Home NEWS

NEWS

IMG_20250502_181500_(655_x_430_pixel)

Lumantad ang isang lalaki na umaming bugaw at nagsampa ng reklamo laban kay Cong. Paolo “Pulong” Duterte matapos umanong saktan siya ng mambabatas sa loob ng isang bar sa Davao City nang magkaroon ng alitan kaugnay ng kulang na bayad sa isang babaeng kanilang kasama.

Sa sinumpaang salaysay ni Kristone John Patria y Moreno, 37, sinabi niyang inatake siya ni Duterte sa Hearsay Gastropub noong Pebrero 23, 2025.

Sinasabing dahil ito sa reklamo ng isang babae na Php 1,000 lang ang natanggap imbes na Php 13,000.

Dagdag pa ni Moreno, tinangka rin aniyang isara ng mga bodyguard ang bar at patayin ang CCTV.

Kwento pa ng complainant, pinagsusuntok, sinipa, at tinakot umano siya ni Duterte sa loob ng halos dalawang oras.

Ayon sa kanya, natakot siyang magsampa agad ng kaso dahil sa lakas ng pamilya Duterte sa Davao.

Ngunit ngayon ay handa na umano siyang tumestigo at umaasa siyang makatutulong ang CCTV footage sa imbestigasyon sa usapin.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Congressman Duterte ukol sa mga nasabing alegasyon.

May 2, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ABBY BINAY

Nabunyag na kung pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence (AI) ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may malaking porsyento umano na hindi makakasampa si Makati Mayor Abby Binay sa inaasam na Magic 12 sa Senado taliwas sa kanyang inaasahan.

Sabi sa post ng 3RD_AI_, naitala ang tsansa ni Abby Binay  sa ika-11 hanggang ika- 14 puwesto sa Magic 12 kaya nanganganib itong malaglag sa ika-13 hanggang ika-14 puwesto sakaling lumakas ang kalaban nito.

“Our AI model predicts medium chances of her winning ranking between 11-14,” giit ng grupo.

Sinasabing pinagbasehan ng grupo ang pag-aanalisa sa nakikitang posts ng netizens sa iba’t -ibang social media platform na binigyan nila ng scoring sa positive, negative at neutral na porsyento.

Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_ na kahit may 40% positive narrative sa social posts ang nakukuha ni Abby Binay sa pagiging alkalde ng Makati City, nahaharap naman umano ang anak ni dating Vice President Jejomar Binay sa lumalakas na negatibong kritisismo sa kanyang comments sa ibang political figures.

“Like many politician, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy. Some narratives focus on these controversies questioning her motives and political strategies,” ayon kay 3RDEY3.

Nabatid na umani rin umano si Binay ng 30% negative sentiments mula sa social posts mula sa publiko at 20% neutral sentiment at 50% positive sentiments.

Pahayag ng 3RDEY3, halos 40% umano ng kabuuang conversation kay Abby Binay sa social media ay may relasyon sa liderato nito sa Makati.

Subalit natuklasan din ng grupo na 20% ng kritisismo kay Abby Binay ay hinihinalang nag-uugat sa family background at kontrobersiyal na alyansang pulitikal.

Maaalala na unang umani ng matinding kritisismo ang pamilya ni Abby Binay sa pagpapatayo ng parking building ng Makati City Hall na umabot sa bilyong halaga na ibinulgar ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

“Negative (30%). Some posts criticize her political strategies and family legacy, which contribute to a negative sentiment. This criticism often focusses on her comments about political and perceived political maneuvering,” ayon sa post ng 3RDEY3

Ito ang dahilan kaya sinasabing naitala ng 3RDEY3, moderate lamang ang tiyansa ni Abby Binay na makasampa sa Senado.

“Abby Binay has a moderate chance of winning a Senate seat. Her strong political alliances and achievement as mayor contribute positively, but criticism and controversies may impact her overall appeal,” ayon sa 3RDEY3.

Batay pa rin sa account ng @3RD_AI_ ( https://x.com/3RD_AI_) na nagsasabing “AI model to track common-sense and make predictions on geopolitics, elections and global crisis.

Binanggit na nakabase umano ang grupo sa San Francisco, California at lumahok sa X noong Pebrero 2024 na may 1,277 followers, kabilang ang ilang local influencers sa social media.

May 2, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SWELDO - SAHOD

Nagpahayag ng buong suporta ang Trabaho Partylist sa commitment ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa mga minimum wage earners sa Metro Manila na aniya’y dinidinig ang panawagan para sa umento sa sahod.

Ayon sa grupo, ito ay mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasanin ng mga pinakaapektadong manggagawa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kinumpirma rin ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na nakatakdang magsimula ng wage review ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board na magtataas ng arawang minimum na sahod sa rehiyon.

Malugod na tinanggap ni 106 Trabaho Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David Espiritu ang balita, at sinabing napapanahon ang anumang dagdag sa sahod lalo na’t patuloy ang pagtaas ng gastusin sa Metro Manila.

“Isa itong positibong hakbang para sa ating mga minimum wage earners na matinding tinamaan ng implasyon at mataas na cost of living. Matagal na naming isinusulong ang makatwirang sahod, at ang umentong ito ay isang tamang direksyon,” pahayag ni Espiritu.

Binanggit din ng grupo na ang minimum wage ay dapat sumabay sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya. Marami pa rin anilang manggagawa ang hindi sapat ang kinikita upang matustusan ang araw-araw na gastusin, lalo na sa mga lungsod gaya ng Metro Manila.

“Hindi dapat ituring na pabigat sa mga employer ang wage hike na ito kundi bilang isang kinakailangang hakbang upang matulungan ang masisipag na manggagawang Pilipino na mabuhay nang disente,” dagdag pa ni Espiritu.

Siniguro ng Trabaho, bilang 106 sa balota, ang patuloy nilang pagsusulong ng regular at batay sa ebidensiyang wage review, gayundin ng mga reporma para sa pagkamit ng tunay na living wage para sa lahat ng manggagawang Pilipino.

May 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250424_140631_(655_x_430_pixel)

Nagpaabot ng pagbati ang Trabaho Partylist, bilang 106 sa balota, sa lahat ng manggagawang Pilipino sa buong mundo ngayong Araw ng Paggawa sa taong 2025.

“Mabuhay ang manggagawang Pilipino!” pagpupugay nila.

Bukod sa suporta sa umento sa minimum wage, magsusulong ang Trabaho ng mga batas na babalikat ng mga reporma at adhikaing magbibigay ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.

“Alam po namin kung ano ang mga kagustuhan at pangangailangan ng mga manggagawa — dahil kami mismo ay mga manggagawa,” ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho.

Giit niya, ang Trabaho ay binubuo ng mga manggagawa mula sa iba’t-ibang sektor ng paggawa sa loob at labas ng bansa, pati na rin ng mga nais pang magtrabaho ngunit nakakaranas ng mga diskriminasyon kagaya na lamang ng mga senior citizen at may kapansanan.

Nangako ang grupo na tututukan rin maging ang mga bagong kinakaharap na hamon sa kalusugan at kondisyon sa pagtatrabaho ng mga manggagawa bunsod ng climate change at modernisasyon.

Kaya bilang halimbawa, binanggit ni Espiritu ang kakulangan ng matibay na batas at mga regulasyon kaugnay ng matinding pagtaas ng heat index sa bansa— bagong problema na may matinding epekto sa kondisyon at kalusugan ng mga manggagawa.

Sinasabing maliban sa mga safety measure, isinusulong din ng Trabaho ang mas matibay na benepisyong medikal at health insurance para sa mga manggagawa.

Kasama rito ang access sa preventive care, regular na health screenings, at malawak na coverage para sa mga sakit na dulot ng matinding init.

“Napakahalaga ng mga benepisyo maliban sa arawang sweldo upang mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot at matiyak na mabibigyan agarang medikal na atensyon ang mga apektadong manggagawa,” giit ni Espiritu.

Sa pinakabagong survey, may malaking posibilidad na mahalal ang Trabaho sa unang termino nito sa Kongreso ngayong Mayo 12.

May 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MONEY - PERA

Nasa “hot water” si Cagayan de Oro City Mayor Klarex Uy matapos itong ireklamo ng umano’y pagwawaldas ng pondo ng lokal na pamahalaan na aabot sa P330 million sa pamamagitan ng mga ginawang cash advances.

Sa isang press conference, ibinunyag ni Teddy Sabuga-a, 9 na taong nagsilbi bilang dating city administrator ng CDO na ang sinasabing “massive cash advances” na ginawa ni Uy ay sa pagitan ng 2022 hanggang unang buwan ng taong 2025.

“If you review the matrix of cash advances by date, you”ll notice a pattern– significant amounts were drawn in September 2023, conspicuosly timed around the barangay elections,”pahayag ni Sabuga-a kung saan isang matrix ng mga cash advances ang ipinakita nito sa isinagawang presscon.

Isiniwalat ni Sabuga-a na nakakabahala ang serye ng cash advance sa loob ng City Hall dahil nagpapakita ito ng maling paggamit ng pondo ng LGU, mahinang pamamalakad at paglabag sa procurement laws.

“The records show repeated high-value transactions concentrated among a small group of personnel, with some individuals receiving over 20 separate cash advances. One person alone was given P71.7 million,” aniya.

Sa offcial documents na inilabas ni Sabuga-a, ang bulto umano na nakatanggap ng disbursements na P25 million hanggang P71 million ay tinukoy na sina Cyril Ranile,Jade Adeser, Xsyclyn Faith Lumbatan, Jasmin Maagad, Rhapsody Gaabucayaan, Mark Kenneth Jalapadan, Remy Labiano at Sheila Lumbatan.

“This is highly irregular. The cash advcance systems is meant for urgent, specific needs– notfor repeatred multi-million peso disbursements concentrated among a few individuals” giit pa ni Sabuga-a.

Kasama pa sa umano’y nadiskubre na ang ilang indibidwal ang nakatanggap ng cash advances ng 20 beses, mayroon tseke na P20 Million at P26 million cash advances na isang araw lamang wininthdraw at ang pondo kung saan sinasabing pinaglaananan ng disbursement ay pawang kuwestiyunable.

Batay sa COA Circular No 97002 at Republic Act 9184(Procurement Law) ay ipinagbabawal ang palagiang paggamit ng cash advances at kailangan ang agaran nitong pagliquidate.

Nanawagan naman ang ilang opisyal ng LGU at ilang watchdog groups sa Commission on Audit(COA) na rebyuhin ang liquidation reports, gayundin ang pagsusulong ng kasong administratibo at kriminal laban sa alkalde.

“Every peso entrusted to public officials must be accounted for. The people of Cagayan de Oro deserve full transparenct and accountability,” dagdag pa ni Sabuga-a.

Nabatid na inihahanda na umano ang reklamo laban kay Uy sa Office of the Ombudsman.

May 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250429_045353_(655_x_430_pixel)

Namayagpag ang Trabaho Partylist bilang top 3 sa Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na inilabas ng WR Numero Research (WRN) para sa Metro Manila.

Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng grupo bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN, dalawang linggo bago ang halalan.

Nabatid na tinangkilik din ang Trabaho maging sa Mindanao kung saan ito ay itinanghal na top 5 party-list.

Sa national cluster, umangat ito sa ika-13 pwesto mula sa ika-50 na dating pwesto.

Ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.

Target ng Trabaho na isulong ang karapatan ng mga manggagawa sa paglaban sa tamang pasahod, pagbibigay ng sapat na benepisyo at mabigyan ng patas na oportunidad ang bawat isa.

Nagkasa rin ang pro-worker rights group ng voter’s education campaign bilang parte ng commitment nito sa pagdaraos ng malaya, maayos, tapat, mapayapa at malinis na halalan sa bansa.

Bukod sa pagtuturo kung paano bumoto para sa party list, nagpaalala rin ang Trabaho na bumoto nang tama at matalino.

“Voting is not just a right, it’s a responsibility,” diin ni Atty. Michelle Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho.

April 29, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
monitoring ofw

Makaraan ang repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nabiktima ng job scam sa Cambodia, iginiit ng Trabaho Partylist na ang pinaka-epektibong proteksyon laban sa ganitong uri ng panloloko ay ang paglikha ng mas marami at mas de-kalidad na trabaho sa loob mismo ng Pilipinas.

Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho, kailangang bigyang-prayoridad ang pagbibigay ng living wage at disenteng oportunidad sa mga Pilipino upang hindi na sila mapilitang sumubok ng mga alok sa ibang bansa na kadalasan ay mapanlinlang.

Aniya, hindi sapat ang sahod na panandaliang bumubuhay lamang sa araw-araw at kailangan itong magbigay-daan para sa mga pangmatagalang layunin gaya ng pagmamay-ari ng sariling bahay at maayos na kinabukasan para sa pamilya.

Bilang hakbang, suportado ng Trabaho ang pag-apruba ng mga Regional Tripartite Wage and Productivity Boards sa dagdag-sahod, na makikinabang ang halos limang milyong manggagawa sa buong bansa.

Ipinanawagan din ng grupo ang maayos at mabilis na pagpapatupad ng mga bagong wage orders, pati na ang pagtutulak ng mga non-wage benefits tulad ng healthcare, bayad na leave, childcare support, subsidiya sa transportasyon, at retirement plans.

Naniniwala ang Trabaho Partylist na hindi lamang mga manggagawa ang makikinabang sa mga hakbanging ito, kundi pati ang mga negosyo, dahil sa mas mataas na employee retention at productivity.

April 27, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250425_074219_(655_x_430_pixel)

Nabunyag na sweet 16 ang nakamit na pwesto ng 106 Trabaho Partylist sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa Abril 2025.

Nabatid na ang kasalukuyang ranggo ng Trabaho ang pinakamataas din umano nitong placement sa lahat ng buwanang survey na inilabas ng SWS magmula pa noong Disyembre 2024.

Sinasabing ang patuloy na pag-angat ng grupo ay sang-ayon din sa isa pang survey na inilabas ng SWS kung saan mas napupusuan ng mga Pilipinong botante ang mga kandidatong nagsusulong ng job creation at proteksyon ng karapatan ng mga manggagawa gaya ng Trabaho.

Kung ikokonsidera ang statistical tie sa SWS survey, ang range placement ng grupo para sa Abril 2025 ay 16-18 na pwesto- isang malaking pagtalon mula sa 31-39 noong Marso 2025.

Tugma rin ang pagtaas ng 106 Trabaho Partylist sa resulta ng iba pang kilalang survey firms.

Sa survey ng WR Numero Research mula Marso 31 hanggang Abril 7, pumalo sa ika-13 na pwesto ang 106 Trabaho Partylist—mula sa ika-50, sa loob lamang ng halos dalawang buwan.

Una sa legislative agenda ng grupo ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, sa pamamagitan ng mga panukalang batas para sa makatarungang sahod, dagdag na benepisyo, seguridad sa trabaho, at inklusibong mga patakaran.

Sa kabila ng mataas na posisyon sa mga survey, kitang hindi nakakampante ang grupo na patuloy pa ring nagsasagawa ng kampanyang house-to-house at tao-sa-tao na hindi lamang limitado sa National Capital Region.

April 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250424_140631_(655_x_430_pixel)

“We mourn the passing of Pope Francis”, isinulat ng pro-labor reform na grupo sa kanilang 106 Trabaho Partylist Facebook page nitong Lunes bilang pakikidalamhati sa lahat ng Katoliko.

Kalakip ng nasabing mensahe ay ang larawan ng Santo Papa at sipi mula sa kanyang homily patungkol sa kabanalan ng trabaho bilang pinakaunang bokasyon ng tao.

Sa mga salita ni Papa Francisco, “Ito ang pinakaunang bokasyon ng tao: magtrabaho. At ito rin ang nagbibigay ng dignidad sa tao- siyang dignidad na naghahalintulad sa kanya sa Panginoon. Ang dignidad ng pagtatrabaho ay kabanalan.”

Ayon sa Trabaho, ang mga turo ng Santo Papa patungkol sa dignidad ng trabaho at importansiya ng katarungang panlipunan ay ang magsisilbing kanilang mga gabay.

Bukod dito, ipinanawagan ng grupo nitong Miyerkules na magpatupad na agad ang pribado at pampublikong sektor ng kani-kanilang safety adaptation plan bunsod ng patuloy na pagtaas ng temperaturang nararanasan ng bansa.

Nabatid na naitala na nga ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na 5-day heat index ngayong Abril 23, 2025 matapos pumalo sa 50°C-52°C o ang temperatura sa Kalakhang Maynila at Calabarzon.

Sinasabing naghuhudyat ang nasabing temperature ng hindi lamang basta panganib, kundi matinding panganib o “extreme danger” sa kalusugan at buhay ng mga Pilipino.

Kaya iminungkahi ng grupo na isama ang alternative work arrangement sa safety plan pati na rin ang pagbibigay ng mga ng sapat at naaayon na protective uniform laban sa init at polusyon sa mga mangaggawa.

Giit ng Tranaho, maaari ring i-adjust ang working hours ng mga manggagawa ngunit dapat parte ng bayad na oras ang kanilang mga maiikling oras para sa pahinga, pagpunta sa lilim at pag-inom ng tubig upang sila ay marehydrate.

Napag-alaman na layunin ng Trabaho Partylist na tutukan ang kondisyon ng mga manggagawa hindi lang laban sa mga maling panuntunan, kundi pati na rin ang pangangailangan ng mga ito bunsod ng pabagu-bagong panahon.

April 24, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250421_210506_(655_x_430_pixel)

Nanawagan ang Trabaho Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad safety adaptation plan na akma sa kani-kanilang industriya at operasyon upang mapangalagaan ang mga manggagawa sa gitna ng napakatindi at mapanganib na init sa lahat ng rehiyon.

Batay kasi sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maging sa Metro Manila mismo ay maaaring umabot ng hanggang 42°C ang temperatura— “dangerous level”.

Kaya bilang pagkilala sa masamang epekto sa kalusugan na idinudulot ng matinding init gaya ng panghihina ng katawan, heatstroke, at paglala ng mga umiiral na kondisyon sa kalusugan, nanawagan ang tagapagsalita ng Trabaho Partylist na si Atty. Mitchell Espiritu sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong mga employer na magpatupad ng alternatibong work arrangement.

Para matiyak ang pagsunod ng mga manggagawa, hinimok ng tagapagsalita ng grupo ang mga employer na ipabatid nila na ang mga hydration break na ito ay bahagi ng bayad na oras ng pagtatrabaho.

Kahit wala pang matibay na regulasyong tumutugon sa patuloy sa ganitong napakainit na temperaturang nararanasan ng bansa, tinukoy ng abogado na may nauukol at umiiral na kautusan mula sa Department of Labor and Employment—ang Labor Advisory No. 8.

Sinasabing sa ipinalabas na advisory noong 2023, inaatasan ng DOLE ang mga employer na bigyan at pagsuotin ang mga manggagawa ng uniporme at personal protective equipment na naaayon sa init ng panahon. Dapat din nilang bigyan nang libre, sapat at ligtas na inuming tubig ang mga mangaggawa.

Nabatid na ang panawagan ng Trabaho Partylist ay bahagi lamang ng plataporma nitong siguruhin ang kapakanan ng mga manggagawa.

“Implementing such measures is crucial to mitigate the adverse effects of this deadly heat on workers’ health and productivity [Mahalaga ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito upang mabawasan ang masamang epekto ng matinding init sa kalusugan at pagiging produktibo ng mga manggagawa],” dagdag pa ni Espiritu, habang binibigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na proteksyon para sa mga manggagawa.

Maaalala na nitong Linggo ng Pagkabuhay, nagpaabot ang Trabaho ng pagmamahal sa mga taga-Mindanao na nakaranas at naapektuhan ng apat na sunud-sunod na lindol at pagyanig na lampas sa magnitude 5.0.

April 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest