Home NATIONAL NEWS EXPLAINERS

EXPLAINERS

Pet peeve ng mga bibliophile o book lover ang mga taong kini-kwento ang mga plot twist sa librong kanilang binabasa.

Kagaya na lang ng bida sa kwentong ito na tila punong-puno na sa pangs-spoil ng kaniyang katrabaho sa mga librong kaniyang binabasa, kaya naman sinaksak niya ito.

Nakaligtas kaya ang kaniyang katrabaho? Eto.

Naharap sa kasong attempted murder ang isang engineer mula sa russia na si Sergey Savitsky matapos niyang saksakin ang kaniyang katrabaho na si Oleg Beloguzov sa dibdib gamit ang isang kitchen knife.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktima na nasa kritikal na kundisyon pero buti na lang, na-survive niya ang insidente.

Batay sa ulat, nag-ugat ang insidente matapos nilang magtalo tungkol sa habit ng biktima na ikwento ang mga endings sa librong binabasa ni Savitsky.

Kusa rin umanong sumuko sa otoridad si Savitsky at agad isinailalim sa house arrest bago dalhin sa St. Petersburg court sa Russia para harapin ang kaniyang kaso.

Inamin din ni Savitsky ang kaniyang ginawa pero itinanggi niyang balak niyang patayin si Beloguzov.

Ikaw, aabot ka rin ba sa ganitong hakbang kung ayaw tumigil sa pangs-spoil ang kakilala mo?

January 12, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Nakakataba ng puso ang mga employer na mababait sa kanilang empleyado, dahil dito makikitang pinapahalagahan nila ang hirap ng kanilang mga tao.

Pero kakaiba ang bait na ipinamalas ng isang CEO sa kaniyang empleyado nang binigyan niya ang mga ito ng milyun-milyong bonus matapos niya ibenta ang kaniyang kumpanya.

Kung bakit ganito ang naging desisyon niya? Eto.

Binenta ng 46-anyos na si Graham Walker ang kanilang family-owned company sa nagkakahalagang $1.7-B at dahil dito, nabago niya ang buhay ng mga empleyado na nagta-trabaho sa kumpanya nila.

Ngunit bago niya ito ibenta, naglagay siya ng hindi pangkaraniwang kundisyon sa kontrata nila ng buyer — ang paglalaan ng 15% ng kita mula sa sale ay dapat mapupunta sa mga empleyado kahit hindi sila nagma-may-ari ng kahit anong stocks o shares.

Dahil dito 540 na empleyado ang nakatanggap ng kabuuang $240-M o mahigit P14-M bilang bonus pero bago nila ito tuluyang makuha, kailangan muna nilang manatili sa kumpanya sa loob ng limang taon.

Paraan ito ni Walker para pasalamatan ang mga empleyado dahil sa kanilang katapatan sa kumpanya kahit maraming pagsubok na ang dumaan.

Nagbigay ng malaking pagbabago sa buhay ng mga empleyado ang kanilang natanggap na bonus dahil ginamit daw nila ito para magbayad ng utang, bumili ng bahay o sasakyan, bayaran ang college tuition ng anak, at mag-ipon para sa kanilang retirement.

Ikaw, saan mo gagamitin ang pera kung bibigyan ka ng malaking bonus? Bibilhin mo ba lahat ng gusto mo o gagamitin mo ito para mag-invest?

January 12, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Madalas naghihiwalay ang mag-asawa dahil sa pagtataksil o di kaya ay hindi na mahal ang isa’t isa.

Pero ang akala ng lahat na mababaw dahilan ay ground for divorce na pala!

Pinaburan kaya ng korte ang divorce case ng mag-asawa? Eto.

Isang pambihirang divorce case sa Russia ang inihain ng misis na si HB laban sa kaniyang mister na si SB.

Batay sa ulat, inakusahan ni HB si SB na na-humiliate siya verbally matapos umanong gugulin ng lalaki ang kaniyang oras sa social media, nagl-like ng mga pictures ng mga babae at nagco-comment pa ito.

Iginiit ni HB na nilabag ni SB ang kaniyang marital duty na loyalty kaya naman nagsampa siya ng divorce case at nanghingi rin ng financial compensation.

Samantala, itinanggi naman ni SB ang mga akusasyon laban sa kaniya at naghain din siya ng divorce case laban sa kaniyang misis.

Aniya ininsulto raw ni HB ang kaniyang ama at ang pagseselos ni HB ay wala na sa lugar dahil nasisira na ang kaniyang reputasyon.

Matapos imbestigahan ng korte ang kaso ng mag-asawa, napagdesisyunan nilang mas may mali si SB kaya pinagbabayad nila ito ng 750 turkish lira o mahigit p1,000 bilang monthly alimony at dagdag na 80,000 lira o mahigit p100,000 bilang kompensasyon.

Nagsampa naman ng appeal si SB sa korte dahil sobra-sobra raw ang perang ibibigay niya kay HB, ngunit ang kaniyang appeal ay ibinasura ng korte at binigyang-diin na ang pagl-like nito ng picture sa social media ay kasiraan ng kanilang kasal.

Paliwanag ng korte, mukha umanong harmless ang pagkakaroon ng online interactions sa iba pero magdudulot daw ito ng emotional insecurity na maaaring ikaapekto ng isang relasyon.

Ikaw, pabor ka ba kung magkakroon din ng ganitong batas sa pilipinas? O naniniwala kang masyado itong mababaw para maging basehan ng divorce?

January 8, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Transplant ang pag-asa ng mga taong nahaharap sa isang malubhang sakit kagaya ng lang ng mister sa kwentong ito na kailangan ng liver transplant para madugtungan ang kaniyang buhay.

Matapos malamang matching donor ang kaniyang misis, kinausap niya ito para mag-donate, pero sa hindi inaasahan, tumanggi ang babae.

Nakumbinsi kaya ng mister ang kaniyang misis para tuluyang maging donor? Eto.

Isang lalaki mula sa South Korea ang na-diagnose ng primary biliary cirrhosis, isang rare liver disease at mayroon na lamang siyang isang taon para mabuhay kapag walang liver transplant.

Dahil sa kagustuhang mailigtas ang lalaki, binenta ng kaniyang mga magulang ang kanilang bahay at inalagaan din siya ng kaniyang misis.

Pero isang himala ang dumating sa buhay ng lalaki matapos madiskubreng mahigit 95% ang compatibility ng Human Leukocyte Antigen o H-L-A ng kaniyang misis para maging donor.

Pero gumuho ang mundo ng mister nang tumanggi ang kaniyang misis para maging donor dahil mayroon umano siyang phobia sa karayom at sharp objects kaya hindi niya raw kakayanin ang surgery.

Dahil dito, naramdaman ng mister na siya’y pinagtaksilan ng kaniyang asawa at inisip na gusto lang siya makitang mahirapan at mamatay.

Buti na lang, mayroong brain-dead na pasyente ang naging donor ng lalaki at matagumpay namang naisagawa ang liver transplant.

Pagkatapos ng operasyon ng lalaki, nagsimula siyang imbestigahan ang kaniyang asawa at naghain ng kasong “malicious abandonment” at divorce dahil umano sa kaniyang naramdamang betrayal.

Nilinaw naman ng misis na hindi totoo na mayroon siyang phobia sa karayom, bagkus, takot lang daw siyang maiwan ang kanilang dalawang anak kung may mangyayari man sa kaniyang hindi maganda habang isinasagwa ang transplant.

Matapos ang masusing imbestigasyon, pinaburan ng korte ang desisyon ng misis at sinabing ang organ donation ay hindi sapilitan kahit sa mag-asawa.

Dagdag pa ng korte, reasonable rin umano ang rason ng babae dahil sa takot na maaaring maiwan ang kanilang mga anak at iniisip lang niya ang kapakanan ng mga bata.

Napagdesisyunan ng mag-asawa na mag-divorce na lang habang nasa pangangalaga naman ng babae ang mga bata at patuloy pa ring nagbibigay ng financial support para sa medical recovery ng kaniyang ex-husband.

Ikaw, anong gagawin mo kung tatanggi rin ang iyong asawa sa pagdo-donate ng organ?

January 8, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

May mga taong mahilig mag-collect ng mga bagay na kanilang kinahihiligan pero kakaiba ang kinokolekta ng lalaking nasa kwentong na isang helmet mula sa mga nasawing tao.

Kung bakit sa dinami-dami ng bagay na kinokolekta, helmet ang napili niya? Eto.

Kilalanin natin si Sompong Chanraksa na noo’y 60-anyos na lalaki mula sa Thailand.

Aniya nagsimula siyang mangolekta ng helmet mula sa mga biktima sa isang motor accident mahigit 50 years na ang lumipas para umano magbigay ng paalala sa mga tao na mag-ingat sa kalsada.

Sa kabuuan, aabot sa mahigit 700 helmets na ang nakolekta ni sompong sa mga nakalips na taon.

Batay sa ulat, imbes mga bulaklak ang makikita sa garden, tambak na mga helmet ang tatambad sa’yo kapag papasok daw sa bahay ni Sompong.

Mayroon ding mannequin ng isang bata at matanda sakay ng isang motorsiklo habang nakasuot ng helmet.

Dagdag pa ni Sompong, mula nang gawin niya ito ay siniseryoso na ng kaniya mga kapitbahay ang pagsusuot ng helmet kapag sasakay ng motorsiklo.

Layunin lamang ni Sompong na tulungan ang mga biktima dahil hindi raw maganda na iiwan lamang ang mga iyon sa gilid ng daan, kaya kinukuha niya ito at kinokolekta.

Marami ang nagsasabing kinikilabutan sila sa pangongolekta ni Sompong ng mga helmet mula sa mga patay na tao, dahil mas maiintindihan pa raw nila kung ang kinokolektang helmet ni Sompong ay binibili niya.

Taun-taon umaabot sa mahigit 20,000 katao ang nasawi sa Thailand dahil sa motor at car accident kaya para kay Sompong, ang hakbang na ito ay makatutulong sa kaniyang komunidad na maiwasan ang ganitong insidente.

Kung ikaw ang magkakaroon ng collection, anong kokolektahin? Bagay rin ba mula sa mga patay na tao?

January 8, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Iba’t ibang diskarte ang ginagawa ng mga tao para makatipid sa lahat, mapa-pagkain, travel, o sa pagsho-shopping. 

Pero ang diskarte ng isang pamilyang ito ay hindi pangkaraniwan matapos nilang isakay ang patay nilang kamag-anak sa eroplano para umano makatipid sa ticket fee.

Kung naging matagumpay ba ang kanilang diskarte? Eto.

Isang British family ang naharap sa isang kontrobersiya matapos silang akusahan na isinakay nila ang bangkay ng isang 89-anyos na lola sa eroplano para umano makatipid sa bayad ng repatriation.

Ang repatriation o legal na pagpapauwi ng bangkay ay aabot daw kasi sa £4,500 o mahigit P360,000 kaya pinalabas nilang buhay at tulog lang ang matanda habang nagbo-boarding sa eroplano.

Ayon sa mga saksi, nakasandal lamang sa wheelchair ang matanda at kung titingnan ay tila wala nang buhay ngunit nang punain ng isang staff, iginiit lamang ng pamilya na pagod at natutulog lang ito.

Napapansin din ng ilang pasahero na pilit ginigising ng mga kaanak ang matanda kung saan kinakausap, tinatapik, at inaalok pa ng tubig para palabasin na tulog nga lang ito.

Pero hindi nagtagal, napansin ng isang cabin crew na hindi humihinga ang matanda kaya tumawag ito ng paramedics, kalaunan, idinekalara ng paramedics na patay na ang matanda dahil sa cardiac arrest.

Dahil dito, 12 oras na-delay ang naturang flight dahil kailangang ibalik sa terminal ang eroplano.

Binatikos ng karamihan ang kapabayaan ng airline ng eroplano ngunit iginiit nilang mayroong fit to fly certificate na dala ang mga kaanak at pumanaw ang matanda habang nasa loob na ng cabin.

Ikaw, ganitong diskarte rin ba ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ng kaanak? O may iba kang pamamaraan para makatipid sa pamasahe?

January 8, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Marami tayong nakikita sa social media na mga payo tungkol sa mga paraan kung paano mapabuti ang ating kalusugan at mga hack kung paano mapadaling gawin ang mga bagay-bagay.

Kagaya na lang ng teenager na ito na may napanood na isang video na nagsasabing nakakatulong umano ang pag-inom ng sariling dugo sa kalusugan ng isang tao, pero ang inaasahan niyang magandang epekto ay naging isang bangungot.

Kung anong dahilan ng teenager kung bakit niya ininom ang sariling dugo? Eto.

Isang 17-anyos na lalaki mula sa Moscow, Russia ang na-ospital matapos niyang inumin ang sariling dugo sa kadahilanang umaasa siyang mabo-boost ang kaniyang iron level at lumakas ang pangangatawan.

Ayon sa ulat, inamin ng binatilyo na may napanood siyang video tungkol sa benepisyo kapag ininom ng isang tao ang sariling dugo.

Kaya tinurukan mismo ng binatilyo ang sarili at ang dugong nakuha niya ay kaniyang ininom.

Pero ang inaasahang benepisyo ay naging perwisyo nang isinugod sa ospital ang teenager dahil nakaranas siya ng pagsusuka ng dugo at lagnat.

Ayon naman sa isang doktor na si Dr. Andrei Kondrakhin, hindi maaaring inumin ang sariling dugo dahil maaaring malason ang isang tao, aniya ang human stomach ay walang kakayahang i-digest o i-process ang dugo.

Dahil dito, hindi na-absorb ng tiyan ang dugo dahil mayroon itong mataas na amount ng iron na nagdudulot ng irritating effect.

At sa sitwasyon naman ng binatilyo, mababa ang level ng kaniyang iron kaya nang mapanood niya ang video, ay agad niyang ginawa ito.

Maraming netizen ang bumatikos sa ginawa ng binatilyo dahil isa umano itong hakbang ng taong walang alam.

Mayroon ding nagsasabi na hindi na ba tinuturo ang human anatomy na subject sa paaralan.

Ikaw, agad-agad mo bang papaniwalaan ang napapanood mo online? O magre-research ka muna bago maniwala at i-apply sa sarili?

January 8, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Iba’t ibang kwentong pag-ibig na ang ating naririnig o nababasa. Mula sa kung paano nagkakilala ang magkarelasyon at kung paano sila nagkatuluyan.

Mayroong romantic at tragic ending. Pero para sa mga bida na nasa kwentong ito, naipamalas lang naman nila ang pag-iibigang nagsimula sa desperasyon at nauwi sa pagmamahalan.

Kung paano nila napa-ibig ang isa’t isa? Eto.

Isang 24-anyos na babae na si Wang Xiao mula sa probinsya ng Shaanxi sa China ang nakikipaglaban sa kaniyang sakit na uremia at sinabihang mayroon na lang siyang isang taon para mabuhay kung walang kidney transplant.

Wala ring matching kidney donor si Wang mula sa kaniyang mga kamag-anak at sa kaniyang kagustuhang mabuhay, nag-post siya ng marriage advertisement sa isang cancer support group.

Aniya, naghahanap siya ng isang terminally ill man na handa siyang pakasalan kapalit ng kaniyang kidney kapag pumanaw ito at handa rin siyang alagaan ang lalaki pag ikinasal na sila.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, lumapit ang 27-anyos na lalaki na si Yu Jianping kay wang at nagsabing interesado siya sa alok nito.

Si Yu ay may sakit na myeloma — isang malignant tumor sa bone marrow at iniraraos ang araw-araw sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot.

Dahil dito, napagkasunduan ni Yu at Wang na magpakasal sila in private at pumayag si Yu na ibibigay niya ang isa niyang kidney kay Wang basta aalagaan siya nito sa kanilang buong pagsasama at pag pumanawi na si Yu ay dadalaw-dalawin din ni wang ang ama ni Yu.

Pero ang isang survival arrangement ay nauwi sa something deeper matapos nilang makilala sa isa’t isa.

Ayon sa couples, ang pagiging masayahin, kakulitan, at pagiging optimistic ni Wang ay nakatulong para mabuhayan si Yu at mabigyan ng pag-asa na gagaling pa siya.

Hindi lang ‘yan dahil sa kagustuhan ni Wang na magkaroon ng bone-marrow transplant si Yu, nagsimula siyang gumawa at magbenta ng mga flower bouquets at nilalagyan niya rin ng note cards tungkol sa kanilang kwento ang bawat bouquet dahilan para maantig ang mga mamimili.

Dahil dito, nakapag-ipon si Wang ng 500,000 Yuan o mahigit apat na milyong piso, para magastusan ang surgery ni Yu.

Noong 2024, bumuti na ang kalagayan nina Yu at Wang, kumukonti na rin ang dialysis sessions ni Wang kung saan mula twice a week, naging once a month na lang at ibinalita ng mga doktor kay wang na posibleng hindi na niya kailangan ng kidney transplant.

Kaya sino namang mag-aakala na ang kasal mula sa desperasyon ay nauwi sa isang himalang nabuo ng pagmamahalan?

Ikaw, aabot din ba sa ganitong hakbang ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mga bida? O tatanggapin mo na lang ang kapalaran mo?

January 8, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Maraming tao ang sumusubok na magka-anak kung saan iba’t ibang pamamaraan na ang ginagawa para lang matupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng supling.

Pero ang lalaking nasa kwentong ito, naniniwala lang naman siya sa kasabihang “having more children solves everything,” kaya naman napaghinalaan siyang maraming anak.

Kung paano ito nangyari? Eto.

Kinilala ang 48-anyos na si Xu Bo, ang founder ng isang online gaming company sa China, bilang China’s First Father, matapos kumalat ang impormasyon na mayroon siyang mahigit 300 anak sa pamamagitan ng surrogacy sa United States.

Ayon sa kaniyang ex-partner na si Tang Jing, 14 years silang nagsama sa iisang bubong, at ibinunyag niya na ang expenses daw nila sa nakalipas na buwan at taon ay katumbas ng isang pamilyang may binubuhay na 300 anak, at personal niya umanong pinalaki ang 11 anak ni Xu.

Samantala noong 2023, nag-recruit umano si Xu sa social media ng magiging girlfriend niya para sa kaniyang goal na maging isang ama sa 50 high-quality sons dahil naniniwala siyang mas superior daw ang lalaki kesa sa babae.

Bukod dito, umaasa rin si Xu na papakasalan ng isa niyang mga anak ang isa rin sa mga anak ni Elon Musk para umano bumuo ng isang powerful dynasty.

Marami ang bumatikos kay Xu at sinabing pigilan ang lalaki dahil kahit bilyonaryo ito, living beings pa rin ang mga bata at hindi insekto.

Ikaw, naniniwala ka rin bang having more children solves everything?

January 7, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Marami na tayong naririnig na kwento tungkol sa mga hitman kung saan hina-hire sila para paslangin ang isang tao.

Kaya naman nabahala ang bansang Sweden nang napaulat ang tungkol sa pinakabatang hitman sa kanilang bansa.

Kung anong nangyari sa menor de edad? Eto.

Isang 12-anyos na lalaki sa Sweden ang tinaguriang “child assassin,” matapos siyang mapaulat tungkol sa pagbaril niya sa isang 21-anyos na lalaki na nakasakay sa isang sasakyan kapalit ng 250,000 Swedish Crowns o mahigit isang milyong piso.

Batay sa ulat, ang tunay na target ng batang hitman ay ang kasama ng lalaking kaniyang nabaril na kasama nito sa sinasakyang kotse, pero napag-alaman ng mga otoridad na lahat ng sakay sa kotse ay mga taong may criminal records.

Kahit menor de edad pa ang lalaki, naniniwala ang mga otoridad na hindi ito ang kaniyang unang hit job.

Sa tulong ng mga witness sa krimen, naaresto ang bata matapos itong tumakas sa bahay ng kaniyang lola papunta sa ibang siyudad para magtago.

Isa pang ikinabahala ng mga otoridad ay ang pagtaas ng bilang ng mga menor de edad na sangkot sa krimen sa kanilang bansa, kung saan nire-recruit umano ang mga ito sa pamamagitan ng social media kapalit ng malaking halaga ng pera.

Kahit may batas ang Sweden na hindi maaaring ikulong ang mga sangkot sa krimen na may edad 15-anyos pababa, napagdesisyunan ng korte na ituloy ang kaso laban sa batang hitman dahil sa krimeng kaniyang ginawa.

Ano ba talaga ang dapat gawin sa mga menor de edad na sangkot sa mga krimen? Dapat ba silang makulong o dapat gabayan pa rin sila ng kanilang mga magulang?

January 7, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest