Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

US VP KAMALA HARRIS

Iginiit ni US Vice President Kamala Harris, na dapat panindigan ng Pilipinas ang soberaniya at integridad hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Harris, kailangang mapanatili ang Freedom of Navigation at ang Overfly sa South China Sea at Indo-Pacific.

Sinabi ni Harris na dapat ipagpatuloy ng Pilipinas na ipaglaban ang mga prinsipyo, ilegal activities, at harassment sa mga Filipino seafarers sa bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.

Dagdag pa ni Harris na kailangang maging alerto ang mga tao sa posibleng maging epekto sakaling muling pumasok ang mga sasakyang pandagat ng mga dayuhan sa karagatan ng Pilipinas at iligal na inuubos at sinisira ang likas na yaman ng karagatan.

Sa kabila nito, siniguro ni Harris na tutulong ang US sa modernisasyon ng monitoring systems ng bansa para maging sapat ang pagdepensa ng Pilipinas laban sa ibang mga bansa.

November 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAMALA HARRIS SA PALAWAN

Naniniwala si Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn, na ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris, ang isa sa magpapasigla sa turismo ng bansa partikular na sa Puerto Princesa, Palawan.

Ayon sa mambabatas, malaking bagay sa kasaysayan ng kanilang lalawigan, na bisitahin ng ikalawa sa pinakamataas na lider ng Amerika kung saan, posible itong makahatak ng mas marami pang mga turista.

Kumpiyansa ang dating alkalde ng Puerto Princesa, na ang pagpunta ni Kamala ang magtutulak sa iba pang mga bansa na magtungo at mamuhunan rin sa Pilipinas.

Iginiit ni Hagedorn na ang ginawang pagbisita ni Kamala ay hindi magdudulot ng giyera sa pagitan ng US at China dahil na rin sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng mambabatas na malabong sumiklab ang digmaan dahil ayaw umano ng lahat ng bansa sa gulo at kakayanin naman na maidaan sa mapayapang usapin ang isyu ng territorial conflict sa WPS.

November 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ATTY BALISONG

Hindi dumalo sa unang araw ng preliminary investigation si suspended Bureau of Correction (BuCor) Chief Gen. Gerald Bantag, na isinagawa kahapon sa harap ng Panel of Prosecutors.

Nabatid na tanging ang abugado ni bantag na si Atty. Rocky Thomas Balisong ang humarap sa pagdinig.

Ayon sa BuCor Chief, gustuhin man niyang harapin ang imbestigasyon, pero kailangan niyang sundin ang mga payo ng kaniyang mga abogado.

Sa pahayag ng kampo ni Bantag, kanila pang tinitimbang ang magiging sitwasyon sa naturang krimen, bago nila payagan si Bantag na makadalo sa imbestigasyon.

Matatandaang itinakda ang preliminary investigation kay Bantag, matapos sampahan ng kasong murder ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagpaslang sa batikang broadcaster-commentator na si Percy Lapid at sinasabing middleman ng krimen na si Jun Villamor.

November 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PBBM KAMALA 3

Hindi dapat makaapekto sa interes ng ibang bansa ang naging ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Reaksyon ito ng China matapos ang pagbisita ni U.S. Vice President Kamala Harris sa Pilipinas kamakailan.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, hindi sila tutol sa normal na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Amerika basta’t hindi ito makasisira- sa interes ng ibang bansa.

Dapat anyang maging pabor sa bawat isa ang kooperasyon at ugnayan ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Si Harris na ang pinakamataas na opisyal ng amerika na nakabisita sa Palawan na pinakamalapit naman na teritoryo ng Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Islands kung saan claimant din ang China.

November 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pagasa

Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na inagaw sa kanila ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard Vessel 5203, ang narekober nilang unidentified object malapit sa Pag-asa Island habang hinihila patungo sa Naval Station Emilio Liwanag.

Ayon kay DND Officer In Charge, Senior Undersecretary Jose Faustino Junior, mas naniniwala siya sa salaysay ng kanilang mga tauhan kaysa sa pahayag ng China.

Patuloy namang naghihintay ng impormasyon ang DND sa insidente na iniimbestigahan pa rin ng mga otoridad.

Nabatid na kahapon, iginiit ng China na hindi sapilitang kinuha ng Chinese Coast Guard sa Philippine Navy ang hindi mawaring bagay, dahil nagkaroon naman anila ng “friendly consultation” sa pagitan ng magkabilang-panig.

Tiniyak naman ni Faustino na nakikipagtulungan ang DND sa iba pang tanggapan para masiguro ang seguridad ng mga residente ng Pag-asa Island.

November 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SUPREME COURT

Ipinangako ng Korte Suprema na aayusin nito ang pagbibigay ng ligal na tulong sa kababaihan na naging biktima ng karahasan.

Ito ang pangako ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa pagsisimula ng taunang paggunita sa 18 araw na Campaign to End Violence Against Women (VAW).

Ipinahayag ni Gesmundo ang buong suporta ng Korte Suprema sa mga programa at mga hakbang para mawakasan ang karahasan at lahat ng uri ng diskriminasyon sa kababaihan.

Plano ring palawigin at paigtingin ng Supreme Court ang Clinical Legal Education Program ng Law Schools sa iba’t ibang rehiyon at pagbuhay sa Legal Aid Program ng Integrated Bar of the Philippines. —sa panulat ni Hannah Oledan

November 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TULFO ERWIN

Tinalikuran na ni DSWD secretary Erwin Tulfo ang pagiging American Citizen ngayong taon bago italaga sa naturang ahensya.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Tulfo matapos ang Executive Session kaugnay ng kanyang Confirmation ng Commission on Appointments (CA).

Bagaman aminado si Tulfo na sa ngayon ay Filipino Citizen siya, may ilang C.A. member ang kumuwestyon sa “timing” ng pag-renounce o pagtalikod niya sa pagiging American Citizen.

Napag- alaman kasi na naging enlisted si Tulfo ng U.S. Army mula 1988 hanggang 1992 at nasa Active Military Service na naka-himpil sa Europe mula 1992 hanggang 1996.

Pagdating naman sa kanyang Conviction sa 4 counts ng Libel, inihayag ng kalihim na pinag-uusapan pa ng C.A. kung hihingin ang opinyon ng Department of Justice dahil tinatawag ito ng ilan na Morale Turpitude.

Gayunman, ilang miyembro ng komisyon ang nagsabi na akma lamang ang Morale Turpitude sa halal na opisyal at hindi sa appointed gaya ni Tulfo.

Samantala, inungkat din ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Johnny Pimentel ang lovelife ng Kalihim partikular ang relasyon nito sa kanyang 10 anak sa apat na babae.

Inihayag naman ng Kalihim na bagaman hiwalay na ay maayos pa rin ang pakiki-tungo niya sa mga nanay ng kanyang mga anak.

Nasa kamay na anya ng C.A. ang pagdedesisyon sa kanyang kumpirmasyon at bagaman ipagpapatuloy ito, wala pang ibinigay na petsa ang komisyon at kahit bigo pang makumpirma, tuloy ang kanyang pagtatrabaho bilang Kalihim ng DSWD —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)

November 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
7.3 LINDOL

Walang banta ng Tsunami sa Pilipinas matapos ang naganap na magnitude 7 na lindol sa Solomon Islands sa Pacific Ocean.

Ito ang tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bagama’t posible ang mga mapanganib na alon sa mga baybayin na matatagpuan sa loob ng 300 kilometro mula sa sentro ng pagyanig.

Nabatid na binago ng United States Geological Survey (USGS) ang nasabing magnitude ng lindol mula sa inisyal na 7.3.

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VACCINE COVID

Maraming epekto sa katawan ng isang tao kung matuturukan ito nang nasira ng bakuna kontra Covid-19.

Ito ang sinabi ng Infectious Disease Expert na si Dr. Rontgene Solante sa panayam ng DWIZ, matapos masayang kahapon ang mahigit 31 milyong doses ng Covid-19 vaccines, na nagkakahalaga ng P15.6B.

Ayon kay Solante, hindi nila isinasantabi na mayroong mananamantala sa nasirang bakuna upang maibenta ito sa publiko.

Pero babala ni Solante, maraming negatibong dulot ang expired nang bakuna sa katawan, na posibleng umabot sa pagkasawi.

Hindi natin masigurado yan dahil bakuna ito, may iba diyan baka mag-develope ng severe reaction, case to case pa rin iyan…halimbawa lang yung mga gamot, yung mga antibiotic, mga tableta, may nakikita tayong iba’t-ibang pasyente na umiinom niyan yung mga natitira sa mga cabinet nila iniinom hindi nila alam expired na pala may mga mild talagang reaction…” Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert

Samantala, bukas naman si Solante na makipagtulungan sa imbestigasyon sakaling ipatawag hinggil sa pagkasira ng mga bakuna.

Mas maganda yung ganitong klaseng imbestigasyon para lang malaman ng madlang tao kung ano yung mga reason bakit may wastage bakit nag e-expire para for transparency importante ‘yan malaki ang nagastos ng government…at isa sa mga importante diyan kapag may investigation moving forward sa mga next procurement magpaplano tayo ng mas medyo mas magandang plano na hindi tayo maexpire ng mga bakuna…” Dr. Rontgene Solante, Infectious Disease Expert

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VAX BABY VAX

Umabot sa 100.48% o kabuuang 137,701 na sanggol sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan sa ilalim ng ”vax-baby-vax” campaign ng Department of Health.

Nahigitan ng nasabing bilang ang original target ng DOH na mabakunahan ang 137,000 infants sa rehiyon laban sa vaccine preventable diseases kabilang ang polio, measles, mumps, rubella, diphtheria, hepatitis B, at human papilloma virus o HPV.

Kinilala naman ng kagawaran ang mga lungsod na may pinakamaraming nabakunahang sanggol kung saan nanguna ang Maynila, na may 28,073; sinundan ng Quezon City, 23,732; at Parañaque City na may 10, 803.

Matatandaang ikinasa ang 10-day catch-up immunization campaign mula November 7 hanggang 18 na layong maproteksyunan ang mga sanggol na 12 buwang gulang pababa laban sa nasabing mga sakit.

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest