Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

COMELEC

Muling nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na walang registration tuwing araw ng Linggo at Holiday.

Ayon sa COMELEC, kabilang sa mga deklaradong Holiday ang December 24 at 31 pero mayroon namang off-site mall registrations tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado.

Hinikayat naman ng poll body ang publiko na samantalahin ang pagpaparehistro sa mga regular na araw.

Maaari namang makipag-ugnayan sa lokal na pamahaalan para sa mga may katanungan. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KARLO NOGRALES

Pinatitiyak ng Civil Service Commission (CSC) sa mga tanggapan ng pamahalaan ang tuloy-tuloy na serbisyo ng mga ito lalo’t kaliwa’t kanan ang mga party ngayong holiday season.

Binigyang diin ni CSC Chairperson Karlo Nograles na dapat iprayoridad ang trabaho partikular ang mga kliyente, bago ang mga party.

Nilinaw naman nito na hindi ipinagbabawal ang pagdaraos ng mga party na bahagi na aniya ng mga tradisyon sa opisina.

Kaugnay nito, hinimok ni Nograles ang mga tanggapan ng pamahalaan na magpatupad ng naaayon na working schedules tulad ng skeletal force upang ma-accomodate ang kanilang mga kliyente.

December 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
petrolyo1

Kasado na bukas ang ipatutupad na malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng Cleanfuel, Petro Gazz, Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp., P1.70 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina;

P3.40 naman ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel habang P4.40 naman sa kerosene.

Epektibo ang nasabing oil price adjustment ng mga kumpanya ng langis simula alas-6:00 ng umaga bukas, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng alas-8:01 ng umaga.

December 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LAUDIANGCO

Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na aabot sa 1 milyon hanggang 1.5 milyon ang maitatalang bagong botante matapos muling buksan ngayong araw ang voter registration na tatagal hanggang sa January 31, 2023.

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, isasagawa ang voter registration araw-araw maliban kung Linggo, mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.

Para sa mas mabilis na transaksyon, hinimok nito ang mga registrant na i-download at sagutan na ang registration forms na matatagpuan sa COMELEC website.

Sinabi pa ni Laudiangco na nais ng poll body na matapos nang maaga ang voter registration bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 2023.

December 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KADIWA NG PASKO PROGRAM 2022

Humihiling ang mga magsasakang nagbebenta ng kanilang produkto na palawigin pa ang Kadiwa ng Pasko ng Department of Agriculture (DA) sa Disyembre 31.

Nababahala ang fish vendor na si Lina Calicdan kung sakaling hindi ma-extend ang programa ay maaari silang mawalan ng kabuhayan. Ayon pa sa kanya, sa tulong ng kadiwa ay tinutustusan aniya ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ayon naman sa magsasakang si Ursula Dennis, mas naging mabenta ang kanilang ani dahil sa nasabing programa.

Sinabi naman ng mamimiling si Maggie Rey na mas gusto niyang bumili ng mga produkto sa mga tindahan ng kadiwa dahil sa mas mababang presyo ng mga ito kumpara sa mga ibinebenta sa mga pamilihan.

Matatandaang, tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang programang Kadiwa ng Pasko kahit na matapos ang Pasko at nangako rin ang Pangulo na bubuhayin niya ang Kadiwa program ng kanyang ama para palakasin ang sektor ng agrikultura sa bansa. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DOJ

Lumalabas sa datos ng Department of Justice (DOJ) na patuloy ang pagtaas ng kaso ng Online Sexual Exploitation ng mga kabataan sa bansa.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, noong 2017, umakyat na sa 4,872 ang bilang ng IP Addresses na may kaugnayan sa Child Sexual Exploitation sa bansa na mula lamang sa dating 2,326 noong 2014.

Makikita naman aniya sa Global Law Enforcement Case Data, na kung ikukumpara sa ibang mga bansa, mas mataas ng walong beses ang mga natatanggap na referral ng Pilipinas hinggil sa mga kasong may kaugnayan dito.

Sinabi pa ng DOJ Official, na makikita rin sa datos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), na nagkaroon ng 130% increase ang Suspicious Transaction Reports (STRs) ng bansa na posibleng ilan dito ang may kinalaman sa Online Sexual Abuse o Exploitation of Children mula 2019 hanggang 2020.

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COMELEC

Marami pang mga lugar ang idinagdag ng Commission on Elections (COMELEC) para sa pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP).

Ayon sa COMELEC, kabilang sa mga naidagdag na mga area para sa RAP pilot testing ang Robinson’s Mall sa Barangay Baras Baras, Tacloban City; SM City Legazpi, Imelda Roces Avenue, Zone 9, Barangay 37 Bitano, Legazpi City, Albay; at sa isa pang kilalang mall sa Naga City, Camarines Sur.

Una nang inanunsyo ng poll body, na ilulunsad din ang proyektong ito sa limang mall sa Metro Manila na kinabibilangan ng SM Mall of Asia sa Pasay City, SM Fairview sa Quezon City, SM Southmall sa Las Piñas City at sa dalawa pang kilalang mall sa  Maynila at lunsod ng Quezon.

Ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, na isasagawa ang RAP pilot testing tuwing Sabado at Linggo, simula December 17 hanggang January 22, 2023.

Pansamantala namang ipatitigil ang registration sa mga petsang December 24, 25, 31, 2022 at January 1, 2023.

Sinabi pa ni Laudiangco, na ikakasa din ang RAP project sa mga government sites gaya ng Senate of the Philippines sa Pasay City sa January 25, 2023, habang inaantabayanan naman ang eksaktong araw para sa pag-arangkada nito sa House of Representatives sa Quezon City at Government Service Insurance System (GSIS) Main Office sa lunsod ng Pasay.

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Sofia Frank

Nagkamit ng gintong medalya sa Asian Open Figure Skating championship ang Filipina skater na si Sofia Frank.
Ginanap ito sa Jakarta, Indonesia noong December 7 hanggang 9.
Nahigitan ni Frank ang walo nitong kalaban matapos makapagtala ng kabuuang 143.97 points para sa short program at free skate segment sa senior women category.
Si Joanna So naman ng Hong Kong ang nagkamit ng ikalawang panalo habang si Ting Tzu-Han ng Chinese Taipei ang nasa ikatlong pwesto.
Ang kapwa Philippine Skater ni Frank na si Skye Chua ay nagtapos sa ikapitong pwesto ng kompetisyon.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BAGYONG ROSAL 2022 LPA

Ganap ng bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa.

Tinawag itong bagyong rosal na panglabing-walong sama ng panahon na pumasok sa Pilipinas.

Kaninang alas-8 ng umaga pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility, na huling namataan sa layong 110 kilometers Hilaga Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes o 315 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour na kumikilos sa pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Dahil sa bagyo, nakataas na ang signal number 1 sa tatlong lugar sa bansa kabilang ang; Catanduanes, Eastern portion ng Camarines Sur at Eastern portion ng Albay.

Dahil dito, asahan na ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa mga nasabing lugar.

Sa susunod na 12 oras, inaasahang babagal ang bagyong Rosal bago magtungo sa pahilaga Hilagang-Kanluran, at lumakas bilang tropical storm sa susunod na 24 oras.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SHABU MARIJUANA SA PASAY CITY NASABAT NG BOC BY RAOUL

Nagkakahalaga ng P17-M shabu at libo-libong pisong halaga ng vape cartridge na naglalaman ng likidong marijuana, ang nasabat ng awtoridad sa anim na abandonadong parcel sa Pasay City.
Isinagawa ang operasyon kahapon ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
Patungo sanang New Zealand ang mga kargamento nang ito ay maharang na nakadeklara bilang “kix shield thick foam” at “kix shield for taekwondo,”.
Ang shabu ay may timbang na 828.8 gramo na nagkakahalaga ng 5.6 million pesos.
Kabuuan namang 44 na cartridge na naglalaman ng langis ng cannabis ang natagpuan sa tatlong pakete mula sa USA.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PDEA ang mga ilegal na droga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga taong sangkot dito.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest