Mahigit 85% ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang patakaran at programa ng administrasyong Marcos.
Batay ito sa isinagawang Tugon ng Masa Survey ng OCTA research sa 1,200 Filipino adult respondents noong October 23 hanggang 27 sa National Capital Region, balanced Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa OCTA, 6% lamang ang tumutol habang 9% ang tumangging sumagot.
91% naman sa Visayas ang nagsabing maayos ang pamumuno ng Pangulo habang 70% naman ang sumagot mula sa National Capital Region (NCR). —mula sa panulat ni Jenn Patrolla