Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

nazareno

Inalmahan ng isang opisyal ng simbahan ng Quiapo ang pangambang maging Covid-19 superspreader event ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Nilinaw ni Nazareno 2023 adviser Alex Irasga na batay sa siyensya at datos, hindi naman naging superspreader event ang nasabing selebrasyon sa nakalipas na dalawang taon kahit may pandemya.

Tugon ito ni Irasga matapos dumalo sa press conference ang ilang opisyal ng Department of Health kaugnay sa Pista ng Nazareno na magsisimula sa Sabado hanggang Lunes o sa mismong araw ng kapistahan sa Jan. 9.

Iginiit ni Irasga na kahit may pagdiriwang o wala, nasa loob o labas man ng bahay ay maaari pa ring tamaan ng Covid ang sinuman.

Sa katunayan anya ay hindi nila pinayagan na magkaroon ng traslacion at iba pang aktibidad sa pista ng itim na Nazareno noong isang taon pero maging silang opisyal ng simbahan ay tinamaan pa rin ng sakit kahit hindi magkakasama.

January 4, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MONEY - PERA

Nananatili sa 13.644 trillion pesos ang utang ng Pilipinas hanggang Nobyembre noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng Bureau of the Treasury, 0.02% o 3.15 billion pesos itong mas mataas kumpara sa 13.641 trillion pesos noong Oktubre.
Ang bahagyang pagtaas sa portfolio ng utang ay dahil sa epekto ng US dollar sa foreign currency loans.
Nabatid na noong Nobyembre, unang bumagsak sa 56.6 pesos ang halaga ng piso kontra dolyar, mula 58.04 pesos noong Oktubre.

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
nazareno7

Inilabas na ng Quiapo Church ang mga patakarang ipatutupad sa gitna ng idaraos ng mga aktibidad para sa Pista ng Itim na Nazareno ngayong 2023, kasama ang “Walk of Faith” procession sa January 8.
Sa ginanap media conference kaninang umaga, hinikayat ng Quiapo Church ang mga kalahok na sundin ang mga health protocols laban sa COVID-19 gaya ng pagsusuot ng face mask, paglilinis ng kamay, at social distancing.
Inabisuhan din ang publiko na magdala ng government-issued IDs sa oras na kailanganin ito.
Ang mga taong may temperatura na mas mataas sa 37.5 degrees celsius at presyon ng dugo na mas mataas sa 130/80 pati na ang mga taong may namamagang lalamunan, patuloy na pagbahing, ubo, sipon, at maluwag na pagdumi – ay hindi hinihikayat na dumalo sa mga aktibidad.
Kabilang sa mga ipinagbabawal na bagay sa panahon ng mga aktibidad ay ang mga sumusunod:
Medium to life size na mga imahe ng Nazareno
Itandarte o mga banner
Karwahe o andas
Baril at patalim
Paputok
Drone camera
Professional cameras and video recorders
Selfie sticks
Malalaking bag
Kumot, hamper, mga kahon ng imbakan
Portable appliances
LPG at mga kalan
Mga tolda, mesa, at iba pang mga bagay sa piknik
Payong
Inuming nakalalasing
Paninigarilyo at vaping
Laser pointer, malalaking kadena, spike, at iba pang malalaking bagay na metal
Scooter, skateboards, skates
Sasakyan, motorsiklo, bisikleta
Mabibigat na pagkain
Mga bote ng plastik at salamin
Mga stick ng pagkain
Mga alagang hayop
Mga itim na plastik
Mga jacket
Tanging ang mga awtorisadong tao lamang ang pinapayagang magkaroon ng command at emergency vehicles, sound system at bullhorn, UHF/VHF radio, satellite phones, tents, LED billboards, at pagkain para sa mga volunteer sa panahon ng kasiyahan, sinabi ng Quiapo Church.
Ipinagbawal din ng Quiapo Church ang mga kalahok na halikan ang mga larawan ng Itim na Nazareno upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PITXX

Dinagsa ng mga pasahero ang PITX o Paranaque Integrated Terminal Exchange ngayong araw na ito, unang araw ng pasok sa taong 2023.

Sinabi ni Jason Salvador, head ng PITX Corporate Affairs and Government Relations na nasa 170,000 passengers ang inaasahan nila sa kanilang terminal ngayong araw na ito.

Back to reality na aniya ang lahat kaya’t inaasahan na nila ang pagdagsa pa ng mga pasahero sa PITX

Tiniyak ni Salvador na mahigpit silang naka-monitor sa sitwasyon at sa katunayan ay nakikipag-coordinate na sila sa kanilang bus partners para makapag-deploy kaagad ng dagdag na units sakaling dumagsa pa ang mga pasahero sa PITX ngayong araw na ito.

Pinayuhan ni Salvador ang mga pasahero na asahan na ang mahabang pila ng mga sasakay sa mga bus sa PITX.

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CYBER ATTACK

Nakipagtulungan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Bankers Association of the Philippines (BAP) at Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) upang palakasin ang kampanya laban sa cyberattacks.

Layunin nito na ilunsad ang “check-protect-report” o CPR o information drive kung saan bibigyan ng tamang impormasyon ang mga Pilipino upang protektahan laban sa online scam.

Ayon kay BSP governor Felipe Medalla, ito ay dahil sa pagtaas ng digital transactions.

Kasabay nito ang information drive na cyber-security ay isang shared responsibility sa financial regulators, mga taga-industiya at financial consumers.

Hinimok ng BSP ang publiko na laging maging mapagbantay at huwag maging kampante pagdating sa cybersecurity. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JV EJERCITO

Posibleng sabotahe o isang uri ng kapabayaan ang nangyaring aberya sa NAIA sa unang araw ng bagong taon dahilan para makansela lahat ng flights.

Ito ang inihayag ni Senator J.V. Ejercito makaraang igiit na dapat talagang imbestigahan ang nangyari sa NAIA upang matiyak na hindi na ito mauulit.

Para kay Ejercito, maraming dapat ipaliwanag ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Dapat anyang mayroong backup ang Air Traffic Management System sa mga insidenteng tulad nang naranasan nitong linggo.

Binigyang-diin ng senador na ang kawalan ng  Functioning Radar System ay hindi lamang delikado para sa air travel bagkus maituturing itong National Security Concern.

Dahil dito, dapat na anyang ikunsidera ng gobyerno ang pagbawi sa vital utilities, tulad ng National Grid Corporation of the Philippines na kayang ilugmok ang ekonomiya kung nanaisin ng nagpapatakbo nito. – ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

January 3, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
philippine-airlines

Umabot sa mahigit 20,000 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) ang naapektuhan ng technical glitch na naranasan sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) ng naia nitong unang araw ng taong 2023.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna na nasa 16,000 pasahero ng domestic flights ang apektado habang 8,000 sa international flight.

Nilinaw naman ng tagapagsalita na nakaalis o nakauwi na ang ibang pasahero matapos makapagre-book ng flights.

Samantala, sinabi ni Villaluna na fully-restored na ang radar system ng bansa.

January 2, 2023 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
NAIA

Dismayado ang maraming pasahero dahil sa kanseladong flights matapos magka-aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaang inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naantala ang lahat ng biyahe sa paliparan bunsod ng technical issues.

Bukod pa dito, naglabas din ng abiso ang ilang airlines company kaugnay sa kanselasyon ng mga biyahe kung saan libu-libong pasahero ang problemado makaraang maitala ang nasabing insidente.

Sa ngayon, naibalik na sa normal ang operasyon sa lahat ng paliparan at nakarating narin sa kani-kanilang destinasyon ang ilang mga pasahero matapos makapag-rebook.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga pasaherong naantala ang kanilang biyahe hinggil sa face-to-face re-booking.

January 2, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MERALCO

Walang problema o isyu na nakaapekto sa distribution facilities ng Meralco matapos nangyaring aberya sa Air Traffic System sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang nilinaw ni Meralco spokesperson Joe Zaldariaga kung saan batay anya sa kanilang imbestigasyon wala silang nakitang power outage mula sa kanilang mga linya.

Sinabi pa ni Zaldariaga, na nakikipagugnayan na sila sa pamunuan ng NAIA hinggil sa nasabing isyu.

Tiniyak naman Zaldariaga na handang tumulong ang Meralco sa Airport Authority sa oras na mangailangan ng assistance. —sa panulat ni Jenn Patrolla, ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)

January 2, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP

Nakaranas ng technical glitch ang Air Traffic Management System ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) alas 9:49 ng umaga kanina.

Kinumpirma ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na nagkaroon ng technical issues ang ahensya na ngayon ay kanila nang tinutugunan para sa kaligtasan ng publiko.

Agaran namang nagpatawag ng emergency meeting si Department of Transportation (DOTr) sec. Jimmy Bautista kasama sina Airport General Manager Cesar Chiong, CAAP Dir. Gen. Skee Tamayo at iba pang airport operations para suriin ang sitwasyon.

Ayon sa ulat may mga domestic flights na napilitang bumalik sa probinsya at international flights na nag-divert sa pinakamalapit na paliparan. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)

January 1, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest