Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

LRTA

Muling ilalarga ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kanilang libreng COVID-19 booster vaccination sa mga istasyon ng LRT Line-2.

Hinikayat ng LRTA ang publiko na magpabakuna na hangga’t libre pa ang booster ng pamahalaan.

Magsisimula ang free booster shots alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon tuwing Lunes.

Layunin nitong mapalakas ang proteksyon ng publiko mula sa COVID-19 upang bumalik na sa normal ang pamumuhay ng bawat Pilipino.

Naglagay rin ang naturang rail transit system ng bakunahan sa LRT-2 Araneta Center sa Cubao tuwing Lunes lamang.

Samantala, katuwang ng LRTA ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa nasabing programa. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 22, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
bakuna covid

Binatikos ng senado ang Department of Health (DOH) hinggil sa nasayang na bakuna laban sa COVID-19 na nagkakahalagang P15.6-B.

Ayon kay senator Risa Hontiveros, nakababahala ang mga nasayang na bakuna dahil marami pang krisis na kinakaharap ngayon ang bansa.

Kumpiyansa naman ang senado sa DOH na palalawakin nito ang pagkilos upang mabawasan ang bilang ng mga nasasayang na doses ng bakuna.

Nanawagan din ang gobyerno na palakasin pa ang vaccination program ng pamahalaan upang hindi maapektuhan ang administrasyon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAPUTOK firecrackers

Muling magpapatupad ng ‘firecracker ban’ ang PNP para sa kaligtasan ng publiko sa Holiday season sa Central Visayas region.

Ayon kay Police Regional Office 7 Director, Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, makikipagtulungan sila sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at stakeholders sa pagpapatupad ng alituntunin.

Alinsunod sa RA 7183 section 3, mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa, pagbebenta at paggamit ng malakas na uri ng paputok sa Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang Atomic Big Triangulo, Super Lolo, Watusi, Piccolo, Pop-Pop, Five Star, Pla-Pla at Lolo Thunder. —mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) sa panulat ni Jenn Patrolla

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DSWD VEGES

Isasama na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga masustansyang pagkain sa mga ipapamahaging food packs nito simula sa susunod na taon.

Ito’y ayon kay DSWD sec. Erwin Tulfo, kung saan ibinahagi nito sa kanyang facebook page ang mga bago at masustansyang pagkain tulad ng ‘Ready to Eat’ na kanin gayundin ang mixed vegetables, laing, chicken adobo, at bangus sisig.

Sinabi ng kalihim na katuwang nila ang Department of Science and Technology (DOST) sa pagpaplano na gawing masustansya ang mga food packs.

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VP US HARRIS VP SARA DUTERTE

Hinangaan ni US Vice President Kamala Harris si Vice President Sara Duterte hinggil sa magkasabay na trabaho bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Kabilang sa napag-usapan ng dalawang lider ang larangan ng edukasyon sa bansa.

Iginiit ni VP Sara na naapektuhan ang edukasyon ng kabataan dahil sa COVID-19 pandemic kung saan nagresulta ito ng learning loss.

Samantala, nakipag-ugnayan ang pamahalaan ng Pilipinas sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa skills training ng mga estudyante sa Senior High School. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAMALA HARRIS AT PBBM US PH

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na mas magiging matatag pa ang relasyon ng Amerika at Pilipinas matapos ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa bansa.

Ayon kay Romualdez, isang “welcome development” ng bansa palalakasin nito ang alyansa, ugnayan at relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kumpiyansa naman ang kinatawan ng unang distrito ng Leyte na pag-aaralang mabuti ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga security alliance sa pagitan ng dalawang bansa.

Naniniwala rin ang kongresista na malaki ang magiging ambag ng mga nasabing alyansa sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines, climate action at energy security at digitalization. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OFW

Bumuo na ang Pilipinas ng joint Technical Working Group (TWG) upang ayusin ang pamamahagi ng unpaid salaries ng mga OFW sa Saudi Arabia.

Ayon kay undersecretary Patricia Yvonne Caunan ng Department of Migrant Workers, binuo ang TWG matapos mag-usap ang DMW at Saudi ministry of human resources at social development.

Binubuo ang TWG ng DMW, Department of Foreign Affairs (DFA), Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs at ang nasabing ahensya ng Saudi.

Magugunitang ipinangako ni crown prince Mohammed Bin Salman ng Saudi kay Pangulong “Bongbong” Marcos na matatanggap na ng mahigit 10,000 OFW ang natengga nilang sahod. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OIL PRICE WORLD MARKET

“Good” news para sa mga motorista at consumer.

Sa ika-apat na sunod na linggo, muling umarangkada ang tapyas-presyo ng mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto.

Epektibo alas 12:01 kaninang hatinggabi buena manong ipinatupad ng Caltex ang P2.15 rollback sa kada litro ng diesel, P0.40 sa gasolina habang P2.10 centavos sa kerosene.

Ala-6 naman ngayong umaga inilarga ng Shell, Petron, Seoil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti, Flying V at Petrogazz ang kahalintulad na price adjustment.

Samantala, alas-8 mamayang umaga rin ipatutupad ng Cleanfuel ang rollback sa presyo ng kanilang produkto.

Una nang inihayag ng Department of Energy na ang pagbaba ng Oil Demand sa China bunsod ng nararanasang panibagong Covid-19 surge ang dahilan nang bawas-presyo.

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VACCINE

Isinusulong ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion, ang pagkakaroon ng Vaccination Pre-Registration para maiwasan ang pagkasira ng mga bakuna.

Kasunod ito ng 31.3 million doses ng Covid-19 na nasayang sa Pilipinas matapos mag-expired.

Ayon kay Concepcion, umabot na sa mahigit P15B halaga ng mga bakuna, ang nasayang hanggang ngayong buwan ng Nobyembre kung saan, lumagpas na ito sa 10% threshold ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Concepcion na dapat nang gumawa ng hakbang ang Department of Health (DOH) kung saan, dapat mai-adopt ng mga Local Government Units (LGUs) ang Pre-Registering Scheme upang malaman kung sino sa mga residente ang nais magpabakuna.

November 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GERALD BANTAG - BUCOR

Natanggap na ng kampo ni dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag ang subpoena na inilabas ng Department of Justice (DOJ).
Kaugnay ito sa pagkakasangkot ni Bantag sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid at umano’y middleman sa kaso na si Jun Villamor.
Si Atty. Rocky Balisong, abogado ni Bantag ang mismong tumanggap ng subpoena sa DOJ.
Sa Miyerkules, November 23 nakatakda ang unang pagdinig sa kaso.
Sinabi naman ni balisong na titignan nila kung papayagang hindi dumalo sa pagdinig si Bantag depende sa desisyon ng panel.
Tiniyak din ng abogado ni Bantag na ‘very ready’ ang ex-BuCor chief na humarap sa imbestigasyon.
Dalawang murder complaints ang kinakaharap ngayon ni Bantag na itinuro ring isa sa mga mastermid sa pagpatay kay Lapid at Villamor.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest