Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

BAKUNA

Iginiit ng Department of Education na nananatiling boluntaryo ang Covid-19 vaccination sa mga mag-aaral at personnel ng DepEd.

Ito’y kahit suportado ng Kagawaran ang Bakunahang Bayan Drive na gumulong na simula kahapon.

Sa DepEd Order 051 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, hinimok nito ang mga estudyante, personnel, magulang, guardian at iba pang stakeholders na lumahok sa “Bakunahang Bayan” ng Department of Health hanggang bukas.

Kahit boluntaryo ang pagpapabakuna ng lahat ng mag-aaral at personnel, binigyang-diin ng Kagawaran na hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon laban sa mga indibidwal na piniling hindi magpabakuna o booster.

Gayunman, dapat may pahintulot ng mga magulang o legal guardian ang lahat ng menor de edad na magboboluntaryong magpabakuna.

December 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VP SARA - INDAY

Iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi maaaring gamitin bilang vaccination centers ang mga paaralan sa bansa.
Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kasabay ng pag-arangkada ngayong Lunes ng tatlong araw na ‘bakunahang bayan’ na magtatagal hanggang sa Disyembre 7.
Sa DepEd Order No. 051 series of 2022 na nilagdaan ni Duterte para sa mga mag-aaral, personnel, magulang, guardians at stakeholders, ipinaalala nito na hindi gagamiting vaccination sites ang mga paaralan at hindi magkakansela ng klase para dito.
Dahil sa kautusan, inatasan ng DepEd ang kanilang regional directors, schools division superintendents, at DepEd attached agencies na makipag-ugnayan sa DOH para sa pagbabakuna sa kanilang mga personnel.
Maaari anila itong gawin sa central office, regional offices, schools division offices, at DepEd attached agencies.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PBBM SA NAIC CAVITE

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang pagkakaloob ng bahay at lupa sa ilang beneficiary ng housing projects ng gobyerno.

Sa ginanap na ceremonial turn over sa Barangay Calubcob sa Naic, Cavite, dalawang set ng pitong pares ng beneficiaries ang nabiyayaan ng bahay at lupa.

Kabilang sa isang batch ng pitong pares na pinagkalooban ng certificate of house and lot ay ang mga dating rebelde.

Target ng Marcos administration na makapagtayo ng isang milyong bahay kada taon hanggang 2028 o sa pagbaba nya sa pwesto.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAMALAKAYA

Umapela sa pamahalaan ang pambansang lakas ng kilusang mamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA na huwag isisi sa retailers ang pagbebenta ng ilang imported na isda.

Kabilang dito ang isdang pampano at pink salmon.

Sa panayam ng DWIZ kay Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng PAMALAKAYA, nanawagan ito na huwag pag-initan ang mga nagbebenta ng isda dahil wala namang kasalanan ang mga ito.

Imbes na sisihin, mas mabuting ilipat ang buwelta sa Bureau of Customs na patuloy na tumatanggap ng imported na isda.

Ang amin po sanang panawagan dito huwag nilang pag-initan ‘yung mga retailer dapat ay mas ‘yung mga importer na nasa likod nito, dahil ang mga imported po na isda ay dumadaan sa custom at sila po ang nagtatakda para dalahin sa kung saan dadalhin itong mga imported na isda.

Totally tigil ‘yung importation,  itigil ‘yung pag-aangkat ng mga imported na isda, dapat kumikita, may hanap-buhay ang ating mga maliliit na retailer o mangingisda sa palengke at sa kabilang banda dapat ‘yung pinagkakakitaan nila ay mismo ay ating produkto.

Ang pahayag ni Ronnel Arambulo, tagapagsalita ng PAMALAKAYA sa panayam ng DWIZ

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bus carousel edsa

Ilang pasahero sa EDSA carousel ang umalma sa anila’y paniningil ng ilang konduktor ng pamasahe sa ipinatutupad na 24/7 bus free ride.

Kasunod na rin ito nang pagbubunyag ng ilang pasahero ang paniningil ng pasahe ng ilang konduktor sa EDSA carousel pagsapit ng alas-11 ng gabi.

Dahil dito, nagpapasaklolo sa mga otoridad partikular sa DOTr ang mga pasaherong parokyano ng EDSA carousel sa gabi para mapagsabihan ang ilang pasaway na konduktor.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVID NCR

Sumipa sa mahigit 12% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon ito kay Dr. Guido David, fellow ng OCTA research group na nagsabing ang 12.4% na positivity rate ay naitala mula November 26 hanggang December 3 mula sa 11.1%.

Sinabi ni David na nakapagtala rin ng pagtaas sa positivity rate sa parehong panahon ang mga lalawigan ng Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal at Zambales.

Ang Nueva Ecija ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate sa Luzon na nasa 39.1% mula sa 32. 9% noong November 26, ikalawa ang Camarines Sur sa 38.8% at Isabela – 38.6%.

Kabilang naman sa mga lalawigan sa Luzon na nakapagtala nang bumabang positivity rates ang Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province at Tarlac.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OIL

Muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes.

Batay sa pagtaya, posibleng maglaro sa P1.90 centavos hanggang P2.10 centavos ang tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina;

P1.70 centavos hanggang P2.00 naman sa kada litro ng diesel habang P1.30 centavos hanggang P1.60 centavos naman sa kada litro ng kerosene.

Kabilang sa mga dahilan ng panibagong rollback sa produktong petrolyo ang pagluluwag ng China sa Covid-19 restrictions at ang paglalagay ng price cap sa krudo mula Russia.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BAKUNAHANG BAYAN

Sisimulan na ngayong araw ang idaraos na “Bakunahang Bayan” vaccination drive ng Department of Health.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, magbabahay-bahay sila upang mabakunahan ang mga senior citizen, may comorbidities, mga hindi pa bakunado at mga kabataang edad 5 hanggang 11.

Bukod dito, mayroon ding ilalagay na vaccination sites sa palengke, malls, paaralan, simbahan at iba pang pampublikong lugar.

Kaugnay nito, hinimok ni Vergeire  ang publiko na magpabakuna at magpa-booster shot laban sa Covid-19.

Iginiit pa ng opisyal na kabilang ang pagpapabakuna sa mga paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa Covid-19.

Ang Bakunahang Bayan ay tatagal hanggang sa Disyembre a-7.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DMW

Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga indibidwal na nais magtrabaho sa ibang bansa laban sa mga naglipanang pekeng recruiters.

Sinabi ni DMW Undersecretary for Welfare and Foreign Employment Hanz Leo Cacdac na nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa paglobo ng kaso ng mga nabibiktima ng Cybercrime at Human Trafficking Syndicates sa Myanmar, Laos, at Cambodia.

Nanghihikayat aniya ang mga sindikato sa pamamagitan ng pag-aalok ng libreng ticket o libreng pagproseso ng Visa sa pupuntahang bansa.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng DMW ang publiko na kilatising mabuti ang mga recruitment agency.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SUGAR IMPORT

Tuluy-tuloy ang  pagbaba ng presyo ng asukal.

Ayon ito kay Manuel Lamata, pangulo ng United Sugar Producers Federation kung saan ang pinakamababang halaga ng asukal na nasa merkado ay 90 pesos kada kilo.

Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Lamata na mayroon pa ring mga nagsasamantala at nagtataas ng presyo ng asukal lalo sa panahong ito kung saan kailangang kailangan aniya ang asukal.

Kahit mahal…bibilhin kasi celebration talaga. ‘Yun lang ito mga luko-luko they are in the game also, sasabihin nila “pwede naman pala nila bilhin kahit mahal, ibenta natin ng mahal”, ‘yun ang problema. But what can we do, it’s the way things going.

Ipinabatid pa ni Lamata na may oversupply na ng asukal.

Dami na oversupply na nga tayo…that’s why sa ‘yung sa asukal unti-unti bumababa…hindi na mapigilan ‘yan ng mga loko-loko, sobra na supply.

United Sugar Producers Federation Philippines Manuel Lamata sa panayam ng DWIZ.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest