Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Laging payo ng mga eksperto na dapat maging “stay fit and healthy” para makaiwas tayo sa sakit, pero mayroon ding kaakibat na panganib sa kalusugan kung hindi balanse ang gagawing pagd-diet ng isang tao.

Kagaya na lang ng babaeng nasa kwentong ito na nagkaroon ng kumplikasyon sa katawan matapos niyang mag-strict diet sa loob ng anim na buwan.

Kung paano nagkaroon ng malubhang sakit ang babae sa pagd-diet? Eto.

Ibinahagi ng isang babaeng Chinese influencer ang kaniyang weight-loss journey online kung saan tinagurian siya ng kaniyang fans bilang “self-discipline goddess” dahil sa kaniyang ipinakitang dedikasyon sa pagd-diet.

Batay sa ulat, muntik na umanong pumanaw ang babae matapos siyang makaranas ng labis na pananakit ng tiyan na kinailangan niyang isugod sa ospital.

Dito, napag-alamang boiled chicken breast at cauliflower lamang ang kaniyang kinakain sa loob ng anim na buwan, at kung minsan boiled potato rin para maiba naman daw.

Hindi maitatangging na-achieve nga ng babae ang kaniyang fitness goal pero kaugnay nito, nakaranas siya ng fatigue, panghihina, at dull complexion.

Ayon sa lumabas na tests, ang serum amylase level ng babae ay 10 times higher than normal. Ang amylase ay isang enzyme na nilalabas ng pancreas at salivary glands na nakatutulong sa pag-break down ng carbohydrates sa katawan.

Ang nagdulot umano sa life-threating condition ng babae ay ang labis labis na low-fate diet nito na tumagal ng ilang buwan.

Ipinaliwanag ng mga eksperto na dapat calorie deficit ang i-intake ng mga taong nagd-diet para matiyak na nababawasan ang timbang habang nam-maintain ang balanced diet.

Kahit kino-konsiderang healthy foods ang chicken breast at cauliflower, wala itong sapat na nutrients na kinakailangan ng katawan natin para mapanatiling healthy ito.

Ikaw, anong hakbang ang gagawin mo para mapanatiling fit at healthy ang iyong katawan? Kukonsulta ka ba sa mga eksperto o mag-research na lang online?

December 29, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Pinagpala ang mga taong malayang nakakain ang iba’t ibang klase ng pagkain dahil wala silang allergy, habang isang sumpa naman para sa may mga food allergy ang kapalaran nila dahil hindi nila maaaring kainin ang mga pagkaing gusto nilang tikman.

Pwede naman, pero buhay nga lang nila ang nakasalalay, kagaya na lang ng teenager sa kwentong ito na pumanaw matapos umanong kumain ng sausage.

Kung bakit sausage ang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay? Eto.

Nag-camping ang noo’y 16-anyos na lalaki na si Jeremy Webb kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Central Coast, Australia.

Ayon sa kaniyang ina na si Myfanwy Webb, nagluto raw ng beef sausage ang mga kaibigan ni Jeremy kung saan kinain din ito ng kaniyang anak, dahilan para mahirapang huminga si Jeremy at bigla rin itong hinimatay.

Nagawa pang dalhin sa ospital si Jeremy pero pumanaw rin ito pagkalipas ng isa’t kalahating oras na nire-revive siya ng mga doktor.

Naniniwala si Myfanwy na ang allergy ng kaniyang anak sa red meat ang dahilan kung bakit ito nasawi, pero ayon sa paunang imbestigasyon, asthma ang dahilan ng pagkamatay ni Jeremy.

Pero isa pang imbestigasyon ang isinagawa ng isang coroner para alamin kung ang pagkamatay ba talaga ni Jeremy ay dahil sa kaniyang red meat allergy o mammalian meat allergy na na-trigger  pagkatapos niyang kumain ng sausage.

Ang mammalian meat allergy ay isang life-threatening allergy sa mammalian meats kagaya ng beef, pork, at lamb na nakukuha mula sa tick bites.

Ibinahagi naman ni Myfanwy na kinakagat na umano ng ticks si Jeremy noong 2-year-old palang ito kaya na-develop ni Jeremy ang nasabing allergy.

Kalaunan, nadiskubre ng mga eksperto na allergic reaction at acute asthma attack ang ikinamatay ni Jeremy.

Ang nag-iisang payo lang ng mga eksperto para hindi magkaroon ng red meat allergy ay huwag magpakagat sa ticks o garapata.

Ikaw, naniniwala ka ba sa isang pambihirang kondisyon na ito? At anong gagawin mo para hindi ka makagat ng garapata at hindi magkaroon ng meat allergy?

December 29, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Sa patuloy na pag-usbong ng makabagong teknolohiya, iba’t ibang inobasyon na rin ang nagagawa para mapabilis ang buhay ng mga tao sa araw-araw.

Kagaya na lang ng hiker na nasa kwentong ito kung saan gumagamit siya ng smart watch na labis na makatutulong sa kaniyang pagha-hike, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagamit pa ang kaniyang smart watch para tuklasin ang nangyari sa kaniya bagyo siya pumanaw.

Kung sino ang nasa likod sa karumal-dumal na krimen na nangyari sa hiker? Eto.

Isang 26-anyos na Japanese hiker ang kinilalang si Sota Keisuke ang napaulat na nasawi habang nagha-hiking sa Mount Rausu noong August 2025.

Batay sa ulat, ni-report ng kaibigan ni Keisuke ang insidente kung saan bigla umano itong nawala pagkatapos umatake ang isang bear, kaya naman agad nagsagawa ng search party ang mga otoridad.

Nahanap ng mga searchers ang wallet at ang mga punit na piraso ng damit na suot ni Keisuke at kalaunan, ang katawan ng hiker, pero sa kasamaang palad, dead on arrival na si keisuke pagkadating sa ospital.

Dahil nahihiwagaan pa ang mga otoridad sa kung paano nasawi si Keisuke, kaya ginamit nila ang smart watch nito para makita ang GPS ng hiker kung saan naging daan ito para makakuha ng panibagong impormasyon tungkol sa nangyari sa kaniya.

Batay sa data ng GPS ni Keisuke, umalis sila ng trail bandang alas onse ng umaga bago umano nila makitang pa-ikot ikot lang sa isang masukal na lugar ang lokasyon ni Keisuke.

Magdamag umanong nasa iisang lugar lang ang katawan ni Keisuke bago ito balikan ng bear at ilipat ang katawan nito palayo.

Habang tini-trace ng mga otoridad ang GPS ni Keisuke, nadiskubre nila ang bangkay ng tatlong iba pang bears na wala nang buhay, kung saan hinala nilang pinatay din ng bear na umatake kay keisuke.

Nang makita ng mga searcher ang katawan ni Keisuke, binaalan nila ang mga magulang nito na sa mukha lang tumingin at huwag sa katawan dahil sa matinding pinsalang natamo nito.

Dahil dito, ipinasara ng mga otoridad ang mountain trail ng Mount Rausu.

Sa taong 2025, 13 tao na ang naiulat na nasawi sa japan dahil sa pag-atake ng mga bear.

Ikaw, anong gagawin mong depensa kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Keisuke?

December 26, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Tinatanggal sa trabaho ang mga empleyadong hindi ginagawa ng tama ang kanilang tungkulin sa trabaho, pero iba ang rason ng kumpaniyang nasa kwentong ito matapos nilang sibakin ang kanilang empleyado dahil pabalik-balik daw ito sa CR.

Kung anong dahilan ng empleyado kung bakit siya pabalilk-balik sa CR? Eto.

Isang engineer na pinangalanang Li ang nagtrabaho sa isang kumpaniya sa probinsya ng Jiangsu ang tinanggal sa trabaho matapos niyang maging empleyado sa naturang kumpaniya sa loob ng ilang dekada.

Ayon sa ulat, nagsumite ng footage sa korte ang kumpaniya ni Li kung saan makikita siyang 14 na beses siyang matagal na nananatili sa CR.

Bukod dito, ilang beses na rin umanong binigyan ng notice si Li tungkol sa kaniyang pagkawala sa trabaho dahil madalas itong nasa CR, kung saan mahigpit na kinakailangan ang kaniyang atensyon sa trabaho.

Dumipensa naman ang empleyado na siya ay may health issue kung saan pinakita niya ang gamot nito sa hemorrhoid na binili ng kanjifying partner.

Isinumite rin ng empleyado ang kaniyang surgery records dahilan kung bakit siya matagal mag-cr at pabalik-balik sa banyo.

Kaya naman iginiit ng empleyado na dapat bigyan siya ng 320,000 yuan o mahigit dalawang milyon na kompensasyon sa pag-terminate ng kumpaniya sa kaniyang kontrata.

Pero hindi pinaburan ng korte ang panig ni Li, bagkus, binigyang-diin ng korte ang kakulangan ni Li sa pag-inform sa kaniyang employer tungkol sa kaniyang health condition, na nakalagay sa kontrata.

Humingi rin umano ng permission ang kumpaniya sa labor union bago tanggalin sa trabaho si Li.

Kalaunan, napagkasunduan ng dalawang panig na magbibigay ang kumpaniya ng 30,000 yuan o mahigit 250,000 pesos na allowance kay Li para sa kaniyang kontribusyon sa kumpaniya.

Ikaw, magiging concious ka na ba sa oras ng iyong pananatili sa banyo?

December 26, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Maraming hayop ang pinapaiwas sa atin dahil sa panganib na dala ng mga ito, pero sa isang pambihirang pagkakataon, isang lalaki mula sa Michigan ang pumanaw matapos umano siyang ma-infect ng rabies mula sa kaniyang kidney donor na idineklarang brain dead matapos makalmot ng isang hayop.

Kung paano ito nangyari? Eto.

Isang hindi pinangalanang lalaki mula sa Michigan ang napaulat na pumanaw matapos sumailalim sa isang kidney transplant.

Ayon sa report ng US Centers for Disease Control, ang donor ng lalaki ay isang deceased man mula sa Idaho na idineklarang brain dead matapos ma-confine sa ICU ng ilang araw.

At dahil hindi na gumigising ang pasyente, sinimulan ng pamilya na i-arrange ang mga papeles para maging organ donor ang kanilang kaanak.

At isa ang Michigan man na ito ang nakatanggap ng left kidney transplant.

Batay sa mga doktor, matagumpay na naisagawa ang procedure ng transplant, pero pagkalipas daw ng limang linggo, nagsimula raw makaranas ang lalaki ng tremors, leg weakess, confusion, at urinary incontinence o tinatawag na kawalan ng kontrol sa pag-ihi.

Kaya naman dinala sa ospital ang lalaki at na-admit nang may lagnat, hirap sa paglunok, senyales sa pagkakaroon ng hydrophobia, at dysautonomia o autonomic nervous system dysfunction.

Umabot din umano sa punto na isinailalim siya sa isang machine ventilator dahil nahirapan na itong huminga, pero sa kasamaang palad, pumanaw siya pagkatapos niyang ma-ospital sa loob ng isang linggo.

Batay sa tests na isinagawa ng ospital pagkatapos pumanaw ang lalaki, nadiskubre ng mga doktor na may rabies daw sa laway, neck skin, at brain tissue ng lalaki.

Pero paliwanag ng pamilya ng lalaki na walang naging contact sa kahit anong hayop ang pasyente na maaaring posibilidad para magkaroon ito ng rabies.

Kaya naman muling binalikan ng mga doktor ang naging kidney donor ng lalaki, kung saan natuklasan nilang nakalmot pala ito ng skunk, isang linggo bago ito pumanaw.

Pero sa isang pambihirang pagkakataon, walang nakitang rabies sa left kidney ng pasyente, bagkus, nakitaan ito ng rabies virus RNA sa biopsy ng right kidney ng nasabing kidney donor, pero hindi ito mula sa skunk, kundi mula ito sa isang bat.

Batay sa imbestigasyon, three-step transmission chain kung tawagin ang naging sitwasyon ng mga pasyente kung saan ang skunk ay na-infect ng isang bat, dahilan para ma-infect din ang nasabing donor pagkatapos itong makalmot.

Dahil dito, tatlong pasyente ang sumailalim sa transplant removal kung saan ang organ ay mula sa nakalmot na lalaki.

Iginiit naman ng mga eksperto na mababang tsansa lamang ang risk na maaaring makakuha ng rabies ang mga tao sa pamamagitan ng organ or tissue transplantation.

Ikaw, anong gagawin mo kung isa ka sa taong may organ donor na may rabies? Idadaan mo ba sa Korte o ipapatanggal mo na lang ang organ?

December 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Traveling ang pangarap gawin ng bawat tao kung saan may bucket list pa tayong hinahanda para sa mga destinasyong gusto nating puntahan, kagaya na lang ng isang British adventurer sa kwentong ito na may kakaibang mode of transportation para mag-travel.

Kung paano nakaya ng lalaking ito na mag-travel sa pamamagitan ng paglalakad? Eto.

Kilalanin natin si  Karl Bushby, 56-anyos na dating British paratropper mula sa England  ang nag-viral matapos niyang ibahagi online ang kaniyang journey sa pagta-travel sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng paglalakad.

Nagsimulang mag-travel by foot si Karl noong 1998 sa edad na 29, kung saan mula Chile ay nilakad niya ito hanggang makauwi sa Hull, England, aniya walong taon lang dapat ang ilalaan niya para mag-travel pero dahil sa unseen circumstances at iba’t ibang geopolitical developments, na-delay ito at naging 27-year journey na.

Hindi lang din paglalakad ang kaniyang ginagawa dahil kung kailangan niyang tumawid ng dagat para makapunta sa susunod na lugar ay nilalangoy niya rin daw ito.

Noong 2007, nakapagsulat ng librong pinamagatang “Giant Steps” si Karl, kung saan ikinuwento niya dito ang kaniyang first leg journey mula sa Bering Strait papunta sa Russia.

Dahil dito, nakakakuha siya ng book deals at sponsorships para pagkuhanan ng funding sa kaniyang travel.

Pero kahit may funding siyang nakukuha, pinagka-kasya pa rin ni Karl ang kaniyang pagkain sa araw-araw.

Ibinahagi ni Karl na tatlong bansa lang ang itinuring niyang favorite countries — ang Colombia, Chile, at Mexico, samantala, may mga lugar din na itinuring niyang scariest places dahil sa kaniyang naging karanasan, na kung ipaliwanag niya ito bilang “world that will kill you in 20 minutes” ang Darien Gap, border ng Panama at Columbia.

Sa kasalukuyan, nasa last stretch na si Karl ng kaniyang paglalakbay sa Turkey bago pumasok sa Europe sa pamamagitan ng Bosphorus Strait, Istanbul, kung saan inaasahan niyang matatapos siya sa September 2026.

Ikaw, may tapang at dedikasyon ka ba kagaya ni karl para magawa at mapuntahan ang mga lugar na gusto mong puntahan?

December 25, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Ipinagmamalaki ng mga tao ang achievements nila sa buhay, para magbigay ng inspirasyon at motibasyon sa iba, pero kakaibang inspirasyon ang nais iparating ng teenager na nasa kwentong ito dahil siya lang naman ang isa sa pinakabatang PHD holder sa buong mundo.

Kung paano ito nagawa ng bida sa murang edad? Eto.

Kinilala si Laurent Simons bilang Belgium’s Little Einstein matapos niyang ma-defend ang kaniyang thesis sa University of Antwerp at maging PHD holder sa edad na 15-taong gulang.

Batay sa ulat, nagsimulang mag-aral ng primary school si Laurent noong siya ay 4-taong gulang at nagtapos sa edad na anim.

Hindi lang ‘yan, dahil sa edad na pito, ay nakuha na niya ang kaniyang high school diploma.

Samantala, nagtapos siya ng three-year course sa loob ng 18 buwan at nakuha ang kaniyang bachelor’s degree sa kursong Physics noong siya ay 11-taong gulang bilang youngest university graduate.

Sinimulan niya rin agad ang kaniyang master’s degree sa Quantum Physics edad na 12.

Nadiskubre ng mga eksperto na ipinanagank si Laurent may intelligence quotient o IQ na 145, kung saan highly gifted kung ilarawan ng karamihan dahil sa taglay nitong katalinuhan.

Mayroon ding kakayahan si Laurent na i-master ang mga subjects sa loob lamang ng ilang araw, kumpara sa ibang estudyante na magagawa ito sa loob ng sampung linggo.

Ayon sa magulang ni Laurent, pagkatapos pumanaw ng lolo at lola ni Laurent, nagkaroon daw ng goal ang kanilang anak na aralin ang medical science para umano mabigyan ng mas mahabang buhay ang isang tao.

Huminto rin daw sila sa pagta-trabaho para gabayan at i-monitor ang educational life and development ni Laurent, dahil kahit marami na itong na-achieve academically, minor pa rin si Laurent.

Ibinahagi naman ng kaniyang ama na hindi problema sa kanila kung ano ang career choice ni Laurent, basta ang kanilang top one priority, ay kasiyahan ng kanilang anak.

Ikaw, anong gagawin mo kung ikaw ang biniyayaan ng ganitong katalinuhan?

December 23, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAMARA

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang 12 priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC bago ang Christmas break.

Kabilang sa mga inaprubahan ang Assistance to Individuals in Crisis Situation o A.I.C.S. Bill, National Reintegration Bill para sa mga Overseas Filipino Workers, at ang National Center for Geriatric Health Bill para sa mas maayos na serbisyong medikal ng mga nakatatanda.

Pinagtibay rin ng Kamara ang mga panukalang may kinalaman sa edukasyon, kabilang ang mga amyenda sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act at Teachers Professionalization Act.

Maliban dito, ipinasa rin ang Blue Economy Act, pagpapalakas sa Energy Regulatory Commission, Waste-to-Energy Bill, pagtatatag ng Department of Water Resources, amyenda sa National Building Code at Bank Secrecy Law, at ang extension ng estate tax amnesty. —sa panulat ni Mark Terrence Molave

December 23, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Paghahanapbuhay ang sandalan ng mga tao para maka-abante sa araw-araw na buhay, kung saan ang motto nila, kahit anong posisyon sa trabaho, ayos lang, basta may maibibigay sa pamilya.

‘Yan din ang motto ng lalaking ito mula sa China, kung saan nakipagsapalaran pa siya sa hindi pamilyar na lugar para maghanap ng trabaho, pero sa kasamaang palad, hindi siya tinatanggap.

Kung anong trabaho ang in-applyan ng lalaki at hindi pasok ang shape ng kaniyang mukha? Eto.

Isang lalaki sa China na si Zhang ang lumayo sa kaniyang probinsya para makipagsapalaran sa ibang lugar, pero sa dami ng in-applyan niyang trabaho ay walang tumatanggap sa kaniya.

Ayon kay zhang, 10 electronic factory jobs na ang pinuntahan niyang interview sa loob ng isang linggo, pero iisa lang ang sinasabi ng HR Department sa kaniya, na hindi umano pasok ang shape ng kaniyang mukha sa trabahong gusto niyang pasukan.

Iginiit ni Zhang sa mga kumpaniya na hardworking siya at ayos lang sa kaniya ang kahit anong trabaho, pero hindi pa rin siya tinatanggap dahil sa kaniyang mukha.

Batay sa ulat, habang patagal na patagal siyang walang trabaho, wala rin daw siyang naipapadalang pera sa kaniyang pamilya, kung saan siya lang ang tanging inaasahan sa araw-araw.

Kahit ang pag kain ng tatlong beses sa isang araw ay isang mahirap na trabaho para sa kaniya dahil sa pagiging kapos, kaya nanawagan si Zhang sa mga nakarinig ng kaniyang kuwento na tulungan siyang bigyan ng trabaho.

Paano kung ikaw si Zhang? Sasampahan mo ba ng kaso ang kumpaniya dahil sa discrimination nila sayo? O hahanap ka na lang ng diskarte para may pang tustos sa pamilya?

December 23, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Iba’t ibang batas ang ipinapatupad ng gobyerno para mapabuti ang kalagayan ng bansa. Pero kakaiba ang naging hakbang ng gobyerno sa Japan para masolusyunan ang weight-related problems sa kanilang bansa.

Kung anong waistline nga ba ang dapat i-maintain ng mga Japanese? Eto.

Noong 2008, ipinasa ng Japan government ang “Metabo Law” na nakuha mula sa salitang Metabolic Syndrome, kondisyon kung saan tumataas ang blood pressure, may mataas na blood sugar level, at excess body fat sa bewang, at may abnormal cholesterol levels na nagdudulot ng heart disease, stroke, at diabetes.

Kaya naman nire-requre ng Japan ang mga kumpaniya at local governments na sukatin ang waistline ng mga citizens sa mga may edad edad 40 hanggang 74 bilang parte ng kanilang annual check up.

33.5 inches ang government limits para sa mga kalalakihan habang 35.4 inches naman para sa mga kababaihan.

At kung hindi nasusunod ng mga hapon ang sukat ng kanilang waistline na ibinigay ng gobyerno, ay mumultahan ang mga kumpaniya at isasailalim sa re-education ang mga tao.

Pero sa kabila ng magandang adhikain ng gobyerno, marami ang nagsasabi ng masyado raw strict ang waistline requirement para sa mga lalaki dahil halos kalahati umano ng male population ay overweight.

Paglilinaw ng Japan government, hindi iligal ang pagiging overweight dahil hindi naman makukulong ang mga hindi susunod dito, bagkus, layunin lamang nilang magkaroon ng healthy lifestyle at malayo sa sakit ang mga hapon.

Ikaw, agree ka ba kung magkaroon man ng ganitong batas sa Pilipinas?

December 23, 2025 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest