Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

1

Muling nagtrending sa social media platforms ang aktres na si Ella Cruz matapos manindigan na “ang kasaysayan ay parang tsismis.”

Sa isang video na inupload nitong Linggo, makikita na nag-uusap ang aktres kasama si Senator Imee Marcos habang breaktime sa shooting ng pelikulang “Maid in Malacañang” kung saan, sinabi ni Ella na ang kasaysayan ay isang “Opinionated” o isang kuro-kuro na napatunayan dahil sa mga ebidensiya at research o pananaliksik ng mga Historian.

Nilinaw ni Ella na ang tsismis sa history ay ang mga nagbibigay ng opinion at feelings na walang evidentiary support sa kanilang isinusulat.

Dahil dito, muling umani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizen ang mga naging pahayag ng aktres.

Say ng Aktres sa mga netizen, “bash me all you want pero wag niyong idadamay ang pamilya ko.”

Igiiniit pa ni Ella na sana’y magkaroon ng kahit kaunting pagkatao ang publiko sa kanilang mga sinasabi.

July 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LOLIT SOLIS

Inilarawan ng Showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ang buhay lovelife ng komedyanteng si Pokwang matapos niyang kumpirmahin na hiwalay na siya sa kaniyang asawa na si Lee O’Brian.

Ayon kay Manay Lolit, nag-uumpisa palang ang katanungan ng karamihan kung sino ang Ama ng bunsong anak ni Pokwang pero hiwalay na agad ang mag-asawa.

Sinabi pa ni Manay Lolit na mahirap para sa isang babae na ma-inlove, magkaanak, makipaghiwalay, at magpalaki ng mga anak kaya alam nito ang nararamdaman ni Pokwang.

Matatandaang sa naging pahayag ng Talent Manager at kaibigan ng komediyante na si Ogie Diaz, November 2021 pa nang maghiwalay ang mag-asawa at ngayon ay co-parenting ang set-up nina Pokwang at Lee para sa kanilang anak na si Malia.

July 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
POK LEE

Kinumpirma na ng komendyante na si Pokwang ang mga kumakalat na espekulasyon sa hiwalayan nila ng long-time partner si Lee O’Brian.

Ayon kay Pokwang, noon pang September 2021 nang maghiwaly sila ni O’Brian.

Pero nilinaw naman ng komedyante na maayos ang kanilang paghihiwalay at walang third party involved.

Sinabi pa ni Pokwang na walang problema kung bibisita si O’brian sa bahay nito para makita ang anak na si Malia.

In fact, welcome aniya ang dating partner sa kanilang bahay.

Nabatid na unang umugong ang usapin sa naturang hiwalayan ng palitan ni Pokwang ang food business nito sa “Mamang Pokwang” mula sa “Pok-Lee”

Sinabi naman ng komedyante sa mga basher nito na hindi karma ang nangyari sakanya kung saan nililinis lamang daw ng Panginoon ang daan niya papunta sa tamang tao.

July 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MMFF

Pinangalanan na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang apat na pelikulang opisyal na kalahok sa patimpalak.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority na siyang nangangasiwa sa MMFFEC, kabilang sa apat na pelikula ang;

  • Labyu with an Accent
  • Nananahimik Ang Gabi
  • Partners in Crime
  • at The Teacher

Ang mga criteria sa pagpili ng mga kalahok ay 40% sa Artistic Excellence, 40% sa Commercial Appeal, 10% sa Filipino Cultural Sensibility at 10% sa Global Appeal.

July 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bea a barbie

Inamin ni Barbie Forteza sa lie detector challenge vlog ni Bea Alonzo na naging crush nito ang former love team na si Andre Paras.

Sa latest vlog, makikita na naging honest at diretso ang pagsagot ni Barbie sa lahat ng tanong na ibinato sa kanya ni Bea.

Pero pagdating sa katanungan hinggil sa kung mayroon itong paghanga o crush kay Andre, tila natigilan at kinabahan ang aktres.

Ngunit makalipas ang ilang segundo agad na pabulong na sumagot si Barbie ng mga katagang “Yes” o Oo.

Matatandaan na nagsama sina Barbie at Andre sa mga programa ng GMA na “That’s My Amboy” at “The Half Sisters.”

Kasalukuyang in relationship si Barbie sa kanyang hunk actor boyfriend na si Jak roberto.

July 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
GARY V

Isiniwalat ng beteranong singer na si Gary Valenciano na kasalukuyan siyang dumaranas ng problema sa kaniyang lalamunan.

Sa isang twitter post, sinabi ni Gary na ilang linggo na siyang nahihirapan dito kaya ipinagdarasal niya sa panginoon na bumalik na ang kaniyang boses.

Malapit na rin kasi aniya ang kaniyang musical show na “Joseph the Dreamer” na kaniyang comeback sa musical theater pagkatapos ng 23 years.

Nabatid na ang anak ni Gary na si Paolo Valenciano ang magdidirek ng nabanggit na musical show.

July 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BELA PADILLA

Excited na ang Kapamilya star at aktres na si Bela Padilla para sa kanyang bagong proyekto sa Europa.

Masayang ibinalita ni Bela na siya ang magiging writer at direktor ng bagong project na kanyang gagawin sa Switzerland.

Ayon sa aktres, makakasama niya sa naturang proyekto ang ilang Pinoy cast and crew kung saan pina-finalize pa nila ang casting nito.

Sinabi pa ni Bela na looking forward na siya sa magiging experience dahil ito ang kauna-unahang sasabak siya na nasa likod ng camera.

July 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
heart fendi

Na-feature sa Fendi’s instagram page ang aktres at socialite na si Heart Evangelista.

Sa larawang ibinahagi ni Heart sa kaniyang Instagram page, makikita ang Instragram stories ng Fendi kung saan naroon ang larawan ng aktres nang dumalo ito sa Autumn-Winter 2022 Show sa Paris Haute Couture week.

Ilan pa sa mga personalidad na na-feature sa Fendi ay ang South Korean Superstar na si Song Hye Kyo, English actress na si Lashana Lynch at Canadian supermodel at activist na si Winnie Harlow.

Una nang nakasama ni Heart sa isang larawan sina Hye Kyo at ang “Emily in Paris” stars na sina Camille Razat at Ashley Park.

July 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BELLA POARCH

Maglalabas ng bagong music ang Filipino-American at Tiktok star na si Bella Poarch.

Sa isang Tweet, inanunsyo ni Bella na mapapakinggan na ang kanyang upcoming single na ”Dolls” sa July 15.

Ipinasilip din ng social media influencer ang ilang eksena sa music video ng ”Dolls”, kung saan makikitang umiiyak ito kasama ang tila namayapa nitong kaibigan.

Taong 2020 nang mag-viral ang isang video clip ni Bella sa Tiktok habang nagli-lipsync ng “M to the B”, at sa ngayon ay mayroon na siyang mahigit 90.5 million followers.

July 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
POKWANG - LEE

Kalat na ngayon sa social media na hiwalay na umano ang mag-asawang Pokwang at Lee O’brian.

Batay ito sa pagpapalit ng pangalan at logo ng food business ni Pokwang na kung dati ay Lee-Pokwang Food Products ay naging Pokwang Gourmet na lang.

Sa isang video, ipinagmalaki ni Pokwang ang mga produkto sa kaniyang negosyo.

Pero nang tanungin tungkol sa estado nilang mag-asawa ay hindi na nakasagot ang comedy actress.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon sa panig ng mag-asawa kung totoo ang ulat.

July 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest