Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

teacher

Halos kalahati ng public school teachers ang mayruong malaking utang sa GSIS at iba pang financial institution.

Ipinabatid ito ni Vladimir Queta, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa gitna na rin nang pag amiyenda sa Republic Act 4670 o Magna Carta for Public School Teachers.

Ayon kay Queta, kawawa rin ang maraming public school teachers dahil kinakasuhan na ang mga ito at nais ng mga bangko na ipatanggal pa ang kanilang lisensya.

Nakakalungkot din aniya ang nangyayari dahil bukod sa mababang suweldo ay kulang din sa mga benepisyo ang mga guro kaya’t kailangan nang maamiyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers.

January 26, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MOTORCYCLE LANE

Inaasahang mailulunsad sa unang bahagi ng 2023 ang Motorcycle Riding Academy ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nilinaw naman ni MMDA Chairman Romando Artes na libre para sa mga rider ang enrollment sa nasabing programa kung saan bibigyan ng refresher course ang mga ito.

Sa ilalim ng naturang programa, kabilang sa mga ituturo sa mga rider ang basic emergency response at tamang disiplina sa pagpapatakbo ng motorsiklo upang maka-iwas sa aksidente.

Matapos naman ang refresher course ay bibigyan ng certificate ang mga nag-enroll. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 26, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Poultry

Kinumpirma ng Philippine Egg Board Association (PEBA) na tumigil na sa operasyon ang ilan pang maliliit na poultry farm owners at egg producers sa bansa.

Ito ang isa sa itinuro ni PEBA Chairman at United Broilers Raisers Association President Gregorio San Diego na dahilan nang pagtaas ng presyo ng itlog sa mga pamilihan, partikular sa Metro Manila.

Ayon kay San Diego, nagkaroon ng over-production noong 2021 pero bagsak ang presyo kasabay ng pagmahal ng patuka na sinundan ng bird flu outbreak noon namang isang taon.

Kung sosobra anya ang produksyon ay malulugi sila kaya’t maraming small at medium producers ang tumigil na sa operasyon habang nagbawas ng volume ang malalaking poultry farm.

January 26, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MARK VILLAR DPWH

Itinutulak ni Senator Mark Villar ang pagkakaroon ng karagdagang P2,000 transportation allowance para sa mga empleyado ng gobyerno.

Makatutulong umano ang Senate Bill 1625 para sa mga kawani ng gobyerno dahil ang malaking porsyon ng sinasahod ng mga ito ay napupunta sa pamasahe o sa gasolina.

Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ng transportation allowance ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno na may permanent status. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
REP. FRANCE CASTRO

Ipinanawagan na ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-List Rep. France Castro kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior na tuluyan nang ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa kabila ito ng pahayag ng pangulo na mas magandang hindi na ipagpatuloy ang operasyon ng pogo dahil sa mga krimen at pagiging salot umano nito sa lipunan.

Bukod anya sa banta sa seguridad dahil sa paglipana ng mga POGO at paglaganap ng prostitusyon at sugal, napakaliit lamang ng nakukuhang buwis ng gobyerno mula sa mga POGO.

Sinabi rin ng kongresista na bukod sa pagsuway ng mga POGO sa mga batas sa kanilang bansa na nagbabawal sa pagsusugal, ay sinusuway din ng mga ito ang batas ng Pilipinas dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BAWANG

Sa gitna ng nagpapatuloy ng krisis sa sibuyas, inamin ng Department of Agriculture (DA) na nagkukulang na rin ang suplay ng lokal na bawang sa bansa.

Ayon sa DA-Region 1, maraming palengke na tanging imported na bawang na lang ang ibinebenta, dahil sa shortage sa lokal na produkto.

Hindi na rin sapat ang stock ng naturang gulay sa mga cold storage facility para punan ang domestic requirement.

Samantala, batay pa sa monitoring ng Agriculture Department, wala nang ibinebentang lokal na bawang sa mga pangunahing merkado sa bansa.

Ang imported na bawang ay nabibili ng P90.00 hanggang P140.00 kada kilo, mas mura kumpara sa lokal na bawang na nasa P260.00 hanggang P300.00 kada kilo.

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SENATE

Isasangguni na ng economic managers sa mga senador sa Enero 30 ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kasunod ng paghahain ni Senador Mark Villar ng panukala na ipinaabot sa Committee on Banks, Financial Intermediaries, at Currencies.

Ayon kay Villanueva, ipapaliwanag nila sa mga senador ang layunin ng panukalang batas, pinagkukunan ng pondo, at kung posible ang paglikha nito kahit walang bagong batas.

Batay sa kaniyang obserbasyon, sinabi ng majority leader na bukas ang kaniyang mga kasamahan na pag-usapan ang panukala hindi gaya dati na pawang negatibo.

Noong Disyembre nakaraang taon nang sertipikahang urgent ni ang panukala, dahilan para aprubahan ito ng kongreso sa Pangulong Ferdinand Marcos Junior ikalawa at ikatlong pagbasa.

Kabilang sa mga may-akda ng panukalang batas ay sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander Marcos The Third. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

January 25, 2023 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
GERALD BANTAG - BUCOR

Hindi dumalo sa ikatlong preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) si suspended BuCor chief Gen. Gerald Bantag.

Ayon sa DOJ, tanging ang abogado lang ni Bantag na si Atty. Rocky Thomas Balisong ang humarap sa Panel of Prosecutors para sa pagdinig kaugnay sa kasong pagpatay sa batikang radio broadcaster-commentator na si Percival “Percy” Lapid Mabasa at sa Jun Villamor case.

Matatandaang hindi kinatigan ng panel ang Motion for Reconsideration na inihain ng kampo ni Bantag sa pangunguna ng kaniyang legal counsel na si Atty. Rocky Thomas Balisong laban sa murder complaints ng pamilya ni ka-Percy.

Sa pahayag ng kampo ni Bantag, dapat pagsamahin ang magkaparehas na reklamo na inihain laban sa akusado dahil mayroong Concurrent Jurisdiction ang Ombudsman at DOJ kaugnay sa murder complaints.

Iginiit ni Balisong, na sa Ombudsman lamang sila maghahain ng kontra salaysay at kasama umano sa legal na proseso ang paghahain nila ng mosyon.

Samantala, kabilang din sa mga hindi nagpakita sa pagdinig ang Dimaculangan brothers na kasabwat ng gunman na si Joel Escorial at ang kampo ni Ricardo Zulueta na nahaharap din sa 2 counts ng kasong Murder.

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ayungin shoal

Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pagmamay-ari ng Pilipinas ang Ayungin Shoal.

Kasunod ito ng umano’y paulit-ulit na pagtataboy ng mga Chinese Coast Guard sa mga bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa nasabing lugar.

Ayon kay DFA Spokesperson Tess Daza, ang naganap na insidente ang kanilang magiging basehan para ipagpatuloy ang paghahain ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China.

Sinabi ni Daza na karapatan ng mga Pinoy-fisherman na magkaroong ng malayang pangingisda sa loob ng Pilipinas at gawin ang kanilang sovereign rights at hurisdiksyon sa lugar nang hindi nakatatanggap ng anumang panghaharass mula sa ibang mga bansa.

Matatandaang ilang beses nang sinampahan ng diplomatic action ng Pilipinas ang China dahil sa mga aktibidad nito sa West Philippine Sea na bahagi ng Exclusive Economic Zone at Continental Shelf ng Pilipinas.

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BARANGAY HALL

Posibleng masipa sa pwesto ang barangay chairman sa Tondo, Maynila makaraang manggulpi ng tauhan ng MMDA nang pumalag sa clearing operation sa Dagupan Street, kahapon.

Ipinagharap ng reklamong “direct assault” si Chairman Rommel Bravo ng Barangay 51, Zone 4.

Ayon sa Manila Police District, mag-aalas-9:00 ng umaga nang magsagawa ng clearing operation ang MMDA nang mamataan ang “car wash” sa tabi ng bangketa.

Sinita ito ng MMDA nang biglang sumulpot si Bravo kung saan binigwasan nito ang isang MMDA Metro Aide 1 kaya nagkaroon ng komosyon.

Inihayag naman ni MMDA Traffic Czar Bong Nebrija na nasa tabi ng barangay hall ang car wash na sinasabing pag-aari ng punong barangay.

Noong isang linggo pa anya sila nag-abiso na magkakaroon ng clearing operation sa dagupan kung saan ilang beses na rin isinagawa ang naturang operasyon sa lugar.

January 25, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest