Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

JV EJERCITO

Sa harap ng sinasabing “gulo” sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, inihayag ni Senator JV Ejercito na dapat i-prayoridad ni bagong Defense secretary Carlito Galvez ang pagka-isahin ang Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Ejercito, isa ding hamon kay Galvez ang isyu sa pag-amyenda sa batas hinggil sa tatlong taong fixed term sa mga top officials ng AFP.

Maganda naman anya ang intensyon ng batas dahil maiiwasan nito ang “Revolving Door Policy” kung saan nagtatalaga o nagpo-promote ng isang AFP official kahit sa maikling panahon na lang ito manunungkulan para lang mapagbigyan.

Gayunman, aminado si Ejercito na ilan sa kanyang mga kasamang Senador ang nagsabing kailangan nilang amyendahan ang batas upang maging katanggap-tanggap sa mga sundalo, lalo na sa mga masasagasaan ang promosyon.

Kumpiyansa naman si Senator JV na kwalipikado si Galvez sa posisyon bilang Defense Secretary at wala rin itong magiging problema kapag isinalang sa Commission on Appointments para sa kumpirmasyon. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS DMW

Humihingi ng karagdagang panahon ang Saudi Arabia sa gobyerno ng Pilipinas upang maplantsa ang mga detalye ng pagbabayad sa naunsyaming sweldo ng mga Overseas Filipino Worker.

Kinumpirma ni DMW secretary Toots Ople na bibiyahe sana ang ilang opisyal ng Department of Migrant Workers sa Saudi noong Disyembre pero hiniling ng Saudi Ministry of Human Resources and Social Development na ipagpaliban ang pulong.

Ito, ayon kay Ople, ay dahil nilinaw ng nasabing Saudi Government Agency na hindi sila ang responsable sa pag-proseso ng unpaid claims.

Nais anila ng Saudi Ministry of Human Resources na maglaan pa ng karagdagang panahon para sa ilang detalye nang sa gayo’y kanyang makausap ang tamang opisyal o tao sa tanggapan ni Saudi Crowned Prince Mohammed Bin Salman.

Batay sa datos ng DMW, nasa 10,000 filipino workers ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang sahod na aabot sa kabuuang P29.2B nang magkatanggalan sa trabaho matapos sumadsad sa economic crisis ang saudi arabia noong 2015.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
naia passenger

Muling tiniyak ng Department of Transportation na aayusin nito ang pasilidad at equipment sa Ninoy Aquino International Airport.

Ito’y upang hindi na maulit ang aberya noong bagong taon kung saan mahigit 280 flights at nasa 56,000 pasahero ang naapektuhan.

Sa pagharap sa imbestigasyon ng House Committee on Transportation, siniguro ni Transportation secretary Jaime Bautista na gumagawa na sila ng paraan upang mabigyan ng permanenteng solusyon ang problema sa Air Traffic Management System sa NAIA.

Ayon kay Bautista, nagpaabot na rin sila ng rekomendasyon kay Pangulong Bongbong Marcos.

Isa anya sa solusyon na gagawin ng DOTr ay ang paglalagay ng backup system ng Traffic Management and Communication na mangangailangan ng P13B para sa upgrade.

Para rin mapabilis ang pagsasaayos ng problema, idinagdag ng kalihim na kailangang agad amyendahan ang kasalukuyang ipinatutupad na Procurement Law.

Nangako naman si Bautista na tututukan din nila ang iba pang hinaing ng mga pasahero sa airport, kabilang ang hindi maayos na Ticket booking, Airport congestions, mahabang pila, Immigration issues at Baggage System.   —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
mandaluyong vitim

Nakikipag-areglo na sa mga biktima ang may-ari ng Toyota Landcruiser na umararo sa 12 iba pang sasakyan sa Mandaluyong City, kahapon.

Lulan ng SUV ang 19-anyos na estudyanteng si Jose Marie Roldan at kanilang family driver na si Dominador Varga nang maganap ang karambola sa kanto ng San Miguel Avenue at Shaw Boulevard.

Ayon sa Mandaluyong City Police, nagsimulang makabangga ng ibang sasakyan ang Landcruiser sa kahabaan ng San Miguel Avenue sa gitna ng rush hour, dakong alas 8:30 ng umaga.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver dahilan para salpukin at araruhin ang ibang mga sasakyan na ikinasugat naman ng labingtatlong indibidwal.

Nakipag-usap na sa mga biktima si Atty. Paul Roldan, ang may-ari ng SUV at ama ng estudyanteng pasahero at tiniyak na handang tumulong sa pagpapagamot sa mga nasugatan.

Itinanggi naman ng nakatatandang Roldan ang posibilidad na ang kanyang anak ang nagmamaneho ng sasakyan.

Samantala, magsisimula ngayong araw ang inquest proceedings laban sa SUV Driver kung saan si Atty. Roldan na rin ang tatayong legal counsel.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
mandaluyong car accident

13 ang sugatan sa karambola ng 12 sasakyan sa Mandaluyong City.

Naganap ang insidente sa kanto ng Shaw Boulevard at San Miguel Avenue, Barangay Wack Wack, dakong alas 8:30 kahapon ng umaga.

Batay sa CCTV footage, nagmula sa Sherdian Street at patungo sanang One San Miguel, Pasig City ang sports utility vehicle na Toyota Landcruiser nang araruhin nito ang dalawang motorsiklo.

Ayon sa Eastern Police District, inararo rin ng Landcruiser ang isa pang SUV at motorsiklo maging ang poste ng ilaw habang tinatahak ang panulukan ng Shaw at San Miguel Avenue.

Umatras pa ang Landcruiser pero nabangga nito ang isa pang motorsiklo na may dalawang sakay hanggang sa muling araruhin ang ilan pang sasakyan.

Agad namang isinugod sa Rizal Medical Center sa Pasig at Mandaluyong Medical Center ang mga nasugatan.

Samantala, arestado ang driver ng Landcruiser na si Dominador Varga at pasaherong si Jose Marie Roldan.

Sumailalim sa Alcohol test sina Varga at Roldan sa Land Transportation Office at posibleng maharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting Multiple Physical Injuries at Damage to Property.

Iniimbestigahan na rin kung sinadya o nagkaroon ng mechanical malfunction ang sasakyan.

January 11, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHELOY GERAFIL BBM PCO

Iniluklok na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si  Atty. Cheloy Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office o PCO.

Ayon sa Office of the President o OP, nanumpa na si Garafil sa harap ni Pang. Marcos bilang PCO Secretary.

Magugunitang itinalaga si Garafil bilang officer-in-charge ng dating Office of the Press Secretary na noo’y undersecretary pa ang posisyon.

Kasabay nito, kinumpirma naman ni Garafil na pinulong din ni PBBM ang mga miyembro ng kanyang gabinete ngayong araw.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
afp camp crame

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang nagaganap na destabilization plot laban sa Marcos administration.

Kasunod ito ng kumakalat na pekeng memo at maling impormasyon kung saan may ikinakasa umanong destabilisasyon sa hanay ng ahensya dahilan para isailalim sa full alert status ang Philippine National Police (PNP).

Sa naging pahayag ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar, hindi totoo ang balitang may nagaganap na destabilisasyon sa kanilang ahensya laban sa kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Aguilar, nananatiling matatag ang moral at walang nagiging hadlang sa AFP para protektahan ang Pilipinas laban sa mga bansang nagnanais ng kaguluhan o kasamaan.

Una nang inihayag ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr., na normal lang ang ganitong haka-haka lalo na sa tuwing magkakaroon ng pagbabago sa mga posisyon sa hanay ng PNP, AFP at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sinabi pa ni Azurin na natural lang na naka-heightened alert ang mga nagpapatupad ng batas dahil na rin sa mga nagdaang aktibidad partikular na ang Holiday season.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng PNP at AFP ang mga sangkot sa pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa destabilisasyon.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FAO

Sumampa na sa record-high ang presyo ng mga pagkain sa mundo noong isang taon sa gitna nang global food supply disruption dulot ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Batay ito sa Food Price Index ng United Nations – Food and Agriculture Organization (UN-FAO) na sumusubaybay sa international prices ng karaniwang food commodities.

Ayon sa UN-FAO umakyat sa average 143.7 points ang food price index noong 2022, kumpara sa 123.2 points noong 2021.

Ito na sa ngayon ang pinaka-mataas na lebel ng food price index simula nang umpisahan ang record noong 1990.

Kabilang sa mga labis na nagtaas ng presyo ang mga cereal products, tulad ng trigo; asukal; karne; dairy products, gaya ng gatas at keso at vegetable oils, tulad ng mantika.

Dahil sa nagpapatuloy na giyera, nagbabala ang UN-FAO na posibleng mas numipis o kulangin ang supply ng pagkain sa mundo kasabay ng lumalaking demand, na sinabayan nang hindi maawat na pagtaas ng presyo ng krudo at kuryente.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIBUYAS

Nangangamba ang ilang grupo ng magsasaka sa posibleng pagbaha ng imported na sibuyas dahil sa ikinakasang importasyon na itatapat sa kasagsagan ng anihan sa Pebrero.

Inihayag ni PESA Onion and Vegetable Farmers Association chairman Victor Layug na bago umangkat ay dapat magkaroon ng konsultasyon sa maliliit na samahan ng magsasaka.

Una nang inihayag ni Assistant Secretary Kristine Evangelista ng Department of Agriculture, na nasa 22,000 metric tons ang planong angkatin.

Gayunman, wala pa anyang pinal na desisyon ang kagawaran at kanila munang kokonsultahin si Pangulong Bongbong Marcos, na kalihim ng DA at ang mga magsasaka bago magpasya.

Aminado si Evangelista na sa sandaling mag-import ay maaaring mahirapan ang mga local onion farmer na makipag-kompetensya lalo’t mas mura ang imported na sibuyas.

Sa ngayon ay ilang magsasaka na ang nagsisimulang mag-ani na maaaring tumagal hanggang Marso o Mayo.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MEAT IMPORT BABOY

Lumobo sa mahigit 1.356 billion kilo ng imported meat products ang inangkat ng Pilipinas noong isang taon sa gitna nang problema sa supply at produksyon ng baboy.

Ito na sa ngayon ang pinaka-malaking bulto ng karneng baboy na inangkat sa kasaysayan ng bansa sa kabila ng pagkalat ng African Swine Fever.

Kumpara ito sa naitala ng Bureau of Animal Industry (BAI) na 1.165 billion kilo ng karneng inimport noong isang taon.

Ayon sa BAI, ang pagtaas ng overall meat imports ay dulot ng 28% growth sa pork imports noong isang taon na umabot sa 710.3 million kilograms.

Halos 400 million kilograms ng kabuuang inangkat na karne ay belly cuts, na pinatawan ng mas mababang taripa na kamakailan ay pinalawig ni Pangulong Bongbong Marcos hanggang katapusan ng Disyembre, 2023.

Una nang inihayag ng pamahalaan na layunin ng mas mababang taripa na makapag-import ng mas maraming agricultural products, gaya ng karne upang mapababa ang presyo ng mga nasabing bilihin.

Batay sa datos ng Consumer at Market data platform na Statista, pang-pito ang Pilipinas sa mga bansang may pinaka-malaking konsumo ng karne habang nangunguna ang China, sinundan ng Japan, Mexico, U.K, South Korea at U.S.

January 10, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest