Hindi dapat makaapekto sa interes ng ibang bansa ang naging ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Reaksyon ito ng China matapos ang pagbisita ni U.S. Vice President Kamala Harris sa Pilipinas kamakailan.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, hindi sila tutol sa normal na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Amerika basta’t hindi ito makasisira- sa interes ng ibang bansa.
Dapat anyang maging pabor sa bawat isa ang kooperasyon at ugnayan ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Si Harris na ang pinakamataas na opisyal ng amerika na nakabisita sa Palawan na pinakamalapit naman na teritoryo ng Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Islands kung saan claimant din ang China.