Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

PNPP

Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng Tracker Team na tututok sa paghahanap sa dalawang suspek na nakita sa isang secret cellphone video na kasama ng isa sa mga nawawalang sabungero na si Michael Bautista.

Ayon kay PNP Criminal Investigation & Detection Group (PNP CIDG) spokesperson PMaj. Mae Ann Cunanan bawat lugar na may naitalang nawawalang sabungero ay mayroong tauhan ang CIDG na nakatutok para sa imbestigasyon.

Aniya, tuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng CIDG sa  mga kinauukuluang Police Regional Office para malaman kung nasan ang mga nawawalang sabungero at kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng mga ito pati na rin ang motibo sa krimen.

Nabatid na kamakailan lamang nang sampahan ng kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention ng PNP sa Department of Justice sina Julie Patidongan alyas ‘’Dondon’’ at isang nagngangalang John Doe.

December 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS DMW

Pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko na mag-ingat laban sa mga illegal recruitment na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa ibang bansa.

Ginawa ni DMW Undersecretary for Welfare and Foreign Employment Hans Leo Cacdac ang pahayag, matapos na makatanggap ng ulat na tumataas ang kaso ng mga Pilipinong nabibiktima ng Cybercrime at Human Trafficking Syndicates sa mga bansang Cambodia, Laos, at Myanmar.

Sinabi ni Cacdac na karamihan sa mga naging biktima ang nahikayat dahil sa mga social media advertisements na nag-aalok ng mga trabaho-abroad, gaya na lamang ng Customer Representative, Technical Support, Data Encoder, Call Center Agent, at iba pa.

Napaka-common aniya ng mga trabahong ito kayat napakabilis na makaakit ng tao.

Maliban dito, ipinapain din ani Cacdac ang libreng plane ticket o kaya’y sasabihin  ng illegal recruiter na hindi na kailangan ng Visa sa kanilang pupuntahang bansa.

Ngunit sa katotohanan, wala naman talaga aniyang Visa para sa mga turistang magtutungo sa mga bansang miyembro ng asean tulad ng Cambodia, Laos at Myanmar.

December 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DSWD 2

Magsisimula na ngayong Disyembre ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P5.2-B cash aid.
Ayon kay Edu Punay, Undersecretary ng DSWD, para ito sa ikatlong tranche ng pamamahagi sa mga benepisyaryo sa ilalim ng programang targeted cash transfer (TCT).
Noong Martes, unang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM), na nakapaglabas na sila ng P5.2-B para masakop ang isang buwang kinakailangan sa TCT program ng DSWD.
Sa nasabing pondo, kabuuang 12.4 na milyong benepisyaryo ng TCT ang makatatanggap ng 500 pesos kada buwan, sa loob ng anim na buwan.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga itinuturing na poorest of the poor kabilang ang social pensioners na indigent senior citizens.

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BADJAO

Umabot na sa 300 Sama Bajau Indigenous Peoples (IPs) na nailigtas sa National Capital Region (NCR), ang napauwi sa kani-kanilang mga pinanggalingang bayan.
Ayon kay Edu Punay, undersecretary ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, inihatid ang mga badjao na ito sa Zamboanga, Sulu at Basilan.
Nasa 100 badjao naman ang nananatili sa Jose Fabella Center na pinoproseso pa ang pag-uwi.
Ikatlong linggo na ngayon ng rescue operation para mailigtas ang mga badjao, na nanlilimos at naglipana sa daan lalo na ngayong Pasko.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga local government units, lalo’t ang mga ito ay may pangunahing hurisdiksyon sa mga operasyon ng pagliligtas.

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMEE MARCOS

Malamig si Sen. Imee Marcos sa isang panukala na maglalatag ng sovereign wealth fund na sinasabing magbibigay naman ng dagdag na revenue o kita sa gobyerno.

Bagama’t hindi pa niya nabubusisi ang House Bill No. 6398, sinabi ni Marcos na nababahala siya sa itinutulak na Maharlika Wealth Fund o MWF sa mababang kapulungan ng Kongreso bunga ng kasalukuyang economic status ng bansa at napipintong global recession.

Duda rin ang senadora kung mapamamahalaan nang mabuti ng gobyerno ang MWF dahil baon na baon na aniya sa utang ang Pilipinas, maliban pa sa mga obligasyon nito sa iba’t ibang sektor tulad ng mga workers at senior citizens.

Batay sa panukala ni Speaker Martin Romualdez, isinusulong nito ang paglikha ng P250 bilyon na Maharlika Wealth Fund o MWF na magmamandato sa mga government financial institutions na maglagak ng initial investments.

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
2 PULIS PATAY SA MABALACAT PAMP

Dead-on-the-spot ang dalawang pulis matapos tambangan ng mga lalaking magka-angkas sa motorsiklo sa South Daang Bakal Road, Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga.

Kinilala ang mga biktima na sina PSMS Sofronio Capitle Jr., at PSSG Dominador Gacusan Jr., pawang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit o SDEU ng Mabalacat PNP.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng motorsiklo sina Capitle at Gacusan nang tambangan ng mga salarin na nakasuot ng bonnet at long sleeves.

Kagagaling lang umano sa isang anti-illegal drugs operation ang mga pulis nang sundan ng riding-in-tandem at walang awang pinagbabaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang krimen.

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OIL PETROLYO GAAS

Asahan na ang panibagong tapyas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo!

Magkakaroon ng P1.90 hanggang P2.10 rollback sa kada litro ng gasolina.

P1.70 hanggang P2.00 naman kada litro ang rollback sa diesel

Habang P1.30 hanggang P1.60 naman kada litro sa kerosene.

Samantala, hindi naman matiyak ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad kung magpapatuloy hanggang Pasko o bagong taon ang naturang rollback.

Nakadepende ang tapyas-presyo sa magiging resulta nang pagpupulong ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC Plus). —sa panulat ni Hannah Oledan

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SASAKYAN PUV

Planong itatag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang PUV Modernization Program ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Ayon kay LTFRB Executive Director Robert Peig, ito ay hakbang upang matiyak na maipagpatuloy ang programa para mas mapaunlad pa ang mga pampublikong transportasyon.

Nasa ilalim ng isang ‘Special Project’ ang programa at sa kadahilanan nito para sa kaginhawaan ng mga mananakay.

Samantala, aabot sa mahigit 7,000 na ang buma-biyahe sa modernized jeepney sa buong bansa.

Gayunman, patuloy namang isinusulong ng LTFRB ang modernisasyon ng mga pampublikong jeep.  —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIBUYAS

Sinisikap ng Department of Agriculture (DA) na silipin ang kakulangan ng suplay ng pulang sibuyas sa gitna ng pagtaas ng presyo nito kada kilo sa ilang palengke.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, batay sa datos na pinagsama ng Bureau of Plant Industry na sapat ang suplay ng sibuyas.

Nasa 17,000 metriko tonelada anya ang kinakailangan ngayong buwan at kung tinitignan ng kagawaran, mukhang sapat ito.

Kasalukuyang nasa 13,000 na metriko tonelada ng mga pulang sibuyas ang nasa imbentaryo ng ahensya habang aabot sa limang libong metriko tonelada ang ani ng mga magsasaka ngayong buwan.

Samantala, wala pang desisyon ang DA kung mag-aangkat ng pula at puting sibuyas habang hinihintay ang rekomendasyon ng Bureau of Plant Industry. —sa panulat ni Jenn Patrolla

 

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pdl christmas

Pinalaya ang  Person Deprived Liberty (PDL) sa Manila City Jail.

Ito’y upang makasama ang kanilang mga pamilya ngayong Christmas Season.

Ayon sa City Jail, 95% ng mga inmates ang nakulong dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga.

Nakalabas ang mga inmate dahil ito ay bilang bahagi ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at sa pamamagitan ng mga kasunduan sa ‘Plea Bargaining’ o pakikipag-ayos sa pagitan ng prosekusyon.

Ngunit, ang mga napalayang PDL kailangan pa ring sumailalim sa Drug Dependency Examination at Drug Counseling sa ilalim ng Treatment at Rehabilitation Center ng lungsod. —sa panulat ni Jenn Patrolla

 

December 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest