Home NEWS

NEWS

ONLINE LIBRARY DEPED

NADISKUBRE na sa mga katimugang bayan ng Bataraza at Brooke’s Point sa Palawan ay nagkaroon ng tahimik na pagbabago na dulot ng mga smartphone.

Ito’y matapos magsanib-pwersa ang Globe, GCash, at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang mga pamilya ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) sa kanilang unang hakbang papasok sa digital world.

Sinasabing sa pamamagitan ng Pre-loved Phone Donation Drive, ang mga refurbished smartphone ay ipinamahagi sa 256 benepisyaryo, marami sa kanila ay gumagamit ng smartphones sa kauna-unahang pagkakataon.

Nabatid na para sa mga pamilyang ito, ang isang mobile phone ay higit pa sa isang kasangkapan para sa pagtawag o pagte-text. Isa itong mas ligtas at mas kumbinyenteng paraan sa pagtanggap ng suporta mula sa gobyerno sa pamamagitan ng GCash. Bukod pa rito, nagbubukas din ito ng oportunidad para sa online learning, pagsisimula ng maliit na digital na negosyo, o pananatiling konektado sa mga mahal sa buhay. Nagbibigay ito ng mga pang-araw-araw na kaginhawaan na dati ay hindi naaabot.

“This is about inclusion and access to opportunity,” sabi ni Carl Cruz, Globe President at CEO. “We hope these devices would help families not only receive their cash grants easily, but also for them to get the various opportunities to uplift their lives that technology makes possible.”

Aniya, ang inisyatibo ay bahagi ng “E-Panalo ang Kinabukasan” campaign ng DSWD, na naghahatid ng digital financial literacy at tools sa mga pamilya ng 4Ps, lalo na yaong mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas.

Ang mga volunteer mula sa Globe, GCash at Ayala Foundation ay tumulong sa mga benepisyaryo sa Palawan sa pag-set up ng kanilang mobile phones, pagrehistro sa kanilang SIMs, at paglikha ng GCash accounts.

Maliban dito, nagdaos din ang BPI Foundation ng financial literacy sessions upang tulungan ang mga pamilya na higit na maging kumpiyansa sa pag-manage ng kanilang mga pondo.

“Our aim is to bring government services closer to where people are,” pahayag naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian. “With digital tools in hand, families no longer need to walk long distances just to access their cash grants. That alone can change lives.”

Nangyari ang milestone na ito kasunod ng mga naunang inisyatibo sa Navotas at Romblon, kung saan mas maraming pamilya ang nakatanggap ng mga mobile phone at digital na pagsasanay. Sa bawat lugar, naging maganda ang tugon, puno ng pasasalamat, kasiyahan, at lumalaking pag-asa mula sa mga benepisyaryo.

Iginiit ng GCash, nangungunang finance app at ang pinakamalaking cashless ecosystem ng bansa, ang misyon nito na ihatid ang ‘Finance for All’, lalo na sa geographically isolated and disadvantaged areas.

“This is more than just onboarding users, it is about financial inclusion and making sure no one gets left behind in the digital economy. Beneficiaries can receive their GCash directly and efficiently and they also gain access to digital financial services to support their daily needs.” pahayag naman ni Oscar Enrico Reyes Jr., President at CEO ng G-Xchange Inc., mobile wallet operator ng GCash.

Kaya ang level 1 beneficiaries ng 4Ps program sa Bataraza at Brooke’s Point ay madali na ngayong maa-access ang kanilang cash grants.

Sa pagkakaloob sa kanila ng inayos na smartphones at digital banking services, hindi na nila kailangang magtiis sa 8-oras na biyahe papuntang mga ATM o umasa sa informal agents na naniningil ng hindi makatuwirang bayad.

Samantala, ang digital at financial empowerment campaign na ito ay inilatag sa pakikipagtulungan sa MIMAROPA Field Office ng DSWD, kung saan maraming barangay na nasasakupan nito ang nananatiling geographically isolated at underserved.

July 13, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIGNAL TELCOS CONNECTION

MAS pinalawak pa ng Globe ang kanilang presensiya sa network sa Sarangani sa pamamagitan ng mahigit 40 cell sites na nagsisilbi na ngayon sa lalawigan —pinahuhusay ang connectivity sa mga pangunahing agricultural, coastal, at upland areas.

Nabatid na ang mas malawak na network coverage ay sumusuporta sa digital na mga pangangailangan ng mga residente, magsasaka, estudyante, at negosyante sa isa sa pinakamalakas ang ekonomiya na lalawigan sa Mindanao.

Sinasabing ang Sarangani ay isang mahalagang contributor sa agri-aqua economy ng Mindanao dahil nagkaloob ito ng impresibong 160 thousand metric tons ng mais noong 2024, napanatili ang output sa kabila ng mas kaunting lupa — salamat sa 11.8% na ani. Sinamahan ng masaganang aquaculture sa Glan, ito ang nagdadala sa lalawigan sa pagiging dual-engine powerhouse sa agri-aqua economy ng Mindanao.

Kahit ang coconut farming at aquaculture— lalo na ang hipon at bangus— ay patuloy na nagkakaloob ng kabuhayan sa libo-libong pamilya, ang paglago sa turismo, construction, at maliliit na negosyo ay nagbigay-diin din sa pangangailangan para sa mas maraming maaasahang digital infrastructure.

“There’s real momentum in Sarangani, and we want to make sure our network keeps pace with the community,” pahayag ni Al Siao, Network Technical Lead ng Globe.

“From remote barangays to tourist hotspots, we’re building a network that can support every facet of life in the province.”

“This isn’t just about signal bars—it’s about real impact,” dagdag pa ni Siao. “A student can now attend online classes, a mother can video-call her child abroad, and a fisherman can check prices, sell catch online. In tourism towns, stronger signal means local merchants can accept digital payments, promote their homestays or food stalls online, and serve visitors better—turning connectivity into real income for families. That’s the kind of everyday connection we’re enabling.”

Napag-alaman na sa SarBay 2025, ang Globe ay nag-deploy din ng kanilang Cellsite on Wheels (COW) sa Glan upang suportahan ang paglakas sa mobile activity, tinitiyak ang tuloy-tuloy na connectivity para sa libo-libong festival-goers, vendors, at local businesses.

July 6, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
working hours barmm

TULUYANG kinilala ng Council of Foreign Ministers ng Organization of Islamic Cooperation (CoFM-OIC) ang malawak at lahatang representasyon ng iba’t ibang sektor sa interim government

na nagpapatakbo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nabatid na ang Bangsamoro Transition Authority (BTA), na binubuo ng mga kasaping hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang siyang kasalukuyang nangangasiwa sa BARMM habang hindi pa naisasagawa ang regular na halalan para sa mga opisyal ng rehiyon.

Kung matatandaan, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang batas na nagsasaad na ang BARMM parliamentary elections ay gaganapin sa Oktubre 13, 2025.

Batay sa Resolution No. 2 na inaprubahan ng CoFM-OIC sa kanilang ika-51 sesyon noong Hunyo 21–22, 2025 sa Turkey, “ang BTA ngayon ay binubuo ng mga kinatawan mula sa MILF, parehong paksyon ng MNLF, at mula rin sa iba’t ibang sektor ng Bangsamoro, kabilang ang mga katutubong hindi Moro, kababaihan, kabataang Bangsamoro, mga komunidad sa labas ng BARMM, mga pinunong relihiyoso, mga tradisyonal na pinuno, at mga naninirahang Kristiyano sa rehiyon.”

Masaya namang tinanggap ng OIC ang pagkakahirang kay Abdulraof Macacua bilang pansamantalang punong ministro ng BARMM, at kinilala rin ang mahalagang papel ni Al Haj Murad Ebrahim bilang dating pinuno ng rehiyon at ng BTA simula noong Pebrero 2019.

Kasabay nito, batay pa rin sa resolusyon, pinuri ng OIC si PBBM sa kanyang patuloy na pagsisikap upang mapanatili ang pagkakaisa sa rehiyon ng Bangsamoro.

Idiniin ng CoFM-OIC ang “malakas na paninindigan ni Marcos sa pagsusulong ng pagkakaisa, lahatang kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan, at mga inisyatiba para sa kapayapaan at pag-unlad sa BARMM.”

Kaya naman, bilang tugon sa pagkilalang ito, sinabi ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo, na nakatutok sa mga isyu at usapin sa Mindanao at Bangsamoro, na lubos na nakatuon ang pamahalaang Pilipinas sa pagpapatupad ng lahat ng nilagdaang kasunduang pangkapayapaan sa MILF, alinsunod sa diwa at nilalaman ng mga ito.

“Ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at ng mga puwersang panseguridad ay sumusunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na iwasan ang anumang hakbanging mag-isa na maaaring makasira o makompromiso ang mga tagumpay ng kapayapaan,” ani Lagdameo.

Hinikayat kasi sa resolusyon ng CoFM-OIC ang pamahalaan ng Pilipinas at ang MILF na ipagpatuloy ang constructive na pakipag-ugnayan sa isat-isa upang maisakatuparan nang lubos ang prosesong pangkapayapaan.

July 6, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pbbm bigas

Umabot na sa 94 ang Kadiwa Centers na nagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo, ayon sa Department of Agriculture. Ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang programa hanggang 2028.

Mula May 13 hanggang June 30, mahigit 804,000 kilo ng bigas ang naibenta sa higit 105,000 pamilya sa Luzon at Visayas.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang senior citizens, solo parents, PWDs, mahihirap, at minimum wage earners.

July 3, 2025 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
pdl

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), mahigit 85,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang napalaya mula Hunyo 2024 hanggang Mayo 2025 sa tulong ng pinalakas na paralegal services, Good Conduct Time Allowance (GCTA), probation, parole, at piyansa.

Batay sa ulat ng BJMP, mahigit 15,000 PDL ang inilipat sa mga pasilidad tulad ng BuCor, provincial jails, at drug treatment centers. Mahigit 5,000 kaso ang tuluyang na-dismiss, habang nasa 6,000 ang pansamantalang na-dismiss. Ilan din ang naabsuwelto o nakapagsilbi na ng buong sentensiya.

Samantala, 340 PDL ang inatasang magsagawa ng community service bilang alternatibo sa pagkakakulong, at mahigit 3,000 ang pinalaya bilang pagkilala.

July 3, 2025 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest

SA layuning mabigyan ng patas na digital na access ang mga malalayong lugar, pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Globe Telecom ang paglulunsad ng Bayanihan SIM initiative sa Kalawakan Elementary School, Doña Remedios Trinidad, Bulacan—isang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA).

Dumalo si Globe Chief Commercial Officer Darius Delgado sa opisyal na paglulunsad ng Bayanihan SIM Project sa Kalawakan Elementary School sa Bulacan. Layunin ng proyektong ito na maihatid ang koneksyon sa isa sa mga pinakamalayong komunidad sa bansa, kung saan bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng 25GB buwan-buwan.

Dumalo si Globe Chief Commercial Officer Darius Delgado sa opisyal na paglulunsad ng Bayanihan SIM Project sa Kalawakan Elementary School sa Bulacan. Layunin ng proyektong ito na maihatid ang koneksyon sa isa sa mga pinakamalayong komunidad sa bansa, kung saan bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng 25GB buwan-buwan.

Katuwang sa proyekto ang GCash, Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine Statistics Authority (PSA), na nagbigay suporta sa ceremonial launch kung saan 500 mag-aaral, guro, at magulang ang nabigyan ng TM SIM cards na may buwanang 25GB open-access data. Bukod pa rito, may dagdag na 5GB ang bawat SIM sa activation at posibilidad na makakuha ng karagdagang 15GB sa pag-load ng P150 kada buwan sa loob ng tatlong buwan.

Ang hakbang ay nakabatay sa Republic Act No. 10929 o Free Internet Access in Public Places Act, na layuning iangat ang antas ng edukasyon, kabuhayan, at akses sa pampublikong serbisyo sa mga liblib na komunidad.

Gamit ang SIM, maaari nang makapanood ng educational content ang mga estudyante, magsagawa ng digital classes ang mga guro, at makahanap ng kabuhayan online ang mga magulang gamit ang GCash at iba pang digital platforms.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, tugma ang proyekto sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguraduhing “no Filipino is left offline.” Binanggit din na sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibigay ang pamahalaan ng infrastructure subsidies sa mga telco para matugunan ang connectivity gaps sa mga GIDA.

Samantala, sinabi ni Globe President and CEO Carl Cruz, na sa ilalim ng programang ito, target nilang makapaglabas ng 1 milyong SIM cards na may 25GB data bawat isa, habang isinusulong ang paglalagay ng mga bagong cell towers sa mga lugar na kulang o walang signal.

Sa kabuuan, mahigit 333,000 indibidwal ang makikinabang sa Bayanihan SIM initiative sa buong bansa. Ito’y hakbang patungo sa isang mas inklusibong digital na Pilipinas, kung saan ang bawat Pilipino—nasaan man sa bansa—ay may kakayahang kumonekta, matuto, at umasenso.

June 26, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NO PHONE

Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng National ICT Month ngayong Hunyo na may temang “Walang Iwanan sa Digital Bayanihan,” pinagtitibay ng Globe ang pangako nito na magtatag ng isang ligtas at inklusibong digital future para sa lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng flagship Digital Thumbprint Program (DTP) nito.

Nabatid na ang award-winning initiative na ito ay nakarating na sa mahigit 11,600 estudyante at educators sa buong bansa ngayong 2025, na nagsusulong ng responsableng digital citizenship at privacy awareness sa lumalaking konektadong mundo.

Ang tema ay nagtutulak ng sama-samang pagsisikap upang matiyak na walang Pilipino ang maiiwan sa digital na panahon. Kaugnay nito, tinutugunan ng DTP ng Globe ang mga tunay na isyu tulad ng data privacy, cyber safety, at identity protection — pinalalakas ang mga user mula sa lahat ng sektor upang maging mas maingat sa kanilang digital footprints at makibahagi nang responsable sa digital na komunidad.

“As we celebrate ICT Month, we are reminded that technology should be a force for inclusion and empowerment. Through programs like DTP, we are helping ensure that every Filipino, from students to seniors, can participate in the digital economy safely and responsibly,” pahayag ni Globe Chief Sustainability and Corporate Communications Officer Yoly Crisanto.

Privacy sa Gitna ng Hyperconnection

Habang lumalaganap nang mas sopistikado ang online scams, phishing, at identity theft, pinagtitibay ng Globe ang pangako nito sa kaligtasan sa online —lalo na para sa mga bata. Sa matagal na nilang pakikipagtulungan sa SaferKids PH, isinusulong ng Globe ang kaligtasan sa online ng mga bata, upang maprotektahan sila mula sa mga panganib ng internet, tulad ng online sexual abuse at exploitation at cybercrimes.

“Through the Digital Thumbprint Program (DTP, we provide Filipinos with practical knowledge to navigate digital spaces responsibly. The program helps participants recognize online threats, avoid risky behaviors such as oversharing, and adopt safe practices when using social media or conducting online transactions,” ayon sa Globe.

“By simplifying complex topics like cybersecurity and digital rights, Globe empowers individuals to take control of their digital presence. Together, we move closer to a future where every Filipino is equipped to thrive safely and responsibly in the digital landscape,” dagdag pa nito.

Pagpapalawak sa Digital Literacy

Tapat sa diwa ng bayanihan, dinala ng Globe ang DTP sa mga eskuwelahan at komunidad sa buong bansa, kabilang ang Bulacan State University, Universidad De Manila, Cebu Technological University, at Northern Iloilo State University. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng workshops na pinangunahan ng mga volunteer ambassadors ng Globe, ang programa ay naghatid ng age-appropriate, localized content sa mga batang mag-aaral, educator, at maging senior citizens.

Sa labas ng academic institutions, ang Globe ay patuloy na sumusuporta sa lifelong learners sa pamamagitan ng Senior Digizen program, tinutulungan ang mga nakatatandang Pilipino na makipag-ugnayan nang may kumpiyansa sa digital na mundo habang nananatiling ligtas online.

Digital Privacy Habits

Upang suportahan ang digital journey ng bawat Pilipino, hinihikayat ng Globe ang publiko na isagawa ang apat na habits na ito para sa mas ligtas na online experiences:
1. Rebyuhin ang Privacy Settings – Kontrolin kung sino ang makakakita ng iyong personal information.
2. Gumamit ng Ligtas na Koneksiyon – Maging maingat sa paggamit ng public Wi-Fi para sa pribadong accounts.
3. Mag-isip Bago Mag-Share – Ang oversharing ay maaaring magbukas ng pinto sa scams at fraud.
4. Manatiling Alerto – Ang phishing at fake profiles ay karaniwan — beripikahin muna bago mag-click.

June 22, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TELCO

INIHIRIT ng Philippine Association of Private Telecommunications Companies (PAPTELCO), isang samahan ng independent telecommunications companies na nagkakaloob ng connectivity sa mga liblib na lalawigan, kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang Konektadong Pinoy bill, at magpasa ng mas mahusay na bersiyon sa 20th Congress.

“The current bill is flawed with national security issues as well as the lack of protection for small players like us that are already providing service to rural areas. A new and better Konektadong Pinoy bill can be certified as urgent so we can still it enacted into law this year,” pahayag ni Atty. Normandy Baldovino Jr., presidente ng PAPTELCO.

Nauna nang nagpahayag ng alalahanin ang PAPTELCO hinggil sa pambansang seguridad dahil maaari nang magtayo ng mga cable landing station at international gateway facilities ang sinumang kompanya sa Pilipinas nang walang kinakailangang mga clearance na bahagi ng legislative franchise na ibinibigay ng Kongreso.

“There can be a win-win situation if we enhance the bill in the next Congress. We can still attract foreign investors and at the same time protect the small telco players and protect the Filipinos from national security threats,” pagbibigay-diin ni Baldovino.

Ang iba pang mga samahan sa industriya tulad ng Philippine Chamber of Telecommunications Operators (PCTO) ay nauna nang binatikos ang ilang probisyon sa Konektadong Pinoy bill na maaaring makasama sa pambansang seguridad ng Pilipinas at sa mga Filipino consumer. Kabilang dito ang:

● Ang pag-aalis ng requirement para sa Congressional franchise para sa mga bagong telecommunications player na papasok sa Pilipinas
● Ang pagbawas sa mga tungkulin ng National Telecommunications Commission (NTC) mula sa isang regulatory na ahensiya tungo sa isang administratibong tungkulin, kung saan ang mga bagong kompanya ay kailangang lamang magparehistro nang hindi kailangang magpakita ng patunay ng kakayahan nilang mag-operate sa Pilipinas.

● Kakulangan ng pagsusuri sa bagong telecommunications players, at
● Kakulangan ng requirement para sa mga bagong telecommunications player na maging cybersecure bago magsimulang mag-ooerate sa Pilipinas.

“We can’t sacrifice the country’s national security. While the Konektadong Pinoy bill has good intentions, it may have adverse effects down the road similar to when the government legalized Philippine Offshore Gaming Corporations (POGO). We have to correct the bill itself to ensure there is nothing lost when it comes to the implementing rules and regulations,” aniya.

Sa ilalim ng panukala, ang foreign-controlled companies ay pinapayagang kontrolin ang critical information infrastructure (CII) na mahalaga para sa pambansang seguridad, nang walang anumang financial, technical o legal checking.

Pinapayagan din ang mga bagong player na magkaroon ng isa hanggang tatlong taong grace period matapos ang simula ng operasyon upang maisakatuparan ang cyber security measures, sa kabila ng mataas na insidente ng hacking sa Pilipinas.

Ang Konektadong Pinoy bill ay isang priority measure ng kasalukuyang administrasyon na naglalayong palawakin ang internet access sa bansa sa pamamagitan ng pagpapagaan sa pagpasok ng mga bagong player sa data transmission industry.

June 16, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TELCO

IGINIIT ng Philippine Chamber of Telecommunications Operators (PCTO), na binubuo ng mga nangungunang telcos sa bansa, ang agarang atensiyon o pagtutok sa mga hindi pa naresolbang panganib sa Konektadong Pinoy Act, na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at naghihintay na pirmahan ng Pangulo.

Kahit sinusuportahan ng PCTO ang layunin ng panukala na palawakin ang akses sa internet sa buong bansa, nagbabala ang grupo na ang bersyong ipinasa ng bicameral committee ay maaaring magdulot ng panganib sa pambansang seguridad, pababain ang antas ng regulasyon, at magdulot ng hindi pagkakaayos sa sektor ng telekomunikasyon sa hinaharap.

“We support providing broader connectivity to all Filipinos. However, the bill lowers the bar for accountability and opens the country to risks tied to unregulated infrastructure and potential foreign control,” sabi ni Atty. Froilan Castelo, PCTO President and Globe General Counsel.

Sa ilalim ng panukala, ang mga bagong data transmission players ay
hindi na kailangang kumuha ng legislative franchise o Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN)—isang hakbang na nag-alis ng mahahalagang filter na ginagamit noon upang suriin ang legal, financial, technical, at cybersecurity readiness.

“This creates a two-tier system. Existing players remain subject to full regulation, while new entrants operate with fewer checks. That’s a national security concern and a fairness issue,” ani Castelo.

Nagpahayag din ang PCTO ng alalahanin tungkol sa exemption ng batas sa satellite direct access services mula sa anumang uri ng registration o pahintulot mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) o National Telecommunications Commission (NTC). Ito ay taliwas sa sariling prinsipyo ng technology neutrality na nakasaad sa Seksyon 19 ng batas.

“You cannot claim to be technology-neutral and at the same time give one technology a free pass. The provision requiring satellite services to apply for NTC spectrum use was removed in the final version. That opens a dangerous backdoor,” babala ni Castelo.

Sa usapin naman ng cybersecurity, pinuna ng grupo na pinapayagan ng batas ang mga bagong player ng two-year window upang makasunod sa national at international security standards.

Naniniwala ang PCTO na ang pagkakaantala na ito ay hindi katanggap-tanggap sa panahon ngayon na tumitindi ang banta sa cyber.

Ang isa pang kakulangan sa batas ay ang kawalan ng anumang requirement na kailangang maglingkod ang mga bagong player sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs). Ito ay maaaring maghikayat sa mga bagong player na magpokus lamang sa mga high-density urban area, at iiwan ang mga rural na komunidad.

Binanggit din ng PCTO ang panganib ng pagmamadali sa pagpasa ng batas nang walang mas malalim na pagsusuri sa mga stakeholder, tinukoy ang POGO law bilang isang halimbawa ng may mabuting hangarin subalit hindi maayos na naisakatuparan ang polisiya.

“We’ve seen what happens when laws are rushed and under-vetted. We cannot afford another case where gaps in the law create bigger problems down the road,” pagbibigay-diin ni Castelo.

Hinimok ng PCTO ang administrasyon na suriing mabuti ang panukala bago ito pirmahan at tiyakin na ang mga ipatutupad na alituntunin ay may malinaw at maipapatupad na mga patakaran—mga patakaran na magsusulong sa tunay na digital inclusion, titiyak sa pambansang seguridad, at magpapanatili sa isang patas at handa na industriya sa hinaharap.

June 13, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
050924 job fair

INILUNSAD ng Department of Information and Communications Technology ang programang “Trabahong Digital” na may layuning makalikha ng humigit-kumulang walong milyong digital na trabaho pagsapit ng taong 2028.

Ayon kay Assistant Secretary Renato Paraiso, tagapagsalita ng ahensya, ang paglulunsad ng pangunahing programang ito ay isang matapang na hakbang patungo sa inklusibong pagbangon ng ekonomiya at digital na transformasyon sa ilalim ng pamumuno ng bagong talagang kalihim na si Henry Rhoel Aguda.

Ginawa ang anunsyo sa pagbubukas ng National ICT Month ngayong taon na ginanap sa Basco, Batanes.

May temang “Walang Iwanan sa Digital Bayanihan,” binigyang-diin ng pagdiriwang ang layunin ng ahensya na tiyaking walang Pilipinong mapag-iiwanan sa panahon ng digitalisasyon.

Layunin ng ‘digital jobs’ na paigtingin ang paggamit sa lumalawak na digital economy ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng konektividad sa internet, lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs), at pagbibigay ng sapat na digital skills sa mga Pilipino upang sila’y makapaghanapbuhay saanman at kailanman.

Sa isang mensaheng ipinaabot ni Sec. Aguda, na hindi nakadalo sa seremonya dahil sa naunang mga obligasyon, binigyang-diin niya ang kanyang bisyon para sa isang makabuluhan at matatag na ICT sector: “Ang tunay na diwa ng pag-unlad at nasyon-building ay kapag sabay-sabay tayong umaangat sa pamamagitan ng pagtutulungan.”

Kabilang sa mga pangunahing adbokasiya ng bagong pamunuan ang pagpapalakas ng digital trust at seguridad. Kabilang dito ang pagpapatibay sa mga panuntunan sa data privacy at pananagot ng mga digital platforms tulad ng Meta sa pagtukoy at pagtanggal ng mga pekeng job advertisements. Bahagi ito ng mas malawak na hakbang upang protektahan ang mga manggagawang digital at tiyaking lehitimo at ligtas ang online job marketplaces.

Kasabay nito, isinusulong din ng DICT ang modernisasyon ng serbisyo-publiko sa pamamagitan ng mas mabilis, mas simple, at user-friendly na government e-services. Inaasahang magiging mas episyente at abot-kaya ang mga transaksyon sa pamahalaan, lalo na para sa mga komunidad sa malalayong lugar.

“Ang pagpapatakbo ng isang digital-first economy ay magbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at paglago sa negosyo sa pamamagitan ng pagsasanay sa digital skills at pagbibigay ng kinakailangang kagamitan upang magtagumpay,” dagdag pa ni Aguda.

Ipinahayag ng DICT ang matibay na pananalig sa tagumpay ng layunin nitong lumikha ng milyun-milyong trabaho, kasabay ng aktibong pakikipag-ugnayan sa mga local government unit, state universities and colleges, at mga kasaping pribadong sektor.

Tiniyak din ng ahensya ang buong pagsuporta nito sa mga prayoridad sa digitalisasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., partikular sa paglikha ng trabaho sa pamamagitan ng digital economy at pagbibigay ng konektividad sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng digital jobs ay isinusulong ng DICT ang isang makabuluhan at pangkalahatang digital na Pilipinas—isang bansang hindi iniiwan ang alinmang bahagi sa landas ng pag-unlad.

June 8, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest