Home FEATURES EVENTS

EVENTS

Pamaskong Aliw

Hatid ng Aliw Broadcasting Corporation ngayong Pasko…

Isang araw na puno ng palaro at saya para sa mga bata sa Intramuros, Maynila na gaganapin ngayong December 16, Sabado…

Katuwang ang DWIZ Metro Patrol Volunteers at ang ating mga sponsors, Tang, Queensland butter, Regent Aguila energy drink, Voltracom, PHAPCares Foundation at Federation of Independent Legions of Immigrant Philippine- Americans in the North America (FILIPINAS)

December 8, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
Mga programa at personalidad ng DWIZ, pinarangalan sa ‘Inding Indie Film Fest’

Ginawaran ng parangal sa katatapos lamang na ika – 4 na ‘Inding Indie Short Film Fest’ ang mga programa at personalidad ng DWIZ.

Tinaguriang taga – habi ng sining at pelikula ang Chairman at President ng Aliw Broadcasting Company si D. Edgard Cabangon.

Kaparehong parangal din ang iginawad kina Robert Rivera para sa programang ‘Pilipinas Ngayon Na’, at Lolly Rivera at Sandra Cam para sa programang ‘Sulong Na Bayan’.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Cabangon sa natanggap na parangal at nangakong itutuloy ang paghahatid ng DWIZ ng makabuluhan at makatotohanang balitat impormasyon sa publiko.

December 4, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
cmma

Nagpasalamat ang acting chairman ng Catholic Mass Media Awards o CMMA at Presidente ng Aliw Broadcasting Corporation na si D. Edgard Cabangon sa lahat ng dumalo at sumuporta sa ginanap na 39th CMMA Awards Night sa Star Theater sa Pasay City kagabi.

Mismong si CMMA Honorary Chairman Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle ang nanguna sa gabi ng parangal.

Taun-taon ay nagbibigay ng parangal ang CMMA para sa mga natatanging grupo at programa sa larangan ng pamamahayag tulad ng print, radyo at telebisyon.

Nagsilbi din bilang Chairman at Presidente ng CMMA sa loob ng halos 17 taon ang yumaong si Ambassador Antonio Cabangon Chua na Chairman Emeritus ng ALC Group of Companies kung saan kabilaang ang DWIZ 882 radio sa ilalim ng Aliw Broadcasting Corporation.

Dito ay ginawaran siya ng espesyal na posthumous award.

Nangako naman si Ginoong D. Edgard ng mas engrande na CMMA sa 2018 para sa ika-apatnapung anibersaryo nito.

—-

October 26, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
moa bm denr

Lumagda sa isang memorandum of agreement o MOA ang Department of Environment and Natural Resources o DENR at Aliw Media Group sa pangunguna ng Business Mirror.

Pinangunahan ni Business Mirror Publisher Anthony Cabangon at ALC Group of Companies Chairman D. Edgard Cabangon ang paglagda ng MOA kasama si Director Theresa Mundita Lim, Head ng Biodiversity Management Group ng DENR.

Nagkaisa ang Aliw Media Group na suportahan ang DENR sa kanilang kampanya para ipaalam sa mga Pilipino ang kahalagahan ng biodiversity at proteksyunan ang kalikasan.

“Kailangan po tayong magkaisa, ang DENR at sektor ng media para ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng biodiversity at proteksyunan ang kalikasan dahil ito po ang susi sa masamang epekto ng climate change” Ani Mundita Lim

Sinabi ni Lim na sa buong mundo ay iba’t ibang sakuna na may kaugnayan sa climate change ang nararanasan at kapag hindi natin pahalagahan ang kalikasan ay patuloy itong mananalasa sa buong mundo.

Ayon naman kay Business Mirror Publisher Anthony Cabangon, isang malaking pribilehiyo para sa Aliw Media Group na maging bahagi ng proyekto na ipaliwanag sa taong bayan na bigyan halaga ang programa ng DENR sa biodiversity.

—-

October 13, 2017 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest
isuzu

Inaasahan ang mas malaki pang merkado para sa sasakyan ng Isuzu.

Kasunod ito ng soft opening ng ika-pitong sangay ng Isuzu Gencars sa Sta. Rosa Laguna.

Nanguna sa pagbubukas ng pinakabagong sangay ng Isuzu dealership si ALC Group of Companies Chairman at Isuzu Gencars President and CEO D. Edgard Cabangon.

Sa kanyang talumpati sa nasabing okasyon, nagpahayag ng kasiyahan si Mr. Hajime Koso, Pangulo ng Isuzu Philippines Corporation sa anya’y lalo pang tumitibay na relasyon ng Isuzu Philippines at ang Gencars.

Aniya, hindi malilimutang taon ang 2017 para sa Isuzu Philippines at Gencars dahil ngayong taon ang ika-dalawampung anibersaryo ng Isuzu Philippines samantalang sa Oktubre aniya ay ipagdiriwang ang ika-39 na taon ng Gencars.

Isuzu Philippines and Gencars officials during the Sta. Rosa Laguna branch soft opening.

Isuzu Philippines and Gencars officials during the Sta. Rosa Laguna branch soft opening.

(Photo Credit: Raoul Esperas)

 

 

 

 

 

September 28, 2017 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest
nick 2

The literary community is on the spot light as the Philippines Graphic presents the 2017 Nick Joaquin Literary Awards (NJLA).

Happened last Tuesday, September 13, 2017, 7p.m. at the BHotel, Scout Rallos, Barangay Laging Handa Quezon City.

The selection of the 2017 NJLA winners was decided by a panel of judges composed of noted writers Alfred ‘Krip’ Yuson, Susan S. Lara, and Angelo ‘Sarge’ Lacuesta, with support from Graphic Editor-in-Chief Joel Pablo Salud and Graphic Literary Editor Alma Anonas-Carpio.

Plaques and cash prizes include: First Place (P50,000); Second Place (P30,000); and Third Place (P20,000) given to the top three short stories contributed in the Graphic’s Literary Section.

“Poet of the Year” was also chosen.

Here’s the list of winners for the 2017 NJLA:

3rd Price Wayne Benitez Castillo
2nd Price Scott Lee Chua
1st Price Christian Ray Buendia
Poet of the Year Award  Anne Carly Abad

The Graphic, which began in 1927, celebrates this year’s NJLA giving honor to the 100th year birth anniversary of National Artist Nick Joaquin, the Graphic’s first editor-in-chief after it was relaunched in 1990 through its third owner—the late media mogul-businessman and philanthropist Antonio L. Cabangon Chua and his family.

It was indeed a remarkable celebration for the literary community, as a whole.

Congratulations to the winners!

EVENT PHOTOS:
—-

 

 

 

 

 

September 15, 2017 0 comment
4 Facebook Twitter Google + Pinterest
21740557_10154887811593461_5898986578362910715_n

Labing anim (16) na natatanging indibiduwal sa larangan ng edukasyon sa bansa ang ginawaran ng Gintong Parangal Award ng Department of Education o DepEd.

Ayon kay Jonathan Pauig, project manager ng naturang aktibidad, walong natatanging guro ang kanilang pinili mula sa libu-libong entrees dahil sa pagpapakita ng sipag at dedikasyon sa kanilang tungkulin

Maliban sa plake, binigyan din ng tig-25,000 Pisong cash o scholarship sa kanilang graduate studies ang ilan sa mga pinarangalan

Kasabay nito, ginawaran din sa kauna-unahang pagkakataon ng Gintong Parangal Award ang mga namumuno sa DEPED na may ranggong superintendent o supervisor.

Inorganisa ang nasabing okasyon ng Fortune Life na sister company ng Aliw Broadcasting Corporation sa ilalim ng ALC Group of Companies na itinatag ng Founder at Chairman Emeritus nitong si yumaong Ambassador Antonio Cabangon – Chua.

Ulat ni Jonathan Andal

SMW: RPE

Photo Credit: D. Edgard A. Cabangon FB Account 

 

 

 

 

 

 

 

September 14, 2017 0 comment
4 Facebook Twitter Google + Pinterest
1

Pormal nang inilunsad ang programang “In the Heart of Business” noong Agosto 24, 2017 sa Aliw Broadcasting Corporation.

Ang nasabing programa ay pinangungunahan nina Bong Osorio, 3-time CMMA awardee; Roni Laurel Tapia Merk, seasoned business communicator; Marou Pahati Sarne, two-time KBP Golden Dove awardee; Mike Villareal batikan sa banko at merkado at Sen. Cynthia Villar, kampeon sa kalikasan at agrikultura.

Present din ang mga opisyal ng Aliw Broadcasting Corporation na sina D. Edgard Cabangon, chairman and president, D. Adrian Cabangon, Vice President and General manager at Ely Aligora, Executive Vice President.

Mapapakinggan ang “In the Heart of Business” sa DWIZ tuwing Martes, Huwebes at Biyernes, alas 12:30 hanggang – ala 1:30 ng hapon.

August 27, 2017 0 comment
3 Facebook Twitter Google + Pinterest
16

Pormal nang inilunsad ang programang Yes Yes Yo Topacio sa DWIZ noong Agosto 2, 2017 sa Aliw Broadcasting Corporation.

Ang nasabing programa ay pinangungunahan nina Atty. Ferdie Topacio at Doc Che Lejano. Tinatalakay sa Yes Yes Yo Topacio ang mga isyung legal, kalusugan at maging sa showbiz.

Dinaluhan ng ilang mga personalidad katulad nina dating first gentleman Mike Arroyo at anak na si dating Cong. Mikey Arroyo ang official launching ng programa sa radyo ni Atty. Topacio.

Matatandaan na naging legal counsel ng mga Arroyo si Atty. Topacio.

Present din ang mga opisyal ng Aliw Broadcasting Corporation na sina D. Edgard Cabangon, chairman and president, D. Adrian Cabangon, Vice President and General manager at Ely Aligora, Executive Vice President.

Mapapakinggan ang Yes Yes Yo Topacio sa DWIZ mula Lunes hanggang Biyernes, 10:00-11:00 am.

August 3, 2017 0 comment
2 Facebook Twitter Google + Pinterest