Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

BIGAS

Aabot sa tatlong milyong metriko toneladang bigas ang kailangang angkatin ng Pilipinas sa susunod na taon.

Sa gitna ito ng nararanasang shortage sa bigas dulot ng mababang antas ng produksyon at mataas na pagkonsumo ng pagkain.

Batay sa pagtataya ng Federation of Free Farmers (FFF), magiging negatibo ang stock ng bigas sa ikatlong quarter ng susunod na taon sa 427,000 tonelada.

Sakaling tumaas ang produksyon ng bigas, aabot lamang ito ng 321,000 tonelada na mabuti para sa siyam na araw lamang.

Matatandaang una rito, sinabi ng United States Department of Agriculture na inaasahan nilang mag-aangkat ng mas maraming bigas ang Pilipinas hanggang kalagitnaan ng 2023, sa gitna ng mataas na halaga ng mga pataba at pananalasa ng Super Typhoon Karding sa Luzon noong huling bahagi ng Setyembre.

December 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KADIWA STORE DTI

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga Pilipino na bumili ng lokal na produkto ngayong Pasko bilang suporta sa lokal na mga negosyo at produksyon sa bansa.

Sa inilabas na pahayag kahapon ni Trade Secretary Alfredo Pascual, nagbigay ito ng limang tips para sa mga mamimili ngayong Holiday season.

Kabilang dito ang pagbisita sa Kadiwa ng Pasko trade fairs, na naglalayong magbigay ng abot-kayang produktong agrikultura tulad ng bigas, asukal, gulay, prutas at sariwang karne, isda at iba pang produktong seafood, kape, processed milk, instant noodles, condiments, lokal na bag at kasuotan sa paa.

Sa pamamagitan aniya nito ay hindi lang makakamura ang mga Pilipino, kundi makatutulong din sa mga maliliit na mangingisda, magsasaka at negosyo.

December 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DENGUEE

Tumaas ng 190% ang kaso ng dengue sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) mula January 1 hanggang November 12 ngayong taon, sumampa sa 201,509 ang kaso ng dengue sa Pilipinas.

Doble-doble ang itinaas nito mula sa 69,505 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang Central Luzon ang nanguna sa nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng dengue na may higit 40,000, sinundan ng National Capital Region na may higit 23,000 at Calabarzon na may higit 17,000.

Samantala, sa datos pa ng DOH’s Epidemiology Bureau ay pumalo na sa 656 ang nasawi sa dengue.

December 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
FRANCIS ZAMORA

Posibleng ideklarang ‘drug free’ sa Enero sa susunod na taon ang San Juan City.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, batay sa huling datos ay umabot na sa 21 barangay sa lungsod ang deklaradong drug-free.

Tatlo naman ang provisionally drug-cleared kung saan magpapasa pa ang mga ito ng dokumento at sertipikasyon sa susunod na taon.

Samantala, muli namang nagpahayag ng suporta si Zamora sa programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA program ng pamahalaan.

December 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MAHARLIKA WEALTH FUND

Posibleng sa kalagitnaan pa ng Pebrero sa susunod na taon simulan ng Senado ang deliberasyon sa panukalang magtatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasabay ng paggiit nito na hihintayin muna nila ang pinal na bersyon ng panukala mula sa House of Representatives.

Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Zubiri na ang lahat ng mga panukalang batas na ipinasa ng Mababang Kapulungan ay maaari lamang ilipat o i-refer sa Senado sa January 3.

Pagkatapos nito, ang panukalang batas na inaprubahan ng Kamara ay dadaan sa una  ng pagbasa pagkatapos ay ire-refer sa hindi bababa sa apat na komite.

Samantala, binigyang-diin naman ni Zubiri na ang bilis ng pagpasa ng MIF bill ay depende sa kung paano tutugon si Senator Mark Villar sa mga deliberasyon sa panukala.

December 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PNP

Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin Jr. sa mga pulis na masasangkot sa pagpapaputok ng baril ngayong nalalapit ang Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Azurin, mawawalan ng pribilehiyo ang sinumang miyembro ng kapulisan na masasangkot sa naturang gawain.

Maliban dito, matatanggal din sila sa serbisyo na nangangahulugang mawawala rin ang kanilang mga benepisyo.

Aniya, kung may madamay man sa kanilang walang habas na pagpapaputok ng baril ay tiyak na pananagutin sa batas.

Una nang sinabi ng PNP Chief na hindi nila ipatutupad ang paglalagay ng selyo o busal sa mga baril.

Tiwala naman umano si Azurin na hindi aabusuhin ng mga pulis ang paggamit ng kanilang mga armas ngayong Holiday season.

December 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MAHARLIKA WEALTH FUND

Pinasesertipikahang urgent ni House Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpapasa ng kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund bill.

Ayon kay Romualdez, kung siya ang tatanungin ay mas mabuting sertipikahan agad na urgent ang panukala para matalakay ang pagkakaroon ng sovereign wealth na dumaan sa House of Representatives.

Sinabi naman nito na halos mayorya na ng mga mambabatas ng Kamara ang nagpahayag ng suporta sa panukalang batas.

Matatandaang sa ilalim ng Maharlika Investment Fund bill, mangangalap ng 275 billion pesos mula sa government pension funds at banks na ipapakontrol sa mga eksperto galing sa ibang bansa, para palaguin sa pamamagitan ng investment sa ibang negosyo, bangko, pondo sa ibang kapuluan, features markets at iba pa.

December 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MAHARLIKA WEALTH FUND

Suportado ng ilang kongresista ang panukalang MIF o Maharlika Investment Fund.

Naniniwala ang mga kongresista na malaki ang maitutulong ng MIF para madagdagan ang kita ng gobyerno na magagamit sa serbisyo publiko.

Sinabi ni House Deputy speaker Aurelio Dong Gonzales, Jr. na suportado niya ang nasabing panukala ni House Speaker Martin Romualdez para kumita ng mas malaki ang mga nakatabing pondo.

Ayon naman kay San Jose Del Monte City Representative Florida “Rida” Robes, walang dapat ikatakot sa nasabing pondo dahil may iniligay na safeguards upang masigurong hindi ito maaabuso at magagamit sa korupsyon.

Inihayag din ni Quezon Representative Mark Enverga na kailangan ng bansa ang MIF para mapondohan ang pangangailangan ng bansa.

Kapwa suportado rin nina congressmen Eleandro Jesus Madrona at Marvin Rillo ang MIF dahil maraming magagandang bagay anila ang makukuha ng Pilipinas sa Sovereign Wealth Fund na ginagamit sa halos 50 bansa.

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIMCARD

Hindi papayagan na magparehistro ng sariling sim card ang mga menor-de-edad sa bansa.

Ito’y matapos maglabas ang National Telecommunications Commission ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Sim card Registration Law.

Ayon kay NTC consultant Edgardo Cabarios, dapat ipangalan sa magulang ang mga sim card na pagmamay-ari ng menor at kailangang may written consent.

Pinapayagan din ang mga guardian na mag-rehistro para sa mga minor.

Simula Disyembre 27 ay ipatutupad na ang Sim card Registration Law at kailangan nang irehistro ang sim card upang maiwasang ma-deactivate sa susunod na taon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SIBUYAS 1

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na hindi dapat i-konsumo ang mga nasabat na puslit na sibuyas matapos makitaan ng bacteria.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, nakitaan ang mga sibuyas ng bakas ng kemikal, pesticides at e.coli bacteria na maaaring magdulot ng mga sakit, gaya ng pneumonia at diarrhea.

Hindi rin anya pumasa ang mga nasabing produkto sa phytosanitary test.

Ibebenta sana ang mga tone-toneladang sibuyas na nasabat sa divisoria, Maynila sa Kadiwa centers ng DA pero hindi itinuloy ng kagawaran matapos bumagsak sa nasabing pagsusuri. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest