Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

MAGSASAKA-FARMER

Ipinag-utos na ni Interior Secretary Benhur Abalos sa opisyal ng DILG–Pangasinan na mag-leave sa trabaho matapos lumutang ang balitang pangha-harass umano ng mga pulis sa ilang onion farmer.

Hindi umano ipinaalam kay abalos ni DILG–Pangasinan Director Virgilio Sison ang direktiba nito sa Bayambang Municipal Police na imbestigahan at kumuha ng karagdagang impormasyon sa sinasabing pagpapakamatay ng limang magsasaka ng sibuyas.

Pinagpapaliwanag din ng kalihim si Sison habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang kagawaran.

Batay sa ulat, hinarass umano ng PNP ang magsasakang mula Bayambang na si Merly Gallardo matapos itong tumestigo sa senado kaugnay sa mahal na presyo ng sibuyas.

Ibinunyag ito ni Senador Imee Marcos kasabay ng babala sa pambansang pulisya na huwag paki-alaman ang mga testigo ng mataas na kapulungan ng kongreso.

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NAIA

“Electro-Mechanical Malfunction” ang naging mitsa ng Air Traffic System glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong bagong taon.

Ayon kay Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, tinalakay na ang issue nang pulungin ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Transportation.

Pagdating naman sa issue ng cybersecurity, wala anyang kahit anong cyber-related incident na naging sanhi ng insidente noong Enero 1.

Samantala, inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ipinag-utos na ni Pangulong Marcos sa ahensya na paspasan ang pagbuo ng kasunduan sa maintenance provider na Sumitomo-Thales, na target i-modernize ang Aviation Safety System ng bansa.

Mahigit 65,000 pasahero ang naapektuhan matapos makansela ang halos 300 flights dahil sa pagpalya ng air traffic system sa NAIA sa pagpasok pa lamang ng taong 2023.

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
OFW

Tumaas ang deployment ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) noong isang taon.

Inihayag ito ni Migrant Workers Undersecretary Hans Cacdac sa kanyang pagharap sa Senate Subcommittee on Economic Affairs Hearing.

Ayon kay Cacdac, nasa 50% hanggang 70% ang itinaas ng Land-Based Deployment habang tumaas ng 10,000 ang deployment ng seafarers noong Nobyembre 2022 kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Gayunman, mas mababa pa rin anya ang naitalang bilang ng OFW deployment noong isang taon kumpara noong bago ang COVID-19 pandemic.

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BONGBONG MARCOS

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang paglikha ng mas maraming trabaho ang nagtulak para mapasama ang Pilipinas sa listahan ng “VIP Club” o mga bansa sa Southeast Asia na may mahusay na pagpapatakbo sa ekonomiya.

Ayon kay PBBM, nagkaroon ng magandang performance ang bansa hindi lang dahil sa nakitang paglago ng inflation kundi pati na rin sa pagbaba ng unemployment rate.

Ipinagmalaki din ni Pangulong Marcos, na bumaba na sa 4.2% ang growth rate ng COVID-19 kumpara noong bago pa magpandemiya na nasa 7.1%.

Iginiit pa ng pangulo na ang pagsusumikap din ng pamahalaan na makalikha ng mas marami pang trabaho ang isa rin sa mga dahilan kaya kinukonsidera ang bansa na maging bahagi ng “VIP Club” na binubuo ng Vietnam, Indonesia, at Pilipinas.

Nabatid na umabot na sa halos 2-M jobs ang nalikha sa bansa mula noong 2020 hanggang sa kasalukuyan.

January 24, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
petrolyo1

Kasado na ngayong araw ang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo sa bansa.

Kagabi, nagpatupad na ang Caltex ng P2.25 na patong sa kada litro ng diesel, P2.80 sa gasolina at P2.40 sa kerosene.

Sinundan ito ngayong alas-6:00 umaga ng Sea Oil, Flying V, Petron at Shell.

Samantala, ganitong umento rin ang ipinatupad ng Petrogazz, PTT Philippines, Jetti Petroleum, at Phoenix Petroleum epektibo rin alas-6:00 ng umaga, maliban sa kerosene.

Mamayang alas-4:00 naman ng hapon magpapatupad ng taas-presyo ang Cleanfuel.

Ang malakihang dagdag-presyo ay dahil sa paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

January 24, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
china-ph

Tuloy pa rin paghahain ng diplomatic protests ng Pilipinas laban sa China.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior kasunod ng isa namang insidente ng umano’y pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pangulong Marcos, kahit nagkasundo ang Pilipinas at China na magkaroon ng direktang linya upang pag-usapan ang mga isyu sa South China Sea at WPS, hindi ito magiging hadlang sa bansa na iparating kay Chinese President Xi Jinping ang mga insidente ng pangtataboy o pangha-harrass sa mga Pilipinong mangingisda.

Ginamit na rin aniya ng pamahalaan ang isinulong na mekanismo kaugnay sa pagkakaroon ng open communication sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, umaasa ang pangulo na makabubuo ng kasunduan ang Pilipinas at China, lalo’t hindi armado ang mga Pilipinong mangingisda at walang dalang panganib ang mga ito.

January 24, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
REX ESTOPEREZ

Unti-unting tinutugunan ng Department of Agriculture (DA) ang mga isyung kinakaharap ng sektor ng agrikulutura.

Ito’y ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, kung saan sinabi nito na kabilang sa kanilang mga tinutugunan ang mabawasan ang importasyon ng asin.

Dapat aniyang maintindihan ng publiko na pitong buwan pa lamang ang administrasyong Marcos at hindi agad agad masosolusyunan ang mga problemang kinakarap ng nasabing sektor.

January 24, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SANDRO MARCOS

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang plano ang pamilya Marcos na i-groom o ihanda ang presidential son na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos bilang susunod na pangulo ng bansa.

Sinabi ng pangulo sa isang panel interview sa Malakanyang na wala silang balak sa kung ano man para sa kaniyang anak dahil si Cong. Marcos aniya ang naghahanda ng para sa kanyang sarili at ito ang nagpapasya para sa sarili nitong karera.

Maliban dito, wala aniyang pangmatagalang plano ang pamilya na balang araw ay maging presidente ng bansa ang kongresista.

Bagama’t magkatulad lang aniya sila ng ugali ng anak, sinabi ni PBBM na ginagawa rin ni Cong. Sandro ang lahat ng kanyang mga adhikain at trabaho hangga’t kaya. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)

January 24, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
COVID TEST KIT

Bahagyang tumaas ang bilang ng nahawa sa Covid-19 sa Pilipinas kahapon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sumampa sa 399 ang naitalang daily new cases, mataas kumpara sa 225 nitong Sabado.

Dahil dito, pumalo na sa 4,071,963 ang total nationwide caseload kung saan 10,587 ang aktibo.

Ang National Capital Region pa rin ang nanguna sa may pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo na may 1,297, sinundan ng CALABARZON, 628 at Central Luzon na may 301.

Pumalo naman sa 3,995,682 ang gumaling sa Covid-19 sa bansa matapos madagdagan ng 377, habang 65,694 ang kabuuang nasawi.

Ang bed occupancy na sa Pilipinas dahil sa Covid-19 ay nasa 18.8% na may 5,000 na okupado at halos 22,000 na bakante.

January 23, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS BSP 10

Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa bansa, isa na namang pasanin ang kakaharapin ng mga Pilipino.

Ito ay matapos itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate cap sa mga transaksyon sa credit card simula sa Pebrero.

Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, naglabas ng resolution no. 55 noong Enero 13 ang Monetary Board ng Central Bank, na nagpapataas ng maximum interest rate o finance charge na 3% na ipinataw sa hindi pa nababayarang outstanding credit card balance ng isang cardholder ng 100 basis points.

Mula ito sa 2% kada buwan o 36% kada taon.

Ang umiiral na buwanang add-on rate na maaaring singilin ng mga credit card issuer sa installment loan, ay pinanatili sa pinakamataas na rate na 1%.

Mananatili naman sa P200 kada transaksyon ang maximum processing fee sa pag-avail ng credit card cash advances.

January 23, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest