Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

20171214-dengvaxia-senate-hearing-gc-004-2

Muling nanawagan ng hustisya sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng mga batang namatay matapos umanong maturukan ng Dengvaxia.

Ayon sa “Samahan ng mga Magulang Anak ay Biktima ng Dengvaxia”, dapat mag-inhibit sa kaso ang panel of state prosecutors at si Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres.

Si Andres ay dating abogado ni ex-Health Secretary at ngayo’y Iloilo Congresswoman Janette Garin na isa sa mga respondents sa Dengvaxia cases.

Naniniwala naman ang grupo na si Justice Sec. Boying Remulla ay isang makatarungang tao kaya ito itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang DOJ Chief.

Kumpiyansa rin ang mga magulang ng mga nasawing bata sa katapatan ni Remulla sa hustisya kaya’t naniniwala silang diringgin nito ang kanilang panawagan.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PNP-SAF

Nagbukas ng limang kurso ang Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) upang lalo pang mahasa ang kakayahan ng mga operatiba.

Pinangunahan ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang pagbubukas ng mga bagong SAF training courses sa isang simpleng seremonya sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Kabilang sa mga kursong binuksan ay ang Special Action Force Commando Course, SAF Basic Airborne Course, Basic Mechanized Operation Course, SAF Sniper Course, Intelligence Basic Course, at Parachute Packing Course.

Samantala, nangako si Azurin na mas pahuhusayin pa ng PNP ang operational capability ng SAF upang magampanan nila nang buong puso ang kanilang tungkulin sa publiko at ilalaan ang kanilang mga sarili na maging epektibong miyembro ng pambansang pulisya.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BBM ECONOMIC MANAGERS

Nagpahayag ng suporta ang economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatatag ng Maharlika Wealth Fund (MWF).

Sa isang joint statement, binanggit nina Finance Secretary Benjamin Diokno, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla na mahalaga ang MWF upang makamit ang ‘Agenda for Prosperity’ ng administrasyon at ang target na pagbawi ng ekonomiya.

Anila, subok na ang sovereign wealth fund bilang investment vehicle ng mga mauunlad na bansa.

Inihalimbawa rin ng mga economic manager ang Indonesia na ginamit ang sovereign fund para pondohan ang mga malalaking proyektong imprastraktura kahit pa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
marawi military tank

Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang road projects na bahagi ng rebuilding program ng pamahalaan sa Marawi City.

Sa report ni Senior Undersecretary Emil Sadain kay Secretary Manuel Bonoan, binanggit na suportado ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang apat na contract packages para sa Marawi Transcentral Road Phase 3 sa ilalim ng Road Network Development Project in Conflict Affected Areas in Mindanao o RNDP-CAAM na may haba na 18 kilometro.

Sinabi ni Sadain na regular din silang nagsasagawa ng on-site inspection activities sa Marawi upang matapos na ang mga proyekto at tuluyang maibangon ang lungsod.

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GOOGLE SEARCHED

Dinomina ng may 9 national elections ang Google matapos manguna sa top searched topic ng mga pilipino ang ”halalan 2022.”

Pumangalawa naman sa top 10 trending searches sa bansa ang “vaxcertph” habang pangatlo ang  “precinct finder.”

Sumunod namang nakapasok sa nasabing listahan ang ”Wordle,” ”all of us are dead,” ”warriors vs Celtics,” ”Ukraine,” ”Encanto,” ”Axie Infinity,” at ”Jeffrey Dahmer.”

Samantala, namayagpag naman ang dating University of the Philippines Basketball Player na si Ricci Rivero sa most searched male personality sa Google habang ang American actress na si Amber Heard ang most searched female personality.

December 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BONGBONG

Ikinalugod ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naitalang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o jobless.

Ito ang naging reaksiyon ng Punong Ehekutibo matapos i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 2.24 milyong Pinoy na lamang ang walang trabaho noong Oktubre 2022.

Mas mababa ito kumpara sa 2.50 milyon na naitala noong Setyembre ng kasalukuyang taon.

Ibig sabihin, nasa 4.5% na lamang ng populasyon ng Pilipinas ang walang trabaho sa nasabing panahon na siyang pinakamababang unemployment rate na naitala simula ng pre-pandemic noong Oktubre 2019.

Ayon kay PBBM, prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagpaparami ng trabaho at pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

December 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BARMM EDUC SUMMIT

Isinagawa ng mga ministro, local educational institutions at educators sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kauna-unahang BARMM Education Summit sa Davao City.

Layunin nitong talakayin ang mga paraan upang magamit ang edukasyon bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

Pinasinayaan naman ito ni Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) Chief Mohager Iqbal at ng iba pang ministro.

Sa kanya namang video message, umaasa si BARMM Chief Ahod Ebrahimna ang unang Education Summit ay magiging isang mahalagang paraan upang bumuo at muling itaguyod ang bansa. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HOUSE PANEL - TWG

Sinimulan na ng House Technical Working Group (TWG), Committees on Government Reorganization at Public Works and Highways ang pagtalakay sa 35 panukalang magtatatag sa Department of Water Resources at Water Regulatory Commission.

Pinangunahan ito nina Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo at TWG Chairman, Albay 2nd District Rep. Joey Salceda.

Layunin ng mga panukala na magkaroon nalang ng isang departamento na mangangasiwa sa paggamit ng tubig sa bansa at tugunan ang nagbabadyang kakulangan ng tubig.

Iginiit ni Salceda na panahon na upang itatag ang ahensyang tututok sa pamamahala sa tubig lalo’t nakararanas ang bansa ng madalas na tagtuyot at baha.

Ipinunto naman ni Arroyo sa hiwalay nitong House Bill 482 ang responsibilidad ng gobyerno na tiyaking ligtas, accessible at abot-kaya ang inuming-tubig gayundin ang maayos na sanitation at irrigation service. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
5.3

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island, Camarines Norte ngayong araw.

Batay sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ito dakong ala-1:05 ng hapon na may  lalim na isang kilometro.

Naitala ang episentro nito 19 kilometro hilagang-silangan ng Tinaga Island.

Dahil sa lindol, naramdaman ang Intensity 5 sa Mercedes at Jose Panganiban sa Camarines Norte; Intensity 4 sa Daet, Camarines Norte; at Guinayangan, Polillo, Quezon.

Intensity 3 sa Ragay, Pili, Iriga City sa Camarines Sur; Mauban, Lopez, Mulanay, Alabat, Gumaca sa Quezon; Intensity 2 sa Tabaco sa Albay; Dingalan sa Aurora; Batangas City sa Batangas; Calumpit, Plaridel, Pulilan, Marilao, at San Ildefonso sa Bulacan; Sagnay sa Camarines Sur; Carmona sa Cavite; Marikina City, Pasig City sa Metro Manila; Gapan City sa Nueva Ecija; Pinamalayan sa Oriental Mindoro; Guagua sa Pampanga; Infanta sa Pangasinan; Dolores, Infanta, at Calauag sa Quezon; at Taytay, Tanay sa Rizal.

Samantala, intensity 1 naman sa Legazpi City sa Albay; Bulakan, Santa Maria, Guiguinto, Obando, Malolos City, Pandi, Dona Remedios Trinidad sa Bulacan; Tagaytay City, Ternate sa Cavite; Candon sa Ilocos Sur; Calamba, Los Banos sa Laguna; Malabon City, Pasay, Quezon City, Muntinlupa City, San Juan City sa Metro Manila; Mapanas sa Northern Samar; San Antonio, Gabaldon, Cabanatuan City sa Nueva Ecija; Calapan City sa Oriental Mindoro; Tayabas, Lucena City, sa Quezon; at Angono, Morong, Antipolo, Cainta sa Rizal.

Sa ngayon, babala ng PHIVOLCS na mag-ingat lalo’t inaasahan ang aftershocks.

December 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
funshoot

Naging matagumpay ang 1st Jonnel C. Estomo Invitational Media Fun Shoot na ginanap sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon, Disyembre 6.

Itinanghal na kampeon sa putukan ang batikang mamamahayag at senior reporter ng DWIZ 882 na si Raoul Esperas.

Pumangalawa naman sa kompetisyon ang isang miyembro ng NCRPO Press Association at pangatlo ang isang photographer ng Remate.

Dinagsa ng mga shooters at gun enthusiasts ang event sa Firing Range ng kampo.

Tinatayang halos isang daang partisipante ang lumahok sa media fun shoot, kasama ang ilang DWIZ reporters at newswriters.

Nagpasalamat naman si NCRPO Acting Director PBGen. Jonnel Estomo sa mga nagbigay tulong upang maging matagumpay ang funshoot.

Bago ito ay nagkaroon muna ng seminar ukol sa personal security ng mga media practitioners at firearms markmanship training.

Ayon naman kay NCRPO Spokesperson PLt. Dexter Versola, ang seminar at training ay makatutulong sa mga miyembro ng media na maprotektahan ang kanilang mga sarili habang ginagampanan ang trabaho ng mga ito.

Bukod kina Versola at Estomo, dumalo rin sa dalawang araw na aktibidad ang ilang NCRPO officials, kabilang si PCol. Julius Guadamor.

Nagkaroon din ng ng Media Christmas Party & Fellowship sa Hinirang Hall ng NCRPO Headquarters na dinaluhan din ng iba’t ibang press corps at district directors.

December 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest