Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

SMUGGLED NA SIBUYAS

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture ang suplay ng sibuyas sa bansa matapos mapaulat na umabot na sa P400 ang presyo ng kada kilo sa ilang pamilihan at supermarket.

Ayon kay DA assistant secretary at spokesperson Kristine Evangelista, inaalam na nila kung gaano kalaki ang volume na aanihin upang makadagdag sa supply ng sibuyas.

Batay naman sa kanilang monitoring, pumalo na sa P280 ang bentahan ng kada kilo ng red onions habang may ilang nagbebenta sa presyong P300 kada kilo.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa Bureau of Plant Industry upang malaman ang dahilan ng pagmahal ng pulang sibuyas.

Titiyakin din ng ahensya kung makasasapat sa demand ng publiko ang aanihing pulang sibuyas. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SANDRO MARCOS BAGUILAT TEDDY

Nilinaw ni senior deputy majority leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na ‘fake news’ ang kumakalat sa social media na kanya umanong sinabi na gumamit ng puting sibuyas kung mahal ang pulang sibuyas.

Ito’y matapos i-share sa social media ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat at sinamahan pa ng komento.

Sa nasabing quote card, may mukha pa ito ni Marcos at logo ng isang media network na nakasaad na ‘simpleng solusyon kung mahal ang presyo ng red onions, pwedeng gumamit ng white onions’.

Gayunman, itinanggi ito ng Presidential son at nilinaw na wala siyang pahayag kaugnay sa presyo ng sibuyas.

Samantala, humingi na ng paumanhin si Baguilat kay Marcos maging sa mga netizen at ipinanawagan sa publiko na dapat maging maingat sa pagbabahagi ng mga impormasyon. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NATIONAL BROADBAND PLAN

Bibilis na ang internet speed sa bansa sa oras na maipatupad na ang National Broadband Plan (NBP).

Ito ang inaasahan ni House Speaker Martin Romualdez matapos paglaanan ng P1.5-B na pondo ang nasabing programa.

Ayon kay Romualdez, maraming lugar sa bansa ang walang internet connection, partikular sa malalayo at liblib na lugar.

Naniniwala naman ang mambabatas na isang critical social service ang internet, dahil ginagamit ito sa edukasyon, negosyo at iba pang serbisyo, tulad ng tele-medicine. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PDLS

Binubusisi na ng Bureau of Corrections (BuCor) kung maaari nang bigyan ni Pangulong Marcos ng executive clemency ang mga bilanggong edad 70 pataas upang lumuwag ang National Bilibid Prison.

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., nagawa na ito noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo alinsunod sa Good-Conduct Time Allowance (GCTA) Law at maaari ding ipatupad ngayon.

Sinabi naman ni justice o DOJ Spokesperson, Mico Clavano, kabilang din sa plano ni secretary Boying Remulla na paluwagin ang mga kulungan, lalo sa bilibid kung saan siksikan na ang mga preso.

Mahigit 1,500 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang naghihintay na makalaya at mailipat sa Fort Magsaysay, sa Nueva Ecija.

Samantala, hindi naman kwalipikado ang mga PDL na may kasong heinous crimes. –-mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BABAE KAMARA BUNTIS DESCRIMINATION

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magpapalawig sa pagbabawal sa diskriminasyon laban sa mga babaeng empleyado.

Sa ilalim ng House Bill 4479, ipinagbabawal ang hindi pagtanggap ng babaeng empleyado lalo na kung buntis at mayroong buwanang-dalaw o menstruation.

Nakasaad din sa bill na hindi dapat gawing batayan ang kasarian dahil dapat pantay ang sahod, benepisyo at promosyon sa mga empleyadong babae.

Ang sinumang lalabag na employer ay pagmumultahin ng 50,000 hanggang 200,000 pesos at makukulong ng isa hanggang dalawang taon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
fake news

Susuportahan ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga hakbang o panukalang batas laban sa fake news.

Ayon kay OPS Undersecretary Ina Reformina, kaagapay nila ang kongreso sa layunin na sugpuin ang fake news sa bansa.

Nag-iingat anya ang OPS sa paglalabas ng mga aktibidad, programa, pahayag at impormasyon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang matiyak na tama ang balitang makararating sa publiko.

Samantala, naglatag ng programa ang OPS kung saan mag-iikot ang media personalities upang magturo sa mga estudyante at komunidad sa paglaban sa fake news at pagtanggap ng mga tamang impormasyon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bongbong marcos

Mahigit 85% ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang patakaran at programa ng administrasyong Marcos.

Batay ito sa isinagawang Tugon ng Masa Survey ng OCTA research sa 1,200 Filipino adult respondents noong October 23 hanggang 27 sa National Capital Region, balanced Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon sa OCTA, 6% lamang ang tumutol habang 9% ang tumangging sumagot.

91% naman sa Visayas ang nagsabing maayos ang pamumuno ng Pangulo habang 70% naman ang sumagot mula sa National Capital Region (NCR). —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
POMPANO

Bukas ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa ban sa pagbebenta ng imported na isda sa mga palengke.

Ayon kay BFAR chief Information Officer at Fisherfolk Coordination Unit head Nazario Briguera, matagal na nilang ipinatutupad ang Fisheries Administrative Order 195.

Mas maghihigpit lamang anya sila ngayon dahil sa dumaraming reklamo ng mga lokal na mangingisda hinggil sa mga imported na isda.

Binigyang-diin ni Briguera na masyado nang laganap sa mga pamilihan ang mga imported na isda na nakasasama sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda, kaya’t kailangang i-regulate.

Nakasaad sa kautusan na simula Disyembre a – 4 ay ipagbabawal na ng ahensya ang pagbebenta sa palengke ng ilang imported na isda, gaya ng pink salmon at pampano.

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIBUYAS 1

Kailangang mag-angkat na ang Pilipinas ng libu-libong toneladang sibuyas ngayong buwan sa gitna ng kakulangan sa naturang produkto sa bansa.

Inihayag ni Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG) chairman Rosendo So na wala nang suplay ng puting sibuyas sa bansa noong nakaraang buwan.

Apektado na rin anya ang pulang sibuyas sa Pilipinas at maliit na ang inventory nito sa ngayon.

Ayon kay So, kailangan ng 7,000 metric tons na white onion at 7,500 metric tons ng red onion sa bansa, lalo’t nasisira na ang ibang sibuyas.

Ibinabala naman ng farmers group na kung hindi kakayanin ng Department of Agriculture na magpasok sa bansa ng sibuyas sa Disyembre, lalong sisirit ang presyo nito kaya’t ngayong Nobyembre pa lamang ay dapat mag-angkat na.

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DENGVAXIA

Nagkilos – protesta ang mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia sa harap ng tanggapan ng Department of Justice sa Lungsod ng Maynila.

Ito’y upang ipanawagan na alisin sa puwesto si Undersecretary Jesse Andres.

Ayon sa mga demonstrador, si Andres ay tagasunod ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. Janet Garin na siyang nakaupo noon sa DOH nang maganap ang kontrobersya sa Dengvaxia.

Inihirit din ng grupo kay Justice secretary Jesus Crispin Remulla na bigyan sila ng patas na pagdinig sa inihaing reklamo laban sa mga dating opisyal ng gobyerno.

Una nang iginiit sa Korte ni Public Attorney’s Office chief Percida Acosta na ilipat ang prosekusyon ng dengvaxia cases sa kanila.

Ito’y dahil mayroon umanong Conflict of Interest ang National Prosecution Service lalo’t dating abogado ni Garin si Andres.

Ang Kongresista ay co-accused sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isinampa sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 133, kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia vaccines.

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest