Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

michael jackson

Inalis sa streaming sites ng SONY Management ang 3 disputed songs o pinagtatalunang kanta ng “King of Pop” na si Michael Jackson.

Nabatid na inilabas noong 2010 sa isang compilation album ang mga nasabing kanta kabilang na dito ang Breaking News, Monster at Keep Your Head Up isang taon matapos pumanaw noong June 25, 2009 ang sikat na singer.

Nabatid na marami sa mga taga-hanga ni Jackson ang nagsasabi na ang lyrics umano ng nasabing mga kanta ay mula sa American session singer na si Jason Malachi na itinanggi naman ng naturang pamunuan.

Ayon sa SONY Management, nabawasan man ang kanta ni Jackson, mananatali paring available ang iba pa nitong awitin.

July 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HEART - EMILY IN PARIS

Nagkasama sa isang fashion show ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista at ang dalawang cast ng sikat na show sa Netflix na “Emily in Paris.”

Sa isang instagram post, ibinahagi ni Heart ang larawan nila nina Camille Razat at Ashley Park sa Haute Couture Fashion Show.

Nagkomento naman sa naturang post ni Heart si Camille, kung saan sinabi nito na ikinatuwa niyang ma-meet ang aktres.

Kasalukuyang nananatili si Heart sa France para sa Paris Fashion Week.

July 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RIHANNA

Isa pang milestone ang nakamit ng singer na si Rihanna matapos itanghal na youngest female self-made billionaire.

Lumapag sa ika-21 pwesto ang singer sa 2022 list ng Forbes na pinamagatang  “America’s Richest Self-Made Women.”

Mayroong net worth si Rihanna na 1.4 billion dollars o katumbas ng 77.91 billion pesos.

Dahil sa nangyari, naagaw na ni Rihanna ang title mula sa model na si Kylie Jenner.

Si Rihanna ang pinakabatang babae sa Estados Unidos na nakapasok sa listahan ng mga bilyonaryo sa edad lamang na 34.

July 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANGELINE QUINTO

Sandamakmak na regalo ang ibinigay ni Sarah Geronimo matapos hindi nakadalo sa binyag ng anak ni Angeline Quinto na si baby Sylvio.

Nabatid na isa si Sarah sa mga ninang ng anak ni Angeline pero hindi ito nakapunta dahil sa kanilang vacation trip ng asawang si Matteo Guidecelli sa Sicily, Italy.

Sa video vlog ni Angeline, makikitang binubuksan nito ang mga regalo mula sa mga godparents ni baby Sylvio kung saan, ikinagulat ng singer ang regalo mula sa popstar royalty.

Nagpasalamat naman si Angeline kay Sarah dahil hindi daw ito nakalimot kahit kailan.

July 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
kendra

Nakatanggap ng Rolex lady datejust watch si Kendra Kramer mula sa kanyang mga magulang na sina Cheska Garcia at Doug Kramer.

Nitong June 25 nang ipagdiwang ni Kendra ang kanyang 13th birthday kung saan, isang party ang idinaos na dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan.

Batay sa mga larawang ibinahagi ni Kendra sa kanyang Instagram account, ang band ng relo ay gawa sa oystersteel at yellow gold, at ayon sa official website ng rolex, nagkakahalaga ito ng P489,500.

Paliwanag naman nina Cheska at Doug, ang regalo nila para sa kanilang panganay na anak ay sumisimbolo sa kung gaano kahalaga ang quality at quantity ng oras.

July 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JURALD BEADOM

Usap-usapan ngayon sa social media kung planado o coincidence lang ba ang halos sabay na pagpunta ng celebrity couples na sina Bea Alonzo at boyfriend na si Dominic Roque, Gerald Anderson at girlfriend niyang si Julia Barretto sa Thailand.

Palaisipan ngayon sa mga netizen kung nagkita-kita ang apat sa nasabing bansa matapos ang sabay na pag-post ng “JuRald” at “BeaDom” lovers sa kanilang Instagram account.

Nabatid na nagbahagi sina Julia ng litrato sa kanilang IG story habang nasa Floating Market at Mae Klong Railway Market habang ipinasilip naman sa publiko nina Bea at Dominic ang mga larawan at videos habang nasa Bangkok Thailand.

Samantala, una nang nilinaw ni Bea na nasa Bangkok sila ni Dominic para magshoot ng isang TV commercial.

July 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DOLLARS

Pinagmumulta ng Wimbledon sina Tennis Stars Nick Kyrgios at Stefanos Tsitsipas matapos ang naganap na bangayan nila sa third round ng naturang tournament.

Pinatawan ng S10K na multa si Tsiptsipas dahil sa unsportmanlike conduct na itinuturing na pinakamalaking multa na naipataw ng wimbledon sa isang manlalaro.

Bunsond naman ng pagmumura at magaspang nitong pag-uugali sa playing court ay S4K penalty naman ang ipinataw kay Kyrios.

Samantala, hindi naman ito pinalampas ng mga organizers kahit pa humingi na ng paumanhin ang australian player.

 

July 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MATTEO-ITALY

Masayang nag-dinner date sa Sicily, Italy ang celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Sa isang instagram post, ibinahagi ni Matteo ang ilang larawan ng kanilang date at inilahad nito sa kanyang caption kung bakit sila na-in love sa lugar.

Ayon pa sa Filipino-Italian actor, kapwa first time nila ng kanyang asawa sa naturang siyudad.

Say pa ni Matteo, maliban sa mga makasaysayang istruktura, pinakanagustuhan nila ni Sarah ang mga inihaing pagkain sa Sicily.

July 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
herlene

Ibibida ni Herlene Budol ang kaniyang “squammy walk” sa nalalapit na Binibining Pilipinas 2022 sa July 31.

Ayon sa talent manager ng Beauty Queen na si Wilbert Tolentino, sa pagrampa ni Herlene sa swimsuit competition kaniyang ipapakita ang sosyal at classy walk nito sa publiko.

Matutunghayan din ang long gown at national costume ni Herlene na katumbas ng six figures ang halaga.

Matatandaang una nang sumikat ang “pilapil walk” mula kay Venus Raj; “tsunami walk” mula kay Shamcey Supsup; “cobra walk” mula kay Janine Tugonon; “arriba walk” mula kay Ariella Arida; “camel walk” mula kay Mj Lastimosa; “alta walk” mula kay Maxine Medina; “infinity walk” mula kay Rachel Peters; “tanim bala walk” mula kay Pia Wurtzbach; at “lava walk” mula naman kay Catriona Gray.

July 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SOLENN HEUSAFF 1

Masayang inanunsyo ng Kapuso actress na si Solenn Heusaff na ipinagbubuntis niya ang second baby nila ng asawang si Nico Bolzico.

Sa pamamagitan ng instagram stories, ibinahagi ni Solenn ang kanyang tummy photo at sinabing 16 weeks na siyang pregnant.

Sinamahan niya rin ito ng caption na “Back to daily injections for bub number 2.”

Isang instagram reel naman ang inupload ni Nico kung saan, ibinida nito ang isang bagong  “x-ray app” at ikinagulat ng mag-asawa nang makita ang baby sa loob ng tiyan ni Solenn.

Congratulations Solenn and Nico!

July 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest