Kasado na ngayong araw ang pagpaparehistro sa sim card ng mga Pilipino, alinsunod na rin sa Sim Card Registration Law.
Sa ilalim ng naturang batas, kailangan magpresenta ng mga sim card users ng kanilang official identification bago e-sim o bagong uri ng sim card.
Batay sa inilabas na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng naturang batas, kinakailangang magparehistro ng lahat ng sim subscribers o end-user kabilang ang mga:
• Individual end-user
• Juridical entity end-user (tulad ng mga negosyo)
• Foreign national end-user
Para naman makarehistro kailangan lamang pumunta sa ibibigay na registration website ng mga telco, pag-fiill up ng personal information at isumite ang government ID na may picture o barangay certificate.
PARA SA MGA INDIVIDUAL END-USER, KAILANGANG IBIGAY ANG:
– BUONG PANGALAN
– PETSA NG KAPANGANAKAN
– KASARIAN
– OFFICIAL ADDRESS
– URI NG ID NA ISINUMITE
– ID NUMBER NA ISINUMITE
PARA NAMAN SA MGA JURIDICAL ENTITY-END USER:
– PANGALAN NG NEGOSYO
– BUSINESS ADDRESS
– BUONG PANGALAN NG AUTHORIZED SIGNATORY
KINAKAILANGAN NAMAN ANG MGA SUMUSUNOD PARA SA MGA FOREIGN NATIONAL END-USER:
– FULL NAME
– NATIONALITY
– DATE OF BIRTH
– PASSPORT
– ADDRESS SA PILIPINAS
– URI NG TRAVEL O ADMISSION DOCUMENT
– ID NUMBER O NUMBER NG DOKUMENTONG ISINUMITE
MAAARI NAMANG ISUMITE ANG ALINMAN SA MGA SUMUSUNOD NA DOKUMENTO:
• PASSPORT
• PHILIPPINE IDENTIFICATION
• SOCIAL SECURITY SERVICE ID
• GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM E-CARD
• DRIVER’S LICENSE
• NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION CLEARANCE
• POLICE CLEARANCE, FIREARMS’ LICENSE TO OWN AND POSSESS ID
• PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION ID
• INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES ID
• OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION ID
• BUREAU OF INTERNAL REVENUE ID
• VOTER’S ID
• SENIOR CITIZEN’S CARD
• UNIFIED MULTI-PURPOSE IDENTIFICATION CARD
• PERSON WITH DISABILITIES CARD
• OTHER GOVERNMENT-ISSUED ID WITH PHOTO.
SA MGA PARA SA JURIDICAL ENTITY-END USER NARITO NAMAN ANG MGA KAILANGANG ISUMITE:
• CERTIFICATE OF REGISTRATION
• KAILANGAN NAMAN NG “DULY-ADOPTED RESOLUTION DESIGNATING THE AUTHORIZED REPRESENTATIVE, AND IN THE CASE OF OTHER JURIDICAL ENTITIES, A SPECIAL POWER OF ATTORNEY.” KAPAG PARA SA KORPORASYON
SAMANTALA, IPAPANGALAN NAMAN SA MGA MAGULANG O GUARDIAN ANG SIM CARD NG MGA MENOR-DE-EDAD KABILANG ANG ID CARD AT CONSENT FORM.
PARA NAMAN SA MGA TOURIST – FOREIGN NATIONAL END-USER:
• PASSPORT
• PROOF OF ADRESS (HOTEL, AIRBNB BOOKINGS AT IBA PA)
• RETURN TICKET SA SARILING BANSA O IBA PANG TICKET NA MAGPAPAKITA NG PETSA AT ORAS NG DEPARTURE MULA PILIPINAS
PARA SA MGA FOREIGN NATIONAL END-USER NA MAY IBA PANG URI NG VISA:
• Passport
• proof of address
• Iba pang dokumento gaya ng alien employment permit mula sa Department of Labor and Employment, Alien Certificate of Registration Identification Card mula sa Bureau of Immigration o iba pang ID mula sa visa-issuing agency
• Para sa mga estudyante, kailangang i-presenta ang kanilang school registration form at ID
• Dokumento mula sa Department of Justice para sa Persons of Concern, travel o admission
Samantala, mayroon lamang 180 days o katumbas ng anim na buwan ang mga subscribers para makapagparehistro ng kanilang pre-paid at post-paid sim card upang hindi ito ma-deactivate sa susunod na taon.
Mapaparusahan naman ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong o multang 100,000 pesos hanggang 300,000 pesos o pareho ang sinumang magbebenta o maglilipat ng rehistradong sim nang hindi sumusunod sa mga inire-require sa pagpaparehistro. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
HOT STORIES OF THE WEEK
Mga magpapaputok ng fireworks at firecrackers sa ipinagbabawal na lugar, papatawan ng parusa ng PNP
Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang mga parusang ipapataw sa sinumang mahuhuling nagpapaputok sa mga lugar na hindi designated community firework display areas.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7183 ang mga indibidwal na magpapaputok sa mga lugar na hindi pinahintulutan.
Maaaring makulong ng hindi bababa sa anim na buwan at hindi lalagpas sa isang taon ang ipapataw sa mga mahaharap sa kasong ito.
Maliban dito, pagmumultahin din ang mga ito ng hindi bababa sa P20,000 at hindi lalagpas sa P30,000.
Posible ring magresulta sa kanselasyon ng pagri-release ng business permits ng Local Government Units (LGUs).
Obligadong mag-upload ng kanilang selfie ang mga magrerehistro ng kanilang sim card sa ilalim ng Sim Registration Law.
Ito ang ipinaalala ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo at ang mga telecommunications company kasabay ng pagsisimula bukas ng registration ng mga sim card.
Ayon kay Usec. Lamentillo bahagi ito ng verification process sa ID na ipakikita ng subscriber.
Kung wala sila aniyang selfie maaaring manloko lang o mandaya sa ID na gagamitin .
Sinabi naman ng Globe, Dito Telecommunity at Smart na agad magagamit ang sim card sa oras na wala namang maging problema sa registration process.
Babala ng DICT at telco ‘wag magsinungaling dahil may katapat na parusa alinsunod sa batas ang paglalagay ng maling impormasyon.
Pinag-iingat ng National Telecommunications Commissions (NTC) ang publiko laban sa mga text message na ginagamit ang Sim Registration Law para makapanghingi ng mga personal information.
Ito’y matapos kumpirmahin ni NTC Deputy Commissioner Ella Lopez na kanila nang inatasan ang telecommunications company para i-block ang mga cellphone number o sim card na ginagamit para makapang-scam.
Sinabi ni Lopez na magtungo lamang sa official website at mga social media page ng mga telco para malaman ang proseso at ‘wag maniwala sa text messages na kumakalat na numero lamang ang nakikita.
Inaalam na rin ng NTC kung sino-sino ang mga nagpapadala ng mga text scam at nananamantala sa Sim Registration Law.
Bukas, December 27 ay simula na ang registration at ang mga bagong sim card na bibilhin ay awtomatikong deactivated na at kailangan muna i-register bago magamit.
Tumambad ang maraming basura na nagkalat sa Rizal Park o Luneta, isang araw matapos ang pasko.
Ayon sa Ecowaste Coalition, maaari pang i-recycle ang ilang mga nagamit sa pasko tulad ng mga gift wrapper at Christmas cards.
Anila, pwedeng gawing cover ng libro at notebook, DIY paper crafts ang mga gift wrappers.
Maaari namang gamiting bookmarks ang mga christmas cards.
Samantala, hinikayat ng Ecowaste Coalition ang mamamayan na maging creative o malikhain upang mapakinabangan ang mga ginamit ngayong holiday season.
Nagtataka ang ilang sugar producers sa rekomendasyong mag-angkat ng karagdagang 64,000 metric tons ng asukal ngayong “full swing” na ang milling season.
Binigyang-diin ni National Federation of Sugar Workers (NSFW) Secretary General John Milton “Butch” Lozande na sa Marso o Abril dapat mag-angkat o panahon kung saan malalaman ang eksaktong dami ng produksyon.
Ayon kay Lozande, nagkaroon na ng dalawang bugso ng importasyon ngayong taon bukod pa sa halos 3.8-M metric tons na local production na dapat ay sapat para sa mahigit 2-M metric tons ng consumption kada taon.
Ipinunto naman ng Department of Agriculture na mataas ang presyo ng asukal, kulang ang supply at para mapababa ito ay importasyon ang sagot ng gobyerno.
Gayunman, nagtataka si Lozande at hinihinala nilang mayroong manipulasyon sa supply at presyo ng asukal dahil nagmura na ito noong Oktubre subalit tumaas muli noong Nobyembre hanggang pagpasok nitong Disyembre.
Para anya sa kanilang mga producer ay dapat nagsisimula nang bumaba ang presyo lalo’t nagpapatuloy ang gilingan na pasok sa peak season ng milling ngayong buwan hanggang Pebrero.
Iginiit ng NSFW na kung tutuusin ay wala pang dapat ikabahala pagdating sa supply dahil lahat ng mills sa buong bansa ay operational.
Samantala, iminungkahi ni Lozande na para maibsan ang epekto ng mataas na inflation ay pansamantalang tanggalin ang VAT sa basic goods, gaya ng asukal at magtakda ng price cap sa halip na mag-angkat na naman.
Pinayagan na ng MMDA na magbalik normal na ang oras ng operasyon ng mga mall sa Metro Manila.
Maaari nang simulan ngayong araw alas-9:00 ng umaga ang operasyon ng mga mall kumpara sa dating alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.
Ito, ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, ay upang mabigyan ng mas maraming panahon ang publiko na makapag-last-minute Christmas shopping.
Una nang itinakda simula November 14 hanggang January 6, 2023 ang 11:00AM hanggang 11:00PM schedule upang maiwasan ang rush hour.
Gayunman, batay sa bagong memorandum circular, inihayag ni Artes na hindi naramdaman ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong Christmas season dahil sa inilatag na “pre-emptive measures” sa kabila ng kaliwa’t kanang pagtitipon at aktibidad.
Noon lamang isang linggo inamin ng ahensya na ang mabigat na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila ay dulot ng Christmas rush na naging kalbaryo naman para sa mga commuter dahil sa pahirapang pagsakay sa mga public transportation, tulad sa mga taxi.
Binuksan na kahapon sa Pasig City ang isa sa pinaka-malaking dialysis centers sa bansa.
Ang bagong “Mega Dialysis Center” sa Barangay San Miguel ay mayroong total floor area na 1,390 square meters at 79 na dialysis machines.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, libreng makapagpapagamot ang mga Pasigueño sa nasabing pasilidad na itinayo sa tulong ng pribadong sektor.
Kabilang anya sa maaaring i-avail na treatment ng mga taga-Pasig na mayroong Renal Failure at nangangailangan ng Renal Replacement therapy ay Kidney Transplantation, Peritoneal Dialysis at Hemodialysis.
Sa pamamagitan ito ng “No-Balance Billing Scheme” nangangahulugang libre ang serbisyo, partikular sa mga taga-Pasig.
Karamihan ng medical services ay sasagutin ng PhilHealth, pero sakaling maging limitado ang partisipasyon ng PhilHealth ay mismong Pasig Local Government na ang sasalo sa gastos ng pasyente.
Seguridad sa ilang lugar sa bansa, pinaigting ng PNP bago ang anibersaryo ng CPP
Pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng seguridad ng ilang lugar sa bansa, ilang araw bago ang anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26.
Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, wala silang namomonitor na banta na maaaring makagulo sa pagdiriwang ng Pasko.
Katuwang ng PNP sa programa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala ring natatanggap na posibleng problema kasunod ng pagpanaw ni Jose Maria ‘Joma’ Sison, founder ng CPP.
Sa ngayon, nagdagdag na ng mobile forces ang PNP sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga Pilipino.
Inabisuhan ng Department of Health o DOH ang mga pribadong sektor at Local Government Units o LGUs na huwag bumili ng sariling bivalent vaccines.
Sinabi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kasabay ng plano ng kagawaran na bumili ng mga bagong generation na bakuna na magiging available sa bansa pagsapit ng unang kwarter ng 2023.
Ayon kay Vergeire, hanggang ngayon ay wala pang Emergency Use Authority (EUA) ang bivalent vaccines.
Dahil dito, kapangyarihan ng national government na bumili ng bakuna at ipamahagi sa pribadong sektor at lokal na pamahalaan.
Mahalaga rin ang rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council para matukoy kung sino ang tatanggap ng bivalent vaccines.
Kahapon, nakatakdang makipagpulong ang DOH sa bivalent vaccine manufacturer para pag-usapan ang proseso ng pagbili.
