Home FEATURES EVENTS

EVENTS

franchise 6

Opisyal nang itinurn-over ng Malacañang sa Aliw Broadcasting Corporation officials ang kopya ng nilagdaang batas para sa panibagong franchise ng broadcasting company.

Sa isang simpleng seremonya sa tanggapan ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa New Executive  Building, Malacañang ginawa ang pag-turn over ng nilagdaang batas.

Present sa turn over ceremony sina Aliw Broadcasting Corporation President/CEO Ms. Josephine Reyes, General Manager Mr. Randy Cabangon, DWIZ Station Manager Rey Langit and DWIZ News Director Mr. Alex Santos.

Ang bagong franchise na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong May 3 ay may bisa ng 25 taon.

Una nang nabigyan ng prangkisa ang Aliw Broadcasting Corporation-DWIZ noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino at na-renew ito sa panahon naman ng panunungkulan ng kanyang anak na si PNoy.

By Aileen Taliping (Patrol 23) 

 

 

May 18, 2016 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang Founder at Chairman Emeritus ng ALC Group of Companies at dating Ambassador to Laos Antonio Cabangon Chua.

Bago ang libing, pinangunahan muna ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales ang huling misa para kay “Amba”.

Ngunit bago tuluyang dalhin sa San Felipe Neri Catholic Cemetery di kalayuan sa simbahan, inikot muna ang kanyang karosa sa lugar na kanyang kinalakhan sa Barangay Namayan.

Pagdating sa sementeryo, nag-alay ng huling panalangin ang mga dumalo na sinamahan pa ng mga awitin habang ipinapasok ang kabaong sa nitso.

Kasunod nito, nagpaabot naman ng huling mensahe ang isa sa mga anak ni Amba na si D. Edgard Cabangon.

LISTEN: Bahagi ng pahayag ni D. Edgard Cabangon

By Jaymark Dagala

Photo from: Jill Resontoc / Eric Cabusao/ Jonathan Andal* Video: Alex Santos
March 17, 2016 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
amba

Pumanaw na ang Founder at Chairman Emeritus ng ALC Group of Companies at dating Ambassador to Laos Antonio Cabangon-Chua.

Pumanaw si Cabangon-Chua na mas kilala sa tawag na ‘Amba’ sa edad na 81 kahapon ng umaga, March 11, sanhi ng hindi tinukoy na karamdaman.

Naulila nito ang kanyang asawa na si Bienvenida Angeles Cabangon gayundin ang kanyang mga anak at apo.

Kasalukuyang naka-burol ang labi ng dating embahador sa Heritage Park, Arlington Chapel sa Taguig City.

Ang DWIZ 882 AM at 97.9 Home Radio (FM) ng Aliw Broadcasting Corporation ay kasapi sa ALC Group of Companies na pinamunuan ni Cabangon-Chua.

Nitong November 2015, pinarangalan at kinilala si ‘Amba’ ng Catholic Mass Media Awards (CMMA) sa malaking ambag nito sa larangan ng mass media.

 

Remembering Amba

“Mula sa pusali hanggang sa mga tala.”

Ito ang paglalarawan ng pambansang alagad ng sining na si Nick Joaquin sa tagumpay na tinamasa ng namayapa nang si dating Ambassador to Laos Antonio L. Cabangon-Chua at Chairman Emeritus ng ALC Group of Companies.

Si Cabangon Chua ang nagtatag ng nasabing grupo ng mga kumpanya na kinabibilangan ng media, insurance, sasakyan, bangko, security, paaralan, mga hotel, lupa, at iba pa.

Kaya naman sa edad na 40 , nakilala si Cabangon-Chua bilang isang self-made millionaire.

Bago iyon, si Cabangon-Chua ang naging pinakabatang kasapi ng Chamber of Pawnbrokers of the Philippines sa edad na 26.

Bukod sa mga pinasok na negosyo, may ranggong koronel si Cabangon-Chua sa Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

 

By Jaymark Dagala | Drew Nacino | Avee Devierte 

March 12, 2016 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
takbo 1

PASASALAMAT @25. Opisyal na nilagdaan ng Aliw Broadcasting Corporation ang kontrata noong ika-10 ng Pebrero 2016 na sumisimbolo ng paghahanda para sa TAKBO NG TODONG LAKAS katuwang ang Without Limits na gaganapin sa ika-1 ng Mayo 2016.

Mga kasama sa paglagda (Simula kaliwa-kanan) Albert S. Sikat, VP-Sales and Marketing, Aliw Broadcasting Corporation; Ian Alacar, Project Director, Without Limits; Josephine Reyes, President/CEO, Aliw Broadcasting Corporation; D. Adrian Cabangon, VP-General Manager, Aliw Broadcasting Corporation.

February 12, 2016 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ronda

Lumagda sa kauna-unahang pagkakataon ang Aliw Broadcasting Corporation bilang opisyal na tagapaghatid at media partner ng pinaka-aabangang national cycling event ngayong taon, ang Ronda Pilipinas 2016.

Ang mga kasama sa paglagda noong January 29, 2016 sa opisina ng 97.9 Home Radio ay sina (Nakatayo simula kaliwa-Kanan) Jingo Hervas, Race Admin Director; Rommel Bobiles, Marketing Communication Head of LBC Ronda Pilipinas; Braggy Braganza, Station Manager- 97.9 Home Radio; Abet Sikat, VP-Sales and Marketing-Aliw Broadcasting Corporation.

(Nakaupo simula kaliwa – kanan) D. Adrian Cabangon, VP-Gen. Manager- Aliw Broadcasting Corporation; Moe Chulani – Executive Project Director, LBC Ronda Pilipinas; Josephine Reyes, President/CEO- Aliw Broadcasting Corporation; Ronald Sebastian- Project Director Iloilo Bike Festival.

February 3, 2016 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Labing anim (16) na personalidad ang binigyang parangal sa kauna-unahang Serviz Award ng Aliw Broadcasting Corporation – DWIZ.

Ang mga pinarangalang personalidad ay naging katuwang ng DWIZ sa serbisyo publiko lalo na sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko.

Bahagi ito ng pasasalamat para sa ika-25 taong pagkakatatag ng Aliw Broadcasting Corporation.

Kabilang sa mga binigyan ng parangal ay sina Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista, Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Asst. Secretary Charles Jose, Bayan Muna Representative Neri Colmenares, Atty. Romulo Macalintal, Police Director Generoso Cerbo ng PNP Directorate for Intelligence at dating Spokesman ng PNP, Senador Antonio Trillanes, Professor Ramon Casiple, Caloocan City Congressman Edgar Erice at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Pinarangalan rin sina PCSO General Manager Ferdinand Rojas II, Maricar Bautista, Spokesperson ng PAGCOR, Susie Bugante, Vice President for Public Affairs ng SSS, Atty. Darlene Berberabe, Pangulo ng Pag-IBIG Fund, Dr. Ish Pargas, Vice President for Corporate Affairs ng PhilHealth at Mr. Augusto “Gus” Leonardo, ang Executive Vice President ng Pro-Friends.

By Len Aguirre

PHOTOS Here:

January 30, 2016 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

Kinilala at ginawaran ng parangal ng DWIZ 882 AM, himpilang Mas Todong Lakas sa ika-25 anibersaryo nito na may temang Pasasalamat @25, ang mga natatanging taong sumuporta at nagbibigay ng oras at panahon na lubos na nakatulong upang matupad ang misyon nitong maghatid ng mga tamang impormasyon at serbisyo publiko.

Ilan sa mga tumanggap ng award ay sina:

COMELEC Chairman Andy Bautista

Representative Edgar Erice

Senator Antonio Trillanes

Chief Superintendent Generoso Cerbo (PNP)

Representative Neri Colmenares

Professor Ramon Casiple

Mayor Rex Gatchalian

DFA Assistant Secretary Charles Jose

AFP B/Gen. Spokesperson Restituto Padilla

Atty. Romulo Macalintal

Dr. Ish Pargas (PhilHealth)

AVP Maricar Bautista (PAGCOR)

Atty. Joy Rojas (PCSO)

Atty. Darlene Berberabe (Pag-IBIG)

Ms. Susie Bugante (SSS)

Gus Leonardo (EVP-ProFriends)

Maraming Salamat po sa inyong suporta!

 

PHOTOS here:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

January 29, 2016 1 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest

Pinangunahan nina Aliw Broadcasting Corporation (ABC) Vice President/General Manager Randy Cabangon at President/CEO Josephine Reyes ang makasaysayang groundbreaking ceremony ng bagong itatayong tower ng DWIZ 882 sa Obando, Bulacan.

Ayon kay Cabangon, sa pamamagitan nito’y mas magiging malinaw ang signal ng DWIZ na makakarating sa mga tagapakinig ng radyong tinaguriang “May Todong Lakas.”

Ipinagmalaki ni Cabangon na bahagi ito ng walang humpay na paglilingkod ng ABC sa ating mga kapwa tao.

“Hindi naging madali itong project na ito pero finally matutuloy na rin, magandang simula ito sa bagong taong 2016 na may bago tayong tore.” Ani Cabangon.

Sinabi naman ni Ms. Reyes na layon nitong makapaghatid ng mas malawak na serbisyo publiko para sa ating mga kababayan.

“Ito ay para palawakin ang ating public service, marinig ng mga tao at syempre pa bilang sa radyo mas magandang maging malinis ang pasok ng ating balita at public service, so this is for our people.” Pahayag ni Reyes.

Ang Aliw Broadcasting ay 24 na taon na sa broadcast industry.

By  Jelbert Perdez | Jonathan Andal 

Photos Here:

November 24, 2015 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest