Home NEWS

NEWS

more power central

Sa gitna ng tumataas na presyo ng kuryente at pangangalaga sa kalikasan, ipinapakita ng More Electric and Power Corporation (MORE Power) ang liderato sa responsableng serbisyo.

Simula noong 2020, naging katuwang sa mabilis na pag-unlad ng Iloilo City ang More Power—hindi lamang sa pagbibigay ng kuryente, kundi pati na rin sa pagtataguyod ng kaligtasan, abot kayang serbisyo, at pangangalaga sa kalikasan.

Namumukod-tangi ang More Power sa pagbibigay ng pinakamababang presyo ng kuryente sa Western Visayas na nasa P11.3263 kada kilowatt-hour.

Ang mababang presyo ng kuryente na naibibigay ng More Power dahil sa kanilang long-term power contracts, sa pamamagitan ng pagpasok sa maayos na kontrata ay naibaba ang presyo ng generation charge.

Ang generation charge ay 60% ang sakop sa ating electric bill.

Bukod sa presyo, binibigyang halaga rin ng More Power ang kaligtasan ng kanilang empleyado at komunidad.

Kasama ang kumpanya sa Safety Organization of the Philippines, Inc. (SOPI), na nagsusulong ng kalusugan at kaligtasan sa trabaho.

“This membership in SOPI is a testament to More Power’s unwavering commitment to safety, health and environmental protection. We are proud to join this esteemed organization and contribute to its mission of promoting a culture of safety across the Philippines”pahayag ni More Power President Roel Castro.

Sa pagtatapos ng 2024, naitala nito ang 1.9 milyon safe man-hours bilang patunay sa kanilang dedikasyon sa kaligtasan.

Nakatutok din ang More Power sa kalikasan at green initiatives.

Kamakailan, nagsagawa ang More Power ng coastal cleanup at mangrove planting sa Barangay Hinactacan, nasa 200 mangrove saplings ang naitanim na bahagi ng kanilang layuning magtanim ng 10,000 puno at mangrove sa buong Iloilo.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,000 mangroves at 9,500 puno na ang naitanim ng More Power.

Ayon kay Castro, ang mga green projects ay patunay ng kanilang malasakit sa kalikasan at responsibilidad bilang electric provider ng kumpanya.

“This mangrove planting is a part of our ongoing commitment to environmental sustainability and reflects our integrated approach to create cleaner, greener Iloilo City. By investing in these green initiatives, we are demonstrating our dedication to being responsible stewards of the environment” paliwanag ni Castro.

Ipinapakita ng More Power na maaaring pagsamahin ang kaligtasan, abot kayang presyo ng kuryente, at pangangalaga sa kalikasan habang sumusuporta sa pag-unlad ng Iloilo City.

June 4, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250602_111129_(655_x_430_pixel)

The Philippines has maintained its position as one of the top-performing countries in the Climate Change Performance Index (CCPI) 2025, ranking 7th globally and remaining the only Southeast Asian country in the Top 15, based on a report released by Germanwatch, the NewClimate Institute, and the Climate Action Network.

The CCPI evaluates the climate mitigation performance of 63 countries and the European Union, which together account for more than 90 percent of global greenhouse gas emissions. It assesses performance in four categories: greenhouse gas emissions, renewable energy, energy use, and climate policy.

This is the third consecutive year that the Philippines has been recognized as a high performer in the index. The country placed 23rd in 2022, climbed to 12th in 2023, moved up to 6th in 2024, and now holds 7th place.

According to Climate Change Commission (CCC) Executive Director Robert E.A. Borje, the improved ranking reflects the administration’s prioritization of climate action under President Ferdinand Marcos Jr. Borje said that national policies have been strengthened to support a more coordinated and inclusive response to climate challenges.

Key developments include the formulation of the Nationally Determined Contribution Implementation Plan (NDCIP) 2020–2030 and the National Adaptation Plan (NAP) 2023–2050, both released under the Marcos administration. The NDCIP lays out programs and financing strategies to meet the country’s climate targets, estimated to cost around USD 72 billion or PHP 4.1 trillion. The NAP, submitted to the UN Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) in May 2024, outlines a long-term strategy to enhance resilience across key sectors such as agriculture, water, health, and infrastructure.

The CCC also attributed the country’s CCPI performance to a strong whole-of-government and whole-of-society approach, particularly through the ACCELERATE Framework, which fosters collaboration among government agencies, local government units, civil society organizations (CSOs), the academe, development partners, and the private sector.

Borje cited the active role of CSOs like Aksyon Klima Pilipinas, Manila Observatory, and the Institute for Sustainable Development Foundation, noting that their participation in the CCPI evaluation process helps ensure the government’s climate policies remain evidence-based and responsive to local needs.

He also underscored the importance of inter-agency cooperation. The CCC works closely with departments such as the DENR, DOF, DOE, DOTr, DA, DOST, NEDA, and others to advance the national climate agenda through emissions reduction, renewable energy expansion, policy innovation, and resilience-building initiatives.

Borje said that sustaining momentum and strengthening implementation remain key to meeting both national and global climate commitments. (Gilbert Perdez)

June 2, 2025 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
working hours barmm

Nanawagan si Chief Minister Abdulraof Macacua sa lahat ng stakeholder sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na kalimutan ang hidwaang bunga ng nakaraang midterm elections at magtulungan upang matiyak ang maayos at mapayapang halalang parliyamentaryo sa darating na Oktubre.

Ang panawagan ni Macacua ay kasabay ng paghahanda ng rehiyon para sa kauna-unahang halalang pang-rehiyon kung saan ihahalal
ang bagong chief minister at mga miyembro ng BARMM Parliament.

“Sa darating na halalan ngayong Oktubre, hinihikayat namin ang lahat ng stakeholder ng Bangsamoro na magkaisa at makipagtulungan sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan upang matiyak na hindi na muling mangyari ang kaguluhan at karahasan na nasaksihan noong kampanya at araw ng halalan ng midterm elections,” ani Macacua.

Layon ng pahayag ng punong ministro na tugunan ang lumalaking pangamba ng publiko hinggil sa mga insidente ng karahasan na may kaugnayan sa eleksyon at linawin ang posisyon ng pamahalaan ukol sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan.

Binigyang-diin ni Macacua na ang maayos na transisyon ng pamumuno at ang pagpapanatili ng integridad ng prosesong elektoral ay nananatiling pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon. Muling tiniyak ng lider na naninindigan ang BARMM sa pagpapalakas ng demokratikong pamahalaan habang pinangangalagaan ang awtonomiya nito.

Habang papalapit ang halalan, mas pinaiigting ng mga lider relihiyoso sa rehiyon ang kanilang kampanya laban sa rido o mga alitang angkan na patuloy umanong banta sa katatagan ng mga pamayanan at kaligtasan ng mga sibilyan.

Ayon sa mga ulat, ang rido — na kadalasang ugat ay alitan sa lupa, tunggalian sa pulitika, at matagal nang alitan ng pamilya — ay isa sa pangunahing sanhi ng karahasan at sapilitang paglikas sa rehiyon.

Kinilala ng United Nations Development Programme ang rido bilang malaking hadlang sa kapayapaan sa BARMM.

Tinalakay din ni Macacua ang nagpapatuloy na proseso ng decommissioning o hindi na pagiging armadong pwersa ng mga dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), na isa sa mga mahalagang bahagi ng usapang pangkapayapaan.

“Ang Bangsamoro Islamic Armed Forces ay kasalukuyang dumadaan sa proseso ng decommissioning, at bahagi rin ako ng prosesong ito. Kailangan itong isakatuparan. Hanggang ngayon, hindi pa ako tuluyang nade-decommission. Ngunit tiyak na lalahok ako sa prosesong ito,” ani Macacua.

Samantala, sinabi ni Atty. Benedicto Bacani, Executive Director ng Institute for Autonomy and Governance at pangunahing convenor ng Integrated Electoral Monitoring Committee (IEMC), na maglalabas ng mga rekomendasyong polisiya ang kanilang grupo upang matiyak ang mas kapani-paniwala, ligtas, at mapayapang halalan sa hinaharap, batay sa kanilang obserbasyon sa mga nagdaang eleksyon.

“Ang tinitingnan natin ay kung maaari bang magpatupad ng mga preemptive na polisiya. Halimbawa, hindi legal ang pagtitipon o pagdagsa ng mga taong hindi naman botante sa mga voting centers,” ani Bacani.

Ibinahagi naman ni Ret. Colonel Dickson Hermoso, isang security consultant ng IEMC, na karamihan sa mga insidente na kanilang na-monitor noong Mayo 12 na halalan ay may kinalaman sa pananakot, pamimilit, pagpapakita ng pwersa ng mga kalabang kampo, at paggamit ng armadong grupo.

May 20, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ph vietnam pbbm (2)

Mariing idinepensa ni Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng senatorial candidates ng Marcos administration, na natalo ang kanilang Alyansa sa katatapos na halalan sa pagka-senador.

Pahayag niya, tabla at hindi pagkatalo ang naging resulta ng laban laban sa mga kandidatong sinuportahan nina dating Presidente Rodrigo Duterte at Bise-Presidente Sara Duterte.

Sa pinal na tala, lima sa mga nangungunang 12 senador ay malinaw na kaalyado o suportado ng Duterte camp: sina Bong Go, Bato Dela Rosa, Rodante Marcoleta, Camille Villar, at Imee Marcos.

Gayundin, limang kandidato mula sa Alyansa ng administrasyon ang nanalo: sina Erwin Tulfo, Ping Lacson, Tito Sotto, Pia Cayetano, at Lito Lapid.

Ani Tiangco, ang resulta ay nagpapakita ng balanseng komposisyon sa Senado, at hindi isang panalo o pagkatalo ng alinmang panig.

Dagdag sa komplikasyon ng resulta ang pagkapanalo nina Kiko Pangilinan at Bam Aquino, mga beteranong politiko na hindi tuwirang konektado sa Alyansa o sa Duterte slate. Ang kanilang pagkakasama sa top 12 ay naging hadlang sa pagkakaroon ng dominasyon ng alinmang kampo.

Ipinunto ni Tiangco na ang mahigpit na labanan sa Senado ay repleksyon ng pagkakahati ng damdamin ng mga botante matapos isulong ng Kamara ang impeachment laban kay VP Sara Duterte. Aniya, mula siyam na malalakas na kandidato sa Mindanao, apat na lang ang natirang may solidong suporta dahil sa isyu ng impeachment, dahilan kung bakit kakaunti ang naging kampanya sa nasabing rehiyon sa katimugan.

Inamin naman ni Tiangco na naapektuhan ang tsansa ng kanilang mga kandidato sa Mindanao dahil sa impeachment, maliban sa mga lokal na kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas na lamang sa mga panalo sa ilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Kung ipipilit ng ilan na talo ang Alyansa base sa resulta ng halalan, hindi iyon ang tamang interpretasyon. Hindi man namin na-domina ang top 12, pero hindi rin ito nangahulugang kami ay nabigo,” giit ni Tiangco.

Sa kabuuan, ipinakikita ng resulta na hindi malinaw ang panalo o talo ng alinmang puwersang pampulitika. Gayunman, nananatiling tanong kung paano makaaapekto ang balanseng Senado sa mga isinusulong na programa ng administrasyong Marcos.

May 19, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250512_184658_(655_x_430_pixel)

VENDORS Partylist first nominee Malu Lipana voted early at Bonifacio Elementary School in Brgy. 126, Pasay City. Fellow nominee Diwata, also known as Deo Balbuena, cast his vote in another barangay in the city. Both expressed heartfelt thanks to their supporters for their continued trust and support.

May 12, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DUTERTE SUPPORTERS

SINASABING desperadong manalo, ang Duterte camp ay napaulat na naglunsad ng last-minute communications maneuver sa pamamagitan ng pag-post ng pekeng survey sa social media, na nagsasabing nangunguna ang mga Dutertes sa local elections.

Kasunod ito ng pagtanggi ng polling firm na Pulse Asia sa isang pekeng survey na nagsasabing si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay lumalamang ng higit sa 55 porsiyento laban sa karibal niya sa pagka-alkalde ng Davao City na si Karlo Nograles.

Nabatid na ang pekeng survey, na may petsang Abril 26 hanggang Mayo 6, 2025, at ipinost sa Facebook page ng Maisug Mindanao, ay nagsasabing ang ibang miyembro ng pamilya Duterte na tumatakbo sa halalan ay nangunguna sa kanilang mga kalaban.

Kaya sa gitna ng pagkakatuklas dito ng ilang lokal na pahayagan, mariing itinanggi ng Pulse Asia ang anumang pakikiisa sa paggawa o pagpapalabas ng sinasabing survey.

“We wish to clarify that Pulse Asia did not conduct any of this survey. Since our founding in 1999, Pulse Asia has upheld the highest professional standards in conducting surveys and research,” sabi ni Pulse Asia Research Inc. President Ronald Holmes sa isang statement.

“We strongly denounce the unauthorized use of our name to spread false or misleading information,” dagdag pa ni Holmes.

Maliban dito, ang pekeng survey ay nagdulot ng backlash sa online, kung saan maraming netizen ang inakusahan ang kampo ni Duterte ng muling paggamit ng disinformation tactics.

“Never talaga nagbago mga DDS at kulto. Fake news peddlers noon at ngayon. Karmahin sana kayo!” pahayag ng isang Facebook user.

May isang user din ang nagsabi na bahagi ang pekeng survey ng isang mas malawak na planong kondisyunin ang isipan ng publiko at ihanda ang pundasyon para kuwestiyunin ang resulta ng halalan sakaling matalo si Duterte.

“Mind conditioning, para kapag natalo sila magpoprotesta kasi dinaya. Hahaha galawang PDP. Hahaha nangunguna eh wala namang nagawa o kwenta yang PDP team na ‘yan,” sabi ng isang netizen.

Sa kasalukuyan, si dating Pang. Duterte ay nakakulong sa The Hague, Netherlands, kung saan siya ay nahaharap sa mga kaso laban sa human rights dahil sa mga umano’y extrajudicial killings sa panahon ng kontrobersyal niyang kampanya kontra droga.

May 12, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250510_202938_(655_x_430_pixel)

Itinutulak ng Trabaho Partylist ang panawagan para sa mas malawak na reporma sa industriya ng Business Process Outsourcing (BPO), na layong palakasin ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, lalo na sa aspeto ng patas na pamamahagi ng workload.

Nabatid na ang panawagan ay kaugnay sa mga naging pakikipag-usap ng 106 Trabaho sa mga kasalukuyang nagtatrabaho sa mga BPO companies, pati na rin sa mga industry report tungkol sa mga hamong kinakaharap ng karamihan ng call center agent at iba pang BPO employees.

Iginiit ni Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng 106 Trabaho, ang mga hamon na kinakaharap ng mga BPO worker, kabilang ang labis na workload, kakulangan sa tauhan, at kawalan ng sapat na kaalaman sa karapatan sa lugar ng trabaho.

“Ang labis na pagbubuhos ng trabaho sa mga manggagawa habang kulang ang mga empleyado ay isang tahimik na krisis sa maraming BPO offices. Kailangan natin ng malinaw na mga patakaran at pananagutan para matiyak na walang empleyado ang mabibigatan ng di-makataong workload,” pahayag ni Espiritu.

Maliban sa pagsusulong ng batas, layon din ng 106 Trabaho na makipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga labor group, human rights advocates, at business leaders, upang makabuo ng mga epektibong paraan ng pagpapatupad na tugma sa patuloy na pagbabago ng industriya.

“Mahigit 1.3 milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa BPO sector. Matagal na nilang tinataguyod ang ating ekonomiya, panahon na para tayo naman ang tumaguyod sa kanilang proteksyon,” pagtatapos ng tagapagsalita ng Trabaho.

May 10, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DUTERTE

Natuklasan na ang mga pamilya ng mga biktima umano ng extrajudicial killings (EJK) sa ilalim ng nakaraang administrasyon ay patuloy na humihingi ng hustisya, habang inakusahan ng isang abogado ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasagawa ng ’delay tactics’ sa paglilitis sa International Criminal Court (ICC) upang mapalawig ang simpatiya ng publiko.

Pinuna kasi ni ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti ang umano’y paggamit ng ’delay tactics’ ng legal team ni Duterte, habang patuloy ang sinasabing harassment mula sa mga tagasuporta ni Duterte laban sa mga pamilya ng mga biktima.

Kaya nagbabala siya na maaaring layunin ng estratehiyang ito na makaimpluwensiya sa opinyon ng publiko bago ang midterm elections at posibleng impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Nabatid na isa sa mga umano’y taktika, ayon kay Conti, ay ang hakbang na alisin ang dalawa sa tatlong hukom na nangangasiwa sa kaso, dahil sa nakikitang pagkiling batay sa kanilang mga naunang desisyon sa mga kaugnay na usapin.

“The request to disqualify the two judges was a confidential submission, filed alongside their jurisdictional challenge. As a result, only one judge is left to hear the case, which could cause further delays in the proceedings,” paliwanag ni Conti.

“Sana hindi maging ganito ang mga susunod na takbuhin ng pagdinig… Kasi sa totoo lang, this is 8 years, 9 years delayed ang paglilitis tungkol sa war on drugs ni Duterte,” dagdag pa niya.

Kung maaalala, si Duterte ay nahaharap sa mga kaso ng krimen laban sa sangkatauhan dahil sa mga pagpatay na tinatayang umaabot sa 30,000 tao—karamihan mula sa mahihirap na komunidad—ayon sa Human Rights Watch.

Sabi naman sa opisyal na datos mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umabot sa 6,241 ang bilang ng mga namatay sa kampanya kontra droga mula Hulyo 1, 2016.

Sakop ng imbestigasyon ng ICC ang period mula Nobyembre 1, 2011, noong si Duterte ay alkalde pa ng Davao City, hanggang Marso 16, 2019, noong siya ay presidente.

Matatandaan na noong Marso 11, 2025, inaresto si Duterte ng Philippine National Police at Interpol, at inilipat sa The Hague, Netherlands, sa parehong araw.

May 10, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ABBY BINAY

Natuklasan na nahaharap umano si Mayor Abby Binay sa Senado sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil sa pumalpak na Makati Subway Project at pagkandado ng pasilidad 10 EMBO barangay na ibinigay ng Supreme Court sa Taguig City.

Sinasabing unang kakaharapin ni Binay ang kasong paghahabol ng Philippine InfraDev Holdings Inc., contractor ng pumalpak na $3.5 bilyong Makati Subway Project na nagsampa ng arbitration proceedings sa Singapore International Arbitration.

Hiniling kasi ng Infradev sa international arbitration na ibalik ng Makati ang nagastos nitong P44 bilyon sa Makati City Subway Project na nahinto dahil naging “unfeasible” ang proyekto sanhi ng desisyon ng Supreme Court sa jurisdiction ng 10 enlisted men’s barrios o EMBOS.

“Continuing with the Makati City Subway Project under the joint venture agreement with the city government was rendered no longer economically and operationally feasible due primarily to the Supreme Court’s decision declaring some subway stations and depot to be under the jurisdiction of Taguig,” ayon sa Infradev.

“Arbitration proceedings have thus commenced with the Singapore International Arbitration Centre to enable an impartial resolution of the agreement with Makati,” dagdag nito.

Ayon sa auditor ng kompanya, PwC, nalugi ang InfraDev ng P44 bilyon sa proyekto – P39 bilyon sa pagbili ng 8, 413 ektarya ng lupain nitong 2024 na ngayon nasa hurisdiksyon ng Taguig City at P5 bilyon sa development cost tulad ng architectural design at master planning ng subway.

Kasabay nito, naghain naman ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman sina Emilyn Borromeo Cacho at Joahanna Gallardo Junio laban kay Mayor Abby Binay sa pagsasara ng mga pasilidad sa 10 EMBO barangay kahit legal na napasakamay ito ng Taguig City.

Sa kasong inihain nina Cacho at Junio sa Ombudsman, nilabag umano ni Abby Binay ang Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019, Section 4 ng Republic Act No. 6713, Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, at Article 231 ng Revised Penal Code.

Residente si Cacho ng Barangay South Cembo, Taguig City at si Junio naman sa Barangay East Rembo sa naturang lungsod na nagreklamo dahil hindi nila nagamit ang pasilidad na

“The health centers and clinics, day care centers, multi-purpose facilities, and sports and recreation centers, all essential and indispensable for the delivery of basic services for the EMBOs, were unlawfully shut down upon the malicious and whimsical order of respondent Binay-Campos,” ayon sa kasong isinumite sa Ombudsman.

Pagsisiwalat ni Cacho, hindi siya nakapagpagamot sa health center sa Barangay South Cembo dahil isinara ni Abby Binay kaya nabigo siyang makakuha ng maintenance medication.

“When respondent Binay-Campos arbitrarily ordered the closure of the health center in Barangay South Cembo, Taguig, she went for months without taking her maintenance medication as she could not travel far on account of her dire health condition,” giit ni Cacho.

Iginiit naman ni Juino na isa siyang cancer survivor na hindi umano nakagamit ng mga pasilidad ng East Cembo dahil isinara ni Abby Binay kabilang ang ilang vulnerable sector tulad ng senior citizen, buntis, persons with disabilities at sinumang may problemang pinansyal na lubhang apektado ng illegal na pagkilos ng alkalde.

“Respondent should not have closed and /or controlled the government offices and facilities, especially the East Rembo Health Center and Ospital ng Makati (OsMak), since they are constructed for the use of EMBO residents, using the taxes of the people therein,” giit ni Junio.

“In view of the foregoing, complainants pray that the Honorable Office: (a) preventively suspend respondent Binay-Campos; (b) find her administratively guilty of violating RA 6713 and committing grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service and impose the appropriate penalties; and (c) find probable cause for violating Sec. 3e of RA 3019 and Art. 231 of the Revised Penal Code and thus indicting her in court,” ayon sa reklamo.

May 9, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250509_185933_(655_x_430_pixel)

Nanawagan ang Trabaho Partylist sa mga mambabatas na magsulong ng mga proteksyon, insentibo, at institusyonal na suporta sa lumalaking sektor ng freelance workers sa bansa, imbes na patawan sila ng karagdagang buwis na makaaapekto sa mga online gig workers.

Ito’y matapos marepaso ang implementing rules and regulations para sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12023, o ang Value-Added Tax on Digital Services Law.

Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho, kinakailangan ang agarang pagpapatupad ng mga patakarang kikilala sa mahalagang kontribusyon ng freelancers, lalo na sa digital at remote work sectors.

“Ang mga freelancer ay nagsusumikap na umunlad kahit walang pormal na suporta. Sa halip na buwisan ang mga Pilipinong digital service providers, dapat tayong lumikha ng mga polisiya na magpapalakas at poprotekta sa kanila,” ani Espiritu.

Maraming freelancer ang umaasa sa mga serbisyo gaya ng Upwork, Fiverr, TaskUs, PayPal, at Google Workspace sa kanilang araw-araw na trabaho. Nabahala ang ilan na posibleng tumaas ang singil sa serbisyo o kaya’y malimitahan ang kanilang access sa mga ito dahil sa bagong buwis.

Sa panayam ngTrabaho Partylist kay EJ Gonzales, isang freelance artist sa isang digital platform na sumiside-line rin bilang host at performer, sinabi niyang maliban sa kawalan ng benepisyo, wala ring sapat na awtoridad na mapagsusumbungan ang mga gaya niya kapag may katiwalian sa kontrata.

“Parang wala akong alam na may available for us. Kaya minsan nakakainggit actually ‘yung mga nagtatrabaho sa corporate. Meron silang HMO, allowance, secured na kinikita every month. Wala kaming mga ganon na benefits,” pagbabahagi ni Gonzales.

Sa kasalukuyan, marami ang nagtatrabaho nang walang kontrata, na nagdudulot ng problema tulad ng delayed payments at kakulangan ng legal recourse para sa mga freelancers.

Para sa Trabaho, ang dapat na isinusulong para sa mga freelancers ay tax incentives, internet connectivity infrastructure, social security benefits, grievance mechanisms laban sa mga manlolokong kontratista, at mga anti-labor policies ng digital platforms.

May 9, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest