Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

GINA P

Nilinaw ng beteranang aktres na si Gina Pareño na hindi siya miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual o LGBTQIA+ Community.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga balita hinggil sa pag-amin ng aktres na nagkaroon sila ng walong taong relasyon ng yumaong aktres na si Dra. mIlagros “Bong” Eraña o mas kilala bilang si Nenita Vidal.

Say ng aktres, “I’m all woman” at hindi ako pamilyar sa mga bagong termino ng mga gay at lesbian.

Ayon pa kay Gina, hindi nila inilihim ang kanilang relasyon ni Bong kung saan, first time niyang magkipagrelasyon sa lesbian pero hindi ibig sabihin na siya ay LGBT member.

Iginiit ng aktres na hindi importante sakaniya kung ano ang kasarian ng kaniyang makakarelasyon dahil masaya siya na naramdaman niya ang “True Love.”

July 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SB19

Napabilang ang P-pop group na S.B.19 sa listahan ng favorite boy bands of all time ng Teen Vogue.
Ang nasabing grupo ang tanging Filipino talent na nakasama sa 33 banda na may magkakaibang genres at henerasyon.
Kabilang sa listahan ang bandang The Beatles, BTS, The Jackson 5, Backstreet Boys, Five Seconds of Summer, Jonas Brothers at iba pa.
Ang SB19 ang unang Filipino at Southeast Asian act na nanomina sa billboard music awards for the top social artist category, kasama ang BTS, Ariana Grande, Seventeen, at Blackpink.
Ilan sa mga kilalang kanta ng SB19 ang “Mapa” at “Bazinga.”

July 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ENCHONG DEE

Aminado ang aktor na si Enchong Dee na maging siya ay apektado narin ng pagtaas ng antas ng inflation sa bansa.

Sa Instagram post ni Enchong, sinabi niya na mula nang magsimula ang paghigpit ng restriksiyon sa Pilipinas bunsod ng pandemiya, natuto siyang ibudget ang kaniyang sarili pagdating sa mga bilihin.

Ayon sa aktor, mas nabibili niya na ang lahat ng mga kailangan niya sa bahay dahil sa kaniyang pagtitipid at pagpa-plano ng mga dapat o kailangang bilhin.

Iginiit pa ni Enchong na ang “budgetarian moves” ay malaking tulong sa pagpapagaan ng inflation na nararanasan ngayon ng buong bansa maging nang buong mundo.

July 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
francine seth

Aminado sina Francine Diaz at Seth Fedelin na nagkaroon ng awkwardness sa pagitan nila sa simula ng kanilang first project.

 Say ni Seth, iba kasi ang nakasanayan nilang ka-love team sa loob ng halos tatlong taon.

 Sinabi naman ni Francine na hindi negatibo ang awkward moments sa pagitan nila dahil nagka-trabaho sila ng matagal na iba ang kanilang mga katambal.

 Mababatid na naging ka-love team ni Seth si Andrea Brillantes habang si Kyle Echarri naman ang kapareha ni Francine,  na kapwa mga miyembro rin ng Gold Squad.

 Unang bumida sa music video na ”Muli” ang ”FranSeth,” at bibida rin sa drama series na ”Dirty Linen.”

July 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
jennifer lopez at ben affleck

Ikinasal na ang singer na si Jennifer Lopez at aktor na si Ben Affleck nitong weekend sa Las Vegas.
Ito ay matapos kumuha ng marriage license ang celebrity couple, batay sa mga dokumentong inilabas online ng clerk’s office ng clark county sa Nevada.
Ayon sa report, ang power duo na tinaguriang Bennifer ay ikinasal sa isang small ceremony.
Sa instagram, ipinost ng Marry Me actress ang mga katagang Sadie! #iykyk go to the OnTheJlo for all the deets” at ini link ang kanyang newsletter website sa kanyang page bio.
Sinabi ni Jlo na mayroon siyang “exciting and special story to share” subalit ang subscribers nila sa “inner circle” newsletter lamang ang makakabasa ng nasabing exciting story.
Halos isang taon nang nagka balikan ang tinaguriang bennifer matapos ang dalawampung taon at nag engage nitong nakalipas na Abril.

July 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HIPON

Ipinasilip sa publiko ni Aspiring beauty queen Herlene Budol o kilala bilang si “Hipon Girl” ang kaniyang national costume na kaniyang gagamitin para sa nalalapit na Binibining Pilipinas 2022 na gaganapin sa Hulyo a-31.

Sa Instagram post ng beauty queen, kaniyang ipinagmalaki ang mahigit 16 feet at 45 days in the making na pambansang kasuotan na una na niyang nirampa sa New Frontier Theater sa Quezon City noong Sabado.

Nabatid na ang national costume ni Herlene ay halaw sa Higantes Festival ng Angono, Rizal, ang lugar na kaniyang pinagmulan at kung saan siya lumaki.

Samantala, ipinagmalaki din ni Herlene sa mga netizen ang kaniyang diploma na pinaka malaking achievement na kaniyang natanggap sa kaniyang buhay na kaniya namang inaalay sa kaniyang pamilya at mga taga-suporta.

July 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CHANTY - LAPILLUS

Kinansela ang TV apperance ng KPOP group na Lapillus ngayong linggo dahil sa mataas na lagnat ng isang Pinay member nito na si Chantal Videla o Chanty.

Batay sa ulat nakatakda sanang mag-perform ang naturang grupo sa Korean TV music show na Inkigayo subalit dahil sa mataas na lagnat ng nasabing Pinay hindi ito natuloy.

Ayon sa MLD Entertainment, dinala na sa ospital si Chanty at pinayuhan ng doktor na magpahinga.

Habang humingi naman ang naturang kumpanya ng paumanhin sa mga fans ng grupo dahil sa naunsyameng perfromance ng mga ito.

Matatandang si Chanty ay dating kapamilya aktres na naging bahagi ng cast ng television show na Hiwaga ng Kambal at Starla.

July 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
pen medina

Nananawagan ngayon ng tulong ang aktor na si Alex Medina para sa Ama nitong si Pen Medina na sasailalim sa isang major spine surgery.

Sa facebook post ng aktor, sinabi nitong tatlong linggo nang nasa ospital ang kaniyang ama at hindi na ito makaupo at makatayo.

Hindi rin sapat ang kakayahan ng aktor na mabayaran ang surgery dahil wala naman itong trabaho dahil sa pandemya.

Sa July 19, araw ng Martes nakatkdang sumailalim sa surgery ang ama ng aktor.

July 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MISS SUPRANATIONAL 2022

Kinoronahan ang pambato ng South Africa na si Lalela Mswane bilang Miss Supranational 2022.

Isinagawa ang coronation night sa Malopolska, Poland kaninang umaga.

Natalo ng South Africa ang nasa 68 kalahok mula sa iba’t ibang bansa para makuha ang korona mula kay Chanique Rabe, ang 2021 winner at unang Miss Supranational mula sa Namibia.

Hinirang namang first runner-up si Miss Thailand Praewwanich Ruangthong habang second runner-up si Miss Vietnam Nguyen Huynh Kim Duyên.

Third runner-up naman si Miss Indonesia Adinda Cresheilla at fourth runner-up si Miss Venezuela Ismeyls Velasques.
Nagtapos naman sa Top 24 si Alison Black ng Pilipinas.

July 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
mggie

Nanawagan ng tulong ang Filipino-British Beauty Queen na si Maggie Wilson.

Ito’y matapos pasukin ng mga tauhan ng dating asawa ni Maggie na si Victor Consunji ang pamamahay ng aktres nang walang anumang ‘notice, warrant at maayos na paperworks.

Sa instagram post ng beauty queen, sinabi nitong nag-serve ng notice ang mga lalaki para i-padlock ang bahay.

Ipinakita pa ng kamag-anak ni maggie ang kontratang nagsasaad na may karapatang manirahan ang aktres sa nasabing bahay pero pinagtawanan lamang ito.

Wala si Maggie nang nangyari ang insidente dahil kasalukuyan siyang nasa business trip.

Wala pang pahayag ang VCDC at DMCI, mga kumpanyang parehong pagmamay-ari ni Victor ukol sa reklamong ito ni maggie.

September 2021, inanunsiyo nina Maggie at Victor ang desisyon nilang maghiwalay matapos ang halos 11 taong pagsasama.

 

July 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest