Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

PUBLIC TO PRIVATE PARTNERSHIP PPP

Lusot na sa komite ng Kamara ang substitute bill na mag-aamyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) law at magpapalakas sa Public-Private Partnership (PPP).

Layunin ng naturang panukala na maging kaaya-aya ang PPP projects sa mga mamumuhunan at sa publiko.

Kung saan sakaling tuluyang maisabatas, paglalaanan ng nasa trilyong pisong halaga ng corporate at private sector fund ang infrastructure projects ng gobyerno

November 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MMFF 2022

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Quezon City kasama ang mga kinatawan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa nalalapit na parade of stars sa December 23 at gabi ng parangal sa December 27.

Kabilang sa napag-usapan ay ang traffic management plan para sa magiging ruta ng parada, paraan upang maiwasan ang trapiko at pagtiyak sa kaligtasan ng mga manonood.

Nabatid na December 25 hanggang January 7, 2023 ipapalabas ang mga pelikulang tampok sa MMFF

November 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
petrolyo (1)

Good news para sa mga motorista!

Magpapatupad ngayong Martes ang mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy, P2.20 hanggang P2.40 ang inaasahang magiging bawas sa bawat litro ng diesel.

Tatapyasan naman ng P0.90 hanggang P1.10 ang kada litro ng gasolina.

Sinabi ni Industry Management Bureau Director Rino Abad na inaasahan na nila ang napipintong oil price rollback, na ipinatupad dahil sa mahinang demand mula sa top oil importer na China.

Bunsod ng magkakasunod na oil price increase ngayong taon, umabot na sa P18.15 ang itinaas sa presyo ng gasolina, 36 pesos sa diesel at P29.95 sa kerosene.

November 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BBM APEC SUMMIT MEETING

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagbisita sa Vietnam.

Kasunod ito ng naging imbitasyon ni Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc kay Pangulong Marcos sa sidelines ng APEC economic leaders’ meeting.

Sa naging pag-uusap ng Pangulo at ni Phuc, sinabi ng Vietnamese president na maituturing na “strategic partners” ang Pilipinas at Vietnam na may maraming isyung dapat pag-usapan.

Hindi naman makahindi sa paanyaya ang Punong-Ehekutibo kaya sinabing mananatili itong makikipag-ugnayan sa Vietnam para sa petsa ng pagbisita.

Matatandaang una rito, pinaunlakan na rin ni PBBM ang imbitasyon ni Vietnamese prime minister Pham Minh Chinh na state visit sa Vietnam na kinumpimra mismo ng Office of the Press Secretary.

November 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BBM AT SAUDI PRINCE

Naniniwala ang Department of Migrant Workers (DMW) na magreresulta ng mas maraming trabaho at oportunidad, ang ipinangakong tulong ng Kingdom of Saudi Arabia sa Pilipinas.

Ito ay matapos sagutin ng Saudi government ang sahod ng mga OFW na hindi nabayaran ng kanilang construction companies noong 2015 at 2016, matapos magdeklara ng bankruptcy.

Ang balitang ito ay kasunod na rin ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman Al Saud sa sidelines ng APEC summit sa Bangkok, Thailand.

Sa panayam ng DWIZ kay migrant workers secretary Susan Ople, sinabi nito na kumpiyansa sila na magdudulot ng good news para sa mga manggagawa ang aksyon ng Saudi.

Tiniyak naman ni Ople na patuloy nilang pangangalagaan ang mga OFW at ang magandang relasyon ng Pilipinas sa Saudi.

November 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Petrolyo gasolina

Asahan ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng oil industry, piso at P0.70 hanggang P1.90 ang bawas sa kada litro ng diesel.
P0.70 hanggang P0.90 naman sa kada litro ng gasolina.

Kinumpirma ni Oil Industry Management Bureau director Rino Abad ang nasabing oil price rollback kung saan ito ay dahil sa mababang demand ng langis sa China sa gitna ng tumataas na mga kaso ng COVID-19.

November 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pulis covid

Tinatayang aabot sa 190,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ipapakalat sa bansa ngayong Christmas season.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Redrico Maranan, para ito sa “Oplan Ligtas Pasko”, na layong paigtingin ang police visibility sa mga matataong lugar.

Gaya ito ng malls, simbahan, palengke, venue ng mga concert at iba pa.

Magtatayo naman ng police assistance desk ang PNP para mailapit sa publiko ang kanilang pagtulong.

November 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BAGONG MMDA CHAIRMAN

Hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired General Procopio Lipana bilang general manager ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority.

Bukod kay Lipana, itinalaga rin si Engr. Frisco San Juan Jr. bilang deputy chairman ng MMDA na dati ring naglingkod sa ahensya sa kaparehong posisyon noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sina Lipana at San Juan ay kabilang sa mga bagong talagang opisyal ng gobyerno na nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, Nobyembre 18.

Kasama ring nanumpa sina PDEA Director General Moro Lazo, PDEA Deputy Director General Pierre Bucsit, at MMDA Chairman Romando Artes.

Samantala, si ret. Judge Felix Reyes ay nanumpa sa tungkulin bilang bagong board director ng PCSO noon pang nakaraang Lunes.

November 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FELIX REYES

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong miyembro ng Board of Directors ng PCSO o Phil. Charity Sweepstakes Office.

Sa isang appointment letter, ipinagkakatiwala ni Pangulong Marcos kay ret. Judge Felix Reyes ang nasabing posisyon.

Nanumpa na rin si Reyes sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin bilang bagong miyembro ng PCSO BOD.

Si Reyes ay dating presidente ng Phil. Judges Association o PJA at naging hukom din ng Marikina Regional Trial Court.

November 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FARMER MAGSASAKA RICE TARRIFFICATION LAW

Bigo muli ang Pilipinas na makapag-produce ng maraming pagkain noong nakaraang taon.

Ito ay matapos bumagsak sa 81.5% noong 2021 ang rice self-sufficiency ng bansa.

Batay sa huling datos ng Philippine Statistics Authority, mas mababa ang tala ng 3.5% kumpara sa 85% noong 2020.

Ang self-sufficiency ratio ay nagpapakita ng magnitude ng produksyon na may kaugnayan sa domestic utilization at lawak ng supply ng isang bansa.

November 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest