Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

GERALD BANTAG

Inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gerald Bantag na siya ay haharap lamang sa preliminary investigation kung papayagan ng kaniyang legal team.

Ayon kay Bantag, kung pahihintulutan siya ng kaniyang kampo, handa umano siyang dumalo at personal na humarap sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) na nakatakdang ganapin sa November 23 at December 5.

Sinabi ni Bantag na kaniya pang hinihintay ang desisyon at magiging payo ng kaniyang mga  abogado.

Matatandaang sinampahan ng kasong double murder si Bantag matapos iturong mastermind sa pagpatay sa batikang radio broadcaster-commentator na si Percy Lapid at sangkot sa pagkamatay ng middleman na si Jun Villamor.

November 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bongbong marcos

Magiging makabuluhan ang pagtungo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior sa Bangkok, Thailand.

Ito ay matapos ang apat na pagpupulong na nakatakdang daluhan ng pangulo ngayong araw na may kinalaman sa ginaganap na 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.

Unang dadaluhan ni Pangulong Marcos ang APEC-CEO Summit dakong alas-9:40 ng umaga o alas-10:40 (oras sa Pilipinas).

Pagsapit ng alas-11:00 ng umaga sa Thailand, magkakaroon naman ng private lunch ang pangulo.

Mangyayari ang bilateral meeting ng pangulo at ni Chinese President Xi Jin Ping pagsapit ng alas-5:30 ng hapon, oras muli sa Bangkok.

Samantala, pagpatak ng alas-8:00 ng gabi ay makikiisa ang pangulo sa APEC Economic Leaders’ Meeting and gala dinner sa Royal Thai Conference Hall.

Sinabi naman ng Office of the Press Secretary na posibleng magkaroon ng isa pang bilateral meeting ang pangulo ngayong araw pero hindi pa ito pinal.

Maliban sa pakikipagpulong upang pag-usapan ang iba’t ibang isyu, makikipagkita rin si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Bangkok, Thailand.

November 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BBM - APEC

Anim na mahahalagang usapin ang inaasahang tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos junior sa pagdalo nito sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa Office of the Press Secretary, makikipagpulong si Pangulong Marcos sa iba’t ibang economic leaders para pag-usapan ang ilang isyu.

Kinabibilangan ang mga paksang ito ng; food and energy security; kalagayan ng Micro, Small, and Medium Enterprises; pagpapaunlad ng ekonomiya; pagpasok ng bansa sa digital age; pagtugon sa climate change; at sustainable growth.

Inaasahan namang masesentro sa mutual economic benefits ang nakatakdang pulong ng pangulo sa leaders of economies, kung saan ay mapag-uusapan ang bilateral relations.

November 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIM CARD

Inaasahang maipatutupad na simula December 27 ngayong taon ang Republic Act 11934 o subscriber identity module o Sim Registration Act.

Sa senate hearing sa budget ng Department of Information and Communications Technology, inihayag ni Senator Grace Poe na inaasahang ilalabas ng DICT ang implementing rules and regulation ng nasabing batas sa December 12.

Ayon kay Poe, Chairperson ng Senate Committee on public Services, magkakaroon din ng public hearing sa December 5 habang hinihintay din ng telcos ang IRR.

Ito’y upang mas maging malinaw kung paano masusugpo ang mga nagkalat na text scam at spam.

Oktubre a – diyes nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Sim Registration Act bilang panlaban sa mga gumagawa ng krimen sa pamamagitan ng mga mobile phone, gaya ng text scams.

November 17, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
OVP

Inanunsiyo ni Vice President Sara Duterte-Carpio na magtatayo ang Office of the Vice President (OVP) ng tatlong satellite offices sa bansa sa susunod na taon.

Ito ay para mas lalong mailapit sa publiko ang mga serbisyo at programa ng OVP.

Sa kasalukuyan, mayroon ng pitong satellite offices ang OVP sa bansa na matatagpuan sa Bacolod, Surigao Del Sur, Cebu, Davao, Tacloban, Dagupan, at Zamboanga.

Ang central office naman nito ay matatagpuan sa Robinsons Cybergate Plaza sa Mandaluyong City.

November 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KADIWA NG PASKO

Handa ang Department of Trade and Industry (DTI) na tulungan ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs sa bansa.

Ito ang sinabi ni Trade Undersecretary Dominic Tolentino matapos bumisita sa Muntinlupa City kasabay ng paglulunsad ngayong araw ng ‘Kadiwa ng Pasko’.

Pagtitiyak ni Tolentino, mayroon nang joint venture ang DTI, Airport at mga Malls para makapagtinda ng libre ang mga MSMEs.

Ang “Kadiwa ng Pasko” ay programa ng Office of the President kung saan maaaring bumili ng iba’t ibang produkto katuwang ang DTI, Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, Lokal na Pamahalaan, at MSMEs.

Magkakaroon ang Kadiwa ng Pasko ng 30 exhibitors na tutulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbebenta ng produkto ng mga ito gaya ng gulay, prutas, isda, itlog, bigas at iba pa.

November 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PERCY LAPID MASTERMIND

Wala kaming natatanggap na mensahe!

Ito ang mariing iginiit ni Roy Mabasa, kapatid ng pinatay na brodkaster na si Percy Lapid taliwas sa sinabi ng Tagapagsalita ng kanilang pamilya na si Atty. Toto Causing, na nagpadala ng mensahe ang kaanak ni nasuspindeng BuCor director na si Gerald Bantag.

Ito ay para makipag-diyalogo sa pamilya Mabasa kaugnay sa akusasyon sa kaniya bilang ‘mastermind’ sa pagpatay kay Lapid.

Sa panayam ng DWIZ kay Mabasa, sinabi nito matagal na ang mensahe at hindi na ito bago sa pamilya.

Yun po ay isang pahatid hangin lang na matagal na noh, hindi po yan bago…matagal na po ‘yan,  siguro ‘yan ay nangyari nung lumitaw ang kanyang pangalan pero wala, wala na po tayong nagaganap na ganyan…

Iginiit naman ni Mabasa na tuloy pa rin ang kanilang paghingi ng hustisya kasabay ng panawagan kay Lapid na magsalita na sa Korte.

Yung sa amin lang ay patuloy yung aming focus doon sa kaso despite sa napakalakas na trolls, pero wala pong magagawa yang mga trolls na ‘yan ang magsasalita po rito ay ebidensiya, so ang ebidensiya ay hawak na po ng DOJ bahala na po si Mr. Bantag kung sasagutin niya ‘yan o hindi, hindi po masasabi yang mga kasalanan sa media sinasabi po ‘yan sa harap ng Korte…” -Roy Mabasa, kapatid ng pinatay sa brodkaster na si Percy Lapid sa panayam ng DWIZ

November 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FERTILITY RATE

Maganda ang epekto sa Pilipinas ng pagbaba ng fertility rate o bilang ng mga babaeng nagkakaroon ng anak.

Ito ang sinabi sa DWIZ ni Lolito Tacardon, Executive Director at Officer-in-Charge ng Commission on Population and Development (POPCOM), matapos bumagsak sa 1.63% o 1.6 milyon kada taon ang fertility rate sa bansa

Ayon kay Tacardon, magandang dulot ang tala lalo na sa trabaho, edukasyon, kalusugan, skills development at wellbeing ng buong pamilya.

Bentahe rin ito sa ekonomiya dahil mapipigilan ang pagtaas ng poverty rate.

“Lalo na kung ikaw ay sumusweldo lang ng minimum wage, kapag nasa Maynila ka kulang na kulang yung minimum wage mo for a family of, kahit ano lang 2 lang anak mo medyo pahirapan so if yung couples would be able to sustain yung ganyang bilang ng anak.. base sa kanilang kakayahan mabigyan ng magandang buhay, then I think it will really redound to socio economic development for the nation at large…” -Lolito Tacardon, Executive Director at Officer-in-Charge ng Commission on Population and Development (POPCOM)

Sa huling datos ng POPCOM, ang Zamboanga City, BARMM, at Eastern Visayas pa rin ang mayroong pinakamalaking fertility rate.

Nananatili naman sa CALABARZON ang pinakamataas na populasyon at migration.

“Base po doon sa datos natin noong 2022, wala pa po tayong regional disaggregation, gagawin palang po yan, pero sa atin pong 2017 actually nasa Zamboanga City atsaka sa BARMM at Region 8 yung may pinakamalalaking total fertility rate, noong 2017 nasa ano pa ‘yan mga around 3 to 4 total fertility rate mas mataas pa…” -Lolito Tacardon, Executive Director at Officer-in-Charge ng Commission on Population and Development (POPCOM)

November 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BANTAG

Nagpadala umano ng mensahe ang kaanak ni suspended Bureau of Corrections director General Gerald Bantag upang makipag-dayalogo sa pamilya mabasa kaugnay ng akusasyon sa kanya bilang “mastermind” sa pagpaslang kay Percy Lapid o Percival Mabasa.

Ayon kay Atty. Toto Causing, tagapagsalita ng pamilya Mabasa, isang malayong kaanak ni Bantag sa Mountain Province ang nagpadala ng feelers sa posibilidad na makipag-usap sa kinatawan ng mga kaanak ni ka Percy.

Bukas naman anya sila sa lahat ng posibilidad maging ang pakikipag-dayalogo sa suspendidong BuCor chief upang mabusisi nang malalim ang katotohanan.

Gayunman, nilinaw ni Causing na kung anong mapag-uusapan ay wala pang kongkretong maipapa­ngako ang pamilya Mabasa kay Bantag dahil nakadepende ito sa kanyang mga sasabihin.

Una nang itinanggi ni Bantag ang mga akusasyon na siya ang nasa likod ng pagpapa-ambush at pagpatay sa Brodkaster.

November 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BABY - BATA - BAKUNA

Umabot na sa 68,773 o katumbas ng 50.18% ng target na population ng mga sanggol sa Metro Manila ang nabigyan ng bakuna laban sa iba’t ibang sakit.

Sa ilalim ito ng inilunsad na Vax-Baby-Vax Program ng Department of Health – Metro Manila Center for Health and Development.

Layon nito na mabakunahan kontra vaccine preventable diseases gaya ng polio, measles, mumps, rubella, diphtheria, at hepatitis b, ang mga sanggol na 23 buwang gulang pababa.

Sinimulan ang nasabing programa noong November 7 na tatagal hanggang sa November 18.

November 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest