Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

AJ RAVAL

Nagsalita na ang aktres na si AJ Raval hinggil sa kumakalat na balitang buntis siya sa kaniyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sa post ng isang content creator, isinapubliko nito sa kaniyang Facebook page ang isang conversation kung saan, mariing itinanggi ni AJ ang isyu hinggil sa kaniyang pagbubuntis.

Ayon sa Aktres, walang katotohanan ang naturang chismis kung saan, nagpost din si AJ sa kaniyang IG account ng larawan ng kaniyang flat tummy.

Una nang pinabulaanan ng manager ng aktres at sinabing fake news ang kumakalat na isyu at abala ngayon si aj sa kauna-unahang action movie sa VIVA Films na pagbibidahan nila ni Kiko Estrada.

July 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bb pilipinas

Gaganapin na sa Hulyo 31 ang Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas 2022.

Batay sa anunsiyo ng Binibining Pilipinas, gaganapin ang laban sa Smart Araneta Coliseum simula alas-10 ng gabi.

Para sa mga gustong manood nang live, nagkakahalaga ng P500 ang ticket para sa General Admission at P10, 500 para sa VIP.

Apat na title ang kukuhanin sa Binibining Pilipinas 2022 kabilang ang Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Globe at Bb. Pilipinas Grand International.

July 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SUZANNE

Kinoronahan bilang Miss New Mexico 2022 sa USA beauty pageant ang Filipina-American na si Suzanne Perez.

Kasunod ito ng pagkapanalo nang isa ring Fil-Am na si Averie  Daniela Bishop bilang Miss Texas 2022.

Si Suzanne ang kauna-unahang Filipino-American na kinoronahan bilang Miss New Mexico, USA.

Nagmula ang 25-anyos na si Suzanne sa Bislig, Surigao del Sur at nagtapos ng Bachelor’s Degree in Communication Science and Disorder sa Eastern New Mexico University.

Dati nang sumasali ang dalaga sa beauty pageant kung saan hinawakan niya ang koronang Miss World Philippines USA.

Idadaos ang Miss USA sa December 2022 kung saan maglalaban-laban ang 50 beauty contestants mula sa 50 states ng America.

July 3, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JUAN KARLOS

Ilang linggo matapos maisapubliko ang hiwalayan ng singer na si JK Labajo at ex-girlfriend nito na si Maureen Wroblewitz, isang bagong awitin ang inilabas nito.

Nitong Huwebes lamang nang I-upload ni JK sa kaniyang Youtube channel ang Official Lyric Visualizer ng bago niyang kantang may pamagat na “Kunwari”.

Tila palaisipan naman sa mga netizen kung ito ba ay pahiwatig sa kaniyang dating nobya.

Sabi ng mga netizen, maituturing na break up song ito ni JK kay Maureen.

Makikita naman sa kaniyang Instagram post ang kaniyang larawan na nakaluhod sa damuhan na siya ring makikita sa Official Lyric Visualizer kung saan may caption itong “Written, recorded, mixed and mastered in a span of a few days, no plans, no intentions. From me, with love”.

Samantala, umabot na sa 20,000 views ang kanta ni JK dalawang araw matapos itong i-upload.

July 2, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HIPON GIRL

Nagbigay inspirasyon sa mga netizen ang beauty queen na si Herlene Budol a.k.a Hipon.

Masaya kasi ito sa tagumpay ng kaniyang youtube series na “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” matapos na maipalabas ang unang episode nito recently.

Mabuti na lang aniya at nagustuhan ito ng netizens kahit na kinakabahan siya sa kaniyang first bida role.

Maraming netizen ang nagsabi na binigyan ni Herlene ng pag-asa ang mga babaeng insecure sa sarili.

Ang nasabing series ay tungkol sa isang babae na pinanganak na hindi nabigyan ng magandang mukha at mababa ang confidence sa sarili.

July 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KYLIE VERSOZA

Magiging bahagi ng Miss Universe Bahrain Council si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Sa instagram post ng Miss Universe Bahrain, si Kylie ang magsisilbing Head of Empowerment ng nasabing Council.

Ni-repost naman ito ng beauty queen-turned-actress sa kanyang ig stories na may caption na “Universe x International. See you, Bahrain!”

Maliban kay Kylie, kasama rin sa official council ang Filipino designer na si Furne One ng Amato Couture, na gaganap bilang creative director, at maging ang Filipino magazine publisher na si Josh Yugen na magsisilbing President at National Director ng Miss Universe Bahrain.

July 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pbbm inaugaration

Spotted sa inagurasyon ni President Ferdinand Marcos, Jr., kahapon ang ilang showbiz personalities.

 Una na riyan ang actress-singer na si Toni Gonzaga na siyang kumantan ng national anthem.

 Suot ni Toni ang isang white filipiniana na gawa ng in-demand designer na si Mark Bumgarner.

 Dumalo rin sa inagurasyon ang aktres na si Bianca Manalo, suot ang isang pulang filipiniana, kasama ang kanyang partner na si Sen. Win Gatchalian.

 Kabilang rin sa guest sa inauguration ni Marcos si Miss Universe 1969 Gloria Diaz, kasama ang anak na si Isabelle Daza, suot ang mga likha nina Vania Romoff at Ramon Esteban.

July 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANDREW E

Mariing itinanggi ng Filipino Rapper na si Andrew E., na siya ay nakabili ng dalawang sports car dahil sa kaniyang pangangampaniya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr (PBBM).

Ayon kay Andrew E., hindi totoo ang kumakalat na balita tungkol sa nasabing sasakyan at wala siyang ibang nakuha mula kay PBBM kundi isang mahigpit na yakap.

Iginiit din ng Pinoy Rapper na boluntaryo lamang daw ang kaniyang pangangampanya, lalo’t noon pa man, tagasuporta na siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan, kaniya ring sinuportahan ang anak nitong si Vice President Sara Duterte-Carpio.

July 1, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KYLIE - PARIS

‘Thumbs up’ sa style icon na si Paris Hilton ang  Y2K Fashion OOTD ng beauty queen-actress na si Kylie Versoza.

Sa instagram stories ni Kylie, ibinahagi nito ang screenshot ng comment ni Paris kung saan na-curious ito kung saan naggaling ang outfit ng aktres.

Tila nag-fangirl naman si Kylie at napasabi ng ‘I Love You’.

Sa isa pang IG story, muling nag-comment si Paris sa outfit ni Kylie, kung saan suot nito ang isang metallic spaghetti strap top.

Say ni Paris Sa outfit ni Kylie,  “That’s Hot”.

Si Perry Tabora ang nag-style ng parehong OOTD ng former Miss International 2016 titleholder-turned-actress.

Kabilang naman sa kanyang glam team sina Mikka Marcaida at Memay Francisco para sa kanyang makeup, at Renz Pangilinan para sa kanyang hair.

June 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bea alonzo

Dedma ang aktres na si Bea Alonzo sa naging patutsada sa kaniya ng batikang showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis.

Matatandaang nito lamang Martes ay muling tumirada ng mabibigat na salita si Manay Lolit sa kaniyang Instagram account laban sa aktres.

Nabatid na ikinukumpara ni Manay Lolit si Bea kung saan tila nawawala na umano ng ang aktres sa mundo ng showbiz.

Maging ang buhay pag-ibig at pasya ng aktres sa kaniyang buhay ay pinanghimasukan na rin ng naturang talent manager kung saan, sinabi ni Manay na dapat sa edad ni Bea ay meron na itong asawa at mga anak.

Sa kabila nito, nanatiling dedma si BEA sa isyu kung saan, abala ito sa kabi-kabilang endorsements, paggawa ng content sa kaniyang YouTube channel at sa estado ng kaniyang puso katuwang ang Boyfriend na si Dominic Roque.

June 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest