Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

cesar-montano

Inamin ni Cesar Montano na kumpara sa mga bayani na sina Jose Rizal at Andres Bonifacio na kaniyang ginanapan onscreen ay mas mahirap gampanan sa pelikula ang yumaong dating pangulo na si Ferdinand Marcos Sr.

Mababatid na si Cesar ang gaganap na Marcos Sr. sa pelikulang ‘Maid in Malacañang,’ at aminado ang aktor na kakaiba ang challenge sa kanyang papel sa pelikula.

Ipinarating ng aktor na dahil dito ay nais niya na magpatulong kay Sen. Imee Marcos upang maayos niyang maisagawa ang pag-arte.

Samantala gaganap namang Ex-First Lady Imelda Marcos sa pelikula ay si Ruffa Gutierrez, si Cristine Reyes bilang Sen. Imee, Ella Cruz bilang Irene, at Diego Loyzaga bilang si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

June 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ERIKA KOBE PARAS

Usap-usapan ngayon ang Basketball star na si Kobe Paras at anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak matapos ang tila pagiging sweet ng dalawa sa social media.

Nitong Martes nang ibahagi ni Erika sa Instagram ang ”bagong gising” photos nito suot ang isang blue bikini top.

Hindi naman napigilan ni Kobe na mag-comment sa post ng dalaga kung saan sinabi nito na cute pa rin ang dalaga kahit madami itong kagat ng lamok.

Una rito ay nag-post si Kobe ng sweet beach photos nila ni Erika sa Bali, Indonesia, kung saan nagcomment naman ang dalaga ng ”You got a great photographer.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag o kumpirmasyon ang dalawa hinggil sa estado ng kanilang relasyon.

June 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CLAIRE CASTRO

Rumesbak ang aktres na si Claire Castro matapos magbigay ng komento ang mga basher ng kaniyang kapatid na si Raffa Castro.

Kasunod ito ng kumpirmasyon na si Raffa ang ina ng two month old son ni Joaquin Domagoso na anak ni outgoing Manila City Mayor Isko Moreno.

Nabatid na nagpost si Raffa ng larawan sa kaniyang Instagram account kung saan, nasa loob siya ng isang kotse na may caption na “Addicted to car selfies.”

Agad na nagbigay ng bellow the belt comments ang isang netizen tungkol kina Raffa at Joaquin dahilan para magreply si Claire sa basher ng kapatid.

Dedma naman si Raffa at Joaquin sa nagbigay ng komento sa naturang post.

June 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TONI GONZAGA

Kinumpirma ng preparation committee ng kampo ni Incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na si Toni Gonzaga ang kakanta ng lupang hinirang, na pambansang awit ng Pilipinas sa inagurasyon ng bagong pangulo sa Hunyo 30.

Habang aawitin naman ni Chris Villonco kasama ang Young Voices of the Philippines Choir ang ‘Pilipinas Kong Mahal’.

Matatandaang si Toni ay isa sa mga mang-aawit at host na nagmarka noong kasagsagan ng nakaraang campaign season.

Mababatid na gaganapin ang panunumpa ni Marcos ngayong darating na Huwebes sa National Museum sa Maynila.

June 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CARLA

Rumampa sa isang bridal fashion show ang ilang mga artista.

Kabilang sa mga featured celebrity models sa ‘Marry Me’ bridal fashion show sina Julia Barretto, Carla Abellana, Beatrice Gomez, Rabiya Mateo, Celeste Cortesi, at Kylie Verzosa.

Young and modern vibe ang dating ng aktres na si Julia sa suot nitong sparkly Andrea Tetangco gown. Ipinost din nito ang kanyang larawan sa Instagram kung saan nag-comment ang kanyang Boyfriend na si Gerald Anderson ng heart at fire emojis.

Tila nagmistulang Prinsesa naman ang tatlong Miss Universe Philippines titleholders na sina Rabiya, Beatrice at Celeste sa kanilang suot na white gown.

Agaw pansin rin si Carla Abellana sa suot nitong asul na bridal gown na gawa ni Joe San Antonio.

Habang mala-dyosa naman si Kylie Versoza sa suot nitong gown na likha naman ni Julianne Syjuco.

Hindi rin nagpahuli sa nasabing bridal fashion show sina Max Collins, Sofia Andres, Aubrey Miles at Maxine Medina.

June 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BARBIE LETTER

Aminado ang aktres na si Barbie Imperial na nakatago pa rin ang mga Love letter at regalo na ibinigay ng kaniyang ex-bofriend na si Diego Loyzaga.

Sa video vlog ni Barbie habang nagru-room tour, kaniyang ipinakita ang isang box kung saan, nakalagay ang mga sulat na ibinigay ni Diego.

Ayon sa aktres, mahilig siyang magtabi ng mga notes galing sa mga mahal niya sa buhay at wala naman daw bad blood memories.

Nilinaw ni Barbie na sa ngayon, wala na silang samaan ng loob ni Diego matapos ang kanilang hiwalayan.

June 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KEN CHAN TO RITA- IG

 Nagpahayag ng suporta si Ken Chan sa kanyang on-screen partner na si Rita Daniela, matapos nitong i-anunsyo ang kanyang pagbubuntis.

 Sa isang Instagram post, sinabi ni Ken na bilang kaibigan ay nandyan lamang siya palagi para kay Rita.

 Marami ang nag-congratulate kay Ken sa pag-aakalang siya ang tatay ng magiging anak ng dating ka-love team, ngunit nilinaw naman nito na hindi siya ang ama ng dinadala ni Rita.

 Samantala, wala namang nabanggit ang aktres sa kaniyang announcement kung sino ang ama ng kaniyang baby.

June 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
sam catriona

Deadma si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa mainit na eksenang pagsasamahan ng kaniyang Boyfriend na si Sam Milby at nang Youtuber-sexy actress na si Ivana Alawi sa isang drama series.

Sinabi ng Beauty Queen na hindi kailangan ni Sam na hingin pa ang kaniyang permiso dahil nauunawan niya ang trabaho ng kaniyang nobyo.

Ayon kay Catriona, wala siya sa posisyon para limitahan ang kaniyang boyfriend pagdating sa career nito at hindi rin daw niya kailangan na kunin ang permiso ni Sam sa kaniyang career matters.

Say ni Cat “Ivana is one person who will never cross the line” at alam nitong taken ang kaniyang leading man kaya tiwala siyang hindi hahadlang si Ivana sa kanilang relasyon ni Sam Milby.

June 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RITA DANIELA BUNTIS NA

Soon to be a mom na ang singer na si Rita Daniela!

Ito ang kaniyang isiniwalat matapos na kantahin ang awitin ni Beyonce na “Love On Top” sa kaniyang Queendom segment sa “All-Out Sundays”

Nilinaw naman ni Rita na naghanap lamang siya ng tamang oras para i-share ang new blessing sa kanyang buhay at hindi niya plano na i-sikreto ito.

Samantala, ibinahagi din ng aktres ang larawan ng kaniyang baby bump at kopya ng kanyang ultrasound sa instagram.

June 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MOND

Sa wakas ipinakita na ng aktor ng si Raymond Gutierrez ang kanilang larawan ng foreigner boyfriend nito na si Robert William.

Sa post ng aktor sa kanyang Instagram account makikita ang kanilang couple photo sa isang dagat kung saan , magka-holding hands sila habang naglalakad sa tabing-dagat.

Habang may ilan pa silang larawan na magkayakap at magkahalikan.

June 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest