Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

war on drugs

Inilunsad na ng pamahalaan ang Anti-Illegal Drugs Advocacy Program na tinawag na Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

Inilarawan ito ni Interior secretary Benhur Abalos bilang bagong-bihis na drug war na “pinaigting at mas holistic campaign.”

Sa launching ng BIDA Program sa Quezon Memorial Circle, inihayag ni abalos na kasama sa programa ang mga local government unit, national government agency at iba pang miyembro ng sektor ng lipunan.

Makakatuwang nila ang Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at iba pang Drug enforcement agencies.

Tatargetin anya sa BIDA program ang pinaka-ugat ng iligal na droga habang makikipagtulungan ang mga nasabing ahensya sa mga Barangay, Simbahan, Religious communities at mga Pamilya.

Ito’y upang tugunan ang problema sa iligal na droga at i-rehabilitate ang mga durugista.

Samantala, katuwang ang Departments of Social Welfare and Development at Health sa rehabiLitation Programs habang magbibigay ng kabuhayan ang Department of Trade and Industry at tutulong sa paghahanap ng job opportunities ang Department of Labor and Employment.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
EDSA TRAFFIC

Naghahanda na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista at pasahero sa papalapit na holiday season.

Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), nananatiling magaan sa 130,000 per day ang passenger volume kada araw pero inaasahang aabot ito sa 160,000 hanggang 170,000 bago o sa mismong araw ng Pasko.

Ayon kay PITX spokesman Jason Salvador, inaasahang darami ang bibiyahe ngayong taon dahil sa mas maluwag na Covid-19 restrictions.

Pinaghahandaan na rin anya nila ang pagsisimula ng 24- oras na operasyon ng EDSA Bus Carousel na aarangkada sa Disyembre a-1 hanggang katapusan ng taon.

Inihayag naman ni Manila International Airport Authority assistant senior General Manager Bryan Co na simula Nobyembre hanggang sa unang bahagi ng 2023 ang peak season ng biyahe kaya’t naglatag na sila ng mga hakbang upang ma-kontrol ang passenger volume.

Pagdating sa mga biyahe sa barko, inabisuhan ni Philippine Ports Authority General Manager, Atty. Jay Santiago ang mga pasahero na agahang mag-book ng ticket online upang maiwasan ang aberya.

Samantala, tiniyak ni MMDA spokesperson, Atty. Melissa Carunungan na patuloy ang paglalatag nila ng hakbang bilang preparasyon sa mabigat na traffic volume, gaya ng clearing ng mabuhay lanes at pagpapatigil sa mga paghuhukay sa kalsada maliban sa priority projects ng DPWH.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PATAY 3

Patay ang dalawang suspek sa Tacurong City Bus Bombing matapos makipagbarilan sa mga aarestong pulis sa Cotabato City, kahapon.

Kinilala ang mga napaslang na sina Haron Akmad Martin at asawang si Aiman Mandi Martin, na kapwa miyembro ng Dawlah Islamiyah.

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Regional Police Director, Brig Gen. John Guyguyon, aarestuhin sana ng mga Pulis at Sundalo ang mag-asawa sa kanilang pinag-tataguan sa Purok Pinen sa Rosary Heights 6.

Gayunman, natunugan ng mga suspek ang isasagawang pag-aresto kaya’t nakipagbarilan ang mga ito sa mga otoridad.

Bukod sa pagkakasangkot ng mag-asawa sa pambobomba sa Yellow Bus Line sa Tacurong noong November 6 na ikinasawi ng isang pasahero, dawit din ang dalawa sa mga pagpapasabog sa South Seas Mall na ikinasawi ng isang menor de edad.

Samantala, batay sa nakalap na ebidensya ng mga intelligence officer ng Pulisya at Militar, may kaugnayan din sina Mandi at Martin sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pbbm 1213568

Umaasa si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na irerekonsidera ng Court of Appeals ang desisyon nitong pansamantalang suspendihin ang Power Supply Agreement sa pagitan ng San Miguel Corporation na subsidiary na South Premier Power Corporation at Manila Electric Company.

Ayon kay Cheloy Garafil, Officer-In-Charge ng Office of the Press Secretary, binigyang-diin ng Pangulo na labag sa kasunduan ng PSA ang kautusan, dahil magdudulot ito ng malalang epekto sa singil sa kuryente.

Noong Nobyembre 24 inilabas ng 14th Division ng CA ang TRO kasunod ng desisyon ng Energy Regulatory Commission noong September 9 na ibasura ang hiling ng SPPC, San Miguel Energy Corp at MERALCO na taasan ang generation charge.

Ang desisyon ay bunsod na rin ng pagtaas ng presyo ng coal at natural gas materials na ginagamit sa pagpo-produce ng kuryente.

November 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVID SURGE

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handang tumugon ang kanilang kagawaran kasunod ng pagkaka-detect ng bagong sublineage ng Omicron sa bansa.

Ayon sa Department of Health, maliban sa pagtitiyak ng sapat na kapasidad ng mga ospital, mahalaga ring paigtingin ang pagbabantay at pagbabahagi ng mga datos na may koneksyon sa sakit.

Ito ay para matiyak na napag-aaralan ang mga bagong usbong na virus, upang mapaganda ang kalidad ng mga bakuna.

Samantala, muling umapela ang DOH sa publiko na magpabakuna na at tumanggap ng booster shot, bilang dagdag proteksyon laban sa Omicron sublineage ng COVID-19.

November 26, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVID

Hindi dapat ikabahala ng mga Pilipino ang pagkaka-detect ng bagong sublineage ng Omicron na BQ.1 sa bansa.

Sinabi ito ni Dr. Tony Leachon, isang health reform advocate kasunod ng 14 na kaso ng BQ.1 na nakita sa Pilipinas.
Ayon kay Leachon, gaya ng nangyari sa US ay hindi ma-o-overwhelm ng Omicron variant ang COVID-19 cases sa bansa, dahil sa dami ng nagpabakuna.

Sakaling tumaas ang kaso, hindi aniya ito magiging malala at magiging mild lamang ang epekto sa tao.

Sa huling tala ng OCTA research team, pumalo na sa 11.9% na ang positivity rate sa buong bansa.

Pero hindi ito nakikitang balakid ng eksperto lalo’t mababa aniya ang fatality rate sa datos.

Sa ngayon, panawagan ni Leachon sa publiko ngayong Pasko, lalo na ‘yung magsasagawa ng pagtitipon gaya ng Christmas party at gathering, na manatili pa ring magsuot ng face mask upang makaiwas sa hawaan.

November 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PROVINCIAL BUS

Lumabas sa isang pag-aaral na panlima sa pinaka-worst na public transportation sa buong mundo ang mga pampublikong sasakyan sa Maynila.

Batay ito sa 2022 Public Transit Sub-Index na parte ng Urban Mobility Readiness Index 2022, na ginawa ng US-based Think Tank na si Oliver Wyman forum at ng University of California, Berkeley.

Sa nasabing pag-aaral, lumabas na ika-56 ang Maynila sa 60 lungsod sa mundo, kung saan nangunguna ang Johannesburg sa South Africa, Riyadh sa Saudi Arabia, Nairobi sa Kenya, at Jeddah sa Saudi Arabia.

Naging batayan sa tala ang pagiging limitado ng pampublikong sasakyan, kahusayan, at antas ng paggamit sa mga ito.

November 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BUNGO SA DOJ

Itinigil ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapatayo nito ng panibagong library sa Padre Faura Street matapos marekober ang apat na skeletal remains mula sa site noong Huwebes.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sinang-ayunan nila ang rekomendasyon ng mga eksperto sa pangunguna ni Dr. Raquel Fortun, iang forensic pathologist na itigil muna ang pagpapatayo habang nakabinbin ang imbestigasyon sa mga labi.

Inimbitahan naman ni Remulla si Fortun na suriin ang mga nakuhang labi kasama ang social anthropologist na si Maria Teresa De Guzman at archeologist Michael upang mabigyang linaw ang presensya ng mga labi sa compound.

Dagdag pa ni Remulla, wala siyang nakikitang indikasyon na ginamit bilang mass grave ang naturang site.

Ayon naman kay De Guzman na dapat mayroong permit mula sa National Commission for Culture and the Arts bago ginawa ang paghuhukay dahil may posibilidad na ang mga labi ay mula pa noong World War 2 o sa panahon ng kastila.

Sinabi ng tagapagsalita ng DOJ na si Mico Clavano na ang mga labi ay itinurn-over sa National Bureau of Investigation para sa anumang forensics.

Sa ngayon ay hindi pa napagdedesisyunan ng DOJ kung gaano katagal ang suspensyon ng konstruksyon ng library. –-mula sa panulat ni Hannah Oledan

November 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BUNGO SA DOJ

Posibleng tatlo hanggang limang tao ang mga kalansay na nadiskubre sa loob ng Department of Justice (DOJ) compound kahapon.

Ayon kay justice spokesperson Mico Clavano, ang bilang ay batay lamang sa inisyal na impormasyon at kahit isang bungo lamang ang nakuha maraming fragments naman ang narekober.

Kinumpirma naman ni Clavano na may pulong ang DOJ sa pangunguna ni Secretary Jesus Crispin Remulla kasama ang kanilang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun at isang anthropologist ngayong hapon.

Ito’y para pag-usapan ang mga nakitang kalansay at isang bungo na nakuha sa compound ng DOJ.

Pero sa naunang payo ni Dr. Fortun, bawal hawakan ang mga kalansay sakaling mayroon pang madiskubre sa hinaharap.

Samantala, sinabi pa ni Clavano na inaasahan ng DOJ na magbibigay ng ulat ang National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw o sa unang bahagi ng susunod na linggo ukol sa mga nakuhang kalansay.

November 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
petrolyo

Good news sa mga motorista dahil sa inaasahang panibagong big time roll back sa susunod na linggo.

Batay sa pinakahuling pagtaya ng Department of Energy (DOE), aabot sa P3.50 hanggang P3.70 ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.

Maglalaro naman sa P2.20 hanggang P2.40 ang posibleng bawas-singil sa kada litro ng kerosene habang P1.00 hanggang P1.20 naman sa kada litro ng gasolina.

Matatandaang nagpatupad din ng rollback ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo kung saan P2.15 ang ipinatupad na bawas-presyo sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene at P0.40 per liter sa presyo ng gasolina.

November 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest