Home NEWS

NEWS

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si AGAP Partylist Rep. Nicanor “Nikki” Briones kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos lagdaan ang Republic Act No. 12308 o Animal Industry Development and Competitiveness Act.

Ayon kay Briones, isa itong mahalagang tagumpay para sa sektor ng paghahayupan dahil siya mismo ang isa sa pangunahing may-akda at sponsor ng naturang batas, na unang inihain ng AGAP noong 2022.

Batay sa bagong batas, lilikhain ang Animal Competitiveness Enhancement Fund (AnCEF) na may pondong hindi bababa sa P20 bilyon at maaaring tumaas hanggang P30 bilyon kada taon na epektibo sa loob ng sampung taon. Ang pondo ay magmumula sa taripa ng mga inaangkat na karne at dairy products.

Gagamitin ang AnCEF para sa iba’t ibang programa gaya ng repopulation at herd build-up, animal health and disease control, paggawa at imbakan ng bakuna, pagbibigay ng cash assistance sa mga magsasakang tinamaan ng ASF at bird flu, pagpapagawa ng pasilidad gaya ng slaughterhouses at poultry dressing plants, paglinang ng masustansiyang feeds, at pagpapautang para sa mga nasa animal industry.

Sa ilalim ng RA 12308, ang Bureau of Animal Industry ang magiging pangunahing regulatory agency para sa veterinary drugs, biologics, at vaccines.

Itinuturing itong landmark law dahil layon nitong palakasin ang lokal na produksyon, itaas ang biosecurity standards, at tiyakin ang pagiging globally competitive ng sektor ng livestock at poultry.

Ipinunto ni Briones na magsisimula na ang bagong yugto para sa mas moderno, matatag, at umuunlad na animal industry sa bansa.

Samantala, pinapurihan din ng AGAP congressman ang naging suporta ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan, kabilang sina dating Speaker Martin Romualdez, Sen. Cynthia Villar, Cong. Mark Enverga, at Agriculture Secretary Kiko Laurel.

October 2, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
AMENAH PANGANDAMAN - DBM

Mismong ang Department of Budget and Management (DBM) ang nanguna, sa pakipagtulungan ng mga katuwang sa sektor ng edukasyon, ang paglunsad ng isang open data initiative na naglalayong palakasin ang transparency at accessibility ng impormasyon sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng programang Project Bukas.

Sa pangunguna nina DBM Sec. Amenah Pangandaman at Department of Education Secretary Sonny Angara, inilunsad ang programa sa Parañaque National High School noong Lunes, Setyembre 29, 2025.

Layunin ng Project Bukas na gawing mas bukas at madaling ma-access ang mahalagang mga datos kaugnay ng paaralan, mag-aaral, at resulta ng edukasyon sa isang online platform.

Ang ‘Project Bukas,’ na hinangad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magbigay ng kapangyarihan sa mamamayan na makiisa sa tinatawag na proof-based or data-driven campaign laban sa korapsiyon ay inilarawan bilang pinalawak at mas pinagaan na bersyon ng umiiral na Freedom of Information policy ng pamahalaan, na nagbibigay ng karapatan sa taumbayan na magkaroon ng access sa impormasyong hawak ng mga ahensya ng gobyerno – maliban na lang sa mga sensitibong usaping may kinalaman sa pambansang seguridad at pribadong impormasyon.

Sinabi ni Pangandaman na ang proyekto ay bahagi ng adbokasiya ng Philippine Open Government Partnership na kanyang pinamumunuan, upang isulong ang pananagutan at pagiging bukas ng pamahalaan sa taumbayan.

“Bilang tagapangulo ng Philippine Open Government Partnership, ikinagagalak kong makita na ang DepEd ay sumusuong sa ganitong hakbangin. Layunin ng proyektong ito na magbigay ng maaasahang datos upang maging gabay sa mga desisyong nakabatay sa ebidensya sa larangan ng edukasyon,” mariing sabi ni Pangandaman.

Ang sentro ng proyekto ay ang Paaralang Bukas Dashboard – isang online na plataporma kung saan maaaring makita ng publiko ang datos hinggil sa bilang ng mga mag-aaral, resulta ng pagsusulit, konektibidad sa internet, bilang ng guro, at kondisyon ng mga pasilidad ng paaralan.

Sinasaklaw rin ng dashboard ang mga pangunahing serbisyo kagaya ng kuryente at tubig, na layuning bigyang-linaw ang mga kakulangan at aspeto na dapat pagtuunan ng pansin ng mga magulang, guro, pamahalaang lokal, at buong komunidad.

Ayon kay Sec. Amenah Pangandaman, malaking tulong ang Project Bukas upang matugunan ang matagal nang mga tanong hinggil sa pondong inilalaan sa edukasyon at ang aktwal na epekto nito.

“Ang Project Bukas ay isang mahalagang hakbang hindi lamang para makahanap ng sagot sa mga batayang tanong, kundi para maitayo ang isang kapaligiran sa pagkatuto na nakabatay sa tiwala, datos, at kolektibong pagkilos ng komunidad,” dagdag ni Pangandaman.

Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin naman ni Secretary Angara na ang proyekto ay isang pinagsamang hakbang ng iba’t ibang sektor.

“Hangad po naming makipagtulungan sa publiko at pribadong sektor. Ito ay isang kolektibong responsibilidad na hindi namin magagampanan nang kami lamang,” aniya.

Suportado ang Project Bukas ng iba’t ibang pribadong institusyon, civil society organizations, research groups, at ng Evidence for Education (E4E) Coalition. Ayon sa mga opisyal, sumasalamin ito sa whole-of government at whole-of-nation approach ng pamahalaan upang matiyak ang pagiging epektibo at accountable ng paggastos sa edukasyon.

Ibinahagi rin ni Angara ang naging papel ng DBM sa pagsusulong ng open governance, kabilang na ang Open Government Initiative noong 2022. Binanggit niyang ang transparency sa budget allocation ay mahalaga lalo na’t target ng DepEd na makuha ang pinakamalaking bahagi ng pambansang budget sa 2026.

Dagdag pa niya, ang paggamit ng dashboard ay makatutulong upang maiwasan ang mga iregularidad sa mga proyekto sa mga paaralan.

“Dahil sa Project Bukas, makikita na mismo ng mga stakeholder ang aktwal na kondisyon ng mga paaralan. Ang pagiging bukas na ito ay makakatulong upang maiwasan ang maling paggamit ng pondo at makahikayat ng suporta mula sa LGUs at pribadong sektor,” ani Angara.

Samantala, sinabi ni Pangandaman na ang Project Bukas ay umaakma rin sa iba pang mga transparency tools ng DBM gaya ng: Budget Analytics Dashboard para sa real-time fund monitoring; Project DIME na gumagamit ng satellite at geo-tagging upang masubaybayan ang mga proyekto ng DepEd, at ang; PhilGEPS Open Data platform para sa mas bukas na proseso ng procurement.

Ipinahayag din ng Kalihim na inirekomenda ng DBM ang ₱1.224 trilyon na budget para sa sektor ng edukasyon sa taong 2026 – ang pinakamataas na inilaang pondo sa kasaysayan ng bansa. Katumbas ito ng 4% ng GDP, alinsunod sa rekomendasyon ng UNESCO.

“Ginawa na namin ang lahat upang manatiling pangunahing prayoridad ang edukasyon sa pambansang budget. Ito ay para sa kinabukasan ng ating mga anak at ng mga susunod pang henerasyon,” ani Pangandaman.

October 1, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DIGITAL ECONOMY

Mas pinalawak pa ng Globe ang commitment nito na hubugin ang susunod na henerasyon ng mga innovator sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa mga estudyante, educator, at industry leader sa Innovania 2025: The Builder’s Blueprint – Student Discovery.

Nabatid na ang large-scale discovery event ay magkakasabay na idinaos sa Luzon, Visayas at Mindanao, na lumikha ng kakaibang nationwide platform para ipakita ng STEM learners ang kanilang pagiging malikhain at mga ideya.

Sinasabing bilang bahagi ng programa ng Globe, ang inisyatiba ay nakatuon sa pagpapasali sa mga estudyante sa Electronics and Communications Engineering (ECE) at Computer Engineering. Sa paglalantad sa mga ito sa mga pinakabagong kaganapan sa teknolohiya, layon ng programa na pukawin ang interes ng mga tech student na tuklasin kung paano makatutulong ang digital solutions na isulong ang ekonomiya at mga komunidad ng bansa.

“By providing a platform for student ideas to flourish and go for their dreams, we are investing in the country’s next generation of technology leaders,” sabi ni Roche Vandenberghe, Chief Marketing Officer at Globe.

Nakiisa rito ang mahigit 100 estudyante mula sa 19 unibersidad at organisasyon sa buong bansa. Ang mga participant ay lumahok sa learning sessions sa 5G, Internet of Things (IoT), at gamification, na sinundan ng isang Ideathon kung saan nagtulungan ang student teams na maglahad ng real-world solutions sa mahahalagang hamon.

Tumanggap ang mga nanalo ng isang Cubikit at mentorship mula sa Cubicore, na nagbigay-daan upang ipagpatuloy nila ang pagpapahusay sa kanilang mga proyekto sa tulong ng propesyunal na gabay.

Maliban sa kumpetisyon, ang mga estudyante ay ipinakilala rin sa Student Program ng Globe, na nag-aalok ng malalim na learning experiences tulad ng internships, volunteer opportunities, at guided tours sa mga opisina at data centers ng Globe.

Ang mga inisyatibong ito ay nagbigay sa kanila ng malinaw na pananaw kung paano nag-ooperate at nag-i-innovate ang pinakamalaking platform ng digital solutions sa bansa sa malakihang paraan.

“Globe Innovania 2025 allowed us to fulfill our mission to evangelize IoT technology to Filipino youth. We are very excited to work on the ideas presented during the IoT Ideathon. This is a crucial step in inspiring students to innovate by deploying real IoT solutions created by themselves,” ani Carl Rowan, Co-Founder of Cubicore.

Pagdiriwang sa mga nagwaging mag-aaral

Ang IoT Ideathon ay tinampukan ng breakthrough projects mula sa mga student innovator na nagpabilib sa mga judge sa kanilang pagiging malikhain at hangarin na makagawa ng pagbabago. Ibinahagi ng De La Salle University – Google Developer Group team na ang pagwawagi sa Cubicore Ideathon ay hindi nila inaasahan sa harap ng antas ng inobasyon mula sa mga kalahok. “It’s a testament to the talent in the Philippine student tech community,” pahayag ng koponan, idinagdag na nagpapasalamat sila sa pagkakataong makatrabaho ang Cubicore at gamitin ang Cubikit upang maisakatuparan ang kanilang mga ideya.

Para sa PUP-REC Manila team, ang pagwawagi sa Globe Innovania 2025 ay higit pa sa pagkilala, ito ay isang pagkakataon upang maglingkod. “We thank Globe for opening doors for innovators like us and Cubicore for equipping us with the Cubikit and mentorship that will help make our vision a reality.”

Samantala, nagpahayag ang UST Computer Science Society, tumanggap ng Model Community Award, ng pasasalamat sa Globe sa pagkilala sa kanilang pagpupunyagi.

“This achievement marked an unforgettable experience for our team, especially as it was the first experience of its kind for most of our members. We feel truly honored to have received such a prestigious award on our very first endeavor in such a big competition.“

September 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pbbm nagpasalamat

Kasunod ng malawakang kilos-protesta sa Edsa Shrine at Luneta Park, binigyang-diin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “ubusin at panagutin” ang lahat ng sangkot sa korapsyon sa bansa.

Ang mga protesta ay bunga ng isyu sa mga maanomalyang substandard flood control projects na kinasasangkutan umano ng ilang tiwaling DPWH officials, mga contractor at mismong mambabatas.

Pahayag ni Dizon, hindi titigil
ang ahensya hangga’t hindi natutupad ang direktiba ng Pangulo laban sa katiwalian kaugnay ng mga flood control project.

“Importanteng malaman ng gobyerno ang saloobin ng taumbayan. Makakaasa po sila na lahat ng direktiba ng Pangulo na walang sasantuhin at kailangang managot ang dapat managot ay wala tayong tigil na gagawin,” aniya.

Iginiit ni Dizon na agad nang kumilos ang DPWH alinsunod sa utos ng Pangulo, naghain na ito ng tatlong kaso sa Ombudsman, 26 indibidwal na ang nakasuhan, tatlong opisyal ang na-dismiss, habang 17 pa ang sinuspinde at nakatakdang maalis sa serbisyo sa mga susunod na araw.

“Kagaya po ng sinabi ng Pangulo, kailangan mula taas hanggang baba ay kinakailangang managot,” dagdag ni Dizon, sabay pahayag ng suporta sa mga hinaing at panawagan ng mga nagpoprotesta.

Matatandaang kamakailan ay itinatag ni Pangulong Marcos ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang malalimang siyasatin ang mga anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects upang labanan ang korapsyon.

“They will not be spared. We have no favorites, no one we are protecting. No one will believe it until it is actually done,” aniya.

Nasa 210 grupo ang sinasabing kasama sa “Trillion Peso March” sa EDSA Shrine kabilang ang mga unibersidad, kabataan, civil society, at simbahan.

Samantala, sLuneta Park naman, ayon sa Manila DRRMO, mahigit 49,000 katao ang dumalo sa umaga para magprotesta laban sa katiwalian.

September 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMG_20250916_112002_(655_x_430_pixel)

A prominent Philippine lawyer has asked the Department of Migrant Workers (DMW) to suspend its new policy raising the minimum wage of Filipino domestic workers abroad from USD 400 to USD 500.

In a September 12 letter, Atty. Rahima S. Ayunan, head of Jamal Human Resource Internationale, appealed to DMW Secretary Hans Leo Cacdac to hold off on implementing Advisory No. 25, Series of 2025.

She said the move should wait until bilateral labor agreements with Gulf states are finalized, stressing that the policy is “well-meaning but premature.”

Ayunan explained that under Republic Act 11641, the DMW must coordinate with the Department of Foreign Affairs (DFA) and respect host country laws.

She warned that Gulf Cooperation Council (GCC) officials have already voiced opposition to unilateral wage changes, which could trigger diplomatic friction.

The lawyer also raised concerns over the financial risks for Philippine recruitment agencies.

Under Philippine law, agencies are held liable if foreign employers reject contract terms. Without formal agreements with host countries, agencies may face lawsuits, contract substitutions, or even deployment bans.

The GCC is the largest destination for Filipino household service workers, with more than 562,000 deployed between 2022 and 2024.

Ayunan said a sudden wage hike could disrupt deployment pipelines to Saudi Arabia, Kuwait, the UAE, and other Gulf states.

Instead of outright implementation, she recommended deferring the policy, working with the DFA to negotiate recognition of the new USD 500 wage, and phasing in enforcement only in countries that officially agree.

September 16, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
telco

Higit pang pinalalakas ng Globe ang kanilang presensiya sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas at pagpapalawak ng mga pisikal na tindahan. Layunin nitong mas mapabuti ang karanasan ng kanilang mga customer na mas gusto ang face-to-face na pakikipag-ugnayan.

Bagama’t kilala ang telco bilang digital-first service provider, patuloy itong naglalaan ng puhunan sa mga tindahan upang magbigay ng expert support, device upgrades, broadband solutions, at iba pang serbisyo na direkta at mabilis na natatanggap ng publiko.

Ayon kay Globe President at CEO Carl Cruz, pangunahing gabay ng kompanya ang kanilang mga customer. “Whether they are online or offline, we will be there for them,” wika niya.

Kamakailan, muling binuksan ang upgraded Globe store sa Robinsons Manila na nag-aalok ng mas modernong in-store experiences. Pinalawak din ang serbisyo sa mga probinsya gaya ng Globe Microshop sa Boracay, TM Tindahan sa Vigan, at bagong bukas na TM Tindahan sa Sorsogon City.

Nagbukas din ng pop-up store sa Bohol na dinisenyo bilang hub para sa digital solutions at in-person service.

Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, layon ng Globe na mailapit ang serbisyo sa mga komunidad at suportahan ang micro-entrepreneurs.

Dagdag pa ni Cruz, hindi lamang produkto ang kanilang iniaalok kundi mas matibay na relasyon sa mga customer.

Aniya, mahalaga para sa Globe na manatiling konektado at may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.

September 14, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
nicanor briones

Mariing pinabulaanan ni AGAP Party-list Representative Nicanor Briones ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa umano’y “payola” mula sa mga proyekto ng mag-asawang Discaya.

Sa isinagawang Senate hearing, isiniwalat ni Curlee Discaya, isa sa mga may-ari ng St. Gerrard Construction at Alpha & Omega General Contractor, na ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) umano ang lumapit sa kanila upang manghingi ng porsiyento mula sa mga proyekto.

Ayon kay Discaya, aabot sa 10 hanggang 25 porsiyento ang hinihingi kapalit ng hindi pagharang sa implementasyon ng kontrata.

Agad namang tumugon si Cong. Briones sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.

Aniya, walang katotohanan ang paratang at hindi niya nauunawaan kung bakit isinama ang kanyang pangalan sa usapin.

“Mariin ko pong itinatanggi ang mga walang batayang paratang ng mga Discaya laban sa akin. Hindi ko po alam kung ano ang motibo sa pagdawit sa inyong lingkod,” pahayag ng mambabatas.

Dagdag pa ni Briones, nakikipag-ugnayan na siya sa kanyang mga abogado upang magsampa ng kaukulang kaso laban sa mag-asawang Discaya.

Iginiit ni Briones na hindi niya hahayaang masira ang kanyang pangalan at reputasyon na matagal na niyang pinangangalagaan.

Nanindigan si Briones na ang alegasyon laban sa kanya ay bahagi lamang ng paninira at walang basehan. “Hindi natin papayagan na sirain ang ating pangalan at pagkatao na matagal nating iniingatan,” aniya.

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng Senado ang umano’y anomalya sa flood control projects na sinasabing kinasasangkutan ng ilang kontratista at mga opisyal ng pamahalaan.

September 8, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
AI -ARTIFICIAL INTELLIGENCE

Kumpiyansa si Globe President and CEO Carl Cruz na ang artificial intelligence (AI) ay higit pa sa isang makapangyarihang kasangkapan, ito ay nangangailangan ng pagbabago sa paraan ng pag-iisip ng mga lider at pagpapatakbo ng mga organisasyon.

Nabatid na sa Amazon Web Services (AWS) Cloud Day Philippines 2025, sinamahan ni Cruz ang mga kapwa executive sa isang high-level panel sa pagtahak sa GenAI revolution, kung saan binigyang-diin niya na ang AI ay hindi lamang tungkol sa pag-automate ng mga gawain o pagbabawas ng gastos.

“Generative AI has moved us past automation and into a new age of augmented intelligence,” ayon sa kanya. “It’s no longer about doing things faster; it’s about unlocking creativity and creating relevance at scale.”

Dito’y ipinakiya ni Cruz kung paano ipinapasok ng Globe ang AI sa buong operasyon nito upang isulong ang kahusayan, mapataas ang karanasan ng mga customer, at mapadali ang inobasyon sa bawat antas.

Malinaw na ipinakikita ng Net Promoter Score of 49 ng kompanya, na lampas sa sukatan sa industriya, ang tagumpay nito sa paghahatid ng hyper-personalized services sa pamamagitan ng intelligent systems.

“We’re using AI to anticipate needs and connect with people more meaningfully,” aniya. Itinuro niya ang panloob na AI Enablement Program ng Globe, na nagbibigay-kapangyarihan sa mga empleyado na bumuo ng kanilang sariling AI tools nang walang kinakailangang kaalaman sa coding.

Isang grupo, halimbawa, ang lumikha ng isang bot na nagpalawak sa pagsusuri sa mga pag-uusap mula 5% hanggang 100%, na nagpabawas nang malaki sa gastos at nagpabuti sa quality assurance. Ito ay patunay, ayon kay Cruz, na ang inobasyon ay hindi palaging kailangang manggaling mula sa itaas.

Iginiit din ni Cruz ang kahalagahan ng responsible development. Patuloy na isinusulong ng Globe ang etikal na paggamit ng AI sa pamamagitan ng AI Advocacy Guild nito, isang ‘community of practice’ na nakatuon sa pagsusulong ng responsableng inobasyon sa buong organisasyon, binuo batay sa lakas nito sa data privacy at cybersecurity.

Sinasabing ang mga estratehikong alyansa sa GSMA, OpenAI, at Singtel’s Global Telco AI Alliance ay nagpapalakas sa pangako nito sa global best practices.

Ang pamamaraan ng Globe, na tinatawag ni Cruz na “AI Kitchen,” ay nagbibigay-prayoridad sa mga pangunahing kakayahan at mga pundasyong maaaring palawakin bago ilunsad ang mga indibidwal na gamit ng AI. “We assess each one like a business case,” ani Cruz. “We don’t build for the sake of it, we build for impact.”

Inamin niya na may mga hamon na kaakibat ang paggamit ng AI, mula sa legacy systems hanggang sa regulatory constraints.

Subalit sinabing tinutugunan ng Globe ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakatuon na programa sa paghahanda na nakapokus sa integration at data maturity.

Samantala, sa pagtatapos ng panel, hinimok ni Cruz ang mga kapwa lider “to embrace curiosity, empower teams, and trade certainty for adaptability.”

“GenAI isn’t just a technology shift, it’s a mindset shift,” wika pa niya. “We’re building a future where every Filipino is a digital Filipino who is equipped to thrive in an AI-powered world.”

September 7, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Messenger_creation_8274503B-2BA0-4042-935E-E99323FB97BB

Natuklasan na iniimbestigahan ngayon ng Commission on Audit (COA) ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos lumabas ang ulat na naglabas ito ng P1.77 bilyon sa loob lamang ng isang araw sa ilalim ng pamumuno ni Minister Mohagher Iqbal.

Sinasabing bagkaroon ng payout na halos dalawang bilyong-piso noong Marso 7, 2025 na nakalaan para sa Learners’ at Teachers’ Kits, subalit ayon sa lumabas na reklamo ay hindi umano ito dumaan sa pagsusuri at lagda ng Finance Division, isang paraan upang masiguro ang legalidad at ang pagsunod ng naturang badyet sa mga batas ng gobyerno.

May mga tseke ring umano’y direktang ibinigay sa ilang tauhan, kabilang ang cashier, nang walang kaukulang oversight.

Kumpirmado ni COA Chairman Gamaliel A. Cordoba na isasailalim na sa special audit ang usapin. Sa isang liham noong Agosto 11 na ipinadala ni Cordoba kay BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua, sinabi nito na ang mga reklamo laban kay Iqbal ay “nangangailangan ng pagsasagawa ng special audit” matapos ang paunang pagsusuri ng mga tanggapan ng COA.

Dagdag pa niya, bumubuo na ng audit team ang ahensya upang siyasatin ang mga transaksyo. Kaugnay nito ay humiling si Cordoba ng suporta mula kay Macacua para sa buong proseso ng imbestigasyon.

“We respectfully request your assistance for the audit team for the entire duration of the audit. We shall coordinate with your office on this matter,” ani Cordoba.

Ang P1.77-bilyong disbursement ang pinakamalaki sa serye ng mga reklamong kinakaharap ng MBHTE na may pinakamalaking bahagi ng pondo sa Bangsamoro government na higit P36 bilyon o halos ikatlong bahagi ng kabuuang badyet ng BARMM. Sa kabila ng malaking pondo, nananatili pa ring may pinakamataas na antas ng illiteracy sa buong bansa ang rehiyon.

Isa pang reklamong iniimbestigahan ay ang P449-milyong bayad na ibinigay umano sa iisang supplier na tinawag na “questionable circumstances” ng COA.

Ayon sa sources, may mga testigong lumagda sa sinumpaang salaysay na nagdedetalye ng mga iregularidad sa loob ng MBHTE. Matagal nang kinakaharap ng ministry ang mga paratang ng katiwalian kabilang ang umano’y pagbebenta ng teaching items sa mga gurong nais makapasok sa serbisyo.

Desisyon ng special audit ng COA ang maghahatol kung ang mga reklamong ito ay hahantong sa administrative or criminal charges.

August 27, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
011124 online shopping

Binalaan ng isang e-wallet firm ang publiko laban sa mapanlinlang o illegal payment accounts, partikular sa mga may kaugnayan sa online gambling operators at iba pang ilegal na entities.

Iginiit ng financial technology company ang Zero Tolerance policy nito sa mga ilegal na gawain at binigyang-diin na wala itong kaugnayan sa mga gambling operator.

Sinabi ng GCash na ang anumang grupo o website na nagsasabing kumakatawan sa kanila sa ganitong mga gawain ay nagmi-misrepresent sa brand o ilegal na ginagamit ang platform nito.

“Illegal online gambling undermines financial integrity and public welfare. GCash has no links to illegal gambling operators. Anyone connecting our brand to these sites is either misrepresenting us or illegally using our platform,” sabi ni Oscar Enrico A. Reyes Jr., President and CEO ng G-Xchange Inc.

Idinagdag niya na nakikipagtulungan ang kompanya sa mga regulators at law enforcement agencies upang ipatigil ang mga ilegal na gawain at pangalagaan ang mga user nito.

Warning signs ng fake
o illegal accounts:

Pinayuhan ng GCash ang
mga customer na maging maingat sa:
• QR codes na ipinadala via random links, chat apps, o social media posts
• Mga alok na mistulang “too good to be true,” tulad ng gaming credits o quick-cash schemes
• Codes na walang official merchant name o logo
• Mga transaksiyon na nagpapakita ng personal name sa halip na beripikadong merchant

Inirerekomendang mga pag-iingat:

Hinikayat ng kompanya ang mga user na:
• Mag-scan ng QR codes mula lamang sa mga pinagkakatiwalaang merchants at billers
• Beripikahin ang payment details bago kumpirmahin ang mga transaksiyon
• I-report ang mga kaduda-dudang aktibidad sa pamamagitan ng in-app GCash Help Center, hotline 2882, o via the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Consumer Protection channels

Maaari ring iparating ang mga report direkta sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group via hotline (02) 8414-1560 / 0998-598-8116 o email messagecenter.acg@pnp.gov.ph.

Zero tolerance
commitment:

Bilang bahagi ng kanilang enforcement measures, sinabi ng GCash na agad nitong bina-block at sinususpinde ang accounts na may kaugnayan sa illegal transactions, ipinagbabawal ang maling paggamit ng QR codes para sa ilegal na pagbabayad, at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa BSP, sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), at sa law enforcement agencies.

Magmula noong 2023, mahigit 57,000 phishing sites na ang ipinasara ng kompanya at iniulat ang 916 illegal online gambling sites sa mga awtoridad.

“GCash is committed to ensuring that Filipinos can transact with confidence and peace of mind. We will continue to strengthen our security systems and work closely with regulators and law enforcement to keep our platform safe,” ayon sa kompanya.

August 21, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest