Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

AKOL

Na-disqualify sa pageant dahil sa kaniyang height si Miss Philippines Earth 2022 candidate Michele Angela Okol na taga Del Carmen, Surigao del Norte.

Sa Instagram post ng kandidata, kaniyang inanunsiyo na hindi na niya itutulak ang kaniyang sarili na abutin ang kaniyang pangarap na maging isang beauty queen.

Sinabi ni Michele na siya ay nagsumikap maging ang kaniyang pamilya at team para maitayo ang mga materials na kailangan sa naturang pageant pero nabalewala lahat ito dahil sa kaniyang height.

Dagdag pa ng kandidata, hindi pasok sa standard ng pageant ang kaniyang height at posible umanong ma-bash ang Miss Philippines Earth Organization kung hahayaan nilang makapasok ang mga gustong lumahok na mababa sa height na 5’4.

Iginiit din ng kandidata na hindi sila naabisuhan at nasukat ng maaga kaya hindi nila ito agad nalaman kung saan, nakahanda na sana siya para sa online at harapang kumpetisyon.

Sa kabila nito, pinasalamatan parin ni Michele ang naturang organisasyon sa pagkakataong ibinigay para sakaniya.

July 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NIKKI VALDEZ - JOLINA

Magkasamang nag-camping ang pamilya nina Jolina Magdangal at Nikki Valdez kung saan ibinahagi ng dalawa sa social media ang mga larawan at clips ng kanilang adventure trip.

Sa isang instagram posts, ibinahagi ni Nikki kung paano ipinaalala sa kanya ng kanilang recent trip ang kanyang pagkabata.

Sinabi pa ng 41-year-old actress na masaya siyang naranasan din ng kanyang mga anak na mag-camping.

Pinasalamatan naman ni Jolina ang kanyang asawa na si Mark Escueta sa pagtupad ng kanyang childhood dream.

Say pa ni Jolens, matagal niya nang gustong mag-camping at talaga naman aniyang nag-enjoy rin ang kanilang mga anak na sina Pele at Vika.

July 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
miro sandro marcos

Kumambyo ang aktres na si Alexa Miro hinggil sa isyung kumakalat sa social media na siya ang girlfriend ni Ilocos Norte 1st Rep. Sandro Marcos na anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Inilarawan ni Alexa ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Sandro kung saan, “magkaibigan” lamang sila.

Sinabi ni Alexa, na nagulat at naapektuhan siya sa natatanggap na pambabash mula sa mga netizen dahil first time niya itong naranasan.

Nilinaw din ng aktres na matagal na silang magkaibigan ng presidential son at “super close” lamang sila sa isat-isa.

Ayon kay Alexa, wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil alam niya kung sino siya maging nang mga taong nakakakilala sakaniya.

Matatandaan sa unang naging pahayag ni Alexa, kaniyang inamin na ipinaglaban pa nila ang kanilang pagmamahalan nang tahimik at malayo sa isyu kung saan, tumulong pa ito sa pangangampanya ni Sandro noong nakaraang eleksiyon.

July 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
lizquen

Going strong pa din ang kapamilya couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil matapos maispatan ang dalawa na magka-holding hands sa loob ng isang kilalang beauty clinic.

Sa isang video na ibinahagi ng celebrity doctor na si Hayden Kho sa Instagram, makikita ang couple na nagtatawanan at sweet na sweet sa isa’t isa.

Nabatid na nagtungo ang dalawa sa beauty clinic upang sabay na magpa-treatment.

Matatandaang umugong ang isyung hiwalay na ang LizQuen na agad namang pinabulaanan ni Liza.

July 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KIDLAT

Nagbigay ng pasulyap ang vlogger at business woman na si Viy Cortez sa first baby nila ni Cong TV na si baby Zeus “Kidlat” Velasquez.

Sa isang vlog na may title na ”Zeus”, ibinahagi ni Viy ang kanyang birthing process hanggang sa siya’y manganak.

Hindi naman napigilan ni Cong na mapaluha nang makita ang panganay nila ni Viy at sinabing nag-flashback ang kanyang buong buhay nang masilayan ito.

Nitong Hulyo 5 nang isilang ni Viy si Baby Kidlat.

Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 3.1 million views ang naturang vlog.

July 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
POKWANG LEE

Dinipensahan ng komediyanteng si Pokwang ang asawang si Lee O’Brian laban sa pambabash ng mga netizen.

Kasunod ito ng kanilang hiwalayan na umani ng ibat-ibang reaksiyon sa publiko.

Ayon kay Pokwang, nasasaktan siya sa ginagawang pambabash ng mga netizen sa kaniyang asawa dahil mabuting tao at ama si Lee.

Nanawagan naman ang komediyante sa mga netizen na itigil na ang paggawa ng maling impormasyon tungkol sa kanila dahil walang third party at walang money involve sa kanilang hiwalayan.

July 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PAOLO

Si Paolo Ballesteros ang magsisilbing main host ng debut season ng Drag Race Philippines.

Kinumpirma ito ng Drag Race PH kung saan ibinahagi nito sa Instagram ang first look ni Paolo bilang host ng Philippine edition ng sikat na show.

Ipinakilala rin ang aktor bilang Filipino drag artist, celebrity model, at superstar host.

Nag-comment naman ng surprised face emoji at tatlong red hearts sa nasabing post si Paolo.

Ipapalabas ang ”Drag Race Philippines” sa August 17 sa Wow Present Plus.

July 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BLYTHE 2

May paglilinaw ang aktres na si Andrea Brillantes kaugnay sa kanyang viral ‘baby talk’ video.

Ayon kay Andrea, hindi niya ito sinasadya at natural na ito sa kanyang boses.

Paliwanag pa ng aktres, hindi niya naranasan ang normal childhood at kulang siya sa pansin noong siya ay bata pa dahil siya ang bunso sa kanilang pamilya.

Matatandaang pinag-usapan ang video ni Andrea nang mag-baby talk ito habang bumibili sa isang tindahan sa Siargao, kung saan kasama niya ang Boyfriend na si Ricci Rivero.

July 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JUDY SANTOS

Inihayag ng aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang dahilan kung bakit limang buwan siyang huminto sa pagba-vlog.

Kasunod ito ng mga katanungan ng ilang mga netizen tungkol sa huling episode ng Youtube channel ni Juday na mayroon nang 1.7 million subscribers.

Ayon sa aktres, ang kaniyang paghinto sa paggawa ng video ay may kinalaman sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Bukod pa dito, aminado din si Juday na nahihirapan siyang mag-isip ng mga recipe na kaniyang lulutuin para gayahin ng kaniyang viewers dahil mas ideal ang paglikha ng mga sangkap na abot kaya o swak sa budget.

Say ni Juday, kahit celebrities silang mag-asawa, ay hindi pa rin sila ligtas o exempted sa inflation rate na dinadaing din ng lahat ng mga Pilipino.

July 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
PHILLIP LAZARO

Pumanaw na ang beteranong stand-up comedian at television director na si Phillip Lazaro sa edad na 52.

Ito ang inanunsyo ng kaniyang pamilya, kaibigan at katrabaho na nagpost ng kani-kanilang mensahe sa social media accounts.

Iaanunsyo naman sa lalong madaling panahon ang detalye ng libing ni Lazaro.

Samantala, ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ng yumaong komedyante ang “Kailangan Ko’y Ikaw” at “Wanted Perfect Mother”.

July 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest