Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

PAPUTOK firecrackers

Muling pina-aalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na gabayang maigi ang kanilang mga anak ngayong magba-bagong taon.

Ito’y sa gitna nang patuloy na pagtaas ng bilang ng firecracker-related injuries, kung saan pabata nang pabata ang mga nabibiktima.

Halimbawa na lamang sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa Maynila, mas maraming biktima ng paputok na edad 18 pababa.

Ayon kay JRRMMC Chief, Dr. Emmanuel Montaña, pawang edad 18 pababa ang karaniwang nagiging biktima ng fireworks-related injuries simula 2017 hanggang 2021 kaysa mga nakatatanda.

Gayunman, karamihan ng mga nasusugatan ay hindi naman nagpapaputok o hindi aktibo sa paggamit ng firecracker kundi kadalasang nanonood lamang.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang firecracker-related injuries ang nasabing ospital dahil na rin umano sa epektibong “Iwas Paputok” campaign ng DOH.

Samantala, aminado si Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na medyo nasabik ang publiko sa selebrasyon ng bagong taon, lalo’t hindi naman gaanong nakapagdiwang sa nakalipas na dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

December 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DOH1

Tumuntong na sa 32 ang fireworks-related injuries na naitala ng Department of Health hanggang kahapon, December 27.

Ayon sa kagawaran, pitong bagong kaso ang naitala mula sa 61 DOH sentinel hospitals.

Ang nasabing bilang ay 39% mataas sa 23 kaso na naitala sa kaparehong panahon sa nakalipas na taon.

Nangungunang pa ring sanhi ng firecracker injuries ang boga, whistle bomb, 5-star, kwitis, at camara.

Sa ngayon ay wala pang naiuulat na kaso ng firework ingestions at stray bullet injury.

December 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MALAMIG NA PANAHON

Asahan na hanggang sa susunod na taon ang malamig na panahon sa bansa dahil sa Northeast Monsoon o amihan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magtatagal pa hanggang Enero ang lamig ng panahon.

Ang simula ng amihan, na idineklara noong huling bahagi ng Oktubre, ay maagang dumating ngayong taon.

Ito ang nagdadala ng malamig na hangin mula sa hilagang-silangan at pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa.

Noong Lunes, naitala ang pinakamababang temperatura sa bansa sa Baguio City na nasa 12 degree celsius.

Magdadala rin ang Northeast Monsoon ng pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro at Bicol.

December 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BFP

Inilatag ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga dapat at hindi dapat gawin ngayong nalalapit na ang pagsalubong ng bagong taon.

Sa panayam ng DWIZ kay Superintendent Analee Atienza, tagapagsalita ng BFP, una nitong ipinaalala ang panonood na lang ng fireworks display sa mga designated areas ng lungsod, imbes na magpaputok malapit sa bahay.

Dapat ding tiyaking nasa kondisyon ang mga linya ng kuryente, lalo na kung matagal nang nakatayo ang tirahan.

Samantala, ipinayo rin ng BFP na maging mapagbantay sa maaamoy na fumes sa bahay mula sa tangke, at kung may ganitong senaryo ay huwag sindihan ang ilaw, buksan ang bintana, at patayin ang gas.

Sa ngayon, tumaas na ang insidente ng nagugatan dahil sa paputok, mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

December 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NIPAHOL

Nakalikha ang isang Filipino scientist ng isang cleaner cooking fuel na maaaring gamiting alternatibo sa liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), si Dr. Fiorello Abenes, isang professor emeritus sa CalPoly Pomona University sa California at isang DOST Balik Scientist sa Ilocos Norte ang nakadiskubre ng “Nipahol,”.

Isa itong cleaner cooking fuel na nakabase sa langis mula sa ethanol na nakuha mula sa nipa.

Si Abenes at ang kanyang grupo ang nakalikha ng nipahol-fueled stove na maaaring pumalit sa LPG stove.

Ang nipahol-fueled stove ay may burner at gumagana sa pamamagitan ng pull of gravity.

Ang Balik Scientist Program ng DOST ay naglalayong isulong ang pagpapalitan ng impormasyon at pabilisin ang daloy ng bagong teknolohiya sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga tauhan ng lokal na akademya.

December 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BBM - DENR FORUM

Patuloy na naka-monitor si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior sa kalagayan ng mga residente sa Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.

Dahil ito sa walang-humpay na pag-ulan bunsod ng shear line rainfall.

Ayon kay Cheloy Garafil, Undersecretary ng Office of the Press Secretary (OPS), nasa Malakanyang na ngayon ang Pangulo at sunod-sunod ang pakikipagpulong sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa pinag-uusapan kung paano makakapaghatid ng tulong ang pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng pagbaha.

Matatandaang una rito, tiniyak ng Malakanyang na makatitiyak ang publiko, lalo na ang mga nananatili sa evacuation center na patuloy na kumikilos ang pamahalaan upang agad makapagpaabot ng tulong.

December 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
globe

Tiniyak ng Telecommunications company na Globe Telecom na handa ang kanilang online portal para sa sim card registration at verification processes.

Kasunod ito ng pag-arangkada ngayong araw ng pagpaparehistro online ng mga telco subscribers ng kanilang mga sim card.

Sa panayam ng DWIZ kay Yolly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe, sinabi nito na matagal na nilang pinaghandaan ang pagbubukas ng registration.

Sa datos ng malaking telecommunication company, aabot sa 87-M Pilipino ang globe subscribers.

Tiniyak naman ni Crisanto na handa silang mapaunlakan ang bilang na ito sa registration na magtatagal hanggang Abril 26 sa susunod na taon.

Samantala, para sa mga matatanda o yung hindi maalam na gumamit ng mga gadgets at magtungo online, sinabi ni Crisanto na handa silang solusyunan ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa National Telecommunication Commission.

December 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TULAY DPWH

Hindi pa rin madaanan ang mga kalsada at tulay sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa sama ng panahon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 14 na mga kalsada mula sa Region 5 ang nananatiling unpassable o hindi pa rin madaanan ng mga motorista.

Hindi rin madaanan ng mga light vehicle ang Brgy. Biliran Spillway maging ang ilang kalsada sa Brgy. Pilar, at Bulan sa Sorsogon.

Bukod sa mga kabahayang partially damaged, hindi din madaanan ang mga kalsada at tulay sa Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan o ang MIMAROPA, maging sa Regions 8, 10 at BARMM.

Ayon sa NDRRMC, 113 na bahay ang bahagyang nasira habang 34 naman ang totally damaged bunsod ng patuloy na pag-iral ng shear line at hanging Amihan.

Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways para linisin at ayusin ang mga kalsada at tulay na nasira.

December 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LAMENTILLO - DICT

Nanawagan sa publiko si Information and communications Technology Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo na tumalima sa bagong tatag na Sim Registration Law.

Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Oktubre ang naturang batas na layong sugpuin ang lumalalang insidente ng mga text scam, misinformation at spam messages.

Ayon kay Lamentillo, lalabanan din ng batas ang human trafficking, online sexual abuse at exploitation sa mga bata.

Wala naman anyang gagastusin kahit singko ang mga subscriber sa implementasyon ng Sim Registration Law.

Alinsunod sa naturang batas, kailangan nang iparehistro ang sim card ng subscribers gamit ang pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, postal address at valid government identification na may kasamang litrato.

Muling ipinaalala ni Lamentillo na ang kabiguan na magparehistro sa loob ng anim na buwan ay magreresulta sa deactivation ng sim o hindi na ito magagamit ng subscriber.

December 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIMCARD

All systems go na ang mga telecommunication company o telco para sa implementasyon ng Sim Registration Law, simula ngayong araw.

Aminado si Atty. Ariel Tubayan, Senior Legal Counsel ng Globe, na isa sa nakikita nilang hamon ang mga hindi pamilyar sa registration platform o paano ito gamitin at kung saan magpaparehistro ang isang subscriber.

Inihalintulad ng Globe ang sim registration sa pagsubok na kanila anyang kinaharap sa mobile number portability.

Sa kabila nito, tiniyak ni Tubayan na nakahanda ang mga impormasyon at video kung paano maiparerehistro ang sim sa kanilang website.

Kumpiyansa naman ang nasabing telco na makapagpaparehistro ang nasa walumpu’t pitong milyon nilang subscriber sa loob lamang ng 15 araw.

Sa panig ng PLDT at Smart Communications, inihayag ni Corporate Communications Chief Cathy Yang na nakalatag na ang lahat ng kanilang platforms matapos sumailalim sa ilang serye ng test.

Samantala, inamin ni DITO Telecommunications Chief Administrative Officer, Atty. Adel Tamano na ang pagdadalawang-isip ng mga subscriber na iparehistro ang kanilang numero ang isa sa posibleng problema na harapin kaugnay ng sim registration.

December 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest