Napapansin mo rin ba na kung minsan, nagiging kulay grayish o greenish at hindi kulay yellow ang egg yolk ng niluluto mong hard-boiled egg?
Paliwanag ni University of Illinois Food Science and Human Nutrition Associate Professor, Dawn Bohn, mula sa init ang dahilan ng pagkakaroon ng discoloration sa egg yolk, na tinatawag ding denaturation ng mga scientists.
Batay sa mga report, hindi lang ito nangyayari sa mga nilagang itlog, dahil kapag malakas ang apoy ng iyong pagluluto, nagkakaroon din ng grey color ang scrambled eggs at omelet.
Samantala, nilinaw naman ng University of Nebraska na ligtas pa ring kainin ang mga hard-cooked egg kahit na nag-iiba ito ng kulay.