Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

DEPED

Suportado ng Department of Education (DepEd) ang ilulunsad na “Bakunahang Bayan” ng Department of Health.
Gaganapin ito sa December 5 hanggang 7 ngayong taon.

Sa DepEd order number 51 na nilagdaan ni Vice President at education secretary Sara Duterte, maaaring lumiban sa trabaho ang mga teaching at non-teaching personnel ng DepEd, na boluntaryong magpapabakuna o magpapaturok ng booster dose laban sa COVID-19.

Para makapagpabakuna, kailangan lamang iprisinta ang COVID-19 vaccination card o anumang proof of vaccination.
Maliban sa mga guro, kasama rin sa papayagang lumiban sa klase ang mga mag-aaral na boluntaryong magpapabakuna.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SWAT NABARIL ANG KABARO

Sasampahan na ng administratibo at kriminal ang pulis na aksidenteng nakabaril at nakapatay sa kabaro nito sa San Pablo City Police Station, Laguna.
Ayon kay PNP officer-in-charge police Lt. General Rodel Sermonia, nagsasagawa na ng fact-finding investigation ang PNP sa insidente.
Noong Huwebes, naganap ang nangyari kung saan batay sa salaysay ng suspek na si police corporal George Mervin Cañete Duran, ay nililinis nila ng biktima at iba pang miyembro ng SWAT team ang kanilang mga baril para sa inspeksyon.
Pero nang tinanggal niya ang magasin ng kanyang service firearm at iki-clear dapat ay bigla nalang pumutok ito, at tinamaan sa kanang dibdib ang kasamahan na agad ikinamatay nito.
Sa ngayon, puspusan na ang pagsasanay sa gun handling ng mga tauhan ng PNP para maiwasang maulit ang insidente.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PATAY

Itinakda na sa Biyernes, Disyembre a-2 ang paglilibing sa labi ng higit 60 pang preso na namatay sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Gregorio Catapang, officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor), kabilang sa mga ililibing ang mga namatay ng Persons Deprived of Liberty (PDL)s na hindi na kinuha ng kanilang pamilya.

Noong Nobyembre 25, aabot rin sa 60 katawan ng inmates ang inilibing ng BuCor, na nakatambak lamang sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City, simula pa noong December 2021.

Sinabi naman ni Catapang na nasa 40 pang katawan ang hindi maisama sa mass burial, dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng kanilang pagkamatay.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
dengue

Dumoble pa ang naitalang kaso ng dengue sa bansa at mga nasawi dahil dito.

Batay sa pinakahuling disease surveillance report ng Department of Health (DOH), pumalo sa 196,728 dengue cases ang naitala sa Pilipinas simula Enero a-1 hanggang Nobyembre a-5.

Ang tala ay 191% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na nasa 67,537 lamang.

Samantala, dumoble rin ang bilang ng nasawi sa dengue sa bansa na nasa 642 na ngayon, mula sa 247 noong 2021.

Ang Central Luzon ang may pinakamaraming kaso ng dengue na may 38,640, sinundan ng National Capital Region na may 22,666 at CALABARZON na may 16,575.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BQ.1 COVID VIRUS OMICRON VARIANT

Sumirit sa mahigit 11% ang pitong araw na COVID 19 positivity rate sa NCR o National Capital Region.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, mula 7.5% noong November 19 ay naging 11.1% ang positivity rate nitong araw ng Sabado, November 26.

Bukod dito, sinabi ni David na tumaas din ang positivity rate  maging sa iba pang lugar sa Luzon tulad ng Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union at Pangasinan.

Kabilang naman sa mga lugar sa Luzon na bumaba ang positivity rate sa parehong panahon ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac at Zambales.

Una nang inihayag ng OCTA na ang Omicron BQ.1 ay posibleng makapagpataas  ng kaso at positivity rate ng COVID 19.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BQ.1 COVID VIRUS OMICRON VARIANT

Inihayag ng isang eksperto na hindi gaano ka-epektibo laban sa bagong Omicron subvariant na BQ.1 ang mga bakuna sa bansa.

Sinabi ito sa DWIZ si Dr. Rontgene solante, isang infectious disease specialist kasunod na pagkaka-detect sa Pilipinas ng 14 na kaso ng BQ.1.

Ayon kay Solante, maaari pa ring mahawaan ng bagong virus ang mga Pilipino kahit nakapag-booster na.

Dahil dito, sinabi ni Solante na mas maigi kung bivalent vaccines ang ipapamahagi dahil mas epektibo ito laban sa bagong variant.

mas maganda kung medyo bago na yung bakuna natin gaya nung bivalent Omicron vaccine dahil mas mataas na yung magiging proteksiyon nito dahil at least marerecognize pa niya itong BQ.1, on that note kung iprioritize natin ang babakunahan ng bagong formulated na bivalent vaccine doon natin ilaan sa mga vulnerable population…” Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease specialist sa panayam ng DWIZ

Ang Omicron subvariant BQ.1 ay may karagdagang limang mutation na iba sa pinanggalingan nitong BA.5.

Gayunman, sinabi ni Solante na hindi ganoon kalala ang epekto nito sa katawan, na mababa rin ang tiyansa ng pagkamatay.

yung sa mga bansa kung saan ito nakikita, hindi naman masyadong severe ang mga presentation nito, kaya lang napakalakas na manhawa, kung matanda ka, 65 years old and above may mga commorbidities medyo, mataas-taas ang magiging komplikasyon nito, pero ganoon pa man kailangan pa rin natin mag-ingat miski sabihin natin majority of those na kinakapitan nito only having mild symptoms …” Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease specialist sa panayam ng DWIZ

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bida program 2

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pakikisa sa inilunsad ng pamahalaan na anti-illegal drugs advocacy program na tinawag na Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

Sa panayam ng DWIZ kay PNP spokesperson, PCol. Jean Fajardo, sinabi nito na makakatuwang nila sa programa ang Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at iba pang Drug enforcement agencies.

Dito aniya tatargetin ang pinaka-ugat ng iligal na droga sa mababang laylayan ng lipunan, kasabay ng pakikipagtulungan sa mga barangay, simbahan, religious communities at mga pamilya.

”yung ating Anti – Illegal Drug education at every level magmula po sa national down to provincial and down to barangay so ita-tap na po natin yung mga community stakeholders po natin, yung mga communities at yung pinakaimportante kailangan nating i-involve yung family kasi yun yung pinaka-importante na dapat doon pa lang sa pamilya ay maipamulat natin sa kanila na dapat yung support system sa mga drug addict, sa mga users dapat sila muna ang unang makapag-identify ng problema at humingi ng tulong para doon pa lamang sa barangay ay na-identify na natin kung sino ang may mga kailangan ng tulong….” PCol. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP sa panayam ng DWIZ

Batay sa huling datos ng PNP, pumalo na sa 1.2 milyon ang drug surrenders sa pamahalaan.

Gayunman, hindi ito napangasiwaan ng maayos ng PNP dahil kulang ang mga pasilidad.

”well ang tinitignan pa rin natin diyan yung mahigit 1.2 drug surrenderers na sumuko sa atin nitong  mga nagdaang taon na we really don’t have enough facilities to accomodate all of them and yun nga ita-tap na rin natin ang TESDA na magka-conduct ng mga training  para po ‘pag labas nila, kung ako ay nag volunteer magparehab, ‘pag labas ko, ano na ang mangyayari sa akin kung wala akong sapat na kaalaman, walang alternative na livelihood na mai-o-offer ng government? ang mangyayari diyan ay babalik pa rin ako doon sa aking dating masamang bisyo…’’ -PCol. Jean Fajardo, tagapagsalita ng PNP sa panayam ng DWIZ

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BUREAU OF CUSTOMS BOC

Magsisimula na ang pagbebenta ng Bureau of Customs (BOC) ng puting asukal na aabot sa P35.39-M sa December 1 sa Olongapo.

Ayon sa BOC, isasagawa ang pagbubukas sa BOC-Port of Subic Canal Road, Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) ng alas-2 ng hapon.

Dumating na sa bansa ang nasa 19 na container ng refined white sugar noong nakaraang taon.

Handa naman ang ahensya para sa public viewing ng mga kwalipikadong bidders simula ngayong araw hanggang November 29.

Nagbabala naman ang BOC na dapat nakarehistro sa Sugar Regulatory Administration ang mga bidder at magbabayad ng 5,050 pesos.

Maaring makipag-uganayan sa Office of the District Collector of the Port of Subic. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
covid 19

Karagdagang 1,326 Covid-19 cases ang naitala ng Department of Health sa bansa kahapon dahilan para umabot na sa 4,033,682 ang nationwide caseload.

Ito na ang ika-5 sunod na araw na nakapagtala ang bansa ng mahigit 1,000 bagong kaso ng naturang sakit makaraang makapagtala noong Sabado ng 1,874 na bagong infections.

Batay pa sa pinakahuling datos ng DOH, umakyat sa 18,482 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa mula sa 18,348 na naitala noong Sabado.

Sumampa naman sa 3,950,606 ang total recoveries habang nadagdagan ng 23 ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit, kaya’t pumalo na sa 64,594 ang death toll.

Ayon pa sa DOH, ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng Covid-19 sa nakalipas na linggo na may 3,874 cases, sinundan ng CALABARZON, 1,961;  at Western Visayas, 1,293.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BORACAY

Inalmahan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI ang paniningil ng Local Government ng Malay, Aklan ng P100 insurance sa mga turistang pupunta sa Boracay.

Inihayag ni dating PCCI – Boracay president Elena Bugger na dapat ay kinonsulta muna ng lokal na pamahalaan ang stakeholders bago maningil.

Ayon kay Bugger, nirerequire naman ng Department of Tourism ang lahat ng business establishment sa Bora na magkaroon ng third-party liability insurance, gaya sa mga accommdation na mayroon ding insurance.

Dagdag-gastos anya sa mga turista ang paniningil ng P100 na dapat ay gawing optional sa halip na sapilitan.

Sisimulan ngayong araw ang paniningil ng 100 peso insurance upang ma-protektahan ang mga bibisita sakaling magkaroon ng aksidente, lalo’t maraming aktibidad sa isla, gaya ng water activities.

November 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest