Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

PBBM MAHARLIKA

Nagpaliwanag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa umano’y magastos na biyahe at pagsama nito ng maraming delegasyon sa kaniyang pagdalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland kamakailan.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga isinama niyang opisyal at indibidwal sa Davos, Switzerland ay mayroong malaking papel na ginagampanan sa bansa.

Sinabi pa ni PBBM na kailangan niya ang kaniyang gabinete dahil nasa 100 mga chief executive officers ang kaniyang kakausapin mula sa mga malalaking business company.

Layunin nitong matulungan ang Pangulo sa pakikipag negosyasyon at pakikipag-usap sa mga may-ari at lider ng kumpaniya para sa future investment ng Pilipinas.

Nilinaw din ni Pangulong Marcos na mahalaga din sa forum ang role nina House Speaker Martin Romualdez, Senator Mark Villar, at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para mapabilis ang proseso sa paglagak ng negosyo dahil may mga potential investors na nagtatanong patungkol sa mga batas sa Pilipinas.

Aminado naman si PBBM na marami ang kaniyang delegasyon, pero kalahati dito ay mula sa private companies na boluntaryo umanong gumastos sa kanilang pagbiyahe para makadalo World Economic Meeting.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ni Marcos na maraming naging accomplishment ang kaniyang partisipasyon, partikular na ang pagpapakilala ng pilipinas sa mga investor para magnegosyo o mamuhunan sa bansa.

January 23, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COMELEC SMARTMATIC

Umapela sa Philippine National Police (PNP) ang Commission on Elections (COMELEC) na agarang aksiyonan ang naiulat na serye ng karahasan at pananakot sa mga poll officers noong nakalipas na halalan.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, dapat madaliin na ng PNP ang pagresolba sa mga kaso kabilang na dito ang mga  biktima ng pamamaril upang mabigyan ng hustisya ang mga pamilya at iba pang mga biktima ng karahasan.

Umaasa ang poll body na hindi na maulit pa ang ganitong klase ng insidente sa mga poll workers sa gitna ng eleksiyon.

Nagbabala naman ang COMELEC na hindi nila uurungan ang sinumang nagbabalak ng masama o kaguluhan laban sa kanilang ahensya.

January 23, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PBBM SA ZURICH SWITZERLAND

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagpapaganda ng imahe ng Pilipinas.
Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Zurich, Switzerland, kinilala ni PBBM ang sakripisyo at malaking tulong ng mga OFWs para mabuhay ang ekonomiya ng bansa, at mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya sa Pilipinas.
Tiniyak din ng Pangulo ang patuloy na tulong ng gobyerno sa mga OFWs sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW).
“Napakaganda ang kanilang tingin dahil sa mga Pinoy. Ito ay dahil sa inyo, dahil sa inyong mga magandang ginagawa,” pahayag ni PBBM.

January 21, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GERALD BANTAG

Suspendido ng panibagong 90 araw si BuCor Chief Gerald Bantag.

Ito ayon sa DOJ ay matapos payagan ni Bantag ang isang news channel para ma-interview si retired Army General Jovito Palparan sa New Bilibid Prison nuong November 15, 2021.

Sinabi ng DOJ na ang naging hakbang ni Bantag ay taliwas sa BuCor Operating Manual at Department Circular.

Si Bantag ay pinasasagot ng DOJ sa usapin sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang naturang kautusan.

Magugunitang si Bantag ay sinuspinde nuong October 2022 matapos masawi si Jun Villamor, ang preso na umano’y nagsilbing middleman sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.

January 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
EX DILG DIÑO

Inireklamo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Bataan Prosecutor’s Office ang anito’y incorporators sa umano’y bogus auxiliary group ng ahensya.

Kabilang sa incorporators si dating DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Ayon kay Coast Guard Spokesman Armand Balilo, may natanggap silang report na nagre-recruit ang grupo at humihingi ng bayad para sumali sa kanilang organisasyon.

Nagsampa na ang PCG station Bataan ng mga kasong Estafa, Usurpation of Authority at Unlawful Use of Logo at Insignias laban sa grupo ni Diño na umano’y nakapag recruit na ng 500 residente ng Balanga City.

Makikipag ugnayan na rin ang PCG sa NBI at PNP para maaresto ang mga sangkot sa nasabing insidente.

January 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALEX GONZAGA

Nagkalat na sa social media ang testimonya ng mga dating nakatrabaho ng artist/vlogger na si Alex Gonzaga matapos ang kaniyang viral video sa araw ng kanyang birthday kamakailan.

Pinagpiyestahan ng mga netizen ang post ng mga naging co-worker ni Alex na tila pruweba na hindi sila masayang nagkaroon ng proyekto kasama ang aktres.

Mariing sinabi ni @xtiantuzon_ na nag-violate daw ang aktres ng kontrata, tinanggihang harapin ang consequences, binaliktad pa ang sitwasyon at idiniin na sila pa ang may mali.

Sinabi pa ng twitter user na “trashy” daw talaga ang ugali ng aktres.

1

Dagdag pa ng aktor na si Reb Atadero, kung wala ka daw pangalan sa industriya, hindi ka rin para bigyan ng basic respect ni Alex.

2

Isa rin sa mga nagpatutsda ang podcaster at columnist na si Ceej Tantengco na inadjust pa umano ang call time ng kanilang shooting dahil lamang sa hindi morning person ang aktres.

3

Ayon naman sa production designer na si KL, totoo daw ang rumors laban sa aktres at iginiit na bastos daw talaga ang aktres.

4

Matatandaang marami ang nadismaya sa ginawang pagpahid sa noo ng chocolate icing ni Alex Gonzaga sa isang waiter na may hawak ng kanyang birthday cake. —sa panulat ni Jam Tarrayo

January 20, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
gulay palengke

Bumaba ng bahagya ang presyo ng sibuyas sa ilang palengke sa Metro Manila.

Nabatid na nasa P330.00 mula sa P350.00 ang kilo ng sibuyas partikular sa Mega Q Mart sa Quezon City at nasa P280.00 kada kilo sa bagsakan area malapit dito, bagamat P20.00 pa rin kada piraso ng sibuyas sa ilang talipapa.

Bumaba rin ang presyo ng talong na nasa P100.00 na kada kilo, ampalaya P140.00, kamatis P60.00, siling labuyo P180.00 hangang P200.00, bawang P90.00 at sitaw P140.00.

Wala namang paggalaw sa baguio vegetables kung saan nasa P80.00 kada kilo ang carrots, patatas at pipino P120.00 at repolyo P80.00.

Samantala, mayruon nang mabibiling murang itlog na nasa P7.50 hanggang P7.80 na ang isa.

January 19, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MARIA RESSA - RAPPLER

Inabwelto ng Court of Tax Appeals (CTA) ang journalist at Nobel Laureate na si Maria Ressa sa 4 counts of tax-related charges laban sa kanya at kaniyang media company na Rappler Holdings Corporation (RHC).

Ibinaba ng CTA First Division ang pasya matapos mapatunayang hindi nagkasala sina Ressa at RHC sa 3 counts of failure o kabiguan na magbigay ng tamang impormasyon at 1 count of tax evasion, na nagkakahalaga ng P70-M na halaga ng basic tax.

Sinabi ng Department of Justice (DOJ), na nagsampa ng mga kaso noong 2018, nabigo umano ang RHC na maghain ng value-added tax (VAT) returns para sa 3rd at 4th quarter at income tax return noong 2015, na paglabag sa section 255 ng Tax Code.

Inakusahan din ng DOJ na nilabag nina Ressa at RHC ang section 254 ng Tax Code, o ang pagtatangkang umiwas sa pagbabayad ng buwis.

Nabatid na naghain si Ressa ng “not guilty” sa mga kaso laban sa kanya at nagbayad ng piyansang P204,000 sa CTA noong 2020.

January 18, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PCG - SHEARLINE ZAMBOANGA

Aabot sa 24,144 pamilya o katumbas ng 97,465 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers dahil sa epekto ng low pressure area, Northeast Monsoon at shear line.

Batay ito sa pinakahuling datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, kung saan kabilang sa mga naapektuhang lugar ang Regions 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5 hanggang 12, CARAGA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ilang kabahayan din ang napinsala dulot ng masamang panahon kung saan, 439 ang totally damaged habang 1,584 naman ang partially damaged.

Pumalo naman sa P59.6-M na halaga ng assistance ang naipagkaloob ng DSWD sa mga naapektuhang lugar.

January 18, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bongbong marcos

Mas pinapahusay pa ng administrasyon ang pagbubuo ng cybersecurity system na isang mahalagang bahagi ng isinusulong na digitalization sa burukrasya.

Ginawa ni PBBM ang pahayag sa ginanap na open forum sa World Economic Forum sa Switzerland kung saan ibinida niya ang digitalization initiatives ng gobyerno.

Bunga ng napakabagal na internet connectivity sa bansa, sinabi ni Pangulong Marcos na kailangang magdoble-kayod ang gobyerno para maabot ng milyon-milyong mga Pilipino ang isa’t isa at mapaigting pa ang mga hakbang tungo sa digital economy.

Ayon sa Pangulo, lumitaw sa mga pag-aaral na sa pamamagitan ng internet ay naisisiwalat ng publiko ang kanilang mga hinaing pero hindi naman ito nakakarating sa gobyerno.

Bunga nito, sinisikap na aniya ng mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng internet connectivity infrastructures upang maabot ang mga Pilipino sa mga rehiyon. Ipinunto pa ni Pangulong Marcos na may binubuo na ring mga database para sa National ID kaya’t bukas aniya ang pamahalaan para sa anumang tulong mula sa pribadong sektor upang maisakatuparan ang digitalization.

Sa ilalim ng Marcos administration, muling pinagana ang libo-libong offline areas na nasa ilalim ng Broadband ng Masa (BBM) at Free Wi-Fi for All programs ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

January 18, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest