Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

RAP - COMELEC

Palalawigin ng Commission on Election (COMELEC) ang information campaign sa Register Anywhere Project (RAP).

Layunin nitong mahikayat ang publiko na magparehistro para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito, ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ay dahil mababa ang turn-out ng registrants sa RAP hubs sa Metro Manila, Tacloban City sa Leyte at Legazpi City sa Albay kaya’t i-e-extend ang registration.

Nakapagtala naman ng pinakamataas na bilang sa SM Fairview na may 190 registrants; Robinsons Galleria, 133 at Robinsons Place Manila, 118.

Magtatapos ang pilot test ng register anywhere hanggang Enero 22, 2023. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5), sa panulat ni Jenn Patrolla

December 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
sunog muntinlupa

Nagtataka ang Bureau of Fire Protection – National Capital Region kung bakit mabilis ang pagkamatay at marami ang nasawi sa sunog sa Barangay Putatan, Muntinlupa noong linggo ng umaga.

Sampung magkakamag-anak ang patay, kabilang ang isang bata nang hindi makalabas ang mga ito sa kanilang nasunog na bahay sa Larva Street, Bruger Subdivision kahit naganap ito dakong alas-9.

Ayon sa BFP-NCR Public Information Office, umabot lamang sa first alarm ang sunog at tuluyang naapula dakong alas-10:20 palaisipan din para kay City Fire Marshall Fire Supt. Eugene Briones kung bakit walang nakapansin sa sunog gayong umaga ito naganap at maraming tao ang nasa loob ng bahay.

Pero dahil sa batay sa naunang imbestigasyon ay nagsimbang gabi ang mga biktima, maaari anyang pagod at nagpapahinga ang mga ito nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

Malaki rin umano ang maitutulong ng recording ng CCTV Camera sa loob ng bahay sa gagawing imbestigasyon kahit nasunog na ang naturang aparato.

Ito’y dahil buo pa naman ang hard drive na pino-proseso na ng I.T. Experts ng BFP.

December 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OIL PRICE HIKE GASOLINE

Epektibo na ngayong araw, ang Bigtime Oil Price Hike ng ilang kumpaniya ng langis.

Pasado alas 12:01 kaninang madaling araw, inilarga na ng kumpaniyang Caltex ang P2.90 centavos na taas-singil sa presyo ng kada litro ng Diesel; P.70 centavos ang magiging dagdag-singil sa kada litro ng gasolina; habang P1.65 centavos naman sa kada litro ng Kerosene.

Nagpatupad naman ng kaparehong presyo kaninang alas-6 ng umaga ang mga kumpaniyang Petron, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines, JETTI Petroleum, Petro Gazz, PTT Philippines, at Seaoil.

Habang mamayang alas-4:00 ng hapon, ipatutupad din ng Cleanfuel ang kaparehong presyo.

Nabatid na ito na ang unang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo ngayong buwan ng Disyembre, matapos ang walong magkakasunod na linggong tapyas-singil sa kada litro ng langis sa bansa.

Ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagluluwag ng China na posibleng magtulak para muling magtaas ang demand ng langis sa pandaigdigang merkado.

December 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CLARITA CARLOS

Walang nang pag-asang buhayin pa ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP NPA NDF.

Sa kabila ito, ayon kay National Security Adviser Clarita Carlos nang pagkamatay ni CPP Founder Jose Maria Sison.

Sinabi sa DWIZ ni Carlos na tinuldukan na ng gobyerno ang anumang usapang pangkapayaan at ang gagawin na lamang ay tugisin hanggang sa huli ang mga miyembro ng komunistang grupo.

December 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHOLERA

Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pa ring naitalang cholera outbreak sa bansa.

Kasunod na rin ito nang pagtaas ng halos 300% ng kaso ng cholera ngayong taon.

Sinabi ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na manageable pa rin ang kaso ng nito bukod sa tuluy tuloy ang ugnayan nila ng mga ospital para tutukan at gamutin ang mga pasyenteng may cholera.

Tiniyak ni Vergeire ang patuloy nilang pagkilos para maayos ang sistema at pagaanin ang epekto ng natural calamities sa kalusugan ng publiko.

December 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CPP NPA 2

Umaasa ang isang Senador na magdudulot ng kapayapaan at kaunlaran ang pagpanaw ng founding chairperson ng Communist Party of the Philippine o CPP na si Jose Maria Sison.
Si Sison ay binawian ng buhay kahapon matapos ang dalawang linggong pagkaratay sa ospital.
Sa panayam ng DWIZ kay Senator Francis Tolentino, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at Committe on Justice and Human Rights, sinabi nito na umaasa siyang mauunawaan ng susunod na lider ng CPP ang nais ng mga Pilipino.
Ito ay ang kapayapaan at pagkakasundo na malaking tulong upang hindi na magkaroon ng karahasan sa bansa sa pagitan ng mga komunista.

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bsp

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na sapat ang suplay ng bagong salaping pera at barya sa bansa.

Sa gitna ito ng inaasahang pagtaas ng demand sa bagong pera bilang aguinaldo at regalo ngayong Holiday season.

Ayon sa BSP, batay sa kanilang datos mula Oktubre 2019 hanggang Disyembre 2021, ang pagtaas sa demand ng pera ay magsisimula sa Oktubre at magpapatuloy hanggang Disyembre ng bawat taon.

Kabilang sa mga salaping in-demand sa publiko ay ang 1000 peso bill, 100 pesos, 50 pesos, at 20 pesos.

Inabisuhan naman ng BSP ang publiko na ipapalit ang kanilang lumang salapi at mga barya sa bangko, upang makakuha ng bago ng walang karagdagang bayad.

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BBM SA NFA

Nagsagawa ng surprise inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang warehouse ng National Food Authority o NFA sa Valenzuela City.

Ayon kay PBBM, ginawa niya ito upang matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng bigas sa mga ‘Kadiwa ng Pasko’ sites na maaaring mabili sa halagang P25 kada kilo.

Sinabi ng punong ehekutibo na sapat ang rice supply sa nasabing warehouse kahit nagbawas na ng importasyon ang gobyerno habang pinaprayoridad ang pagbili nito sa mga lokal na magsasaka.

Bago ang surprise inspection, pinangunahan ni PBBM ang paglulunsad ng ‘Kadiwa ng Pasko’ sa lungsod kaya’t pumalo na sa mahigit 350 ang Kadiwa sites sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala, tiniyak naman ng Pangulong Marcos na gumagawa na ng paraan ang administrasyon kung paano iha-handle ang mga puslit na sibuyas at kung paano ito dadalhin sa merkado.

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
joma-sison

Inanunsiyo ng Communist Party of the Philippines (CPP) na pumanaw na ang kanilang founding chairperson na si Jose Maria Sison sa edad na 83 taong gulang.

Ayon kay CPP spokesman Marco Valbuena, binawian ng buhay si Sison matapos ang dalawang linggong pagkakaratay sa ospital.

Binuo ni Sison ang CPP noong December 26, 1968 hanggang sa mag-exile ito sa Netherlands noong 1980s.

Samantala, hindi naman binanggit ng tagapagsalita ng CPP ang dahilan ng pagkamatay ni Sison.

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pbbm 1213568

Binuksan na sa publiko ang Malacañang Palace para sa Simbang Gabi.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos itong dumalo sa Christmas party ng mga empleyado ng Office of the President (OP) sa parking area ng Mabini Hall.

Ayon sa Punong Ehekutibo, mayroong misa tuwing alas-4:30 ng umaga sa harap ng Mabini Hall kung saan pinapayagan din ang mga deboto na dumaan sa Gate 6 sa bungad ng Kalayaan Hall.

Matatandaang matapos ang Christmas tree lighting event sa Malacañang, pinangunahan din ng Presidente kamakailan ang gift-giving event at Christmas celebration sa harap pa rin ng Palasyo.

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest