Home HOT STORIES OF THE WEEK

HOT STORIES OF THE WEEK

DANGWA MARKET

Nagsimula nang tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Flower Market sa lungsod ng Maynila, ilang linggo bago ang araw ng mga puso.

Mula sa P300 kada bundle o P30 kada stem, pumalo na sa P700 ang isang bundle ng local roses habang P30 naman ang kada piraso.

Mula P100 hanggang P120, ngayon ay nasa P300 hanggang P350 na ang isang bundle ng short-stem roses.

Sumirit naman sa P1,500 ang presyo ng isang bundle ng imported roses mula sa dating P1,000 habang P100 naman ang kada piraso nito na dating nasa P80 lamang.

Nasa P800 naman mula P500 ang kada bundle ng sunflower habang pumalo sa P80 ang kada piraso nito mula sa dating P50

Mabibili naman sa halagang P300 ang kada kilo ng baby’s breath mula P150.

Ayon sa mga manininda, ang naturang pagtaas ng presyo ay dahil sa kakulangan sa suplay bunsod ng malamig na klima.

Samantala, para sa mga mamimili na nagtitipid makakabili naman ng dried flowers sa halagang P70 kada piraso habang P700 ang customized bouquet, habang ang wooden flowers ay nasa P50 kada piraso habang P500 hanggang P700 naman ang customized bouquet nito. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LUCENA CITY 1

Idineklara nang COVID-19-free ang Lucena City na kabisera ng Quezon Province habang bumaba naman sa 14 ang bilang ng aktibong kaso sa lalawigan.

Batay sa pinakahuling datos, inanunsyo ng Integrated Provincial Health Office (IAPH) na ang natitirang COVID-19 patient sa lungsod ay nakarekober na.

Napag-alaman din na 30 mula sa 41 munisipalidad sa lalawigan ay wala nang naitalang kaso ng COVID-19.

Sa 30 munisipalidad ay siyam na lamang ang may tig-iisang aktibong kaso ng nasabing virus.

Samantala, nakapagtala ang IPHO ngayong buwan ng 84 na bagong kaso ng COVID-19 at limang nasawi. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KUMAKATAY NG PAWIKAN SA SULU

Arestado ang walong lalaki matapos mahuli sa aktong kinakatay ang 15 pawikan sa Sulu.

Kabilang sa mga kinatay ay ang isang hawksbill sea turtle na kasalukuyang critically endangered.

Nakatakda umanong ibenta ng grupo ang mga kinatay na pawikan sa Chinese buyer sa pagitan ng Taw-Tawi at Palawan.

Nakumpiska rin mula sa grupo ang limang motorized banca at ilang kagamitan sa panghuhuli ng pawikan.

Samantala, nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SEN. RAFFY TULFO

Inihain sa senado ang panukalang batas na magkakaloob ng libreng pagpapalibing sa mahihirap na pamilya.

Ito ay partikular sa mga Pilipinong P15,000 lamang ang sinasahod kada buwan, walang sariling bahay at sasakyan.

Ito ang Senate Bill No. 1695 ni Senador Raffy Tulfo na nais tuldukan ang problema ng maraming Pilipino na hindi kayang tugunan ang malaking gastusin sa burol at pagpapalibing.

Bagamat nagbibigay ng burial assistance na P10,000 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay pinagdadalamhatian pa rin ang malaking gastos sa pagpapalibing.

Ito ay dahil sa aabot sa P10,000 hanggang daan-libong piso ang magagastos sa burol at pagpapalibing ng mga yumaong kaanak.

Kasama naman sa sasagutin ng gobyerno ang paghahanda ng funeral documents, pagpapa-embalsamo, burol, pagpapalibing, cremation at tatlong araw na burol sa bahay o barangay hall hanggang sa mailibing.

Samantala, tig-isang miyembro lamang ng pamilya kada buwan ang maaaring mabigyan ng libreng serbisyo kada mortuary branch. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19), sa panulat ni Hannah Oledan

January 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HOLOCAUST VICTIMS

Nakibahagi si Vice President Sara Duterte sa paggunita ng Israel sa pandaigdigang pag-alala sa mga biktima ng holocaust.

Hinimok din ni Duterte ang mga paaralan na gunitain ng makasaysayang pangyayari dahil maraming leksyon ang mapupulot mula rito.

Nakiisa rin sa pagdiriwang si Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, na isa rin sa mga naging biktima ng holocaust.

Pinasalamatan ni Fluss si Duterte dahil sa pakikipagtulungan nito sa pag-oorganisa at pagmemorya sa holocaust sa lahat ng paaralan at pasilidad ng Department of Education.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Fluss kay dating Pangulong Manuel L. Quezon sa pagtanggap nito sa mahigit 1,300 Jewish refugees sa Pilipinas noong 1939. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RUSSIA UKRAINE

Pumalo na sa 5-M kabataan ang hindi na nakakapag-aral sa Ukraine dahil sa giyera nito at ng Russia.

Sinabi ng United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) na nagdulot ng mas matinding kawalan ng kaalaman ang 11 buwan na giyera sa pagitan ng dalawang bansa.

Nabatid na nagsimula ang education crisis sa Ukraine noong kasagsagan ng pandemya noong natigil na ang kanilang pag-aaral. —sa panulat ni Hannah Oledan

January 27, 2023 0 comment
6 Facebook Twitter Google + Pinterest
DEPED

Palalakasin pa ng Department of Education (DepEd) ang mga programa nito na tumutugon sa mental health issues ng mga mag-aaral, maging ang pagpapaigting ng security measures sa mga paaralan kasunod ng mga naiulat na on-campus violence.

Ayon sa DepEd, makikipag-ugnayan sila sa mga mental health experts at advocates sa pagbuo ng mga programa upang matugunan ang nasabing isyu.

Inatasan na rin ni Vice President at Education secretary Sara Duterte ang mga Regional at Schools Division Offices na makipag-ugnayan sa mga local police sa pagtukoy sa mga paaralan na kinakailangan ng spot inspection ng mga armas.

Kasunod ito ng insidente nitong Huwebes sa Benito Nieto Elementary School sa San Jose Del Monte, Bulacan kung saan aksidenteng nabaril ng isang 12-anyos na estudyante ang kaniyang sarili.

Noong nakaraang linggo naman ay nasawi ang isang 13-anyos na estudyante sa Culiat High School sa Quezon City, matapos saksakin ng kanyang kamag-aral.

January 27, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
granada

Sinuspindi ang klase sa Ponciano High School Sa Cubao, Quezon City dahil sa bomb threat.

Ayon sa QCPD, nakita ng gurong si Marlon Lalik ang bomb threat message mula sa isang Bob Key Ser panganiban sa Facebook page ng eskuwelahan.

Nakasaad sa post ni Panganiban na nagtanim siya ng bomba sa nasabing paaralan at nagsabing sabay sabay maubos ang mga tao rito.

Kaagad na ipinasa ni Lalik ang post sa kanilang head na si Melanie Santos na kaagad din namang ipinaalam sa school principal na si Dominga Cabadin kaya’t nagsagawa na ng inspeksyon sa campus.

Bigla namang sumugod ang tropa ng QCPD Explosive Ordnance Disposal sa paaralan para sa mahigpit na inspeksyon na negatibo naman.

January 26, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JULLEBEE RANARA

Darating na sa bansa bukas ng gabi ang labi ng Pinay na pinaslang sa Kuwait.

Ayon kay Foreign Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, sasagutin ng employer ng biktimang si Jullebee Cabilis Ranara ang mga gastusin sa pagbabalik sa bansa ng labi nito.

Una rito, ang sunog na labi ni Ranara ay natagpuan sa disyerto samantalang naaresto na ng Kuwaiti Police ang 17 taong gulang na suspek na anak mismo ng employer ng Pinay.

January 26, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Philippine Offshore Gaming Operators POGO

Mayorya sa mga Pilipino ang naniniwala na nakapipinsala lamang sa bansa ang  operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ayon kay Senador Sherwin Gatchalian ay batay sa survey ng Pulse Asia na ginawa mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 noong nakalipas na taon kung saan ipinasama nila ang tanong ukol sa POGO.

Sa survey, lumitaw na 58% ng mga respondent ang nagsabing  nakakasama ang operasyon ng mga POGO sa bansa habang 19% lamang ang nagsabi na kapaki-pakinabang ang operasyon nito.

Kabilang sa mga dahilan kaya naniniwala ang mga respondent na nakapipinsala ang industriya ng POGO ang paglaganap ng mga bisyo, pagtaas ng insidente ng krimen na may kaugnayan sa POGO na kinasasangkutan ng mga Chinese national, tax evasion ng POGOs, pagtaas ng bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa mga POGO, walang karagdagang oportunidad na ibinigay sa mga Pilipino, at pagtaas ng halaga ng upa, tirahan at  business properties.

Ayon kay Gatchalian, ang resulta ng survey ay mahalagang bahagi ng data na kanilang isinasaalang-alang sa ipalalabas na rekomendasyon  dahil  ito ang kumakatawan sa mga sentimyento ng mga Pilipino.

Una nang inihayag ni Gatchalian na binubuo na ng Senate Committee on Ways and Means na kanyang pinamumunuan ang committee report kaugnay sa ginawang pagdinig sa epekto ng POGO operations sa ekonomiya ng bansa. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

January 26, 2023 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest