Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

BONGBONG - WORLD ECENOMIC FORUM

Kumpiyansa si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na maaaring makahimok at makakuha ng mga Arab investors ang Pilipinas dahil sa malakas na presensya ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.

Sa ginanap na open forum sa World Economic Forum sa Switzerland, natanong si Pangulong Marcos kung paano niya nakikita ang posibleng engagement sa Gulf countries na ngayo’y ikinokonsidera na ang Timog Silangang Asya bilang bagong lokasyon ng investments.

Bilang tugon, sinabi ni PBBM na bukas ang bansa sa anumang malalaking capital intensive investment ngayong sinisikap na nitong mapababa ang panloob at panlabas na utang. Mahalaga rin aniya na makabalik sa dating posisyon ang Southeast Asia bago pumasok ang pandemya kung saan isa ito sa mga itinuturing na fast growing economy.

Maliban dito, sinabi ni Pangulong Marcos matagal nang matatag ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansa sa Middle East bunsod ng presensya ng mga OFWs doon.

Nagiging bahagi na rin aniya ang kalakalan sa talakayan sa Arab nations sa harap na rin ng sovereign wealth fund na isinusulong ng administrasyon.

January 18, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
IMEE

Inudyukan na ni Senador Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na paigitingin na ang kampanya laban sa mga smuggler, partikular sa mga nag-pupuslit ng agricultural products, gaya ng sibuyas.

Tugon ito ng senador sa gitna nang mistulang walang katapusan na issue ng mala-gintong presyo at manipis na supply ng sibuyas at iba pang agri-products.

Sa panayam ng DWIZ, aminado si Senador Marcos na nakabuburyong na sa tila walang nangyayaring imbestigasyon ng senado dahil wala namang nahuhuli, nakukulong o nakakasuhang  smuggler.

Kung siya anya ang tatanungin ay dapat nang gumamit ang kanyang kapatid ng kamay na bakal upang tuluyang masugpo ang mga smuggler, lalo’t maliwanag pa sa sikat ng araw kung sino-sino ang mga magkakasabwat.

Samantala, ikinalungkot din ng Presidential Sister ang napaulat na may ilang magsasaka ang nagpatiwakal dahil umano sa pagkalugi sa sibuyas at ikinadismaya naman ang pagkakasabat ng customs sa kapiranggot na sibuyas na dala ng ilang flight attendant ng Philippine Airlines.

January 18, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NDRRMC

Sumampa na sa 27 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pag-ulan at pagbaha na dulot ng Low Pressure Area(LPA), Northeast monsoon o Amihan, at shearline mula noong January 1, 2023.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lima ang naitalang namatay sa Region 5; anim sa Region 8; walo sa Region 9, pito sa Region 10; at isa sa Region 11.

14 mula sa nasabing bilang ang naberipika na habang 13 naman ang inaalam pa.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 11 sugatan mula sa Region 9 at Region 10 habang 2 ang nawawala sa Region 10 at isa sa BARMM.

Umabot naman sa 151,365 pamilya o katumbas ng 614, 159 indibidwal ang naapektuhan.

Nakapamahagin na rin ng P31,634,389 ang pamahalaan sa mga biktima.

Samantala, pumalo na sa P283,982,690 ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura habang P171,430,996 sa imprastruktura.

Batay sa PAGASA, patuloy pa rin na magpapaulan sa mga apektadong lugar ang LPA na natagpuan malapit sa Surigao del Sur at ang Northeast monsoon o Amihan.

January 15, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PBBM DAVOS

Alas-9 kaninang umaga nang umalis lulan ng eroplano mula sa Villamor Air Base sa Pasay City ang Punong Ehekutibo kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang kaniyang economic team.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos bago ito umalis sa bansa, sinabi niya na magbibigay oportunidad ang pagpupulong upang ma-ipromote ang Pilipinas bilang “Leader and Driver of Growth and Gateway” sa Asia-Pacific Region.

Ayon pa kay Marcos, maghahanap siya ng mga katuwang sa World Economic Forum (WEF) na makatutulong sa administrasyon sa pagpatayo ng mas marami pang imprastruktura, at pagtiyak ng food and energy security.

Samantala, kasama ng Pangulo sina Vice President Sara Duterte, Armed Forces of the Philippines Chief General Andres Centino, PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., cabinet secretaries, former President Gloria Macapagal-Arroyo, at Speaker Martin Romualdez.

January 15, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OIL PETROLYO GAS KEROSENE DIESEL

Abiso sa mga motorista.

Asahan ang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil trading industry, posibleng tumaas ng P0.30 hanggang P0.50 kada litro ang presyo ng diesel.

Nasa 0.30 hanggang P0.50 naman kada litro ang maaaring madagdag sa presyo ng gasolina.

Nabatid na tuwing Lunes inaanunsyo ng mga oil company ang price adjustment, na ipinatutupad sa kasunod na araw.

January 14, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BBM ANO NANUMPA NA

Iniluklok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser o NSA.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, nanumpa na rin sa tungkulin si Año sa harap ni Pangulong Marcos.

Pinalitan ni Año si Prof. Clarita Carlos na ngayo’y maglilingkod naman sa Congressional Policy and Budget Research Department o CPBRD ng House of Representatives.

Ang CPBRD ang nagbibigay ng technical service sa Kamara sa pagbabalangkas ng national economic, fiscal, at social policies.

January 14, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SENATE

Sinimulan na ni Senador Grace Poe ang imbestigasyon sa naganap na technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport na naka-apekto sa mahigit animnapu’t limang libong international at domestic passengers nitong bagong taon.

Sa kanyang opening statement, inihayag ni Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, na layunin ng imbestigasyon na lumikha ng paraan sa pamamagitan ng batas upang maiwasan ang ganitong insidente na lumumpo sa himpapawid ng Pilipinas.

Kabilang din sa layunin ng imbestigasyon ay isabatas ang panukalang paglikha ng transportation safety board upang mangalaga at mangasiwa sa lahat ng uri ng transportasyon sa bansa at lumikha ng patakaran sa pagpapaunlad ng sistema.

Hindi anya dapat balewalain ang epekto ng insidente sa bansa at domino effect nito.

Idinagdag ng senador na nais marinig ng Senado kung ano ang contingency plans ng Department of Transportation at pangunahing air carrier kabilang ang implementasyon ng air passenger bill of rights na inaatasan ang pamahalaan na ibalik ang gastusin ng pasahero sa nakanselang biyahe. —Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

January 13, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BANGUS

Tumaas ang presyo ng bangus at ilan pang isda sa mga pamilihan.

Maliban dito, lumiit din ang mga ibinebentang bangus dahil sa epekto ng malamig na panahon.

Sa Blumentritt Market sa Maynila, tumaas ng P20.00 ang medium-sized na bangus na dati ay P180.00 kada kilo, na ngayon ay P200.00 na.

Mabibili naman ang tilapia sa halagang P130.00 kada kilo mula sa dating P100.00 lamang;

Ang yellowfin tuna ay P260.00 kada kilo na ngayon mula sa dating P200.00;

Ang salmon naman na mabibili dati ng P120.00 hanggang P130.00 per kilo ay P180.00 na ngayon;

Makakabili naman ng galunggong sa halagang P200.00 kada kilo mula sa dating P160.00.

Samantala sa Magsaysay Fish Market, ang mga ibinebentang malaking bangus ay nasa P150.00 hanggang P160.00 per kilo, habang ang malilit naman ay nagkakahalaga ng P110.00 kada kilo.

Inaasahan namang sisirit pa ang presyo ng bangus sa mga susunod na araw.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
congress kongreso kamara

Nagisa sa gitna ng pagdinig sa kamara ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa naganap na aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod ito ng libu-libong flights ng domestic at international passengers ang naapektuhan noong bagong taon dahil sa technical glitch sa air traffic management system kung saan, pumalya ang circuit breaker ng CAAP.

Sa naging pahayag ni CAAP Engr. Arnold Balucating, agad na bumili ng dalawang bagong units ng uninterruptible power supply (UPS) ang kanilang ahensya sa ilalim ng inilabas na Emergency Procurement Scheme para tugunan ang aberya at maibalik sa normal ang operasyon sa NAIA.

Hindi naman nakalusot sa mga mambabatas ang CAAP, kung saan, nagtanong si Bagong Henerasyon Party-List Rep. Bernadette Herrera kung bakit UPS ang binili ng ahensya kahit ang problema sa operasyon ay ang circuit breaker.

Agad na dinepensahan ni CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo ang ahensya at iginiit na kaya sila bumili ng mga UPS unit dahil panahon na para palitan ito sa kadahilanang luma at nasa pito hanggang walong taon na itong ginagamit ng CAAP.

Sinabi ng opisyal na nasa pito hanggang sampung taon lamang ang lifespan o kayang itagal ng mga UPS upang maiwasan ang mga aberya sa operating system.

Sa kabila nito, humingi ng paumanhin ang CAAP sa mga pasaherong naapektuhan at nangakong mas pagbubutihin ng ahensya ang kanilang serbisyo sa taumbayan.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIBUYAS 1

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Office of Ombudsman sa mga opisyal ng Department of Agriculture kasunod ng mataas na presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kaniyang hihingian ng paliwanag ang mga opisyal ng DA maging ang Food Terminal Incorporated (FTI) para malaman ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga sibuyas.

Iginiit ni Martires na nais niyang tingnan ang mga trader na sangkot sa price manipulation na posibleng nagtulak para magtaas ang farm gate price.

Matatandaang inihayag ni DA Assistant Secretary Rex Estoperez, handa ang kanilang ahensya sa ikakasang imbestigasyon ng ombudsman at kanila itong irerespeto.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest