Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

CALOY ALDE

Pumanaw na sa edad na 60 ang komediyanteng si Caloy Alde o mas kilala bilang “Ogag” at “Mr. Bean of the Philippines.”

Nabatid na dalawang taon nang nakalipas nang isugod si Caloy sa emergency room sa Ospital ng Fairview, Quezon City matapos magkaroon ng kondisyon sa puso.

Ayon sa asawa ng komediyante na si Rhoda Alde, nakaranas ng pagmamanas si Caloy dahil sa enlargement of the heart at pagkakaroon ng tubig sa kaniyang baga.

Si Caloy ay isa sa tinitingala ng mga komediyanteng katulad nila Long at Empoy sa entertainment industry dahil sa masasaya, at kakaibang naibibigay nito sa mga manonood.

July 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
liza soberano

Mapapasabi ka na lang ng sana all!

Ito ay matapos ibahagi ng aktres na si Liza Soberano ang karanasan niya kasama ang ilang kilalang South Korean stars.

Kasama rito ang singer at entrepreneur na si Jay Park at miyembro ng sikat na K-Pop group na Ikon na si Donghyuk.

Sa Instagram post ni Liza, inilabas ni Park ang dance cover nila ng aktres ng bago nitong awitin na ‘Need to Know’.

Nakasama rin ng aktres sa isang TikTok clip si Donghyuk, kung saan mismong sa TikTok account ng South Korean star lumabas ang nasabing video.

Una nang nakasama ni Liza sa isang dance video si James Reid na siyang bagong manager nito.

Noong Hunyo, lumipat si Liza sa talent agency ni Reid matapos ang matagal na panahon sa dating manager na si Ogie Diaz.

July 24, 2022 0 comment
1 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALODIA GOSIENGFAO

Engaged na ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa kaniyang fiance na si Christopher Quimbo.

Ito ang ibinahagi ni Gosiengfiao sa kaniyang instagram account kung saan makikita ang larawan ng proposal ng kaniyang partner.

Naganap naman ang proposal ni Quimbo kay Gosiengfiao sa isang spanish-themed vineyard sa Silang, Cavite.

July 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
coco martin

Kinumpirma ng aktor na si Coco Martin na nalalapit na ang pagtatapos ng episode ng Teleseryeng “FPJ’S Ang Probinsiyano”.

Nagpasalamat naman si Coco sa lahat ng Pilipinong tumangkilik at sumuporta sa naturang teleserye.

Matatandaang dahil sa tagal ng naturang serye ay naging meme na sa social media ang mukha ni Coco Martin.

Ang naturang serye ay umabot ng pitong taon na unang namagyapag sa ere nuong September 28, 2015.

July 23, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MIKEE QUINTOS & PAUL SALAS

Nagtungo sa Boracay kamakailan ang Kapuso couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos upang ipagdiwang ang kanilang first anniversary.

Sa isang vlog, ibinahagi ni Paul ang masayang bakasyon nila ni Mikee sa isla, kung saan kabilang sa naging aktibidad nila ang parasailing.

Ngunit hindi lamang bakasyon ang nangyari dahil may inihanda rin palang sorpresa ang aktor para sa kanyang nobya.

Isang romantic dinner date by the pool lang naman ang ginawa ni Paul kung saan, inabutan niya ng bouquet of roses si Mikee at inaya ito na maging date sa GMA gala.

Isang matamis na yes naman ang tugon ni Mikee at sinabing masaya siya na si Paul ang kasama niya.

Matatandaang noong May 23 nang isiwalat ni Paul na ”dating” ang status nila ni Mikee.

July 22, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
AJ RAVAL

Itinanggi ng sexy star na si AJ Raval na siya ay buntis.

Pinabulaanan rin ng aktres ang balitang nawalan siya ng trabaho dahil sa kanyang pagdadalantao.

Sa katunayan, sinabi ni AJ ay nagpositibo siya sa COVID-19 at maging ang kanyang mga co-star sa ginagawang pelikula sa ilalim ng Viva Films.

Umugong ang isyung nabuntis si AJ ng rumored boyfriend nito na si Aljur Abrenica matapos itong kumpirmahin ng kolumnista at TV host na si Cristy Fermin.

July 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RUFFA GUTZ

Nagsampa na ng kaso laban sa aktres na si Ruffa Gutierrez ang dalawang dating kasambahay nito.

Sa dokumentong ipinakita ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, makikita ang dokumento mula sa National Labor Relations Commission na nag-iimbita kay Ruffa sa isang Mediation Conference.

Magaganap ito sa July 27 sa ganap na alas-11 ng umaga.

Si Guanzon ang nilapitan ng dalawang kasambahay ni Ruffa na nagmula pa sa probinsiya ng Negros Occidental.

Reklamo umano ng mga ito na sila ay pinalayas ni Ruffa at hindi pa binigyan ng sahod.

Sa ngayon, wala pang reaksiyon si Ruffa sa kaso.

July 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANDI EIGENMANN

Nanawagan ang aktres na si Andi Eigenmann sa mga turistang bumibisita sa Siargao Island na maging responsable pagdating sa kanilang mga basura.

Sa instagram post ng aktres, kaniyang ibinahagi ang larawan ng mga basurang nakatambak sa gilid ng kalsada.

Makikita sa mga nakakalat na basura ang ilang mga bote ng alak, disposable container at lata ng softdrinks.

Ayon kay Andi, normal lang na mag “happy-happy” ang mga turista sa beach pero huwag sanang kalimutan ang mga left over o mga kalat na ginamit sa kanilang “fun night.”

July 21, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DRAG RACE PH

Mapapanood na sa susunod na buwan ang inaabangang reality competition na “Drag Race Philippines.”

Simula August 17 ay mapapanood ang Pinoy version ng sikat na show sa Discovery+, HBO Go, at Wow Presents Plus, kung saan ilalabas tuwing Miyerkules ang bagong episodes nito.

Una nang inanunsyo ng “Drag Race Philippines” na ang aktor na si Paolo Ballesteros ang magsisilbing host nito.

Kabilang naman sa magiging judge ng reality competition ay sina Jiggly Caliente at Kaladkaren habang iaanunsyo naman sa mga susunod na araw ang mga guest judges.

July 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALJUR AJ

Kinumpirma ng beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin na buntis na ang sexy acctress na si AJ Raval sa rumored boyfriend nito na si Aljur Abrenica.

Sa July 19 episode ng Online show na ‘Showbiz Now Na’, tinanong ang kolumnista kung totoo bang nagdadalang-tao na si AJ.

Sagot ni Cristy, ipupusta niya na siyento porsyentong totoo ang balita.

Ito rin aniya ang dahilan kaya hindi nakumpleto ni AJ ang mga proyekto nito sa showbiz industry.

Sa ngayon, umaasa si Cristy na sa kabila nang nangyari ay aakuin ni Aljur ang responsibilidad kay AJ at hindi magsasampa ng kaso ang dati nitong asawa na si Kylie Padilla.

July 20, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest