Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal ng state-owned Development Bank of the Philippines (DBP).
Ang mga appointees ay kinabibilangan ni Michael Osmeña De Jesus na iniluklok bilang acting President at Chief Executive Officer (CEO) ng DBP.
Nakasaad sa appointment papers na papalitan ni De Jesus si Emmanuel Herbosa.
Maliban dito, nag-appoint din si PBBM ng tatlong acting members ng Board of Directors (BOD) ng nasabing bangko na pagmamay-ari ng gobyerno.
Kasama sa mga bagong BOD members sina Emmeline Calderon David, Jaime Zita Paz, at Maria Lourdes Laurel-Avanceña Arcenas.
Papalitan ni David si Dante Liban habang si Paz naman ang hahalili kay Emmanuel Galicia Jr.
HOT STORIES OF THE WEEK
Oil price rollback kasado na bukas
Kasado na bukas ang buena manong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong taon.
Batay sa abiso ng Pilipinas Shell, Sea Oil Philippines at Petro Gazz, bababa ng 0.75 centavos per liter ang presyo ng gasolina, habang P2.80 sa kada litro ng diesel, at P2.10 naman sa kerosene.
Epektibo ang panibagong price adjustment sa produktong petrolyo simula bukas ng ala-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng rollback dakong alas-8 ng umaga.
Border control protocols ng Pilipinas, nananatiling sapat sa gitna ng COVID-19 surge sa China
Sapat pa rin ang ipinatutupad na border control protocols sa bansa sa gitna ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa China.
Ayon sa Department of Health, hindi pa kailangang baguhin ang border control measures ng Pilipinas at kasalukuyan anila na ipinatutupad ang heightened surveillance at monitoring sa mga biyaherong papasok sa bansa.
Ginawa ng DOH ang pahayag matapos i-require ng ilang European countries sa mga biyahero mula China na magprisinta ng negatibong COVID-19 test pagdating sa kani-kanilang mga bansa.
Matatandaang noong January 4 nang iulat ng DOH na walong mga Pilipinong nanggaling sa China ang nagpositibo sa COVID-19.
Tuluy-tuloy na nakikipag ugnayan ang Department of Agriculture sa mga magsasaka para makahanap ng paraan upang maiwasan ang pagsirit pa ng presyo ng sibuyas.
Tiniyak ito ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Khristine Evangelista na nagsabi pang nananatiling mataas ang presyo ng sibuyas na nasa 500 hanggang 700 pesos kada kilo dahil na rin sa mataas na farmgate price.
Sinabi ni Evangelista na posibleng bumaba ang presyo ng sibuyas sa mga susunod na linggo sa gitna na rin nang inaasahang pagsisimula ng pag-aani sa ikalawang linggo ng buwan.
Kasabay nito, pinalakas pa ng DA ang operasyon ng Kadiwa on Wheels para mabigyan ang publiko ng alternatibong pagbibilhan ng mga gulay.
Libu-libong deboto ang dumagsa sa Quirino Grandstand sa Maynila bilang pagbigay-pugay sa paggunita ng Pista ng Itim na Poong Nazareno ngayong araw.
Sa pahayag ng Manila Police District (MPD), halos 100,000 deboto ang lumahok sa “Walk of Faith” bitbit ang mga kandila, rosario, at mga imahen ng Black Nazarene.
Nabatid na naging maayos ang pila ng mga mananampalataya na nagsimula pa ala-una ng madaling araw kahapon, kung saan, may ilang deboto ang naglatag ng kanilang sapin o mga banig sa paligid ng Quiapo Church para doon na mismo matulog.
Kasabay nito, patuloy na nagpapaalala sa publiko ang mga otoridad sa pagsunod sa health and safety protocols partikular na ang tamang pagsuot ng facemask at pagsunod sa social distancing.
Ayon sa MPD, gitna pagdiriwang ng “Walk of Faith,” ramdam ang pagkasabik ng publiko matapos ang mahigit dalawang taong paghihigpit ng restriksiyon ng gobyerno bilang pag-iingat laban sa covid-19.
Ikinatuwa naman ng mga otoridad ang maayos na paggunita ng Pista ng Itim na Nazareno dahil pagkatapos ng naturang aktibidad, ang ilan sa mga deboto ay agad na nagsi-uwian.
Isang motorcycle rider ang patay habang isang security guard ang sugatan matapos humarurot ang isang jeep at papasok sa lobby ng isang ospital sa Sta. Ana, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District ang nasawing si Noe Ocenar Abaigar habang nasaktan ang guwardyang si Marvin Pelaez.
Naganap ang insidente sa kahabaan ng New Panaderos Exit sa harapan ng Trinity Women and Childrens Hospital, kahapon.
Batay sa imbestigasyon, na-flat umano ang gulong ng jeep na minamaneho ni Ronaldo Fanis at nagpagewang-gewang dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela.
Tumilapon ang rider nang mahagip ng jeep bago ito magtuloy-tuloy sa lobby ng naturang pagamutan.
Hawak na ng MPD si Fanis at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Injuries at Damage to Property.
72 police-generals, pasado sa drug-test
72 heneral at koronel mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pasado sa isinagawang surprise drug test.
Kinumpirma ni NCRPO chief, Maj. Gen. Jonnel Estomo na sumailalim ang mga opisyal sa drug examination sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.
Negatibo ang mga nasabing opisyal batay sa resulta ng PNP Crime Laboratory Field Office.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng heneral at koronel upang masawata umano ang iligal na droga sa hanay ng PNP.
Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pag-aaralan nilang mabuti ang naging desisyon ng Las Piñas Regional Trial Court na absweltuhin ang anak ni Justice Secretary Jesus Remulla na si Juanito Remulla III, dahil sa kasong Illegal Possession of Drugs.
Ayon sa PDEA, kailangan nilang malaman ang mga dahilan sa likod ng pagpapawalang-sala.
Tiniyak naman ng ahensiya na gagawin nila ang angkop na paraan at ulitin ito sa mga kaso sa hinaharap.
Matatandaang kahapon nang pinawalang-sala ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 197 ang nakababatang Remulla, at sinabing walang malinaw na ebidensiyang taglay nito ang umano’y nasamsam na ilegal na droga.
Resulta mula sa pag-uusap nina PBBM at China President Xi Jinping, maaga pa para malaman
Maaga pa para malaman ang resulta mula sa pag-uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pinuno ng Tsina na si Xi Jinping kaugnay sa hindi pagkakaunawaan sa teritoryo ng South China Sea.
Ayon kay professor Jay Batongbacal, isang maritme law expert, dahil ito ang unang pagpupulong ng dalawang pinuno, masyado pang maaga para magkaroon ng desisyon o malaking pagbabago lalo na sa parte ng China.
Aniya, nagtakda na rin si Xi Jinping ng long-term plan kaya’t mahirap para rito na mag-adjust.
Noong Martes, January 3, lumipad patungong China si Pangulong Marcos para sa tatlong araw na state visit nito upang palakasin ang ugnayan sa naturang bansa.
Matapos ang aberya sa NAIA, mga opisyal ng CAAP dapat kasuhan -– transport group
Hinimok ng transport advocate group na The Passenger Forum (TPF) ang libu-libong pasaherong naapektuhan ng technical glitch sa Ninoy Aquino International Airport na panagutin o kasuhan ang Civil Aviation authority of the Philippines (CAAP).
Ipinunto ni TPF Convener Primo Morillo na hindi kasi maaaring papanagutin o maningil ng danyos sa flight cancellations ang mga pasahero dahil ang nasabing aberya ay hindi naman idinulot ng airlines.
Ayon kay Morillo, batay sa Air Passenger Bill of Rights, maaari lamang maningil ng danyos ang mga biyahero kung mismong mga airline ang may kasalanan.
Ang nasabi anyang aberya noong Enero 1, marahil ang pinaka-malalang New Year Air Transport Incident sa kasaysayan ng bansa.
Idinagdag ni morillo na sa halip maging masaya ang mahigit 56,000 biyahero dahil papauwi na matapos ang holiday season, sinalubong sila ng delubyo bagay na hindi maaaring isisi sa mga airline.
Wala anyang ibang dapat sisihin sa insidente kundi ang mga ahensya ng gobyernong nangangasiwa sa bulok na operasyon ng pambansang paliparan na naturingang pangunahing international gateway ng Pilipinas.
