Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

FUSCHIA RAVENA

Kinoronahang Miss International Queen 2022 ang pambato ng Pilipinas na si Fuschia Anne Ravena.

Naganap sa Thailand kahapon ang kompetisyon kung saan naglaban-laban ang 22 kandidata.

Itinanghal namang first runner up ang Colombia habang second runner up ang France.

Si Ravena na ang pangatlong Filipina na nagwagi sa Miss International Queen 2022 sumunod kina Kevin Balot na nanalo noong 2012 at Trixie Maristela noong 2015.

Naging extra special naman para sa Pride Month ang pagkapanalo ni Fuschia sa kompetisyon, na itinuturing na World’s Top Beauty Pageant para sa transgender women.

June 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANDIE INDONESIA

Dream come thru para sa aktres na si Andi Eigenmann ang vacation trip sa Bali, Indonesia kasama ang kaniyang buong pamilya.

Sa Instagram post ng aktres, sinabi nito na isa ang Indonesian trip sa kaniyang bucket list.

Kasama ni Andi ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak para sa kanilang vacation sa ibang bansa.

Bagaman na-postpone dahil sa COVID-19 pandemic at pagkasakit ng kaniyang anak, masaya si Andi na natuloy din ang kanilang dream family vacation.

June 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ai ai delas alas

Pumanaw na sa edad na 93 ang adoptive mother ng aktres at komediyanteng si Ai-Ai Delas Alas.

Binawian ng buhay kahapon ng hapon ang kinikilalang ina ng aktres na si Justa Delas Alas dalawang araw matapos ang naging flight ni Ai-Ai sa Amerika noong Hunyo a-21.

Si Justa ay kapatid ng biological father ni Ai-Ai kung saan, ito ang nagpalaki, nag-alaga at nagpaaral sa comedy queen hanggang sa pumasok ito sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Ai-Ai, napaaga ang kaniyang pag-uwi noong nakaraang linggo kung saan, blessing in disguise umano ito dahil naabutan niya pang buhay ang kaniyang ina bago pumanaw.

June 24, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BILLIE EILLISH

Good news para sa fans ng American singer-songwriter na si Billie Eilish.

Nakatakda kasing mag-concert sa Pilipinas ang singer para sa kanyang “Happier Than Ever” World Tour.

Ayon kay Billie, idaraos ang kanyang concert sa darating na August 13 sa Mall of Asia Arena.

Magkakaroon ng fan-club presale ng tickets sa June 24 at 25 para sa mga miyembro ng Live Nation Philippines, habang maaari namang maka-avail ang publiko ng ticket sa June 27.

Mabibili ang ticket mula 3,081 pesos hanggang 14,936 pesos.

Si Billie Eilish ang nagpasikat ng mga kantang “Bad Guy,” “Ocean Eyes,” at “When The Party’s Over.”

June 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KRIS BERNAL - HUSBAND

Ibinenta ng aktres na si Kris Bernal ang binili nilang ticket ng kaniyang asawa na si Perry Choi para sa concert ni Adele matapos silang hindi mabigyan ng uk visa na requirement o kailangan sa pagpasok sa naturang bansa.

Ayon kay Kris, naunsiyami ang plano nilang paglipad patungong United Kingdom para sana mapanood ng personal ang sikat na singer na si Adele.

Nabatid na nabili ni Kris ang Golden Circle East ticket noon pang October 2021 sa Hyde Park London na pre-selling online kung saan, ang isang ticket ay nagkakahalaga ng 23,000 pesos.

Sa instagram post, sinabi ng aktres na wala silang choice kundi ibenta nalang ang kanilang ticket kung saan, plano sana nilang ilaan para sa kanilang honeymoon maging ang paglilibot sa UK at Europe sa loob ng isang buwan kung hindi naudlot ang kanilang pag-alis abroad.

June 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
dennis padilla

Dismayado ang aktor na si Dennis Padilla sa kaniyang 3 anak kay Marjorie Barretto matapos hindi batiin noong father’s day.

Sa buradong instagram post ni Dennis, ibinahagi niya ang lumang larawan kasama ang lalaking anak na si Leon na sinundan pa ng litrato nina Julia at Claudia na may caption na “you forgot to greet me last sunday.”

Dahil dito, marami sa mga netizen ang nakisimpatya at nakaramdam ng lungkot para sa aktor.

Nabatid na hindi umano ito ang unang pagkakataon na naglabas ng sama ng loob si Dennis sa kaniyang social media account.

Matatandaang noong July 2014, ikinasama ng loob ni Dennis ang plano ni Julia na huwag nang gamitin ang totoo niyang apelyido na Baldivia dahilan para masaktan ang kaniyang ama matapos ang pagpetisyon nito sa korte upang gamitin ang apelyidong Barretto.

June 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
vien junnie girl baby

It’s a Baby Girl!

Ito ang masayang revelation ng mag-asawang vlogger na sina Vien Iligan at Junnie Boy para sa gender ng kanilang pangalawang anak.

Sa ginanap na Gender reveal party, makikita ang kaba at excitement sa dalawa na tumalon sa tuwa matapos makitang pink powder ang lumabas sa gender explosion.

Bago ang gender reveal, una nang sinabi ng unang anak nina Junnie na si Mavi, na nais nitong magkaroon ng baby sister.

Tatlong buwan nang preggy si Vien kung saan noong Mayo ibinalita ang kaniyang pagbubuntis.

Ikinasal sina Vien at Junnie noong March 2022 matapos ma-engage noong 2020.

June 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LIZQUEN

Nagsalita na ang actress-model na Liza Soberano hinggil sa espekulasyon sa kanilang relasyon ng aktor na si Enrique Gil.

Kasunod ito ng balitang hiwalay na ang dalawa matapos ang limang taong relasyon kung saan, naging tampulan ang kumakalat na litrato ni Liza kasama ang aktor na si James Reid sa ilang events sa Los Angeles, California noong Mayo.

Nabatid na noong Mayo rin ang araw na nagpunta si Enrique sa Spain kasama ang kaniyang pamilya.

Say ng aktres, “Super Good” ang relasyon nila ni Quen at naiintindihan ng kaniyang Boyfriend na unahin ang kaniyang desisyon na mag-audition, makapasok at magkaroon ng project sa Holywood.

Sinabi pa ni Liza na suportado ni Quen ang kaniyang mga desisyon sa buhay at alam naman nito ang mga hakbang na kaniyang ginagawa.

Iginiit pa ni Liza na hindi sila yung couple na magpapaapekto sa pressure ng ibang tao at hindi nila kailangang maglabas ng litrato para lang patunayang okay ang kanilang relasyon.

June 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
heart

Hindi pinalampas ng aktres na si Heart Evangelista ang isang netizen na tumawag sa kaniyang ‘gold digger’.

Sa twitter post ni Heart, sinabi ng aktres na hindi niya kailangan ng iba para mabuhay.

Isa kasi siyang babae at dapat lang na gawin niya ang lahat para makuha ang lahat ng kaniyang gusto.

Isa namang fans ni Heart ang nagtanggol sa aktres at sinabing mayaman na ito bago pa man makapag-asawa.

Hindi na rin sumagot muli ang netizens na unang namintas kay Heart.

June 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SHABU

Nakumpiska ng mga otoridad sa isang suspek ang aabot sa P24-M halaga ng shabu matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa  Barangay Lawaan 1, Talisay City, Cebu.

Ayon kay Police Lt. Col. Randy Caballes, hepe ng Talisay City Police Station, matagal na nilang minamanmanan ang 34-anyos na hindi na pinangalanang suspek na buwan-buwan umanong dumadaan sa lugar para magbenta ng iligal na droga.

Nakuha ang tatlong kilong pinaghihinalaang shabu sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

June 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest