Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

US GOV NAMIGAY NG HYGIENE KITS AT STORYBOOK SA CALOOCAN

Namigay ng hygiene kits at COVID-19 supplies ang United States government sa Gregoria De Jesus elementary school sa Caloocan City.

Ito ay para isulong ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mismong si US second gentleman Douglas Emhoff, husband ni US Vice President Kamala Harris ang nagpaabot ng COVID-19 supplies sa paaralan na tinanggap ni Caloocan City mayor Dale Gonzalo Malapitan.

Naglalaman ang kahon ng hygiene kit, N95 face masks, finger oximeter, forehead thermometer, at tablet para sa paaralan.
Kagabi nang dumating si Harris at Emhoff sa Pilipinas para sa tatlong-araw na pagbisita.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVID SURGE

Bahagyang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, bumilis sa 7.6% ang positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa rehiyon.

Mula ito sa 7.5% na naitala noong November 12.

Ang mga lugar na nakapagtala ng “very high COVID-19 positivity rate’ ay ang; Camarines Sur, Isabela, La Union, Tarlac, Aklan, Benguet, at Misamis Oriental.

Ang National Capital Region pa rin ang nangunguna sa mga rehiyong may pinakamaraming kaso ng COVID-19 noong November 20 na nakapagtala ng 255.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAG ASA ISLAND

Isang hindi nakikilalang bagay ang nakita ng Naval Station Emilio Liwanag (NSEL) ng Philippine Navy sa Pag-asa Island noong linggo.

Ayon kay Major Cherryl Tindog, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines – Western Command (AFP – WesCom), kahawig ng naturang bagay ang metal debris na una nang natagpuan sa Busuanga, Palawan.

Ngunit pahayag ni WesCom Commander Vice Admiral Alberto Carlos, na hindi ito nakuha ng NSEL.

Hawak na dapat ng naturang grupo ang unidentified object gamit ang kanilang rubber boat na humihila dito.

Pero agad pinutol ng Chinese Coast Guard Vessel na may bow number 5203 ang towing line na hinihila ng grupo ng Philippine Navy dahilan para makuha nila ito.

Sinabi naman ni Tindog na hindi nagdulot ng gulo at walang nasugatan sa mga tauhan ng NSEL, na isang oras nakasalamuha ang mga Chinese.

Sa ngayon, naipaabot na sa National Task Force on the West Philippine Sea ang nangyari para sa agarang aksyon.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MANILA ZOO

Magbubukas na muli sa publiko ngayong araw ang bagong-ayos at bihis na Manila Zoo.

Ayon sa Manila Public Information Office, simula alas-9 ngayong umaga hanggang alas-6 ng gabi, bukas sa publiko ang nasabing atraksyon.

Gayunman, tumaas ang entrance fee sa zoo na ngayo’y 300 pesos na para sa mga hindi Manilenyo habang 150 pesos sa mga naninirahan sa lungsod.

Mayroon diskwento para sa mga mag-aaral at libre sa mga batang edad dalawa pababa.

Samantala, ipinasilip din ng pamahalaang lokal ng Maynila ang isinagawang renovation ng ‘Manila Zoological and Botanical Garden’. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
US Vice President Kamala Harris

Dumating na kagabi sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris para sa ilang araw na state visit.

Pasado alas-7 nang dumating si Harris sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Air Force 2 matapos dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand.

Sinalubong naman ang Bise Presidente ng mga opisyal ng Pilipinas.

Nakatakdang magpulong mamaya sina Harris at Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos kasama si Vice President Sara Duterte – Carpio. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SAUDI

Sasagutin ni Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman ang mahigit P4.6 Billion na hindi pa nababayarang sahod ng nasa 10,000 OFW na nagtrabaho sa construction companies sa Saudi Arabia na nabangkarote noong 2015 at 2016.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanilang bilateral meeting ni Prince Mohammed sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Bangkok, Thailand, kamakailan.

Ayon kay Pangulong Marcos, isang magandang Pamasko ang pahayag ng Prinsipe ng Saudi para sa mga OFW na matagal naghihintay sa nakatengga nilang sweldo.

Tiniyak din anya ng Labor Minister ng Saudi na hindi na ito mauulit sa mga manggagawang Filipino na pupunta sa nasabing bansa habang magkakaroon ng insurance system para sa mga manggagawa.

Samantala, napag-usapan naman ng Punong Ehekutibo at Crown Prince ang mga Pinoy na patungong Saudi Arabia at iba pang oportunidad para sa pamumuhunan.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAPUTOK

Nababahala ang grupong Bantoxics! sa maagang pagbebenta ng mga paputok sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Ayon sa grupo, dumarami ngayon ang mga nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok katulad ng five star, whistle bomb, giant bawang at happy ball partikular na sa Divisoria, Maynila.

Nabatid na may kaukulang parusa ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng iligal na paputok at iba pang pyrotechnic devices.

Matatandaang noong nakaraang taon, nagpalabas ang Philippine National Police (PNP) ng listahan ng mga paputok na bawal ibenta sa publiko kabilang na dito ang:

Watusi

Piccolo

Poppop

Five Star

Pla-pla

Lolo Thunder

Giant Bawang

Giant Whistle Bomb

Atomic Bomb

Super lolo

Atomic Triangle

Goodbye Bading

Large-size Judas Belt

Goodbye Philippines

Goodbye Delima

Bin Laden

Hello Columbia

Mother Rockets

Goodbye Napoles

Coke-in-Can

Super Yolanda

Pillbox

Mother Rockets

Boga

Kwiton

Kabasi

Ipinagbabawal din ang mga overweight at oversized firecrackers pyrotechnic devices o ang FCPD at lahat ng imported finished products sa bansa.

Matatandaang una nang sinasabi ng DOH na ang mga pa­putok ay naglalaman ng mga kemikal na kinabibilangan ng cadmium, lead, chromium, aluminum, magnesium, nitrates, nitrite, sulphur at iba pa na maaaring ma­kapinsala sa nervous at respiratory system ng isang tao.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa Philippine National Police (PNP) na inspeksiyonin ang mga tindahan ng paputok sa Metro Manila at kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na paputok partikular na sa mga public market.

Layunin nitong mapigilan ang mga manufacturer sa paggawa, pagbebenta, at pamamahagi ng paputok para maiwasan ang firecracker-related injury and toxic exposure sa mga kabataan.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
csc

Muling pina-alalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga kawani ng pamahalaan na bawal ang pagtanggap ng anumang regalo, ngayong nalalapit na ang Pasko.

Alinsunod sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, bawal sa isang government worker ang mag-solicit o manghingi ng regalo sa sinumang may transaksiyon sa pamahalaan.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, dapat magsilbing mabuting halimbawa ang mga government employee o head at iwasang mag-solicit o manghingi ng regalo sa sinumang may transaksyon sa gobyerno.

Ang sinumang kawani na mapatutunayang sangkot sa pagtanggap ng regalo o pabor ay posibleng masibak sa pamahalaan habang mananagot din sa batas ang mga magbibigay na pribadong indibidwal.

Bukas anya ang CSC para sa sumbong at reklamo hinggil sa “No Gift Policy” hindi lang ngayong Pasko kundi sa buong taon.

Sa panig naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) tiniyak nito ang mahigpit na pagpapatupad ng “No Gift Policy” o nagbabawal sa mga empleyadong tumanggap o humingi ng regalo.

Inihayag ni BIR – Southern NCR Director Jethro Sabariaga na malaking tulong ang digitalization sa pagproseso ng mga aplikasyon at dokumento On-line upang maiwasan ang panunuhol o pangingikil.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BUREAU OF CUSTOMS BOC

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na maihahatid na ang mga nalalabing abandonadong balikbayan box sa isang warehouse sa Bulacan bago mag-Pasko.

Ayon kay BOC spokesman Arnaldo Dela Torre Jr., sisimulan na nila ngayong linggo ang libreng delivery ng balikbayan box sa mga probinsya.

Tinatayang 2,000 balikbayan boxes pa anya ang natitira sa kanilang warehouse sa Balagtas.

Nagpapatuloy naman ang pagkuha ng mga recipient ng mga package sa naturang warehouse.

Kailangan lamang magdala ng Authorization Letter, valid ID at kopya ng passport ng nagpadala kung nais itong personal na kunin ang package.

Pawang nagmula sa Middle East ang mga balikbayan box na sinasabing inabandona ng foreign courier services.

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KAMALA HARRIS

Tututok sa pagpapatatag ng Security Alliance at Economic Relationship ang magiging sentro ng pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at U.S. Vice President Kamala Harris.

Kinumpirma ng White House na tatalakayin din sa pulong ang mga issue kaugnay sa Digital Economy at paggamit ng Clean Energy.

Nakatakda namang humarap si Harris sa Civil Society Activists mamaya bilang bahagi ng nagpapatuloy na suporta sa Human Rights at Demokrasya ng Amerika habang bukas ay bibisita ito sa Palawan, partikular sa teritoryong malapit sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Si Harris ang pinaka-mataas na U.S. official na bibisita sa Palawan.

Kagabi ay dumating sa bansa ang Bise Presidente ng Amerika mula sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand.

(video courtesy of Raoul Esperas Patrol 45)

November 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest