Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

ARJO MAINE KASAL

Engaged na ang aktres na si Maine Mendoza sa long-time Boyfriend nito na si Arjo Atayde.

Sa Instagram post ni Maine kahapon, ibinahagi nito ang wacky shot nila ni Arjo, na makikitang may suot itong singsing.

May caption pa ito ng ”Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Sa iba pang larawan, makikita na all smiles ang dalawa habang nakaakbay si Maine kay Arjo.

Hindi naman makapaniwala si Maine na engaged na siya kay Arjo, na kongresista ngayon ng 1st District ng Quezon City.

Noong December 2018, nagsimula ang pag-usapan ang relasyon nina Maine at Arjo.

Kinumpirma ito ni Arjo pagsapit ng January 2019 kung saan noong December 21, 2021, ipinagdiwang nila ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan habang nasa yate.

July 30, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
raval at skusta clee

Sinagot ng Tiktok star na si Vanessa Raval na kapatid ng aktres na si AJ Raval ang naging FB post ng rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee matapos kumalat ang isyu hinggil sa isang rapper na nangungulit umano sakaniya na makipag kita.

Matatandaang sa unang naging post ni Vanessa, kaniyang isinapubliko ang mga screen shot message kung saan, hindi na nito nagustuhan ang mga binibitawang mensahe mula sa rapper na hindi niya pinangalanan.

Sinabi pa ni Vanessa na dapat mag focus nalang ang naturang rapper sa kaniyang anak imbes na mambabae.

Bukod pa diyan, nagpost din ang Tiktok star ng kakaibang lyrics na tumutukoy umano sa kantang “Karma” ni Skusta Clee dahilan para umani ng ibat-ibang kumento sa mga netizen.

Agad namang nagreact ang naturang rapper at nanghamon na i-reveal o ipakita ni Vanessa sa social media kung sino ang rapper na kaniyang nakakachat.

Mabilis namang kumambiyo si Vanessa at sinabi na hindi si Skusta Clee ang kaniyang tinutukoy at wala rin siyang balak na ilabas ang pangalan nito dahil posible umano siyang makasuhan.

July 29, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ARTISTS - LINDOL

Ilang personalidad din ang nataranta sa malakas na lindol sa tumama sa Abra at ilang bahagi ng Luzon kahapon, na naramdaman din sa Metro Manila.

Kabilang sa kanila si Janno Gibbs, Joe Black, Xian Lim at Sunshine Guimary na nasa gitna pa ng shooting sa La Union nang mangyari ang lindol.

Say ni Sunshine, maituturing na traumatic sa kanila ang nangyari dahil hindi pangkaraniwan ang pagyanig ng lupa.

Sa set naman ng FPJ Ang Probinsyano na nasa Laoag City, Ilocos Norte, nagtakbuhan ang mga artista at buong produksyon para lumikas sa tinutuluyan nilang hotel.

Ang ilan pang artistang nagpahayag ng kanilang kaba sa social media at pinayuhan ang lahat na mag-ingat ay sina Kim Chui, Bianca Gonzales, Anne Curtis, Julie Anne San Jose, Sanya Lopez, Cong. Alfred Vargas at Gary Valenciano.

July 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
hidilyn diaz

Pabirong sinisi ng mga netizen ang katatapos lamang na kasal nina olympian gold medalist Hidilyn Diaz at weightlifting coach at husband na si Julius Naranjo na ginanap noong Hulyo a-26 sa St. Ignatius Church ng Philippine Military Academy sa Baguio City.

Kasunod ito ng naganap na magnitude 7 na lindol sa Abra kahapon ng umaga na araw din umano ng honeymoon ng mag-asawa.

Nabatid na naudlot ang honeymoon ng mag-asawa matapos ding maramdaman ang lindol sa nasabing lalawigan kung saan, nagpost pa si Hidilyn sa kaniyang IG story ng evacuation selfie sa gitna ng araw ng kanilang honeymoon sa Baguio Country Club.

Sa kabila nito, umani ng kilig at iba’t-ibang reaksiyon sa mga netizen ang naganap na kasal ng dalawa kung saan, mas naging espesyal pa ito dahil ang araw ng kanilang kasal ay ang eksaktong petsa din kung kailan nanalo si Hidilyn ng gintong medalya sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon.

July 28, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
joshua garcia

Muling pinag-usapan ang bagong video na ipinost ng aktor na si Joshua Garcia sa social media platform na Tiktok.

Ito’y matapos gumawa ng dance cover si Joshua ng “Thick fine woman,” ng Chalie boy.

Nakalikom lang naman ng mahigit 20 million views ang video ng aktor sa loob ng isang araw.

Kinilig naman ang mga netizen, at ilang social media stars din ang napa-comment sa post ni joshua.

Matatandaang naging trending topic din ang aktor noong Disyembre matapos nitong kumasa sa “Ginseng strip 2002” challenge.

Sa ngayon ay mayroong 6.5 million followers si Joshua sa Tiktok.

July 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HIDILYN JULIUS

Tunay nga ang kasabihan na love moves in mysterious ways!.

Ito ay matapos ikasal kahapon ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa long-time coach at Boyfriend nito na si Julius Naranjo.

Ginanap ang wedding sa Baguio City na kaparehong araw kung saan nakuha ni Hidilyn ang gintong medalya sa Tokyo 2020.

Suot ng atleta ang isang off-shoulder wedding gown habang looking dashing din sa suot na barong si Julius na pawang gawa ng sikat na designer na si Francis Libiran.

Nabatid na bago ang kasal, naging usap-usapan na inalok ni Julius ang kaniyang wife-to-be na lumagda sa Prenup Agreement, na nagpapatunay na hindi materyal na bagay ang ikinagusto niya sa Olympic champ.

Wala pa namang impormasyon kung tinanggap ito ng gold-medalist.

Noong October 2021 na-engage sina Hidilyn at Julius.

July 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
aja raval ig

Nagpasabog ng kaseksihan ang aktres na si AJ Raval matapos muling lumabas sa social media na siya ay buntis sa aktor na si Aljur Abrenica.

Sa Instagram reel post, ibinahagi ni AJ ang isang video kung saan, ipinakita ng aktres ang kaniyang sexy body suot ang two-piece white bikini.

Kasunod ito ng muling pagtanggi ni AJ sa tsismis at iginiit na walang katotoohanan ang paglitaw ng balita na siya ay buntis kundi nagpositibo siya sa Covid-19.

Agad namang nagcomment ang mga netizen para hikayatin si AJ na mag-live sa kaniyang FB Account para patunayan na hindi totoo ang mga kumakalat na isyu hinggil sa kaniyang pagbubuntis.

Matatandaang kinumpirma ng Veteran entertainment writer na si Cristy Fermin sa kanyang YouTube Channel kung saan, sinabi niya na totoong nagdadalang tao ang aktres at naniniwala siya na mga lumang litrato ang inilalabas ni aj sa social media para pagtakpan ang tunay na kalagayan nito.

July 27, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Matteo Guidicelli

Ibinahagi ni Matteo Guidicelli ang cute na larawan nila ng kanyang asawang si Sarah Geronimo na todo awra sa harap ng isang painting.

 Ipinaabot ni Matteo ang isang matamis na birthday greeting sa caption ng kaniyang post sa Instagram.

 Sa naturang caption ay hiniling ni Matteo na masulit ni Sarah ang kanyang kaarawan at sinabi pa ng aktor na “proud husband” siya sa kanyang asawa.

July 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
RICA

Muling nakunan sa ikatlong pagkakataon ang aktres na si Rica Peralejo ilang araw bago ang pagdiriwang ng Father’s Day ng kaniyang asawa na si Joseph Bonifacio.

Sa video vlog ng aktres kaniyang inamin at ibinahagi ang kanilang naging karanasan matapos makunan kung saan, nakita umano sa kaniyang ultrasound na hindi nabuo ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Ayon kay Rica, hindi naging madali para sa kanila ang pangyayari dahil ilang beses umano niya itong hiniling sa panginoon na sana’y biyayaan muli sila ng isa pang anak.

Matatandaang bago ang pagkawala ng kanyang baby, pumanaw din ang nakatatandang kapatid ni Rica na isa rin sa kaniyang naging panalangin na makarekober sa sakit at gumaling.

July 26, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Pia Wurtzbach

Naghahanda na si former Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa kaniyang kauna-unahang marathon sa New York City.

Sa Instagram ng beauty queen, sinabi niya na lalahok siya sa nasabing marathon na magaganap sa loob ng tatlong buwan.

Inamin naman ni Wurtzbach na hindi talaga siya runner at hindi madalas mag-cardio exercise pero mataas ang tingin at respeto niya sa mga sumasali rito.

Humingi naman ng suporta ang beauty queen sa kaniyang mga fans.

July 25, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest