Umabot na sa 300 Sama Bajau Indigenous Peoples (IPs) na nailigtas sa National Capital Region (NCR), ang napauwi sa kani-kanilang mga pinanggalingang bayan.
Ayon kay Edu Punay, undersecretary ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, inihatid ang mga badjao na ito sa Zamboanga, Sulu at Basilan.
Nasa 100 badjao naman ang nananatili sa Jose Fabella Center na pinoproseso pa ang pag-uwi.
Ikatlong linggo na ngayon ng rescue operation para mailigtas ang mga badjao, na nanlilimos at naglipana sa daan lalo na ngayong Pasko.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga local government units, lalo’t ang mga ito ay may pangunahing hurisdiksyon sa mga operasyon ng pagliligtas.
previous post