Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

COVID 19

Inihayag ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na kabilang sa mga dahilan kung bakit hindi pa inaalis ang State of Public Health Emergency sa bansa ay bunsod ng Covid-19 variants of concern.

Sinabi ni Solante na ”Very Stable” na ang Covid-19 infections at hindi na rin napupuno ang mga ospital ng mga bagong kaso ng virus.

Matatandaang idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency sa bansa noong March 2020.

Sa ilalim ng Proclamation 922, mananatili ang pag-iral ng  State of Public Health Emergency hanggat hindi ito inaalis o binabawi ng Punong Ehekutibo.

Sa kasalukuyan ay nakapailalim pa rin ang bansa sa State of Public Health Emergency makaraang palawigin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hanggang December 31, 2022.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
WHITE ONION - PNA

Nakatakdang ibenta sa Kadiwa stalls ang mga smuggled na puting sibuyas na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) kamakailan.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, isasailalim muna ang mga sibuyas sa phytosanitary inspection.

Ito’y upang matiyak na ligtas ang mga ito bago ibenta sa Kadiwa Center.

Nakumpiska ng mga otoridad ang halos P4-M halaga ng mga puting sibuyas sa magkakahiwalay na operasyon sa Maynila.

Wala anyang sertipikasyon mula sa DA ang mga produkto kaya’t malinaw na iligal na ipinasok ang mga ito sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PUTING SIBUYAS - BOC

Mahigit P2-M halaga ng smuggled na puting sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa DNR Building sa Tondo, Maynila.

Tinungo ng BOC ang warehouse sa Sto. Cristo Street, Divisoria kasama ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dala ang letter of authority na pirmado ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Gayunman, hindi nakaharap ng customs ang may-ari ng building pati ang administrator kaya’t ang dalawang barangay kagawad na lamang ang tumanggap ng letter of authority.

Walang kaukulang permit ang mga nasabat na mahigit 1,000 sako ng sibuyas.

Inaalam na ng mga otoridad kung saan nagmula ang mga smuggled onion at kung sino ang may-ari nito. —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DENGVAXIA

Nagkasundo na ang Department of Justice (DOJ) at Public Attorney’s Office (PAO) sa imbestigasyon sa pagkasawi ng ilang batang tinurukan ng Dengvaxia.

Kapwa ibinasura na ng DOJ at PAO ang sinasabing conflict of interest sa preliminary investigation sa kaso.

Ito’y matapos italaga bilang DOJ Undersecretary si Atty. Jesse Hermogenes Andres, na dating abogado ni dating Health Secretary Janet Garin na pangunahing respondent sa Dengavaxia case.

Kamakailan iginiit ni PAO Chief Persida Acosta sa DOJ panel na huwag hawakan ang kaso sa halip ipaubaya na lamang sa Quezon City Metropolitan Trial Court upang hindi umano maging bias sa kaso.  —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
EMMANUEL LEDESMA JR PHILHEALTH PRESIDENT

Nanawagan nang patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ang bagong talagang pangulo ng PhilHealth.

Binigyang-diin ni bagong PhilHealth president Emmanuel Ledesma, Jr. na ang pagkakaisa ang susi sa tagumpay ng national health insurance program kasabay ang paghimok sa mga empleyado ng ahensya na magtrabaho bilang suporta sa mga ospital at doktor na kanilang partners para maisulong ang kapakanan ng mga pasyente.

Sinabi pa ni Ledesma na ang tunay na kalaban ay ang iba’t ibang sakit at kondisyong pangkalusugan ng mga Pilipino na kailangan aniya ng suportang pinansyal para sa gastusin sa pagpapagamot.

Si Ledesma ay itinalaga ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bilang acting president at Chief Executive Officer ng PhilHealth at miyembro ng board of directors bilang expert panel.

Nagsilbing pangulo ng power sector assets and liabilities management sa loob ng limang taon si Ledesma na dalubhasa sa banking at corporate finance at mayruong malawak na karanasan sa local at international banks.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PILIPINO

70% ng mga Filipino ang kuntento sa pagtugon ng kasalukuyang administrasyon sa edukasyon, disaster response at kalusugan.

Batay ito sa tugon ng Masa Survey na isinagawa ng OCTA Research Group sa 1,200 na lalaki at babaeng respondents na edad 18 pataas noong October 23 hanggang 27.

Kabilang sa mga nakalistang programa sa naturang survey ay food security, murang bilihin, pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon; paglaban sa krimen, korapsyon, pagpapalaganap ng kapayaan at kaayusan sa bansa;

Pagbabawas ng buwis sa mga mamamayan, pagprotekta sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers, pagpapatupad ng batas at pagpigil sa pagkasira ng kalikasan at pagkontrol sa lumalaking populasyon.

Ayon sa OCTA, 70% ng respondents ang kuntento sa mga programang ito, lalo sa pagbibigay ng maayos na edukasyon sa elementary at high school na umani ng 75% satisfactory votes.

Sinundan ito ng pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad, may 75%; probisyon ng tertiary, technical at vocational education, 74% at maayos at murang health care, 73% satisfactory votes.

Gayunman, nakatanggap ng low rating o mababa sa 50% ang ilang programa gaya ng pag-kontrol sa inflation, 33%;

 Paglikha ng mga trabaho, 22%; pagpapababa sa antas ng kahirapan, 25% at pagkontrol sa presyo ng mga bilihin sa 36%.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BLACK NAZARENE

Sinimulan na ang ilang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Jan.1 ng susunod na taon.

Kabilang sa inilarga ang “Pagdalaw” o ang pagbisita ng imahen ng Black Nazarene sa iba’t ibang lungsod upang hindi na dumagsa ang mga deboto sa Maynila sa susunod na buwan.

Dec.1 nang simulan ang pagdalaw hanggang a – 15 at masusundan sa a – 27 hanggang a – 29.

Inabisuhan naman ng pamunuan ng Quiapo Church ang publiko na bisitahin ang social media pages ng Minor Basilica of Black Nazarene para sa petsa at oras ng pagbisita ng imahen.

Pinaalalahanan din ang mga deboto na ang pagbabasbas ng mga Replica at Estandarte o banner ay gagawin ng tatlong araw mula December 27 hanggang 29 sa Plaza Miranda.

Pinapayuhan ang mga deboto na magkakaroon lamang ng isang Entrada o pasukan sa Carriedo at labasan sa  Quezon Boulevard upang mapa-kontrol ang daloy ng tao.

Samantala, magsasagawa ng Thanksgiving Motorcade simula alas 11 ng gabi sa December 30.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FRANCIS TOLENTINO

Ipagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon sa ban ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa iligal na pagbebenta ng ilang imported na isda, tulad ng pampano at pink salmon sa mga palengke.

Ito’y kahit ipinatigil na ng BFAR ang pagpapatupad ng nasabing ban noong Biyernes.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, hindi lamang ang mahigit dalawang dekada ng Fisheries Administrative Order (FAO) 195 ang tututukan ng Senate Committee on Agriculture kundi maging ang iba pang kinakaharap na issue ng BFAR.

Nakagugulat anya ang biglaang pagpapatupad ng FAO 195 ngayong holiday season maging ang pagiging limitado nito sa canning at processing.

Binigyang-diin ni Tolentino na karapatan ng bawat isa na kumain ng pampano at salmon, kaya’t maituturing na diskriminasyon ang nasabing kautusan.

Samantala, naniniwala naman ang Senador na kahit nag-issue ng moratorium laban sa implementasyon ng FAO 195, panahon na upang baguhin o rebisahin ito ng BFAR.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JINGGOY

Nais ipabusisi nang husto ni Senador Jinggoy Estrada ang panukalang Maharlika Investment Fund.

Ito’y dahil napakarami pang tanong ni Estrada hinggil sa planong Sovereign Wealth Fund (SWF).

Kahit anya isinusulong mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang nasabing panukala ay dapat pa rin itong dumaan sa pagbusisi ng Kongreso, lalo’t pensyon ng retirees ang paghuhugutan ng pondo.

Sa ilalim ng Proposed SWF magmumula sa mga Government Financial Institutions tulad ng Government Service Insurance System at Social Security System ang gagamiting pondo. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
erwin tulfo 5

Pinaghahanap na ng mga otoridad ang nasa 2 grupo ng sindikato na nagdadala ng mga Badjao sa Maynila upang utusang makapanglimos.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Erwin Tulfo mayroon na  sila ngayong hinahabol na sindikato na may –ari ng apartment sa Tondo kung saan dinadala ang mga Badjao.

Dagdag pa ni Tulfo bukod pa ito sa mga sindikato sa Zamboanga, Basilan at sa Jolo.

December 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest