Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga Pilipino na bumili ng lokal na produkto ngayong Pasko bilang suporta sa lokal na mga negosyo at produksyon sa bansa.
Sa inilabas na pahayag kahapon ni Trade Secretary Alfredo Pascual, nagbigay ito ng limang tips para sa mga mamimili ngayong Holiday season.
Kabilang dito ang pagbisita sa Kadiwa ng Pasko trade fairs, na naglalayong magbigay ng abot-kayang produktong agrikultura tulad ng bigas, asukal, gulay, prutas at sariwang karne, isda at iba pang produktong seafood, kape, processed milk, instant noodles, condiments, lokal na bag at kasuotan sa paa.
Sa pamamagitan aniya nito ay hindi lang makakamura ang mga Pilipino, kundi makatutulong din sa mga maliliit na mangingisda, magsasaka at negosyo.