.

Bilang pagsisimula, binasbasan nina Running Priest Father Robert Reyes sina Bingbong at Nikki upang maging matagumpay ang kanilang layunin na muling makapaglingkod nang tapat at walang pag-iimbot. Damang-dama ang alab ng panawagan ng taumbayan—isang matinding sigaw ng pagbabalik ng tunay na malasakit at serbisyo.

“Babalik na muli ang Serbisyo Crisologo!”

Ganito ang dumadagundong na sigaw ng mga residente, na mariing ipinahayag ang kanilang pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon. Ayon sa kanila, ramdam ang kakulangan ng malasakit sa pamamahala, kaya’t itinutulak nilang muling makabalik ang mga Crisologo upang maibalik ang tunay na serbisyo sa distrito.

“Napakahirap ng naging sitwasyon ng Distrito Uno nitong mga nakaraang taon. Kailangan natin ng lider na may malasakit, may puso para sa tao, at tunay na naglilingkod. Hindi ito tungkol sa pulitika—tungkol ito sa kinabukasan ng ating distrito,” ani ng isang residente.

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Nikki ang pangangailangan ng Distrito Uno para sa isang lideratong may tunay na malasakit. Aniya, “Handa kaming muling manindigan para sa taumbayan. Ngunit hindi namin ito magagawa nang mag-isa—kailangan namin ang inyong suporta.”

Samantala, muling ipinangako ni Cong. Bingbong Crisologo na ibabalik ang serbisyong direkta at may malasakit sa taumbayan. “Babalik ako sa masa, sa barangay, sa bawat pamilya—dahil iyan ang tunay na Serbisyong Crisologo,” aniya.

April 3, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest