Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

PMS ANGPI NAIDA

Naglabas ng pahayag ang Malacañang matapos mapaulat ang sinasabing pagbibitiw sa puwesto ni Presidential Management Staff o PMS Secretary Naida Angping.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil, hiniling ni Angping kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang maglaan muna ng personal na oras sa sarili at sa kanyang pamilya.

Sinabi ni Garafil na pumayag din ang punong ehekutibo sa hirit ni Angping.

Hindi naman nilinaw ni Garafil kung resignation o leave of absence ang ginawa ni Angping.

Una nang kumalat sa social media na nag-resign si Angping at nakatakda umano itong italaga bilang Philippine Ambassador to Portugal.

December 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COMPOSITE SKETCH

Inilabas na ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG), ang composite sketches ng dalawang suspek kaugnay sa pagkawala ng ilang sabungero sa Laguna.

Ginawa ito ng CIDG matapos makuha ang video sa cellphone kung saan makikita ang dalawang pinaghihinalaang pulis at isang nawawalang “Sabungero”, sa labas ng sabungan sa Santa Cruz noong Abril 28, 2021.

Ayon kay CIDG Chief Police Brigadier General Ronald Lee, makikita sa naturang video na nakaposas ang isang sabungero na positibong kinilala ng asawa nito na si Michael Bautista.

Isa si Bautista sa mga 34 na sabungerong nawawala noong nakaraang taon.

Sa ngayon, sasampahan na ng kasong kidnapping ang dalawang suspek sa “Secret Video”.

Paliwanag pa ni Police Major Mae Ann Cunanan, nangangalap na ang CIDG ng mga karagdagang ebidensya para maisampa ang kaso sa Department of Justice.

Tinitignan naman nila ang posiblidad na kasama sa organized crime group ang dalawang suspek na dumukot kay Bautista. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)

December 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LIBRENG SAKAY

Umarangkada na ngayong araw ang 24\7 na Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel.

Dahil dito, buong araw na ang free ride sa bus, mula sa orihinal nitong oras na alas-4:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ikinatuwa naman ng mga mananakay ang Libreng Sakay lalo na yung mga nagtatrabaho sa gabi at alanganin na ang oras ng pag-uwi.

Para naman sa mga driver na may fare box, sinabi ng mga ito na hindi sila apektado ng Libreng Sakay.

Mas mabuti anila ito upang maraming matulungang pasahero lalo’t mataas ang pamasahe dahil sa mahal na presyo ng mga langis.

Hanggang katapusan ng Disyembre magtatagal ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

December 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PRC - NURSING

Umabot sa 18,529 ang nakapasa mula sa 24,903 examinees na kumuha ng pagsusulit para sa Nurse Licensure (NLE).

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), nanguna sa nasabing pagsusulit si Abigail Garganta Ramirez mula sa Saint Paul University-Dumaguete na nakakuha ng 90% na score.

Sumunod kay Ramirez sina Jezrel Cabasis Alijid ng West Visayas State University – La Paz at Melchor Flores Pimentel Jr., ng Saint Louis University na kapwa nakakuha ng rating na 89.80%.

Makikita sa official facebook page ng PRC ang kabuuang listahan ng mga nakapasa sa NLE.

Isinagawa ang nasabing pagsusulit mula November 12 hanggang 13 sa iba’t ibang testing centers sa buong bansa kabilang ang National Capital Region, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

November 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CTAP

Posibleng maglabas na ng memorandum sa Lunes ang ilang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa panawagan ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP).

Partikular ito sa problema ng CTAP sa mga terminal appointment booking system; passing thru fees sa ICTSI, LGU at travel permit; shipping lines container deposits at truck ban.

Sa panayam ng DWIZ kay Mary Zapata, Presidente ng CTAP, sinabi nito na hanggang Lunes nila hihintayin ang ilalabas na kautusan, na tulong upang maging mabilis ang kanilang operasyon.

So ang pinag-usapan namin don, hanggang lunes they will come up with a memorandum to the people at the ground nila na if in case na i-impound nila at nai-present ang mga ORCR na rehistro hindi dapat singilin at walang bayad na dapat mangyari, so iyan atleast yon ang aming maganda-gandang nakuhang concessions, we will be waiting until Monday po sa sinasabi ng City Hall na gagawin nila…” Mary Zapata, CTAP President, sa panayam ng DWIZ

Ang CTAP ang nagsisilbing frontline defense ng bansa sa pag-aangkat at paglalabas ng mga produkto.

Dahil dito, malaki ang responsibilidad ng grupo lalo na ngayong papalapit ang Pasko.

Nilinaw naman ni Zapata na wala silang balak maglunsad ng mas malaking holiday truck protest, dahil masisira ang operasyon at magdudulot ito ng mas maraming problema.

November 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BONGBONG MARCOS - BONIFACIO DAY

Hinimok ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay sa pagprotekta sa bansa mula sa mga isyu sa lipunan at banta sa kalayaan.

Mensahe ito ng pangulo kasabay ng selebrasyon ngayong araw ng  ika-159 na kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Sa official message ng pangulo na inilabas ng Malakanyang, nanawagan ang punong-ehekutibo na bigyang-pugay ang ating mga bayani sa pamamagitan ng pagiging masunuring mamamayan.

Pinarangalan pa ng pangulo si Bonifacio dahil sa matatapang na ideya nito, para magkaroon ng lakas na loob ang mga Pilipino noon na labanan ang mga nang-aapi tungo sa kalayaan ng bansa.

Kaninang umaga, pinangunahan ni PBBM ang wreath-laying ceremonies sa Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City.

Sinundan ito ng iba pang flag raising at Wreath Laying Ceremonies ay isinagawa naman sa;

  • Andres Bonifacio Monument sa Tutuban, Manila
  • Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City;
  • Andres Bonifacio Monument sa Balintawak Cloverleaf, Quezon City;
  • Andres Bonifacio Monument sa Bonifacio Global City, Taguig City; at
  • NHCP Museo ng Paglilitis ni Andres Bonifacio sa Maragondon, Cavite.
November 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ITLOG-EGG

Tumaas na ng P10 ang presyo ng itlog kada tray sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Kabilang sa mga dahilan ang pagnipis ng supply dahil sa bird flu outbreak, partikular sa Central Luzon.

Halimbawa na lamang sa Balintawak Market sa Quezon City, naglalaro na sa P210 hanggang P250 ang kada tray ng itlog mula sa dating P185.

Ayon kay Philippine Egg Board Association president Irwin Ambal, asahan ang patuloy na pagmahal ng itlog sa Disyembre dahil sa mataas na demand kapag holiday season.

Kumukuha na anya ang mga taga-Central Luzon ng supply ng itlog sa Batangas na isinu-supply din sa Metro Manila.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Department of Agriculture Deputy spokesman Rex Estoperez na karaniwan namang bumababa ang supply ng itlog tuwing tag-lamig.

Imposible anyang i-hoard pa ang itlog at tiyak na ilalabas din naman ang mga ito dahil mabubugok.

November 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVID 19

Ilang araw matapos madiskubre ang mas nakahahawa at vaccine-proof umanong Omicron subvariant BQ.1, patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 801 infections, kahapon.

Kabilang sa mga nadagdag ang 12 fatalities kaya’t lumobo pa sa 64,620 ang death toll.

Sumampa naman sa 4,035,000 ang total caseload kabilang ang 3,952,000 recoveries matapos madagdagan ng 1,074 na panibagong gumaling sa sakit.

Samantala, bahagya muling bumaba sa 18,250 ang aktibong kaso ng Covid-19.

November 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MMDA

Suspendido bukas, November 30 ang ipinatutupad na Number Coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang mismong kinumpirma ng MMDA kasabay ng selebrasyon ng Bonifacio Day.

Dahil sa kautusan, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 5 at 6 na sakop ng Number Coding tuwing Miyerkules ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, mula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na planuhin ng maigi ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
EDSEL SALVANA

Ibinabala sa publiko ng isang ekperto ang iba’t ibang uri ng sakit na maaaring makuha ngayong nalalapit na Pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease expert, talamak tuwing holiday season ang kaso ng respiratory illnesses gaya ng Asthma, Chronic Obstructive Pulmonary Disease, Cystic Fibrosis, Lung Cancer, Tuberculosis, Bronchitis, Pneumonia, at Emphysema.

Maaari aniyang makuha ang mga nabanggit na sakit mula sa mga closed quarters.

Maliban sa mga ito, malaki rin ang tiyansang magkaroon ng lagnat, sipon at ubo ang publiko na karaniwan sa mga malalamig na panahon.

November 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest